CHAPTER 33

Chapter 33: Happiness

“I HEARD na tito na naman daw ako?” Napa-facepalm na lang ako nang iyon agad ang lumabas sa bibig ni Seth. Kapapasok niya lang sa bahay ng kuya niya. Ayoko pang sabihin na bahay namin, dahil hindi ko pa naman napapatawad ang isang ito.

Asa siya na makukuha niya ako nang ganoon-ganoon lang. Dapat sa kaniya ay pinapahirapan, e.

“Ano po, Tito Seth? Tito ka naman po, ah,” sabat ng makulit naming si Florence. Itinaas nito agad ang matatambok niyang mga braso. Gustong magpabuhat sa tito nito.

“Hindi mo pa ba alam, hmm?” he asked her at hinalikan niya ang magkabila nitong pisngi. Gumanti rin ito sa kaniya at mahigpit na yumakap sa leeg niya.

“Ang alin po, Tito Seth?” inosenteng tanong pa ng bubwit.

“Na ate ka na raw at si Zai ay kuya na naman. Dalawang makukulit na bata na ang babantayan niya,” nakangiting tugon niya rito. Hindi agad na-gets ng bata, pero si Zaidyx ay kusang lumapit sa akin.

“May baby ka na naman po ba sa tummy mo, mommy?” nanlalaki ang mga matang tanong nito sabay hawak sa aking tiyan. Marahan kong hinila ang maliit niyang kamay at iuupo ko sana siya sa lap ko nang mabilis siyang dumistansya. “Huwag po, mommy! Baka po madaganan ko si baby! Masasaktan siya!”

“Baby?! Ano pong baby?!” gulat na sabat ng baby sister niya. Nagpababa ito kay Seth at nagtatakang lumapit sa amin.

“Florence, bakit ba sabat ka nang sabat, ha?” tanong ko sa kaniya. Kahit parang abala naman siya sa ibang bagay, ngunit nakikinig pala ito sa usapan namin.

“Mommy, paano pong naging ate na ako?” inosente nitong tanong. She’s a baby pa talaga at wala pa siyang kamuwang-muwang. Pero hindi mapagkakaila na mana rin sa siya sa daddy niya.

Kung wala lang siyang dimple ay hindi mag-iisip si Khai na anak niya ito. Tss.

“You didn’t get it do you?” her big brother asked her.

“Ano po ’yon, kuya?” baling niya rito.

Sinadyang ilapit ni Zaidyx ang bibig niya sa tainga ng kapatid. Ibubulong niya lang yata ang sagot niya.

“May baby na sa tummy ni mommy. It means may kapatid na naman tayo,” he whispered. Mabilis na binalingan ako nito at napatutop sa kaniyang bibig.

Napahalakhak si Seth sa naging reaction ng pamangkin niya. “Hala po! Paanong nagkaroon ng baby sa tummy mo, mommy?!” Napangiwi ako sa tanong niya.

“Iyong daddy mo ang naglagay, Florence,” sabat ni Seth na natatawa pa rin.

“Seth!” sigaw ni Khai. Iyon ang naabutan niya at nang lumapit sa kapatid ay pabiro niyang binatukan ito. “Ikaw talaga. Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo riyan. Doon ka na sa labas at tumulong. May ginagawa sila roon. Dalian mo na.”

Nagawa pa niya itong itulak nang marahan, bago niya kami tiningnan. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na sketching pad ni mommy sa pagde-design niya ng mga dress.

“Mommy, baby sister po ang gusto ko, ha?” Napabaling ako sa anak ko. Tuwang-tuwa siya nang malaman na may kapatid na naman siya. Salamat naman at hindi na siya nagtanong pa tungkol sa pagkakaroon ko nga ng baby sa tummy.

“I can’t promise you, baby,” naiiling na sabi ko. Hindi pa namin alam ang gender at ayokong ma-disappoint siya kapag hindi naging babae ang magiging kapatid nila ng kuya niya.

“Daddy? Gusto ko po ng baby sister.” Namula agad ang mga mata niya. Mas lalo akong napailing. Nagiging spoiled brat na naman siya.

“Let’s see, love,” sabi niya rito at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo. “Francine, pinapapili ka ni mommy ninang ng wedding dress na susuotin mo sa araw ng kasal natin.”

“Ano’ng wedding dress?” kunot-noong tanong ko sa kaniya at inagaw ang hawak niya. Lumalim lang ang gatla sa aking noo. Hindi naman ito ang klaseng wedding dress na isusuot mo sa civil wedding lang. Simple lang naman siya, but I don’t think so na kailangan pa ito.

“Ikakasal na po kayo, mommy?!” Hayan na naman siya, sumasabat.

