CHAPTER 31

Chapter 31: Revelation

“FORGET your fake husband, and marry me instead. Since, may baby number 3 na naman tayo.” Paulit-ulit lang nagre-replay sa utak ko ang mga katagang lumabas sa kaniyang bibig.

Sinamaan ko lang siya nang tingin. Bakit ang yabang-yabang niya ngayon? Parang nanalo lang siya sa isang pustahan, ah. Akala mo naman ay may label ang relationship namin. Porket hinahayaan ko siyang tumabi sa akin sa kama.

Sa mga bata lang siya may karapatan na makialam at hindi sa ’kin. Super yabang na talaga niya.

“Ang kapal ng face mo, ha? Hindi porket may mga anak ka sa akin ay magpapakasal na ako sa iyo. At saka ano’ng ginawa mo sa contraceptive pills ko? Don’t tell me pinalitan mo iyon ng iba?!” He didn’t answer my question, instead ngumisi lang siya. By that alam kong siya ang may kagagawan no’n.

“Marami akong paraan, Francine, and I don’t think so na kaya kitang i-give up na lang nang ganoon-ganoon. Hindi lang sina Florence at Zaidyx ang gusto kong makasama. Pati ang mommy nila. So, let’s get married okay?”

Napatayo ako at higit akong nagalit. Magpapakasal ako sa kaniya? No way in hèll!

“Asa ka and in your dreams!” mariin na saad ko. I was about to leave sana nang hilahin niya ako paupo at bumagsak nga ako sa kandungan niya.

Hinampas ko siya sa dibdib nang paulit-ulit, ngunit wala naman siyang naging reaction.

“That’s it. Hurt me, I can endure it for you just stay beside me, baby mommy,” nakangising sabi niya at napasigaw na lang ako sa inis. Until I saw his mother.

“Mommy minang!” tawag ko sa maganda kong ninang. Ngumiti siya nang makita ako, kahit ang awkward ng posisyon namin ngayon ng anak niya.

Kinurot ko ang tagiliran ni Khai para pakawalan na niya ako. Nang lumuwang ang yakap niya ay umalis agad ako sa lap niya. Dumiretso ako kay mommy ninang.

“May alam na ba si Khai, hija?” bulong nito sa akin. Nakagat ko ang lower lip ko. He mentioned the fake husband kanina, and I think may nalalaman na nga siya. Hindi ko pa lang naco-confirm.

“M-Maybe po. Mommy, kaninong house ’to? Bakit po ang apo niyong si Zaidyx ay parang sanay na sanay na siyang pumasok dito?” naguguluhan kong tanong. Hindi man lang nagdalawang isip ang anak ko na pumasok dito, kahit hindi niya alam kung sino ang may-ari nito.

Kilala ko naman ang panganay ko. Never siyang pumapasok sa ibang bahay nang walang permission ng owner o kahit mayroon pa ay hindi niya iyon gagawin.

“Well, madalas nga rito si Zai, anak. Sumasama siya sa amin ng mommy mo. Naglilinis kami rito,” sagot niya, na hindi pa rin sapat upang masagot ang namumuong tanong sa aking isip.

“Pero kanino po ba talaga ito?”

“Pinatayo ito ni Khai two years ago, Francine. Dito niya balak ibahay ang mag-iina niya. Ito ang pinili niyang lugar na tirahan ninyo para lang hindi kayo mapalayo sa amin. He’s been planning this for a long time.”

“Care to share your pretty minds, mom, baby?” I rolled my eyes.

His mother let out a short laugh. “Son, biglaan naman yata ang pag-uwi ninyo rito sa bahay niyo, ah.”

“Nalaman ko po na hindi naman pala kasal ang ina ng mga anak ko, mommy. At alam ko po na ito rin ang plano ninyo ni mommy ninang. Gusto ninyo yata na mamatay ako sa selos,” sabi niya. Hindi malamig ang tono ng boses o hindi siya naninisi. Mas halata ang pagtatampo. Parang bata.

