Chapter 10
Chapter Ten: Royale Pictorial
Pahirapp ka talaga Luke kahit kelan! Buti nalang naandyan ang Angelll koo -Mica
Michaela Grace Cerna POV
Gaya nga ng sinabi ni Luke, nagdala ako ng isang formal Navy blue dress. Saka isang flat shoes na'rin alangan naman kasing naka black shoes ako na ginagamit ko sa school sa mismong formal diba? Hahaha.
Nandito ako ngayon nakaupo, inaayusan pa kasi yung iba. Ako lang talaga yung walang magaayos, kasi naman ayoko maglagay ng kung ano ano sa mukha. Liptint lang at pulbos ang nilagay ko sa mukha ko, napalagay ulit ako ng wala sa oras! Si Luke kasi ehh
Flashback
Pagkadating ko sa M.A si Luke agad ang nabungaran ko sa mismong gate. Naggoodmorning ako pero utos lang ang sinagot nya sa'kin! Wala talagang modo.
"Get my clothes in the car, Hintayin kita sa Private Place ko" utos nito sa akin, at ako naman sumunod. Akmang sasakay na ako ng elevator nang may sumita sa akin.
"Ikaw si Ms. Cerna?" Pagtatanong nito.
"Opo qko nga po" sagot ko at akmang pipindutin na sana yung button ng elevator.
"Sorry Ma'am pero bawal po gamitin ang elevator ngayon" Sabi nito at hinarangan pa ang Elevator.
Kaya no choice ako kundi ang maghagdan, medyo malayo pa naman hayst! Pagkatapos ito pa! Pagdating ko dun sa Parking lot buti alam ko yung sasakyan ni Luke, dahil diba nakasakay na ako dun. Pero ang problema.
Hindi nga pala binigay ni Luke yung susi nya sa akin, kaya paano ko mabubuksan yun!
Kaya no choice ako kundi pumanik na naman at puntahan si Luke sa Private Place nya, pagkadating ko dun.
"Stupid" ayan pa ang narinig ko kay Luke, pagkatapos nya ibigay yung susi ng kotse nya. Hindi ko nalang sya pinandin at tumakbo na papunta sa parking lot. At katulad kanina naghagdan ulit ako, pagdating sa mismong tapat ng kotse ni Luke. Nung binuksan ko hindi ko makita yung damit na sinasabi nya, kaya tinawagan ko.
"Nandito na yung mga damit, bumalik kana magsisimula na" yan lang ang sinabi ni Luke at binabaan na ako! Nandun na pala hindi man lang sinabi! Bago hindi manpang nagsorry. Naghagdan ulit ako para makapunta sa Gate ng M.A hayst! Nakakapagod.
Pagdating ko sa Private Place chuchu ni Luke, inutusan pa ako na itulak yung lagyanan nya ng damit papunta dun sa Conference hall. Kaya ang ending ito ako pawis na, haggard pa ang mukha.
End of Flassback
Buti nalang talaga dumating ang Anghel ko, nakita kasi ako ni Stephen na papasok ng Conference hall, tinulungan nya akong itulak yun bago binigyan nya pa ako ng panyo bago sya umalis. Magpahid daw ako ng pawis. Napakabait talaga nya!
Maya-maya lang ay nagumpisa na ang photoshoot, unang sumalang si Luke dahil sya nga ang President Royale. Naka Royale uniform sya ngayon, which is nung isang araw lang binigay sa amin, As a M.A Royale kailangan daw may uniform kami. But yung uniform namin ay hindi katulad ng sa normal na estudyante, mas maganda ito at mas elegante sa mata. May name plate pa ito at nakalagay ang apelyido at kung anong Royale ka.
Gwapo sya, si Luke! Hi di nama talaga iyon mapapagkaila, kaya nga andaming babae nito eh! Pst!
"Ms. Cerna, Next!" Sabi ng photographer agad naman akong pumunta dun, pinanliitan pa ako ng mata nung photographer bakit kaya?