“Yes, love.”

“Wow, daddy! Congratulations po!”

“Hindi ko na kailangan ’to. May puting dress naman ako sa closet ko. Okay na iyon, kaysa pumili pa nito.” Ibinalik ko na sa kaniya ang sketching pad ni mommy. Kinuha naman niya iyon at napatingin sa aking mukha. “What?”

“Gusto ng mommy mo na magsuot nito kahit gaano pa kasimple. Pumili ka na, Francine.”

Sumandal lang ako sa headrest ng sofa. “Ayoko. Tinatamad na akong buklatin ’yan,” inis na saad ko. Napabuntong-hiningang pa siya.

“Ako po, daddy. Ako na po ang pipili ng dress ni mommy!” pagpresenta ni Florence. Itinaas pa niya ang kanang kamay niya.

“All right, baby. Ikaw na ang bahala,” tugon niya at hinayaan na niya ang bubwit na pumili ng isusuot kong wedding dress. Seryoso ba sila?

Civil wedding lang naman ito. Hindi na kailangang paghandaan pa nang ganito. Naging busy na nga si Florence at nanghingi pa ng opinyon sa kuya niya.

“Bagay ’to kay mommy, ’no kuya?”

“I don’t think so.”

“How about this, kuya?”

“No, not that one. Hindi ’yan magugustuhan ni daddy—”

“Si mommy naman po ang magsusuot, kuya. Hindi si daddy.”

“Ayaw nga ni daddy kapag sexy riyan si mommy.”

Napaayos ako nang upo sa narinig na sinabi ni Zaidyx. “At bakit naman magagalit ang daddy mo kapag iyan ang isinuot ko, kuya?”

“Basta po ayaw ni daddy, mommy,” umiiling na sabi niya at ibinalik ang atensyon sa sketching pad.

“Bahala na si daddy, kuya!” sabat ni Florence na mukhang nakapili na nga siya.

***

TULOG lang ako buong araw. Ginigising lang nila ako kapag oras na ng pagkain. But sometimes ay hindi talaga ako bumabangon. Ngayon lang ulit sumama ang pakiramdam ko, and tinatamad talaga ako.

Nasasampal ko na nga si Khai, dahil ang ingay-ingay niya. Kung hindi lang siguro ako nasusuka ay hindi pa ako babangon, saka lang ako lumabas ng silid. Wala sa loob ng bahay ang dalawang bata.

Napansin ko na abala pa rin sila sa labas. Dahil curious ako ay nilapitan ko sila. Si Seth ang kinulbit ko.

“Ano ba ang ginagawa ninyo? Parang kanina pa kayo abala rito?” nagtatakang tanong ko.

“Ah, naghahanda kami para sa kasal ninyo, ate.”

“Naghahanda?”

“Bukas aalis tayo. Sabay-sabay tayong pupunta sa San Francisco. Doon gaganapin ang kasal ninyo ni kuya. Sa hacienda na pinamana ng lola ni mommy,” paliwanag niya na ikinabigla ko.

Of course alam ko ang place na iyon. But matagal na ang huli naming pagbabakasyon doon.

“Ano’ng gaganapin doon ang kasal namin? Hindi ba civil wedding lang ito? Ikakasal lang kami sa harapan ng judge na may witness!” sigaw ko at mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang balikat upang pakalmahin sa biglaan kong pag-burst out.

“Relax, ate. Huwag kang sumigaw. Baka mapaano pa kayo ng pamangkin ko, e. Nasaan na ba iyong si kuya at hindi pa niya sinasabi ang plano nila nina mommy?”

“Ano na naman ang plano niya?!”

“Hon! Bakit ka naman sumisigaw?” tanong ni mommy. “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?”

Hinaplos ng aking ina ang pisngi ko. “Akala ko po ba ay civil wedding lang, mommy? Bakit ganito na kayo kung maghanda?” tanong ko sa kaniya. Nasa likuran na rin niya si mommy ninang.

“Oo, civil wedding lang talaga, anak. Pero gusto pa rin naming paghandaan ito. Lalo na unang kasal ninyo ito ni Khai. Sabihin na natin na puwede pa kayong ikasal ulit kapag okay na talaga kayo, but intindihin mo na lang kami. Parehong panganay na anak namin ni J ang ikakasal. Gusto naming maging memorable ang first wedding ninyo at hindi namin iisipin na civil lang,” paliwanag niya para mas maintindihan ko nang hindi na ako nagtataka pa sa mga nangyayari. “Anak.”

“Nasaan po ba si Alkhairro at gusto ko siyang makausap?” I asked her.

“Hon.”

