#LoveTeamOutOfCharacter (2 of 2)
Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
'Di mo ba pansin?
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pasimple akong umusog para sumandal sa mga unan, katabi niya. Ang totoo, sobrang pagod na'ko. Pero nilabanan ko ang antok.
Tumingala siya sa kisame at huminga ng malalim.
Bigla siyang bumangon at lumapit sa'kin hanggang halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha niya. Kulang na lang manliit ako, lumubog sa unan na sinasandalan ko. Itinukod niya ang kamay niya sa tabi ng leeg ko at... may inabot na paperback sa bedside table. Binuksan niya 'yon at nagkunyaring nagbabasa.
Oo. Nagkunyari. Five minutes na, hindi pa rin niya nililipat ang page.
Five minutes na rin, hindi pa'ko maka-get over. Nasalo ko ang dibdib ko sa kaba. Tug-dug. Tug-dug. Tug-dug. Pero pinilit kong hindi 'yon ipahalata.
"Mahilig ka rin palang magbasa?" sabi ko habang nakayuko para makita ang title. "The Dark Tower... Eh, kaso hindi ako nagbabasa ng nga suspense thriller. Matatakutin ako sa ganiyan."
Parang hindi niya naririnig. Parang wala akong kausap kaya nanahimik na lang ako ulit. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Nanginginig at nanlalamig pa rin 'yon, pero at least, kumalma na ang paghinga niya.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko, naghikab. "Matulog ka na. Hindi ako aalis. Promise."
Matagal siyang nakatulala sa bukas na libro bago 'yon itinakip sa mukha niya.
"Natatakot ako," bulong niya. "Natatakot akong matulog."
"H-ha?"
Napansin ko na lang na may isang patak na luhang dumaloy sa pisngi niya. "Baka 'pag natulog ako, hindi na'ko si Andrei pagising ko."
"Nandito naman ako." Sinikap kong ngumiti, na maging masigla ang boses ko. "Kahit na ilang version ng alter ego pa'ng lumitaw sa'yo, paulit-ulit kong tatawagin ang pangalan mo para magising ka."
Tinanggal niya ang libro sa mukha niya at tumingin sa'kin na animo hindi makapaniwala. Nalunok yata niya ang dila niya.
"Hindi ko alam kung pa'no," simula ko. "Pero kung totoo ngang may kinalaman nga'ko kung pa'no ka nakabalik... kung magagawa ko 'yon para sa'yo, magiging masaya 'ko. Ako ang number one fan mo eh."
Nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa'kin. "Ang totoo niyan, bago ako nagising may narinig akong mga boses pero hindi ko ga'nong maintindihan. Tapos, may bumulong sa'kin: 'Gumising ka na, Andrei.'"
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi niya nang ituon niya ang mga mata niya sa'kin. Nangungusap. Nagtatanong. Animo pilit na binabasa ang utak ko.
Kahit sa larong titigan, ako pa rin ang talo. Pakiramdam ko, naubos ang lahat ng oxygen particles sa kwarto.
"Akala ko panaginip," napabuntong-hininga siya. "Akala ko si Mama. Mahirap kasi akong gisingin no'ng bata pa'ko kaya—"
Natigilan siya. 'Yung ngiti niya kanina, biglang nawala. Pansin ko, tuwing napapag-usapan ang Mama niya, lagi na lang siyang mukhang binagsakan ng bowling ball ang hinlalaki ng paa niya. 'Yun lang siguro ang time na talagang hindi niya maitago ang emosyon niya.
Naiintindihan ko naman. Minsan, nami-miss ko rin ang Mama ko. Pero, 'pag iniisip ko siya, mas inaalala ko 'yung mga masasayang moments namin.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto niya at tumakbo sa kwarto namin ni Direk. Saka ko hinalughog ang bag ko. Pagbalik ko kay Andrei, dala ko ang dalawang set ng braha.
Kinuha ko ang kamay niya at nilagay ang mga 'yon sa palad niya.
"Ano 'to?"
"Sabi mo, ayaw mo'ng matulog? Mamili ka: Uno o pusoy?"
Ibinaba niya sa kama ang mga braha. "Hindi ako nagsusugal. Sorry. Magbabasa na lang siguro ako."
"Aish, ba't si Zeke naman laging game," bulong ko sa sarili. "Hindi ka lang po siguro marunong. O takot ka lang pong matalo?"
Ibinalik niya sa bedside table ang libro niya kung pa'no niya rin kinuha. Pinalagutok ang mga daliri bago sinabing: "Ituro mo kung pa'no."
