CHAPTER 32
Chapter 32: First night
KHAI’S POV
BASTA kung gusto mo ay marami namang paraan para makuha mo ang bagay na iyon. Sa akin naman ay hindi lang isang bagay ang gusto kong makuha. Dahil nakasalalay rito ang sarili kong kasiyahan.
I didn’t expected na sa edad kong 30 years old ay magkakaroon pa pala ako ng pangarap. Iyon ay ang mabawi ko ang pamilya ko at makasama sila habang nabubuhay pa ako sa mundong ito.
Ngayon ay natupad ang pangarap ko. Worth it ang lahat ng pinaghirapan ko noon at hanggang ngayon.
“Daddy, gising ka pa?” Nilingon ko si Zaidyx. Pupungas-pungas na umupo ito sa kama. Habang malalim ang iniisip ko ay pinagmamasdan ko rin ang pagtulog nilang tatlo.
Kahihiga nga lang ni Francine, pero ang himbing agad ng tulog niya. Binigla ko rin naman siya sa desisyon ko na iuwi agad sila sa bahay na matagal ko nang ipinatayo. Dapat pagkatapos ng MBA ko ay uuwi agad ako sa Pilipinas at saka ko siya aalukin ng kasal. Pero naisip ko na masyado pang maaga para mangyari iyon.
Tama naman si dad, nabigyan ko na noon nang mabigat na responsibilidad si Francine. Ang mabuntis siya na wala sa plano niya at hindi pa nga siya nakatunton sa kolehiyo.
I can see how determined she is. She’s choosing to focus on her education instead of listening to rumors that she got pregnant too early.
And I have no right to hinder her dream of finishing her studies. She’s incredibly smart having graduated with Latin honors, so it’s no surprise that she topped their board exams, and I am so proud of her.
Siguro natakot siya noong una, ayaw maniwala na buntis siya. Pero ang bilis din naman nagbago ang isip niya at tinanggap pa rin niya ang anak namin. Ngayon ay nakikita ko kung paano niya mahalin at alagaan ang mga anak namin.
“Luh! Si daddy ko po ay nakangiti na lang.” I let out a short laugh. Pinahiga ko ulit siya sa kama at nilagyan ng unan sa kaliwang bahagi ng kama.
“Tulog ka na lang ulit, anak.” Inayos ko ang kumot sa kanila.
“We’re already home, daddy. Thank you po,” he uttered.
“Yeah, welcome home then?” Tumango lang siya saka pumikit.
Habang pabalik-balik ang tingin ko sa kanila ay hindi ko mapigilan ang mapaluha. Heto na iyon, heto na ang pagkakataon ko para bumawi sa kanila at hinding-hindi ko ito sasayangin. Nasa akin na, ngayon ko pa ba sila pakakawalan?
“Hindi ka pa ba inaantok? Para kang baliw riyan, ngingiti pero iiyak,” narinig kong sabi ni Francine. Akala ko ay tulog na tulog na. Ngunit nagising ko pa yata siya.
“Puwede ba akong matulog sa tabi mo, baby?”
“May extra room ka naman siguro. Kaya matulog ka na lang doon sa labas.”
“But I want here. Nandito kayo sa kuwarto natin, ito ang unang gabi natin sa bahay,” sabi ko. Sinamaan niya lang ako nang tingin. Kahit namumungay na nga ang mga mata niya. But this time ay hindi na ako matatakot na magalit siya sa akin.
Humiga pa rin ako sa tabi niya, sa may likuran niya. Malaki pa naman ang space niya rito.
“Alkhairro,” mariin na sambit niya sa pangalan ko. Niyakap ko lang siya sa baywang at sumiksik ako sa batok niya.
“Let me sleep here, baby. I’m tired,” I uttered. Totoong napagod ako ngayong araw. Nag-grocery ako kanina. Ako pa ang nag-ayos no’n sa ref namin. Tumulong din naman ako sa paglilinis kanina, and I deserve to sleep beside my family, right?
“Ewan ko sa ’yong stupíd ka.” Ikinangiti ko iyon. Parang nagiging palayaw ko na ang pagtawag niya sa akin ng stupíd, and I don’t mind kung ano pa ang itawag niya sa akin.
“Good night, baby. I love you.” Hindi nagtagal ay nakatulog din ako at iyon ang kauna-unahang tulog ko na payapa na ang puso’t isip ko.
FRANCINE’S POV
Nauna kaming nagising ng mga bata at si Khai ay tulog na tulog pa. Hinayaan ko na ang hudyo na halatang pagod na pagod. Ano naman kaya ang ginawa niya kagabi para mapagod siya nang husto?