“Mom, hindi naman po ako galit sa inyo. Naiinis lang talaga ako sa lalaking iyon na hindi man lang nagsasabi sa akin ng mga plano niya,” mariin na saad ko. Nahagip ng aking paningin si Khai na kalalabas lang mula sa bahay nila. May dala-dala siyang karton. Tinalikuran ko sina mommy.

“Francine,” sabay na tawag nila at tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko patungo sa side ni Alkhairro.

Nagulat pa siya nang humarang ako sa kaniyang harapan. “Gising ka na pala, Francine. Gutom ka ba? May itinabi akong La Mien kanina.” Ang tinutukoy niya ay ang pancit na may sabaw ang kinain ko sa breakfast.

Bigla ay parang nanubig ang aking mga bagang, pero gusto ko na muna siyang komprontahin.

“Bakit sa hacienda ninyo gaganapin ang civil wedding natin? At bakit pinaghahandaan ninyo ang lahat ng ito? Kahit ngayon nga ay puwede na tayong pumirma ng marriage contract natin. So, why?”

“Ah, iyon ba? Iyon naman talaga ang plano ko, but our parents. Sila ang may gusto no’n. Alam mo naman pagdating sa kanila ay hindi ako tumatanggi, Francine.”

“We don’t need that kind of wedding. Marriage contract lang para mapatunayan na kasal tayong dalawa at maiwasan ang sasabihin ng ibang tao. It’s not like we’re getting married because we love each other!” sigaw ko at nagtaas-baba ang aking dibdib.

His face hardened, as if my statement annoyed him. With eyes tightly shut, he took a deep breath. “I love you, Francine. Let’s just admit you stopped loving me because of what I did, but I’ll do anything to regain your love. Sinasabi mo lang ’yan, dahil hindi mo pa ako napapatawad.”

“I forgive you, Khai, but I still remember the pain you caused me. Your actions made me feel stupíd and taken advantage of. You know I love you, but back then ang gusto mo noon ay maging ina lang ako ng anak mo.” Kusang tumulo ang tears ko, ganito nga ang mga buntis. Emotional, kahit ayoko nang alalahanin pa ang nakaraan, but the wounds of the past still haunt me.

He moved closer, wrapping his arms around me. I felt a surge of irritation, but the warmth of his embrace calmed me down. “Shh. Okay lang.”

“I’m mad at you, yet you can still calm me down. What are you doing to me?” I asked in confused. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking sentido at maging ang mabilis na pintig ng puso ko ay kumalma na rin.

“Because may puwang pa ako riyan sa puso mo. Hayaan na natin sina mommy, okay? Pahbjgya na lang natin sila,” sabi pa niya at inakay niya ako sa kabilang bahay. “Kaligayahan nila ang makita na ikakasal tayo.” I rolled my eyes.

Bahagya ko siyang tinulak para hindi magdikit ang aming katawan. Hindi naman siya kumilos pa at hinayaan na lang niya ako.

“Sige, palalampasin ko ito. Pero tandaan mo na pumayag lang ako dahil kina mommy,” sabi ko at dinuro ko pa siya. Ngumiti lang ang hudyo at hinawakan ako sa aking siko.

“Invited ang mga kaibigan mo, baby.”

“Hindi na ’yon civil wedding.”

“Yeah, pero gusto ko pa ring ikasal tayo ulit. Na wala na ang galit mo sa dibdib, na mahal mo na ulit ako at hindi ka na napipilitan pa. Na hindi ka naiipit sa sitwasyon natin. If that happened, I would be the happiest person on earth.”

“Ayos lang mangarap. Libre naman,” pang-aasar ko sa kaniya. Tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.

“But baby, ikaw ang tutupad sa mga pangarap ko. Ako lang ang gagawa ng paraan at ikaw ang magbibigay no’n sa akin.”

“Neknek mo,” pairap na sabi ko at nauna nang naglakad sa kaniya.

“Francine, madadapa ka niyan kapag ganyan ka kung maglakad,” komento niya at hindi ko siya pinansin. Kaya noong muntik na nga akong madapa ay napatili ako. Natatawang niyakap niya ako sa baywang. “Sabi ko na nga ba, e.”

“Nasaan na ba sina Zaidyx at Florence?”

“Lagi mo silang hinahanap. Ako ba na minsan ay hindi mo hinahanap?”

“Asa ka naman.”

“As usual, ganyan ka sa akin.”

“Nasaan na ba ang La Mien na tinutukoy mo? Gutom na ako,” pag-iiba ko na lang ng topic.

“Nasa bahay natin,” sagot niya.

Parang kami lang ang taong naroroon, na kahit napapatingin na sa gawi namin sina mommy at daddy ay wala pa rin kaming pakialam. Ay ewan ko ba, kung ano na ang nangyayari sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top