j
From: Best Prince
Papunta na ako.
Sabi nito sa kanyang text.
Nang mabasa ko ito ay humugot ako ng isang malalim na hininga at sa huling pagkakataon ay tiningnan ang sarili sa full length body mirror.
Nang makitang ayos na ay lumabas na ako ng aking kwarto.
Ngayon nga pala ang usapan namin na pupunta kami sa birthday party ng kaibigan ni Princeton. Nakapagpaalam narin pala ito sa mga magulang ko na isasama nya ako roon. Pumayag naman ang mga ito at may iilang mga kondisyones lang.
Nang makababa sa sala ay naupo na muna ako sa sofa habang hinihintay ang pagdating ni Prince. Wala halos tao dito sa bahay dahil yung ibang kasambahay ay naka day off, samantalang sila mama at papa ay nasa trabaho pa.
Nang makaramdam akong muli ng kaba ay tumayo ako sa sofa at nagpalakad-lakad doon. Totoong kinakabahan ako kasi first time ko itong a-attend sa isang party.
Nung mga nakaraang school year kasi ay hindi ako sumasali sa kahit na anong party. Ni extra curricular activities nga ay wala akong sinalihan. Ayos na sa akin ang bumagsak kaysa sa sumali sa mga iyon.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng kaba, kakaiba. Kaya naman kaninang umaga pa ako hindi mapakali ng mabasa ko ang text ni Prince na nagpapaalala sa akin na may dadaluhan kaming party.
Naupo akong muli ng makaramdam ng ngalay. Hinihiling parin na sana ay hindi na dumating si Prince dahil tinatamad na syang tumuloy.
Pero sa kamalas-malasan ay narinig ko na ang busina nito sa labas. Nakita kong naglalakad patungong pintuan ang isa sa mga kasam-bahay namin para tingnan kung sino iyon, ngunit pinigilan ko na ito.
"Ya. Ako na po." Sabi ko dito.
Tumango at yumuko lang ito at umalis na. Kabado naman akong naglakad patungong pinto at marahang binuksan ito. Una kong idinungaw ang ulo at makita sya sa labas, habang nakasandal sa kanyang kotse ay tuluyan na akong lumabas. Ngmuiti naman agad ito ng makita ako.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng hindi sinusuklian ang ngiti nito dahil sa kaba. Nang makalabas ng gate ay agad ako nitong binati.
"Good evening Miss beautiful. You look stunning." Nakangiting sabi nito.
Pinalo ko naman ito sa kanyang braso dahil sa pambobola nito. Simple lang naman kasi ang suot ko, it's just a plane white dress na pinarisan ko ng white sandals. Hindi ko naman kasi alam kung anong susuutin kaya ito nalang ang pinili ko. Di rin naman umapila itong si Princeton.
"Tigilan mo na nga ako, alam mong kinakabahan na nga ako eh." Parang bata na sabi ko.
"Kaya nga pinalatawa kita para mawala ang kaba mo." Nakangusong sabi nito. "Halika na nga." Nagtatampo pa itong nagtungo sa passenger seat at pinagbuksan ako ng pinto.
Hindi ko nalang ito pinansin dahil alam ko naman na masaya talaga ito dahil sa pagsama ko sa kanya.
Naging tahimik lang ang aming byahe. Wala kasi akong maisip na pag-usapan dahil nga sa kaba. Habang palayo ng palayo kami sa aking bahay ay tila tinatambol na ang dibdib ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Napansin naman iyon ni Prince kaya binuksan nito ang radio, siguro upang kumalma ako. Isang rock music ang tugtog sa station na iyon, at talaga nga namang madi-distract ka sa kakaibang lakas at ingay ng musikang iyon.
Nawala na gaano ang aking kaba dahil sa tugtugin, kaya hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotse at nasa loob na kami ng gate ng bahay.
Nang patayin ni Prince ang radio ay gumapang muli ang kaba sa buong katawan ko. Kabadong nilingon ko ito. Nginitian lang ako at tinanguan.
"Let's go?"