“Oh sorry for that, my son. Kung may dapat mang sisihin dito ay ang daddy mo,” ani mommy ninang. Kumunot ang noo ko. Bakit sisisihin nila si Daddy Ry?

Totoong may alam naman talaga rito ang dalawa kong mommy. Alam nila na walang kasal ang naganap. Kahit civil wedding ay wala. Agreement lang namin ni Calizar at pagpapanggap na mag-asawa kami.

Noon ang dahilan ko ay ang pagbubuntis ko kay Florence at si Cali naman ay ang sarili niyang ama. Aminado ako na hindi naman talaga straight noon ang lalaking iyon. Gusto niya lang may ipakilala siya na girlfriend niya. Napaniwala lang naman ang daddy niya ay nang malaman nito na buntis ako.

“What about me, wife?” Pareho kaming napatingin sa front door nang marinig namin ang boses ni Daddy Ry.  Casual na lang ang suot niya ngayon. Nasa likuran niya ang parents ko na malapad ang ngiti.

Napapitlag ako nang hilahin ako ni Khai at maingat na pinaupo sa sofa. Malaki nga ang bahay na ito at hanggang ngayon ay parang ayokong maniwala na para ito sa amin. Psh.

Sumunod ding umupo sa magkabilang sofa ang mga magulang namin. Sina Zai at Florence ay baka nasa kuwarto na. Na muling natulog.

Tinanggal ko ang braso niyang nasa baywang ko, pero masyado siyang makulit at ibinalik niya lang iyon.

“Hey, hey ano ’to?” tanong bigla ng aking ina at nanlaki ang mga mata ko nang kinuha niya sa center table ang pregnancy test. “Oh! This—” Mariin na lamang ako napapikit nang tumawa nang malakas ang mommy ko. “Babe, tingnan mo.”

Ibinigay pa nga niya kay daddy. Nagsalubong pa ang kilay nito saka siya napailing at ibinigay kay Daddy Ry. Kinabahan ako nang makita ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Na para bang may idea na siya o in-expect na niya ang mangyayari.

“Look, Jessel. When it’s like this, a person really has no escape,” he said with a smirk. Minsan ko lang marinig si Daddy Ry na tinatawag sa pangalan ang ninang ko.

“Baka nga idea ninyo ito ni Storm, Rykiel,” mariin lang na saad ni mommy ninang saka niya kinuha ang maliit na thing na iyon. Napangiti siya at tiningnan niya kami.

“I realized something, J. Marupok pa rin hanggang ngayon ang baby girl ko.” Si mommy. Ramdam ko tuloy ang init sa aking magkabilang pisngi.

“Perhaps my son is taking advantage of Francine. That’s just how some men are, Z.”

“Whatever it is, mommy, I want to marry Francine. Even just a civil wedding,” sabi lang ni Khai kaya siniko ko siya.

I looked at him. “I told you na hindi ako magpapakasal sa iyo, Alkhairro.”

“And why not? Ayoko ng live in lang, Francine. You’re a doctor at hindi ako makakapayag na masira ang reputasyon mo kung malalaman ito ng iba,” he reasoned out. Parang may humaplos naman na malambot na kamay sa dibdib ko.

“Hon, hindi na kayo mga bata. Malaki na kayo, may sarili na kayong desisyon at magiging tatlo na nga ang anak ninyo. Ngayon pa ba kayo magtatalo tungkol sa pagpapakasal? Sa simula pa lang ay ito na ang plano namin. Pero hindi namin kayo pinangunahan.” Natahimik ako bigla sa sinabi ni mommy. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganyan kaseryoso.

Most of the time naman ay makikita mong carefree din masyado si mommy at si daddy lang ang madalas na seryoso lalo na kapag nagiging komplikado na ang sitwasyon.

