KABANATA 3

KABANATA 3

Sabado ngayon pero tambak ang assignments ko para sa araw ng Lunes. Dahil 'di ako makapagfocus gumawa sa bahay, mas pinili kong pumunta sa bench na malapit sa bukid at doon magsulat.

Maganda kasi ang view at higit sa lahat, nakaka-inspire. Ditto ko nahahanap ang peace of mind na kailangan ko lalo na ngayon na gusto kong mapag-isa at makapag-isip-isip. Dito rin kami lagi tumatambay ni Magda noong pumapasok pa siya sa school. Nagkokopyahan at nagtutulungan sa paggawa ng assignments.

Napabuntong-hininga ako dahil sa mga ala-alang bumalik sa isipan ko.

"Ernesto!" naibaba kong di oras ang hawak kong libro nang tumambad sa aking harapan ang nakangising mukha ni Magda habang bitbit ang bilaong wala nang laman. Tingin ko kakaubos lang ng mga paninda n'ya. Umupo siya sa katapat kong upuan.

"Kumusta ka na?" nagsalita ulit siya nang mapansing hindi ako umiimik.

"Ayos lang." tipid kong sagot. Sa totoo lang ay gusto ko na ring humingi ng sorry dahil sa nangyari. Nahihiya lang ako kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagbabasa para 'di ko mapansing nasa harapan ko siya.

"Pasensya nga pala. Alam kong nagkasamaan tayo ng loob." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong sumilay ang malungkot niyang ngiti sa kanyang labi. Hindi pa rin ako ummik. Wala akong mahanap na salitang pwedeng isagot.

Habang nagbabasa ay napansin kong umayos siya ng pagkakaupo. Ipinatong niya ang kamay sa mesa saka nakapangalumbabang tumingin sa akin. Nakakailang siyang tumitig kaya mga ilang minute pa ang lumipas ay napatingin na rin ako sa kanya.

"Baki?" walang emosyon kong tanong. Alam kong nanibago siya sa inasal ko. Bumuntong-hininga muna siya at napatingin sa malayo.

Umihip ang malakas na hangin na s'yang nakapagpalipad sa mahaba niyang buhok. Mas lalo siyang gumanda sa paningin ko.

"Sayang mag-aral, no?" nakaramdam ako ng pagkaawa dahil sa sinabi niya.

"Mag-aral ka ulit. May pangarap ka naman di'ba?" ibinaba ko ang hawak kong libro para mas makausap siya.

"Meron. Baling araw, makakaalis ako sa lugar na'to. Gusto kong pumunta ng Maynila, Ernesto." Determinado niyang sagot. Bakas sa mga mata niya ang matinding pagnanasa na makaahon sa buhay na mayroon siya ngayon. Ngunit paano siya makakaahon sa hirap, gayong hindi naman siya nag-aaral?

Kahit alam kong walang kasiguraduhan ang magiging buhay niya roon pagdating ng panahon, wala naman akong karapatang tumutol. Isa iyon sa pangarap niya at pangarap ko rin. Sa tulad naming laking probinsya, iyon na siguro ang pinakamataas naming pangarap, lalong-lalo na para kay Magda.

Nagkyaayos rin kami ng araw na iyon. Bumalik kami sa dati, na minsan nagkakayayaan gumala, pero madalas abala kami pareho sa kanya-kanya naming buhay. Hanggang sa pagdaan ng mga araw, mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. At hindi ko iyon kayang aminin. Dumating na sa puntong pati pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing kasama ko siya ay mas lumala pa. Nagpapasalamat na lang ako at hindi niya iyon nararamdaman.

Dito naman kasi ako magaling, eh. Ang magtago ng nararamdaman para sa isang tao.

"Congrats, mga tsong! Sa wakas makakagraduate na tayo!"

"Oo nga! Di ako makapaniwala! Saan nga pala kayo mag-aaral ng kolehiyo?"

"Ewan, baka sa Manila na. Ikaw Ernesto?"