Ngumiti ako. 'Yung evil. Sa isip ko, pina-practice ko na ang victory laugh ko. Sa hilatsa ni Andrei, wala siyang panama sa'kin. Habang tinuturuan ko siya ng Uno, may sumagi sa isip ko kaya napahinto ako sa pagsasalita.
"May problema ba?" tanong niya.
"Napaisip lang ako," sagot ko, blangko ang tingin sa mga braha. "Kung totoo ngang kaya kitang gisingin, kaya ko rin kayang gisingin 'yung mga iba mo pang katauhan?"
"Ah," tumango siya, nag-isip. "Marami na'kong nabasang libro tungkol sa sakit ko, pero wala pa yata akong nabasa na may possibility na totoo ang sinasabi ni Ninong. Tingin ko, nagkataon lang ang lahat, at gusto niya lang akong i-distract. 'Wag ka sanang magagalit, Jelaine, pero... we're not that close. I mean, close enough to give you power over me."
"Grabe ka sa'kin," angal ko. "Ako lang kaya'ng nagtitiis sa'yo kahit lagi mo'kong pinagtatabuyan palayo!"
"Hindi naman sa gano'n—Ah, t-talaga ba? At nagtitiis ka lang sa'kin?"
Natawa na lang din ako sa kaniya.
"Sige. Pustahan tayo." Iwinagayway ko sa harap niya ang mga braha. "'Pag natalo ka, tatawagin ko si Zeke."
"Puro ka Zeke. Tapos sasabihin mong ikaw ang number one fan ko?" pabulong niyang sabi. "Sige, call. 'Pag natalo ka?"
"Kahit ano'ng iutos mo, gagawin ko."
Siyempre sinabi ko 'yon kasi hindi siya marunong. Wala namang gumagaling agad kahit bagu-bago pa lang natututo. Pero mali pala ako. Siyempre joke lang 'yong mga sinabi ko kanina. Sino ba namang abno ang may gustong mawala na naman sa sarili niya si Andrei. Pero sineryoso niya kaagad. Karir kung karir.
Akala ko dati, hindi natatapos ang Uno. Kasi humahaba lang ang laro habang tumatagal. Game 1 pa lang, tinalo na niya 'ko. Ito na yata 'yung tinatawag nilang malas. Lagi na lang napupunta sa kaniya ang Wild Draw 4 at Skip. Parang magic. Ako naman, puro Reverse. Useless lang din kasi dalawa lang kaming naglalaro.
After 3 loses, pinagtatapon ko na ang mga Uno cards. Akala ko, competitive ako. Pero mas grabe siya. Hindi lang halata. Kahit mandaya ako nakikita pa rin niya. Kaya naghamon naman ako ng pusoy.
"May tatlong talo ka na, ha?" paalala niya. "Ibig sabihin, tatlo na ang IOU mo sa'kin."
"Oo, alam ko. Parang kang dudugasin ah!"
"Oh, napipikon ka na yata. Itigil na natin 'to. 'Wag mo na 'kong turuan. Baka matalo ka na naman. Ikaw din. 'Pag nag-utos ako, mahihirapan ka. Ayaw ko pa namang nahihirapan ang number one fan ko. Nakita mo na? Ang bait ko kaya sa'yo."
"Tao ka ba talaga?" nakatingin ako sa kaniya habang umiiling. "Kahit nakakainis na 'yung sinasabi mo, ang sincere pa rin pakinggan. Hindi ko tuloy masabi kung niloloko mo na'ko o heartfelt ba 'yan."
Sa kagustuhan kong makabawi, natalo na naman niya 'ko sa pusoy. Four times. Hindi pa rin ako tumigil. Sa fifth game namin, nanalo ako, finally.
"Talo ka! In your face, Andrei Dixon! Woot, woot! Loser!"
Mukhang hindi naman siya tinatablan kahit inaasar ko siya kaya mas ako pa 'yung nabwisit.
"Sige na. Gawin mo na," maikling sabi niya.
Ako rin ang naguluhan sa bandang huli. Gusto kong manalo for the sake na makapagyabang ako sa harap ng idol ko.
"Ah, hindi," sagot ko. "Solve na'ko sa bragging rights na natalo ko si Andrei Dixon sa pusoy kahit minsan. Na na-prove ko na hindi ka gano'n ka-perfect kaya malamang hindi ka heavenly being kundi isa ring hamak na taga-lupa tulad ko. That way, hindi na'ko ga'nong mai-insecure 'pag kasama ka."