Hindi ko na natugon ang sinabi nito dahil sa kawalan ng masasabi. Nang mabuksan na nito ang pinto ay nangiginig na ibinaba ko sa sementadong daan ang paa ko. Tila napako ang pwetan ko sa inuupuan kaya naman hinawakan na ni Prince ang kamay ko at hinila patayo.
"Wag kang kabahan. Hindi naman sila nangangain ng tao." Biro pa nito. "Tsaka, kasama mo ako. Bat ka matatakot?"
Ngiting hilaw lang ang naibigay ko dito. "Alam ko na yun. Wag mo kong alalahanin. Magiging ayos din ako." Sabi ko dito.
Bumuntong hininga naman ito tapos ay ngumiti. Pinisil nito ang kamay ko para iparating na nandyan lang sya.
Ilang sandali lang ay may narinig na kaming mga boses na nag-uusap, at sa palagay ko ay dito ito papunta.
"Princetooon..." Masiglang bati ng isang magandang babae na nasa 5'3 ang height, at hanggang sa may puwet ang hava ng buhok.
May kasama pa itong isang babae na mestiza na hanggang batok lang ang buhok. Pawang mga naka dress din ang mga ito.
Bulaklakin na pula ang suot ng babaeng mag mahaba ang buhok samantalang pale orange naman ang sa isa.
Agad na yumakap naman yung may mahabang buhok kay Princeton at nagbeso ang mga ito. "Where's my gift?" Agad na tanong nito ng matapos ang pagbebeso.
"Oh, wait." Tanging sinabi ni Prince at akmang maglalakad patungong backseat ng matigilan ito ng makitang nakahawak pa pala sya sa kamay ko.
Nanghihingi ng paumanhin na lumingon ito sa akin bago binitawan ang kamay ko, at ipinagpatuloy ang dapat na gagawin.
Nalingunan ko naman ang mga kaibigan nito na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.
"Hi. Are you Karen?" Tanong ng nakapulang dress.
Kinakabahan naman na tiningnan ko si Princeton upang manghingi ng tulong. Dahil simpleng pagsabi lang ng oo, hindi ko pa magawa. Piling ko lalagnatin na ako sa sobrang hiya.
Hindi ko na nasagot ang tanong nito dahil lumapit na sa tabi ko si Prince. "Yes, she's Karen. And please... Be nice to her." Nakikiusap na sabi nito.
"Oh." Maarteng pagkakasabi nung naka-red dress, habang nakatakip pa ang dalawang kamay sa kanyang bibig. "Nice to meet you." Pagkasabi nya nun ay bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako.
Nagugulat naman na tinapik-tapik ko ang likod nito. Nakangiti lang kaming pinagmamasdan ni Prince. Nang bumitiw ito ay bago lang ito nagpakilala.
"Hi. I'm Ara. I'm the birthday celebrant." Nakangiti at nakalahad ang kamay na sabi nito.
Sya pala si Ara. Kaya pala naka red sya. Nakangiti ko namang tinanggap ang kamay nito na medyo nanginginig pa. Mukha napansin yata nya ito.
"Naku, huwag kang kabahan, hindi naman kami mga sindikato rito. Haha." Tumatawang sabi nito ng bitawan na ang kamay ko.
May lumapit naman na isang babae sa amin, ito yung kasama ni Ara. "Hi, I'm Mika. Nice to meet you." Sabi nito bago inialok ang kamay.
Nakangiti ko namang tinanggap ito na medyo nakaka-adjust na sa kanila. They look so nice. At siguro nga. Dapat ko ng tigilan ang mga agam-agam ko. "Karen." Maikling pakilala ko rito.
Nang magbitaw kami ng kamay ay binalingan ko naman si Ara upang batiin sya. "Ahm, Ara, Happy birthday nga pala."
Medyo naging awkward yung pagbati ko. Kasi dapat kanina pa yun nung pagdating namin. Hindi ko naman alam na sya pala yung may birthday.