Magluluto pa lang sana ako ng breakfast nang makita ko na magkasama sa malaking kitchen ang dalawang mommy ko. Sila na raw ang maghahanda para sabay-sabay na kami.
“Wala kang morning sickness ngayon, hon?” tanong ni mommy na inilingan ko lang.
“Bago ’to, mommy. Nang mapansin ko na may kakaiba na naman sa katawan ko ay madalas naman po akong nasusuka,” paliwanag ko sa kaniya. Napatango-tango siya at napangiti uli.
“That’s good to hear, hon. Hindi ka masyadong pinapahirapan ng baby mo.” Napabaling ako kay mommy ninang na nakangiti lang din.
Malaki nga ang house naman, ang ganda rin ng furniture nito. Ang light tingnan at talagang bet ko. Hindi lang masyadong na-organize ang mga gamit at may iba pa na kailangang ayusin.
“Kaninong house po ito, mommy ninang?” I asked her. Even though sinabi na ni Khai kagabi.
I just need some clarification. I remember this house being built two years ago. I actually complained about it back then because it’s too close to our place.
“He had this house built for your family, Francine. Even before he left the country, my son already had plans for you. He just wasn’t given the chance,” she told me.
“What other excuse could he possibly come up with for that, mom?” I asked her and I am so confused.
“You can ask him for that. I’m not in the right place to explain, sweetie. Your mom and I are here to guide and support you in your life choices,” nakangiting sambit niya at binigyan na lang ng pansin ang niluluto niya.
“May gusto ka bang kainin, hon?” tanong naman ni mommy at lumapit siya sa akin. Napanguso ako nang yumakap siya sa baywang ko, hinimas-himas pa niya ang tummy ko. Para naman akong isang maliit na pusa na bahagyang sumandal sa kaniya. “18 years old ka noong unang mabuntis and a year later kay Florence naman. This time ay 23. Baka next year ay mayroon na naman?”
Nag-init ang pisngi ko sa narinig at mabilis akong umiling. “Last na ’to, mommy. Asa naman siya kung pagbibigyan ko pa ulit siya!” hysterical na sigaw ko at natawa lang sila pareho. Ang hirap kayang magbuntis! Wala rin naman sa plano ko ito. May contraceptive pills ako, ngunit pinalitan niya yata ang gamot ko.
But wala naman akong regrets na nabuntis na naman ako ngayon. Blessings ng mga baby, and I love my unborn child na agad.
“Sus, hindi pa nga okay ang relationship ninyo ni Khai ay may third baby na kayo at sa tingin ko, kapag naging mas maayos kayo ay baka nga every year ay buntis ka, Francine.”
“Mommy, stop teasing me!” sigaw ko. Dumistansya na rin ako sa kan’ya. Lagi niya akong tinutukso. Parang hindi niya ako, anak ha.
Hindi ako titigilan ng mommy ko kung hindi lang pumasok sa kitchen ang mga anak ko. May hawak na baby bottle si Florence, may laman na gatas iyon.
“Lola mommies, luto na po ba ang breakfast natin? Hungry na po si Florence,” sabi nito at talagang nagpa-cute pa siya sa dalawa niyang lola.
“Yes, sweetie. Maghahain na lang kami. Paki-wait na lang po.“ Si mommy ninang ang sumagot at nilapitan ang apo niya.
I looked at my son. “Kuya?” tawag ko sa kaniya na ikinalingon niya agad. Cookies naman ang kinakain niya. Ang gulo-gulo pa ng hair niya.
“Bakit po, mommy?”
“Hindi pa ba lumalabas ng kuwarto ang daddy mo?”
“Hindi pa po, mommy. Tulog pa po yata si daddy, e,” sagot niya na sinabayan pa niya nang pag-iling.
“Why po hanap mo ang daddy ko, mommy? ’Di ba po always mo siyang binu-bully?” sabat ni Florence at napataas ang kilay ko.
“Binu-bully?” I asked her. Tumalikod lang siya sa ’kin at hindi na ulit nagsalita pa.
“Bakit mo naman kasi hinahanap ang daddy niya, anak?” Si mommy.
“May iuutos ako sa kaniya, mom,” sagot ko lang at lumabas ng kusina. Muli akong bumalik sa master’s bedroom at nandoon pa rin siya sa bed. Natutulog pa rin ang hudyo.
I glanced around the entire room. My eyebrows even rose because there are pictures of us on display. Nandito rin ang kinuha niyang picture namin. Tsk.
Before entering the bedroom, you’ll see two more doors, these two doors are side by side. Since this room is at the end of the house, the bathroom and possibly a walk-in closet are located in that area.
Ginising ko na siya, dahil uutusan ko nga siya na magluto ng may sabaw. Iyon ang gusto kong kainin ngayong umaga.