Napatigil ako habang hawak ko ang certificate ko dahil bigla kong naalala si Magda. Napaisip agad ako. Kung sana nagpatuloy rin si Magda ng pag-aaral, sabay sana kaming gagraduate. Pero hindi, at iyon ang nakakalungkot.

Pasipol-sipol pa akong naglakad pauwi para sabihin ang magandang balita. Na nakapasa ako buong sem at makakagraduate na rin sa wakas. Pero kusa na lang napatigil ang mga paa ko sa aking nakita. Nangalit ang bagang ko at naikuyom ko ang mga kamao ko.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Magda kasama ang mga nag-iinumang tambay sa kanto. Hindi ko man agad s'ya nakilala dahil madilim, alam kong siya ang babaeng nakaupo sa mga hita ng isang tambay. Waring nagkakakantyawan pa at pinapasayaw pa siya.

"Dali na, babe. Tumayo ka na at sayawan m kami."

"Sasayaw na 'yan!"

Halos masuka ako sa mga tawag at pambabastos sa kanya. Lalo na nang sundin niya ang mga kantyaw nito at agad tumayo para sumayaw. Hindi na ako nakapagpigil pa at nakisabat na rin dahil kanina pa ako nagtitimpi.

"Excuse me, mga tol. Gabi na, uuwi na s'ya." Lahat ay nagulat sa biglaan kong pagdating. Nanlalaki ang matang napatingin sa akin si Magda. Binigyan ko siya ng huwag-ka-nang-magsalita na tingin at agad siyang kinaladkad paalis.

"Bitawan mo'ko Ermesto ano ba! Nasasaktan ako!" wala na akong pakialam kung mahigpit na ang pagkakahawak ko sa pulso niya. Ang mahalaga ay mailayo ko s'ya rito.

"Di'ba sinabi ko na sa'yong itigil mo na'tong gawain na'to?! Ilang beses pa ba naman? Ilang beses mo pa bang babalewalain lahat ng sinasabi ko?! Magda para rin naman sa'yo 'to. Hindi na ikaw 'yong Magda na matagal ko nang nakilala. Mula kilos, pagsasalita at pananamit, hinding-hindi na ikaw. Hindi na ikaw 'yan! Nasaan na 'yong Magda na na simple at kababata ko? Kung may pangarap ka, itigil mo na 'yan. Kung may problema ka, sabihin mo! Magdalena, ano ba talagang problema?" halos mapatid na ang litid sa leeg ko kakasigaw sa kanya pero nagbibingi-bingihan naman siya.

Marahas niyang pinahid ang luha niya kasabay noon ang pagkasira ng make-up niyang palagay ko ay kakalagay pa lang.

"Problema ko? Ikaw! Bakit kung makapagsalita ka parang alam mo na lahat ng tungkol sa'kin? Bakit kung husgahan mo'ko parang halos alam mo na lahat ng butas ng pagkatao ko?! Ano ba kita ha?!"

Nasapol ako.

Ano nga ba ako? Kaibigan. Iyon lang at wala nang iba. Isang hamak na kaibigan na nagmamalasakit sa tulad niya. Ngumisi ako at tiningnan siya sa mga mata. Hindi ko na siya makilala. Hindi na siya ang Magda na matagal ko nang kababata at minamahal.

"Ang problem sa'yo, wala kang suporta! Bakit di ka na lang makontento sa ginagawa ko? Bakit di mo na lang ako tigilan? Ernesto, hindi na ako iyong tulad ng dati. Magbago ka na rin kung gusto mo. Layuan mo n rin ako kung 'yan ang nais mo! Umalis ka na!" tili niya habang umiiyak saka ako pinaghahampas. Nanatili akong tulala.

"Layuan? Dapat matagal ko n asana iyong ginawa pero mahalaga ka sa'kin. Kaya alam mo na ang patutunguhan nito." Sambit ko na lamang at napapikit.