"Thank you. Please, wag kang mahihiya ha. Yung mga tao kasi sa loob walang hiya. Haha," sabay-sabay pa silang tatlo tumawa.
"Here's your gift Ara, again, happy birthday." Nakangiting iniabot ni Prince ang nakabalot na kanyang regalo, ng hindi umaalis sa tabi ko.
Masaya namang tinanggap iyon ni Ara at tiningnan. Na tila makikita nito ang loob kapag tinitigan nya iyon.
"Wow. Thanks. Ano namang laman nito?" Tanong pa nito.
"It's for you, to find out." Sagot naman ni Prince.
Nakangusong tinitigan naman nito ang best friend ko at tumawa. Nagulat ako dun, pero hindi ko na pinahalata. Para kasi syang baliw.
"Halina na kayo. Pasok na tayo." Yaya nito sa amin.
Sumunod naman kami sa kanya habang si Prince ay nakaalalay sa akin. At gusto ang ginagawa nito, komportable ako, at the same time. Pampabawas ng kaba dahil hindi ko pa nakikilala ang iba pa nitong mga kaibigan.
Habang naglalakad papasok ng bahay ay nag-uusap sila na hindi ako maka-relate kaya hinayaan ko nalang. Pinalibot ko na lang ang paningin ko sa bahay. It has a white color, at matatawag mo itong isa sa mga modern house, from chandelier to exterior design. May mga malalaking frame din na nakasabit sa mga dingding.
Napangiti ako ng makita ko ang family picture nila. Di ako sure kung yun nga. Pero kung pagbabasehan mo naman kasi silang apat, ay talaga nga namang magkakamukha. I wonder kung nasaan ang mga ito ngayon.
Nagdire-diretso kami sa paglalakad hanggang sa second floor. Nagtataka ako kung san gaganapin ang party. Diba dapat sa living room? Kasi party eh. Baka simple celebration lang to?
Pumasok kami sa isang room, na kung saan walang ilaw at tanging nagsisilbing liwanag dito ay ang ilaw sabmay teresa. Doon ay nakita ko ang iba pa nilang mga kaibigan na masayang nagkukwentuhan sa terrace. Mas malaki ang terrace ng mga ito. Pang-isahang tao lang kasi yung sa akin.
Agad din naman kaming nagpunta doon, at ng makita kami ng iba pa nilang kaibigan ay masaya itong lumapit kay Prince. Matagal na sigurong kasama ng mga ito itong dalawang babae.
Actually ang konti lang namin dito ngayon. Tatlo kaming mga babae, at tatlo rin silang mga lalaki. At nakakatuwang tingnan na, sobrang close nilang lima. Di ko mapigilang maisip na, kapag ako kaya ang kasama ni Princeton? Nabo-boring kaya sya? Agad ko namang pinalis yun sa isip ko. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano ngayon. Dapat magsaya ako kagaya ng sabi nila.
Nang mapansin naman ako nung dalawa ay binigyan nila ng nanunuksong tingin si Princeton. "Kaw ha." Sabi nung isa na chubby, tapos tinusok pa nito sa tagiliran si Prince.
Natatawang binatukan naman nya ito. Lumapit ang dalawa sa akin at nagpakilala. "Hi, I'm sure you're Karen. By the way I'm Lance." Sabay abot ng kamay nito. Inabot ko naman ito at nakipag-shake hands. "Nice meeting you."
Lumapit naman ang isa at ito naman ang nakipagkilala. "Anthony. Ang pinakagwapo sa'ming tatlo." Inilahad nito ang kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon.
Medyo disagree lang ako dun sa sinabi nya na, sya ang pinakagwapo sa tatlo. Well, para sakin kasi, si Prince parin para sakin. Although, hindi maipagkakailang gwapo nga silang tatlo.
Hindi ko namalayan na hinalikan pala nito ang likod ng palad ko. Nagugulat na tiningnan ko ito. Napabitaw naman ito sa kamay ko ng bigla nalang itong batukan ni Prince.
"Aray ko naman pare." Reklamo nito kay Prince. Nang-aasar ang mga tingin nito.