“Hmm.” Umungol lang ang lalaking ito kahit ilang beses ko siyang niyugyog sa balikat niya. Nakadapa lang siya sa kama at hanggang baywang na lang niya ang kumot.
Sa inis ko na hindi siya magising-gising ay mariin kong pinisil ang ilong niya. Nang sa ganoon ay hindi na siya makahinga pa.
Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at sinigawan siya. “Bumangon ka na nga riyan!” By that ay mabilis na siyang napaupo sa bed.
“Sorry, baby. Napagod ako kahapon,” sabi niya na pang-bedroom pa talaga ang boses. Kagigising pa kaya ganyan na siya. “Are you okay? Nahihilo ka ba o nasusuka? Tara, samahan kita sa banyo.”
Nagpumiglas ako nang hinawakan niya ang aking siko. “Gusto kong kumain ng pancit,” sabi ko na agad niyang tinanguan at bumaba sa kama.
“Okay, ipagluluto kita ng pancit. Anything else, baby?”
“Pancit na may sabaw ang gusto ko. Tapos maanghang,” I added.
“Pancit na may sabaw? Tapos maanghang?” Tila nag-iisip pa siya kung paano iluto iyon. Madali lang naman, pero iyon talaga ang gusto kong kainin.
I stood up from the bed and stepped towards the door. Mabilis siyang nakasunod sa akin at parang normal na lang sa kaniya ang ilagay ang kamay niya sa baywang ko. Sa paraan na hindi ako maiinis sa sobrang lapit niya.
“Ipaalala ko lang sa ’yo na hindi pa kita pinapatawad sa ginawa mo. Lalo na sa pagdala mo rito sa amin.”
“I know, I know, baby,” tumatangong sabi niya. Binati niya ang mommy namin nang makapasok kami sa kusina at siya ang pumalit sa mommy niya para magluto sa pagkain na gusto ko ngang kainin.
“I asked her kanina, Khai. Kung may gusto ba siyang kainin, pero sabi niya ay wala naman. Tapos gigisingin ka lang pala niya para magluto ng pancit na may sabaw?” Si mommy na napapailing na lang.
“Hayaan mo na, Z. Responsibilidad na ’yan ng anak ko. Mag-ina naman niya ang pakakainin niya,” sabat naman ni mommy ninang at nagawa pang kumindat sa akin.
“Alam po ba ng mga asawa ninyo na nandito kayo, mga mommy?” tanong ko. Narinig ko ang pagsinghap ng aking ina. Hindi makapaniwala sa pangungusap na lumabas sa aking bibig.
“Anak, parang friends mo lang kami, ah.”
“Yeah.” Natatawa na naman sila.
“Doon na tayo sa dining room, mga apo. Iwan na natin dito ang mommy at daddy ninyo. Mauna na tayong kumain ng breakfast, dahil hindi pa luto ang food na gusto ng mommy ninyo.” Inaya na nga ni mommy ninang ang dalawang bata.
Umupo ako sa highchair at kumuha ng cookies. “Ang luto lang ni Khai ang gusto mong kainin, hon?” I nodded. “At saka alam ng daddy ninyo na nandito kami. Hindi nga lang kami nagluto ng breakfast nila. Bahala na sila.”
“You’re so mean, mommy,” nakasimangot na saad ko at ininguso pa niya si Khai. Na pasulyap-sulyap sa amin.
“You are lucky to have him then, anak.”
“Lucky my ass, mom,” I blurted out and she just laugh saka siya lumabas ng kusina. Binigyan naman ako ni Khai ng tubig at kinuha ko naman iyon.
“Puwede kang um-absent sa trabaho mo, right?”
“Why?” tanong ko.
“Pag-uusapan lang natin ang tungkol sa kasal.”
“Ayokong magpakasal sa ’yo,” kunot-noong pagtanggi ko.
“Civil wedding lang sa ngayon, Francine. Alam ko naman na kailangan ko pang makuha ulit ang tiwala mo. Take your time na patawarin ako sa mga ginawa ko noon sa inyo ng anak natin,” he said at ako tuloy ang napapaisip.
Civil wedding? Well, tama naman siya na hindi magandang image na doctor ka, dalawa na ang anak tapos hindi ka pala kasal o wala kang asawa?
Oo nga sa ngayon ay wala pang nakaaalam tungkol doon. Dahil nasa tabi ko palagi si Calizar. May tumatayong ama sa mga anak ko.
Ayoko rin namang masira ang reputation ko, pangalan din ni daddy ang madadawit.
I sighed. “Fine. Just a civil wedding.” Napangiti siya sa sinagot ko at halatang masaya, hindi pa nahusto ang tukmol. Lumapit pa sa ’kin at hinalikan ako sa pisngi. Tss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top