Chapter 03
Chapter Three: Partners
Kahapon lang ata nakakilala ako ng Playboy, ngayon angel naman! Crush ko syaa enebe de joke, tama na landi Mica. Hindi ko naman alam na sobrang bigdeal pala dito ang maging partner si Luke, mapapahamak pa ata ako -Mica
Michaela Grace's POV
Second day, este second hell day! Umpisahan natin sa hindi ako nakatulog ng maayos dahil kay Luke na yun! Mas gusto ko yung Luke ehh, balakayo. Para akong zombie na bumaba sa hardanan at nagtungo sa kainan, sakto namang nanduon ang paborito kong sinangag. Kumuha ako ng itlog, hotdog, bacon at sinangag. Akmang susubo na sana ako ng tumunog yung telepono namin sa may Salas. Rinig kasi yun sa sobrang ingay, kaya no choice ako kaya tumayo na ako para sagutin yun. Malay ba naman kasi natin baka importante or emergency diba?
"Cerna" bungad sakin ng pamilyar na boses, si Luke! Bat kaya napatawag to ng ganito kaaga? Wag mong sabihing mangbwebwesit lang? Kasi kanina pako bwesit sakanya.
"Oh? Pano mo nakuha telephone number namin?" takhang tanong ko. Kasi wala naman akong natandaan na binigay ko yung telephone number namin dito sa bahay or kung hiningi nya diba?
"I have my ways, be ready i will wait for you be there before 8:30" huling sabi nya at binabaan na ako ng telepono. Napaka walang galang talaga nito! Magsasalita pa ako ehh! Saka wala manlang "bye" o kahit anong paalam.
8:30 daw? What theee! 7:50 na, seryoso ba sya dun? Welengye dipa ako nakakakain. Dagdag mopang sagabal kasi yung pagtawag nya. Kaya no choice, dali dali akong kumain at patii pagligo binilisan ko rin jusq naman kasi ehh! Pero bahala sya, yaan mo syang maghintay.
Pagkatapos nang lahat ng gagawin ko, nagpahatid na ako sa driver namin. Mabuti nalang wala masyadong traffic. Naabutan ko si Luke na parang mayhinihintay, nakabusangot pa. Sino? Ayt oo nga pala patay ka Michaela!
Pagkadating ko dun kumaway lang ako bago tinignan nya naman ako ng masama.
"Goodmorning Luke!" masayang bati ko, malay mo diba mahawaan ko hindi na maging badmood to hehez.
"Who give you permission to call me by my second name. And i told you 8:30 not fucking 8:45!" pasigaw nyang sabi sabay walkout. So ganun? Matapos nya ko papasukin ng paaga iiwanan nya lang ako? Abugh magaling.
"Why are you not following me?" pagalit nyang baling sakin, mga ilang dangkal na rin ang layo nya. Huh? Wala naman syang sinabing sundan ko sya eh.
Sumunod nalang ako, yoko makaladkad ulit ehh masakit sa paa. May konting heels pa naman ang black shoes ko. Maya-maya pagkaliko namin, may sumalubong kay Luke na babae, maganda mestisa matangkad pero mas matangkad parin si Luke. Bigla nitong niyakap si Luke, bago sabay na silang naglakad ako naman nasa likod lang nila. Sinusundan sila, naghaharutan pa ewww! Pda!
"Cerna" baling sakin ni Luke ng humiwalay at umalis na yung babae, napalapit naman ako sakanya. Biglang may nakasalubong naman kami na dalawang lalaki,isang may salamin at isang kulay brown yung buhok.
"Witt. Witt ang ganda naman nyang kasama mo Pre!" biglang sabi nung brown ang buhok, tinignan naman ako nung nakasalamin.
"Sander on your service milady!" sabi nung brown na buhok, na Sander daw ang pangalan sabay lahad ng kamay saakin.
"Herald" pakilala nung nakasalamin bago binaling nya na ulit yung atensyon nya sa librong hawak nya.
"I'm Michaela" pagpapakilala ko, tinignan naman ako ng masama ni Luke. Huh? Bakit nu nagawa ko?
"Did i told you to introduce yourself to them?" tanong sakin ni Luke. Problema nito? Nagpakilala lang naman ako ehh, saka baka sabihan akong snobber pagdi ako nagpakilala.
"Let's go" sabi ni Luke sabay hila saakin, sa totoo lang. Hindi naman halata na palagi syang nanghihila no?
"Pre si Mandy?" tanong ni Sander. Hindi naman sya pinansim ni Luke, ay iba pati sa kaibigan snobber din sya.
Pagdating sa hallway, marami rami narin ang mga tao. Kasi naman di pa pasukan, kaya ayan nanaman yung mga mata at bulu-bulungan. Ang daming nakatingin sa amin, este sa kanila pala.
"Hala sino si gurl?
"Bakit hawak ni Prince yung kamay nun?"
"Ang gwa-gwapo nila!"
Ilan lang yan sa mga maririnig mo pagkadaan namin sa hallway. Mukha namang sanay na itong tatlo kaya hindi nila pinansin. Nang makarating sa Room, halos wala pang tao dahil nga napakaaga namin! Kasi naman ehh dapat ngayon palang ako magaayos. Nilapag ko yung bag ko sa upuan saka napagpasyahang umalis muna, gusto ko ng hangin kasi ang aga aga bago aircon agad.