“Tama rin si Khai, anak. Hindi pa rin naman magandang idea iyong nagsasama kayo kahit na may mga anak na kayo. You need to get married as soon as possible, bago pa man kayo pagpiyestahan ng mga media,” ani daddy at nagbigay na nga rin siya ng opinyon. Sang-ayon sa kagustuhan ng lalaking katabi ko ngayon.

“Dad, hindi naman po kami artista or something. Bakit po kami pagpiyestahan ng mga media?” nakasimangot kong tanong. Hindi ko nakikita ang dahilan na iyon, para pumayag na akong magpakasal.

Siguro kung dati ay ganito lang, na inalok na ako ni Khai ng kasal ay baka papayag na ako. But nope, iba na ang situation ngayon.

“Hindi mo ba naalala, honey? Ang mommy ninang mo, sumikat siya dati dahil sa third party.”

“Eh, ’di ba third party rin po ang nangyari sa amin before, mommy? Hindi naman po kami naging sikat, ah,” balik na usal ko. Napanguso si mommy at tumingin kay dad.

“Uhm, that’s... Accident?” I shook my head at tiningnan ko si Khai. Nagbaba rin siya nang tingin sa akin.

“Ako lang po ang lasing noon. Hindi siya. Nasa katinuan po siya, pero ginawa pa rin niya,” mariin na saad ko. Ngumisi lang ang stupíd at ang isa niyang kamay ay nasa kanang hita ko na.

“Nagsisisi ka ba sa nangyari noon, anak?” Si mommy ninang naman ang nagtanong.

“Of course not, mommy ninang! Mahal ko po ang baby boy ko,” mabilis na sabi ko. Dahil kung pagsisisihan ko ang nangyaring iyon ay parang pinagsisihan ko na rin na dumating sa buhay ko si Zaidyx.

“Then settled it, hija. Tama na sina Zai at Florence ang naging witness na hindi maganda ang relationship ng parents nila. May baby na naman kayo,” sabi pa ng ninang ko at ako lang ang nahuhulog sa malalim na pag-iisip.

“Bukas na lang natin pag-usapan ito. Ipagpahinga mo na muna ang asawa mo, Khai.” Parang nagpanting ang tainga ko sa narinig na sinabi mula sa aking ama.

“Dad! For Pete’s sake, hindi ko po siya asawa!” hysterical na sigaw ko. Natawa lang sila sa pagsigaw ko at isa-isa nang tumayo.

Lumapit nga lang sa akin ang dalawa kong mommy para yakapin ako. “Congrats, hon. Akalain mo na fair na tayo? May tatlo ng baby.”

“Mom.” Nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi ko.

“Baka nga lamangan pa nila tayo, Z. Well, that’s okay. Kung marami ay mas masaya,” ani naman ni ninang.

“It’s like déjà vu. Ang pinagkaibahan lang ay alam na natin na endgame pa rin sila. This is your own destiny. Huwag nang mag-away okay? Ayusin ninyo ang pamilya niyo,” paalala ng aking ina bago nila kami iniwan dito.

“Come, magpahinga ka na sa kuwarto natin.” Nang hinawakan niya ang aking siko ay umiwas ako.

“Ano’ng kuwarto natin? Matutulog ako katabi ng mga anak ko at saka hindi ka na nahiyang humarap ng nakaganyan sa parents ko, ha!” Tinulak ko siya sa dibdib at umakyat na ako. Lima lang ang step ng hagdanan, parang iyong condo lang namin.

Nakasunod naman siya sa likod ko habang binubuksan ko isa-isa ang pinto. I think five iyon at nasa dulo ang isa.

Ito lang ang nakabukas na ilaw, kaya pumasok ako sa loob. Ito na yata ang master’s bedroom.

“Eh, dito talaga sila dinala. Dapat nasa kuwarto nila.” I glared at him nang sabihin niya iyon.

Sumampa na ako sa kama at tumabi nang higa kay Florence. Nasa tabi naman niya ang kuya niya.

Inayos ko ang aming kumot at ramdam ko pa rin ang panonood sa akin ni Khai.

“What now?” I asked him. He just sook his head and smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top