Hindi ako dapat panghinaan ng loob sa harap niya. Hindi ako mahina tulad niya.

"Umalis ka na, pakiusap." Napapikit na rin siya sa sobrang pag-iyak.

"Tapos ka na, pre? Kami naman kay Magda."

Aatras n asana ako nang undayan naman ako ng sunod-sunod na suntok ng mga tambay na kanina pa pala naghihintay sa amin. Sa sobrang lakas ay napasuka ako ng dugo at agad bumulagta sa sahig. Hindi pa sila nakontento at pinagsusuntok muli ako.

"Parang awa nyo na, itigil nyo na 'yan! Ernesto!"

"Huwag kang mangialam rito!"

Rinig ko ang pagmamakaawa at iyak ni Magda pero wala na akong lakas para makalaban pa. tuluyan kong naisara ang mga mata ko at nagdilim na ang lahat sa akin.

"Diyos ko naman, Ernesto! Ano bang pinasok mong gulo? Bakit mo kasi mag-isang pinagtanggol si Magda? Ayan tuloy, na-ospital ka! Ano na lang ang gagastusin natin sa darating na graduation mo?!"

Pagmulat ko pa lang mga mga mata ay boses na ni nana yang sumalubong sa akin. Masakit pa ang panga ko at buo kong katawan dahil sa mga natamo kong pasa noong isang gabi.

"S'ya nga pala, nagpadala ang mga kapitbahay natin ng kaunting tulong. 'Yon na lang ang ipambabayad natin sa ospital. At si Magda, dumalaw siya rito kanina kaso tulog ka."

Kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya.

"Sabi niya, magpagaling ka raw at sorry. Oh heto, pinabibigay niya." Iniabot ni nanay sa akin ang isang puting panyo na may pangalan ko. Tiyak na burda niya ito. Napalunok na lamang ako at napapikit upang huwag maalala lahat ng pagtatalo naming noong nakarang gabi. Lahat ng 'yon ay masakit sa damdamin at di ko akalaing masasabi ko ang mga salitang 'yon sa kanya.

Mula nang lumabas ako ng ospital ay hindi na siya nagpakita pa sa akin, at hindi na rin kami nagkausap pa. May pagkakataong gusto ko s'yang puntahan sa bahay nila kaso naisip ko, kailangan kong panindigan ang sinabi niya noong gabi.

Ang layuan ko na siya.

"Ganoon nap ala manumit si Magda, no? Nakakapanibago. Kilala pa naman s'ya rito sa lugar natin bilang Maria Clara."

"Kaya nga, eh. 'Yon na raw ang modernong Maria Clara ngayon."

"Pfft. Kung sabagay..."

Kung araw-araw ganito ang maririnig ko, baka bukas o makalawa, bingi na ako. Halos araw-araw nang lagging si Magda ang sentro ng usapan at heto na nga ang sinasabi ko. Hindi lang malalapi sa kanya ang makakapansin kundi buong barangay.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko kinaya. Gusto ko na ulit makausap ang kababata ko. Bukod sa namimiss ko na ang dating closeness naming dalawa, hindi ko talaga kayang malayo sa taong nagging mahalaga na rin sa akin.

Nagpasya akong dalawin siya sa bahay nila. Alinlangan pa akong kumatok sa pintuan nang kusa itong bumukas at tumambad sa akin ang nanay niya.

"Hanap mo si Magda? Nakaalis na s'ya noong isang araw pa. hindi ba n'ya sinabi sa'yo? Lumuwas siyang Maynila at maghahanap ng trabaho." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

Nakaalis na s'ya. Umalis siya na hindi pa kami nag-uusap at nagkakaayos. At hindi man lang n'ya nalaman ang totoo kong nararamdaman. Tila nanlambot ang mga tuhod ko sa sobrang panghihinayang at napaupo na lamang sa tabing kalsada.

Napatingala ako at hinayaang pumatak sa mukha ko ang mga unti-unti nang pumapatak na tubig-ulan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top