"Uy! San ka punta?" tanong ni Sander, tinuro ko naman yung labas kaya tumango lang sya. Nakita ko namang nakatingin din yung Herald, pagtingin ko sa dereksyon ni Luke ayun may kahalikan, eww! Kadiri ha! Kaaga aga. Nako!
Napadpad ang nga paa ko sa soccer field, may mga ilang naglalaro duon. May laban ata? Kasi ang daming babaeng nagtitilian dito. Napagisipan kong manood muna, hahanap na san ako ng bakanteng bangko sa medyo harap ng matamaan ako sa may ulo ng kung ano, hindi naman masyadong malakas pero napaupo tuloy ako ng wala sa oras duon sa may upuan.
Napunta tuloy yung atensyon saakin, may lumapit na lalaki saakin, mabuti singkit at gwapo sya. Omg! Nasa heaven na ba ako?
"Miss ayos ka lang ba?" tanong nito at pinaayos ako ng upo. Hindi agad ako nakasagot, kasi naman nastarstruck pa ako ehhh.
"Dadalhin kita sa Clinic" sabi nito, at inalalayan akong makatayo. Hindi na naman ako tumutol pa.
Nang makarating kami sa clinic, pinagpahinga lang ako sa isang higaan duon.
"May masakit ba sayo Miss?" tanong ni Angel sakin, hehez. Hindi ko kasi alam ang pangalan nya ehh.
"Wala, ayos na po ako. Pwede nyo napo akong iwanan dito" sabi ko kay Kuyang Angel.
"Im James Angelo Stephen Quinco, sorry pala duon sa kanina" pagpapakilala nito, naks! Realquick! Hehes de joke lang. Sabi sainyo ehh angel talaga to!
"Ah, Michaela Grace Cerna nga pala" sabi ko sabay abot ng kamay nya na nilahad nya kanina. Nginitian nya naman ako.
"James! Bigla kang nawala nandito ka pala!" biglang litaw ni Sander? Bat nandito to.
"Michaela! Nandito karin! Hinahanap kana ni Kelvin" baling nito saakin, bakas sa mukha noto ang pagod. Tumakbo ata.
Napabangon naman ako, patay baka magalit yun. "Ayos kana ba?" tanong saakin ni James. Tumango naman ako bilang sagot sakanya.
"Sige mauna na ako,Thank you pala" pagpapaalam ko kina James at Sander.
Nang makalabas ako ng clinic, agad nakong pumunta sa assign room ko. Malapit na rin kasi ang time sak hinahanap daw ako ni Luke? Maya maya nakasalubong ko si Luke may kasamang babae, hinahalik halikan sya nung babae sa pisngi. Ew! Kadiri naman.
"Your here" bungad nya sakin tinanggal nya naman anv pagkakakapit nung babae sa braso nya. Tumango naman ako bago naglakad na papunta sa room, wala akong balak magditch no!
Ilang saglit lang naman ay pumasok na rin yung prof namin, nagpakilala ito at nagsabi ng rules nya. Lahat naman kami ay pasimple lang na nakikinig, talagang nagwala lang nung bumukas ang pinto at pumasok sina Luke,Sander, Herald at James! Yung angel na tumulong sakin. Grand entrance ba daw, pumasok ito ng daredaresto. Kita mo yun! Classmate ko pala si Angel hihihi.
"As i said a while ago, were having a duet performance. So class you can now pick your partners" announce ni Ma'am. Nagkagulo namna ang mga kaclassmate ko, pinagkaguluhan ang tqtlong nasa harap ko. Lalo na si Luke hasyt! Iba talaga pag gwapo. Sino kaya mayaya maging pakner? Hahaha.
May kumalbit sakin. Nyeta ginulat naman ako! Pagtingin ko si James pala, "Ah! Ikaw pala. Nakakagulat ka naman" sabi ko. Ngumiti naman ito saakin, "Sorry" sabi nito sabay peace sign at ngiti. Hala! Yung mata nya nawala bagi ang cute nya pa.
"May, ano. Kapartner kana? Kung wala sana baka pwedeng ako nalang?" nahihiyang sabi ni James. Yumuko pa nga ito saakin. Wala rin naman akong ka partner so baka pwedeng sya nalang.
"Wala pa rin ehh, si----" Hindi ko na natuloy yung sadabihin ko ng maysumigaw.
"Back off Quinco, Cerna is mine... my partner" sigaw ni Luke. Kaya sakanya nanaman nabaling yung atensyon. Tumango naman saakin si James, epal tong Luke na to! Crush ko na yung nagyaya eh! Paepal ka Luke! Kainiz.
"Okay class, take your seats. Be ready for your performance on 25. Class dismiss" pagkasabi nun ni Ma'am nagalisan na yung iba. Natapos ko na rin namana yusin yung gamit ko kaya lumabas na ako.
"Hoy ikaw! Bakit ikaw ang kapartner ni Luke?" pagbubunga nga nung isang babaeng kaclassmate ko sabay hila saakin. Hindi naman ako umimik, yoko kasi ng gulo.
"Bakit ayaw mo sumagot ha! Pagkinakausap ka sumagot ka!" sabi nito at tinulak ako. Bahala sya. Aalis na sana ako ng itulak nya ako ng malakas. It hurts, and everything went to black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top