Ni hindi man lang siya kumurap sa dami ng sinabi ko. "Gawin mo na, Jelaine. Magko-concentrate pa'ko kung gusto mo. Iisipin ko, ako si Zeke. Tandaan mo: hindi ako 'yung tipong naa-out of character."
"Andrei naman... Kinakabahan ako sa pinaggagagawa natin eh."
"Gawin mo na. 'Kala ko ba kaya mo naman akong gisingin?"
"Hindi naman sa nagfi-feeling ako, Andrei, pero pa'no nga kung tawagin ko si Zeke at mawala ka ulit?"
Pinikit na niya ang mga mata niya, huminga nang malalim. Inayos ang pagkakaupo at nag-concentrate.
"Mapo-prove lang natin na coincidence lang ang lahat. You, Miss Jelaine Salvador, have no power over me whatsoever."
"Fine," asik ko. "Z-zeke? Zeke, and'yan ka ba? Pwede ka bang lumabas sandali?"
Matagal siyang nakapikit. Matagal ko rin siyang tinatawag. Pero walang reaction, kaya inisip ko na lang rin na itigil na ang kagagahang ito.
"Bridget?" Biglang dumilat si Andrei at tumingin sa paligid. "What happened? Where are we?"
"Z-zeke?"
Kumurap siya at tumitig sa'kin.
"Actually... I'm still me: Andrei," sabi niya, tinatawanan ako. "Sabi ko na sa'yo, hindi ba? Coincidence lang ang lahat."
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano ba kasi ang iniisip ko? Na somehow ako ang susi sa mga katauhan ni Andrei? Ni hindi nga kami close. Bigla na lang um-echo sa isipan ko 'yung sinabi sa'kin dati ni Zeke.
"Parang nalungkot ka naman," pansin niya.
"Ah... naalala ko lang kasi. May nagsabi sa'kin na pupunta siya sa malayong lugar. Sa lugar na 'yon, lagi niya 'kong makikita. Pero siya, hindi ko makikita. Noong una, hindi ko maintindihan... Ito pala 'yun." Niyakap ko ang mga binti ko at isiniksik ang mukha ko sa mga tuhod ko. "Natatakot din naman akong mawala ka uli. Kaso..."
Nadama ko na lang ang kamay niya sa likod ko.
"Tama na 'yan. Ikaw 'tong nagyayang gawin natin 'to ta's ikaw 'tong iiyak-iyak?"
May nagbago sa tono ni Andrei, kaiba sa usual na seryoso at malumanay niyang boses. Sa pagsasalita niya, mapapansin mo agad na nabubuhay lang siya para mang-asar. At parang narinig ko na somewhere ang linyang 'yon.
Nang iangat ko ang mukha ko para tingnan siya, isang ngiti ang isinalubong niya sa'kin. Isang malaking ngiti. 'Yung tipong tinatapon na lang sa hangin ang kapalaran. Walang pakialam.
Pa-simple niyang hinawakan ang celtic tattoo sa braso niya bago niya in-offer ang palad niya sa'kin.
"Come on. Don't be scared," sabi niya. "I'll hold your hand."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa palad niya at sa mukha niya. Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata ko, kulang na lang, malaglag ang mga 'yon sa sahig.
"Aish..." Bahagyang kumunot ang noo niya, pumaswit habang umiiling. "What's with that look? I thought you were dying to see me."
"Z-zeke?"
Iniangat niya ang kamay at bahagyang kumaway. Weird. Usually, sumasaludo siya tuwing nagkikita kami. Pero hindi ko 'yon pinansin.
"Ikaw ba talaga 'yan, Zeke?"
Ngumisi lang siya, umarko ang kilay ng makita ang mga baraha na nakalapag sa kama. "Poker?"
Inipon niya ang mga baraha at binalasa 'yon. Actually, parang pinaghalu-laho lang niya kasi obvious na hindi siya marunong.
Nakagat ko ang labi ko bago ko pa siya pigilan. Hindi tama na hinahayaan ko siyang ganito. Na gawin kung ano'ng gusto niya. Habang si Andrei naman ang nagdurusa. Pero kasi... Kasi...
Tila nababasa ang naiisip ko, umikot ang mga mata niya.
"One game. That's all I'm asking," sabi niya, overflowing ang confidence. "Let's make a bet; if you lose, I'm going to leave right away. So please fight hard for me, okay?"
