27
Aug. 31, 2018
Dear Diary,
Another month has passed. I felt so happy! Medyo madalas kaming nag-uusap ni Mr. Vallein! Even though pure quick kumustahan lang, masaya na ako. Nababawasan iyong bigat na nararamdaman ko. Nagrarant ako sa kanya about sa mga nangyayari sa school namin. Kung paano ako laman ng usap-usapan. Ang hirap maging SSG officer. Dagdag stress. Ayaw ko sana pero wala e, sayang leadership award kapag nagkataon. Pero totoo nga, ayaw ko pero pinilit din naman ako ng ibang mga ate at kuya. Go na lang. Wala naman mawawala. Is just that the pressure is on. Nakakapagod. Dagdag mo pa na ang daming assignments na binibigay and projects.
What if umamin ako kay Mr. Vallein? Pero the thought of it scares me. Kaya huwag na lang muna. I will like him from a far na lang. Basta kapag kausap ko siya, masaya ako at iyong kilig ay hindi nawawala. Iba siya! Siya na talaga gugustuhin ko.
Baka magbago pa yan. Hinayhinay lang, self!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top