Lumapit naman sa tabi ko si Prince at inakbayan ako nito.
"Wala kang karapatang gawin yun sa best friend ko. Loko." May bahid ng inis sa boses nito.
Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla nalang akong napangiti dahil sa sinabi nito. Nagtawanan naman ang lahat at nakitawa na rin ako. Magaan ang loob ko sa kanila. At mukhang worth it ang pagsama ko dito ngayon.
"Uy, mamaya na nga kayo mag-asaran, kumain na muna tayo. Paniguradong gutom na si Anthony." Sabi ni Mika habang hinahanda na ang lamesa.
"Kayo ha, pinagtutulungan nyo ako, porke't may mga bebe kayo." Pamamaktol nito habang lumalapit sa Ara. "Ara babe, sagutin mo na kasi ako." Nakangusong sabi nito dito.
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Ibig sabihin, nanliligaw sya. Samntalang si Mika at Lance naman ay mag-syota na? Pinagtawanan lang nila ito.
Iginiya naman ako ni Prince patungo sa lamesa at ipinagtulak pa ako ng upuan. Napapagitnaan ako Ara at Princeton, samantalang yung tatlo ay nasa kabila, si Mika ang nasa gitna.
Halatang sweet sa isa't-isa yung dalawang couple. Samantalang si Anthony naman ay busy sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Ara, na ngayon ay nakasimangot na. Natatawa na pinanood ko lang ang mga ito na pagsilbihan ang isat-isa.
Nawala lang doon ang atensyon ko ng magsalita si Prince sa tabi ko. "Ikaw? Anong gusto mo?" Tanong nito sa akin.
Nilingon ko naman ang mga nakahain. May chicken fillet, mini turkey meatballs, vegetarian sausage roll, and millionaires shortbread. May rice din na kasama, na sa tingin ko ay hindi ko matitikman dahil sa dami ng masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa.
"Ako ng bahala." Sagot ko dito ng nakangiti.
Akmang kukuha na ako ng pigilan ako nito. "No, just tell me and I'll put it on your plate." Ma awtoridad na sabi ito pero may lambing sa boses.
Nagtataka ko naman itong tiningnan. Pero hinihintay lang nito ang sagot ko. Napabuntong hininga nalang ako at sinabi na sa kanya ang mga gusto kong kainin. Isa-isa naman nya itong kinuha at inilagay sa pinggan ko.
Nang matapos itong pagsilbihan ako ay ang pinggan naman nito ang pinuno nito ng pagkain. Ilang segundo na muna akong tumulala bago sumubo at kumain.
Nagkukwentuhan lang sila ng mga random topic's, minsan ay isinasali nila ako sa usapan, siguro ay para hindi ako ma out of place. Wala rin naman kasi akong masabi.
Nalaman ko rin kung paano sila nagkakilala. Magkaibigan na pala talaga yung tatlong lalaki, at hindi pa nila nakikilala sila Ara at Mika ng time na yun. Nagkalapit-lapit lang sila ng magsimulang ligawan ni Lance si Mika. Sabi daw kasi ni Prince. Kung sino daw ang magiging kaibigan ng kaibagan nya, ay dapat maging close din sya dito. So yu, hanggang sa lagi na silang magkasama.
Hindi ko alam, pero, nakaramdam ako ng selos at guilt. Selos siguro dahil, ang akala ko ay ako lang best friend ni Prince. Guilt dahil, piling ko ay ninanakaw ko lang ang mga sandali na dapat ay kasama ni Prince ang mga kaibigan nya.
Kung sana, naging katulad lang ako ni Prince na friendly, baka noon ko pa din naging kaibigan ang mga ito.
Natapos ang dinner at kinuhan naman ni Mika yung mga regalo nila at pinagsama-sama. "Open your gifts na." Excited na sabi ni Mika.
Ara grinned and excitedly opened her gifts. Una nitong binuksan ang kay Mika. It was a branded make up kit. Ara gleefully hug Mika. Doon ko lang din nalaman na mahilig pala itong mag make-up.