Para sabihin niya 'yon nang wala man lang alinlangan, nakakapanibago lang. Kasi kanina lang, no'ng nahanap ko siya sa may waiting shed, takot na takot siyang mawala. Parang gustong niya talagang kumapit kahit isang hibla na lang ang hawak niya sa realidad kahit unti-unting nang napipigtas ang mga 'yon. Nakita ko'ng sobra siyang nahihirapan habang nagpapaalam sa'kin.
Para kusa siyang magprisintang umalis matapos niyang makabalik, hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Pinaglalaruan lang ba niya 'ko? Dahil 'yung Zeke na nakilala ko, hindi niya tipo ang gagawa no'n.
"Gano'n lang?" tanong ko sa kaniya. "Isasalalay mo lang ang lahat sa isang sugal?"
Natawa siya. "Lahat sugal lang. So we might as well take our chances. Ipusta na natin lahat."
Natigilan ako. Kinabahan.
Tahimik niyang inayos ang mga baraha at iniabot sa'kin ang baraha ko.
"Hayan," sabi niya. "Para hindi na uminit ang ulo mo."
Parang nade-deja vu na naman ako. May pamilyar kasi sa mga nangyayari. Hindi ko lang masabi kung ano.
Habang naglalaro kami, wala siyang imik. Focused. Hindi katulad dati na chill lang siya, kiber lang.
Kahit kay Zeke, talo pa rin ako. Mukhang amateur lang siya kung mag-shuffle ng cards, pero hustler pala. At idadahilan ko rin na hindi ako maka-concentrate. 'Wag na kayong umangal. Hindi ko maiwasang mapaisip. May something na mali sa eksenang 'to. At hindi lang 'yun dahil sa naburo ako.
Sandali siyang ngumiti sa'kin habang inaayos niya ang mga braha. Pero once ibinaba niya ang tingin, nawala agad ang ngiting 'yon.
"Ang saya nito. Masaya naman, 'di ba?" tanong niya.
Napilitan ako'ng tumango. Pero kahit ano'ng pilit ko, hindi ko magawang ngumiti.
Kinuha niya ang kamay ko at inilapag sa palad ko ang inayos niyang baraha. "Like I promised, I'll be going now."
Wala akong maisip kundi, ito na talaga. Baka ito na ang huling beses na makikita ko si Zeke. Pinagmasdan ko siyang maigi habang pinipigilang lumitaw ang kahit na ano'ng emosyon sa mukha ko. Pero hindi ako gan'on kagaling na artista tulad ng inakala ko. Unti-unting nag-ulap ang mga mata ko, parang nahihilam.
Sa kabiglaanan ko, hinila ako ni Zeke papalapit sa kaniya. Basta alam ko na lang, nakadikit na ang labi niya sa mga labi ko.
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, natakot akong baka marinig niya rin 'yon. Para 'kong nalulunod. Parang matagal na tumigil ang mundo kahit na siguro, ilang segundo lang ang lumipas.
Nang pinakawalan niya ako at tumingin sa mata ko, hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko maintindihan kung para sa'n ba 'yon. Kung dapat ba'kong malungkot o magtatalon sa tuwa.
"Sshh... 'Wag ka nang umiyak, Jelaine," bulong niya habang pinupunasan ang luha ko. "Don't cry for me. I'll be okay, I promise."
Nagpanting ang tenga ko. For a long time, nakatitig lang ako sa kaniya. Tulala habang sinusubukang basahin ang mga mata niya.
Dali-daling lumabas ng kwarto habang isa-isang nagre-rewind sa utak ko ang mga nangyari sa'min ni Zeke. Lahat ng mga salitang binitawan niya sa'kin before, pati na 'yung mga sinabi niya sa'kin ngayon, nag-replay 'yun sa utak ko. Parang linya sa pelikula. Paulit-ulit. Walang tigil hanggang sa pakiramdam ko parang sasabog na ang ulo ko.
Wala na'kong maintindihan.
'Wag ka nang umiyak, Jelaine.
Napahinto ako. At kailan pa 'ko tinawag ni Zeke ng 'Jelaine'?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
So....
Alin, Alin, Alin ang naiba?
Anyare?
Naguluhan ka ba?
Ako rin eh.
Advanced Happy Puso Day! If pareho tayo na walang magawa, abangan n'yo rin ung Valentine's shorty ko--shorty kasi as in super ikli lang. hehe. It's called This Girl.
O basta. Abangan mo na lang ang susunod na kabanata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top