"Ms. Cerna! Anobg kalseng itsura yan! Wala ka manlang ni Eyeshadow?" Sabi nito sa akin.
"Sorry po, ayoko po kasi maglagay nung ganun. Meron naman po akong powder at liptint" sabi ko, lumapit naman duon yung babaeng nagaayos ng lights at bumulong sa mismong photographer, pagkatapos nun ay nginitian nya ako.
"Okay, let's start!" Sabi nang photographer kaya umayos na ako at ngumiti.
Hindi naman naging matagal yung pagkuha sa akin ng litrato, kaya ito ulit ako nakaupo sa kaninang inuupuan ko.
"Mica, go to that room. Nanduon yung bag mo" Sabi sa akin ni... si Luke pala.
Nakaformal na damit ito ngayon, puting polo na bukas ang isang butones ang suot nya pangitaas, nasabi ko na bang gwapo sya? Oo ngayon sasabihin ko. Gwapo sya, Pero naalala ko Playboy yan Mica! Playboy!
"Staring is rude, Im a that handsome? Go now. Change" Sabi nito at ngumisi pa, tumalikod na ako at pumunta duon sa Room na tinuro nya.
Pagkadating ko dun, naabutan ko yung babaeng tumulong sa akin kanina. Ngumiti ito sa akin.
"Mica right? Halika na lalagyan lang kita ng blush on saka liptint, medyo nawala na kasi eh" sabi ngumiti naman ako sa kanya.
Maya maya lang nang matapos ay umalis na si ate na mabait, magbihis na daw ako. Kaya agaran akong nagbihis at kinuha ko na yung flatshoes ko. Pagkatapos ay lumabas na ako.
Andaming nagbubulong-bulungan. Bakit kaya? Nakakahiya sa akin pa sila nakatingin. May mali ba sa mukha ko?
"Mica" pagtawag sa akin ni Jane, hala nandito pala ito! Bakit hindi ko ata sya napansin kanina?
Lumapit ito sa akin. At kinawit pa ang braso sa akin.
"Mica bakit ka nakadress? Si Kelvin lang ang dapat nakaformal dahil sya ang president nako naman! Ang speaking of Kelvin, nakatingin o!" Pagsabi nito sa akin, gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko. Kasi naman bakit sabi ni Luke?! Whaaa pantritrip nya nanaman ba ito? Saka nakatingin daw pagtingin ko naman nakatingin nga si Luke.
Nagsenyas ito sa akin na lumapit sa kanya, nakaupo ito sa isang mono block na upuan ngayon. Kaya nagpaalam naman ako kay Jane at pumunta na kay Luke.
"Luke! Bat mopa ako pinagpalit. Nakakahiya, ikaw lang pala dap--" agad na sabi ko pagkalapit at pagkalaput ko sakanya pero hindi nya naman ako pinatapos dahil tumayo sya at hinila ako.
Lumapit kami duon sa photographer. Mukhang tapos na atang kuhanan ang lahat ng Royale.
"Handsome as always Mr. Marcus ready for your final shoot?" Pasweet na sabi ng photographer ngayon. Nginitian lang naman ito ni Luke bago hinila na ako sa mismong place kung saan ka tatayo para magpicture. Naiba na ang set up dahil mismong M.A Royale banner na ang nakalagay at kulay black na ang background na kanina ay puti.
"Mr. Marcus, she is not--" katulad nang ginawa ni Luke saakin kanina hindi nya rin pinatapos ang sasabihin ng photographer.
"She will be with me, She's the Vice President" Seryosong sabi ni Luke, pagkatapos ay ngumiti.
"O-okay! Let's start" sabi ng photographer at nagsimula na. Magkatabi kami ngayon ni Luke sya sa may banner ng M.A royale at aoo naman sa tabi nya.
"Ikaw dito, maliit ka" Sabi nito at ngumisi pa bago ako ang tinabi sa banner medyo kalahati ng banner ay nasa likod ko. Inirapan ko si Luke dahil sa sinabi nya, aba kailangan laitin ang height ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top