Sunod naman nitong binuksan ang kay Lance. Malalaki ang mga matang tumingin ito kay Lance. I think, she loves book. Lagpas sampung libro ang niregalo nito kay Ara. Kaya naman masayang lumapit si Ara kay Lance at niyakap ito at nagpasalamat.
Bumalik itong muli sa lamesa at ang kay Prince naman ang binuksan. It was an Imperio Armani wrist watch. Tulad ng kanina. Masaya nitong niyakap si Prince at nagpasalamat.
Nang Kay Anthony na ang bubuksan nito ay tumingin na muna ito ng masama dito. At parang napipilitan pang buksan ang regalo nito. Maliit na box lang iyon. At sa palagay ko ay alam ko na kung ano ang laman niyon.
Pero kahit ganun ay hinintay ko parin na mabuksan iyon ni Ara para makasiguro. Ganun nalang mabilis na pinangiliran ng luha si Ara ng makita ang regalo sa kanya ni Anthony. It was a golden necklace. At nakasulat doon ang pangalan nya.
Maluha-luha nyang binalingan ng tingin si Anthony na ngayon ay malawak na ang pagkakangiti. Nakangusong nilapitan nya ito.
"Nagustuhan mo ba?" Ngiting-ngiti na tanong ni Anthony.
Napatango-tango naman si Ara at maarteng tumalikod dito. Iniabot nito ang kwintas kay Anthony. "Suot mo sakin." Sabi nito.
Napangiti naman kaming lahat sa inakto nito. Halata naman kasi na gusto nya rin si Anthony, pero itinatago lang nito. Siguro hindi pa sigurado. Desisyon naman yan, kaya bahala na sya.
Maingat na isinuot naman ni Anthony ang kwintas sa leeg ni Ara. At nakangiti namang hinawakan ito ni Ara.
Nagpatuloy lang ang kasiyahan. Naglabas pa sila ng ilang wine. Tumanggi akong uminom dahil hindi pa ako pinapayagan ng mga magulang ko na mag-inom. Kwentuhan, tawanan, at halakhakan.
Sa sandaling iyon, nakapalagayan ko na sila ng loob, at kaibigan na rin ang turing nila sa akin. Ganun din ako. Tama nga si Prince at Justin, masaya kapag marami kang kaibigan.
Nang makaramdam ako ng pagkaihi ay nagpaalam ako sa mga ito, itinuro naman sa akin ni Ara kung nasaan ang banyo at umalis na ako doon. Pagpasok kong muli sa kwarto ay doon ko lang napansin ang mga picture na nakasabit sa mga dingding. Sa sobrang dilim kasi kanina ay hindi ko ito napansin.
Halos mapuno ng iba't-ibang picture ni Ara at ng pamilya nya ang buong kwarto. May mga lamesa din na napapatungan din ng mga larawa. Lumapit ako sa isa sa mga lamesa dito.
Puro picture ito ng kapatid nyang babae kasama ang isang lalake. Pinakatitigan ko ang mga larawan at ganun nalang kabilis ang tibok ng puso ko sa mga nakikita ko. Kahit na madilim ay sigurado ako na sya iyon.
Anong ibig sabihin nito? Bakit parang kamukha nya itong lalaking nasa mga larawan?
Mas pinakatitigan ko ang picture upang makasigurado. Nang hindi parin makapaniwala ay dinampot ko na ang isa kung saan nandoon sya habang yakap ang ate ni Ara.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iiyak ba ako? Magtatanong? Sisirain ang Frame? Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang. Pinagtaksilan nya ako.
Nawala lang doon ang atensyon ko ng biglang sumulpot sa gilid ko si Ara. Kamuntikan ko pang mabitawan ang frame, mabuti nalang at nahawakan kaagad ito ng isa ko pang kamay.
Nakangiti ito ng lingunin ako bago binaling ang paningin sa frame, na ngayon ay dahan-dahan ko ng binibitawan.
"They're both look good together right?" Tanong nito sa akin, na lalo lang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Justin and Ariana, the best couple."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top