CHAPTER 21

WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.

CHAPTER 21

WOW...

LITERAL na umawang ang bibig ko nang tuluyang pumasok ang aming bangka sa pagitan ng mga nagtataasang batong nababalutan ng mangilan-ngilang mga puno at halaman.

Sa isip ko na lang nasabi ang matinding paghanga na bumalot sa 'kin nang marating namin ang Twin Lagoon. Halos hindi ko na maitikom ang bibig ko sa paghanga. Maging ang paningin ko ay hindi matuon sa iisang parte ng napakagandang paraiso dahil kung saan-saan dumarapo iyon. Hindi matapos ang paghanga ko sa makapigil-hiningang tanawin.

Kahanga-hangang nakikita ko ang parte ng tubig at nasasabing kulay berde iyon gayong nakikita ko ang ilalim niyon sa sobrang linaw ng tubig. May isa pang parte ang katubigan na kulay asul naman. At kakatwa ring nakikita kong asul iyon gayong malinaw ko ring nakikita ang kailalim no'n. Unbelievable!

Hindi ko namalayan ang paglapit ni Maxwell. Sandali ko lang siyang sinulyapan dahil ang paningin ko ay naroon sa napakalinaw na tubig. Hindi ako makapaniwalang nakakakita ako nang ganoong kalinaw na tubig ngayon.

Marami na akong napuntang beach, islands at kung ano-ano pang maipagmamalaki ng isang lugar sa na parte ng kalikasan. Nagkamali ako nang isipin kong ang Pamalican na ang pinakamaganda. 'Ayun at naroon pa pala ang lugar na iyon.

"What can you say?" tanong ni Maxwell.

Nakangiti niyang inilahad ang kamay sa 'kin at inalalayan akong tumayo sa bangkang sinasakyan namin. Hindi ko inaasahang yayakapin niya ako mula sa likuran at isisiksik ang mukha sa pagitan ng pisngi at leeg ko. Gustong-gusto ko sa t'wing gagawin niya 'yon pero hindi doon nakatuon ang atensyon ko ngayon. Talagang hindi malubayan ng mga mata ko ang napakagandang lugar.

"This place is perfect," halos pabulong kong sinabi ang paghanga.

Sa ingay at daldal kong ito, ngayon lang ako naubusan ng komento at masasabi sa isang lugar. Ni hindi ako makahanap ng akmang salita na magbibigay ng mas magandang deskripsyon sa nakikita ko. Hindi ko maisatinig ang magandang pakiramdam na naroon sa dibdib ko na dulot ng matinding paghanga.

"Mabuti at ito ang panahong napili ni Sir Maxwell," ani Mang Pitong. "Wala masyadong turista sa ganitong panahon."

Kami nga lang talaga ang tao roon, halos isipin ko na kaninang pinasara ni Maxwell ang lugar na iyon para sa akin. Masyado na yata akong ambisyosa para isipin 'yon.

"I knew you'd like it here," masaya ang tinig niya, ramdam ko ang pagkakangiti.

"Kung hihilingin ng lugar na 'to na angkinin ang atensyon at paningin ko, ipagkakaloob ko," pakiramdam ko ay puso ko ang nagsalita para sa 'kin. 'Yon lang ang nakayanan kong sabihin.

Naramdaman ko nang lumuwag ang pagkakayakap niya. Nakita ko nang tunghayan niya ako, palibhasa'y matangkad talaga, halos nadungaw niya ang mukha ko.

"Mm-mm," iling niya. "Wrong decision, baby. Those are mine, too," aniya, seryoso.

Napamaang ako saka natawa. Gusto ko sanang i-explain ang nais kong sabihin pero talagang naagaw ng tanawin na 'yon ang atensyon ko. At sa ginagawa kong pagtitig doon, nauubos ang mga salitang dapat ay sasabihin ko.

"I've never seen any place as beautiful as this," muling sabi ko. Pakiramdam ko ay sinabi ko nang mabagal at isa-isa ang bawat letra ng salitang beautiful para masabi lang nang tama ang aking paghanga. Ang paningin ay hindi pa rin mapatuon sa iisang lugar, nililibot ko nang todo ng tingin ang buong lugar.

"Let's swim?" alok niya.

Nilingon ko siya at parang akong magkakasunod na tumango. Inabutan kami ng lifevest ni Mang Pitong pero sabay naming inilingan ni Maxwell 'yon.

Hinubad ko ang crochet cover-up ko at tumambad ang black two-piece warsaw swimsuit na hapit na hapit sa katawan ko, lalo na sa bandang harap at likuran.

Narinig ko nang mapasinghap si Maxwell na ganoon kabilis lumapit sa aking likuran. Bahagya akong tumingin sa gawi kung saan naro'n ang mukha niya saka ko marahang hinawi ang buhok ko mula sa gawing iyon papunta sa kabila. Tumambad sa kaniya ang buong batok ko at gusto kong matawa nang halos maramdaman ko doon ang hininga niya.

"You're making me want to own you again, Marchessa,"bulong niya saka mas inilapit ang bibig sa aking tainga. "The way I did last night."

Umangat ang gilid ng labi ko at nakangiti kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. Agad na gumapang ang nakakikiliting pakiramdam sa kabuuan ko nang maalala ang ginawa namin kagabi na dahilan kung bakit napagod kami nang todo.

Napapikit ako nang kilabutan ako at tila maramdamang muli kung gaano kadiin ang pagkakabaon ng trono sa korona. Halos maisigaw ko ang pangalan niya nang paulit-ulit dahil do'n.

Damn, I can't believe I'm still fantasizing about this man after everything that happened between us.

"Shall we?" aniya, inilahad ang kamay sa 'kin.

"Where?" wala sa sariling tugon ko.

Umangat ang gilid ng labi niya saka bahagyang natawa. Hinawakan niya ako sa balakang. Natapik ko siya habang natatawa nang maramdaman ko isa sa mga daliri niyang bahagyang pumasok sa gilid ng bikini ko.

"Let's get a little wet," bulong niya, halatang nakangisi, nang-aasar.

"A little?" nang-aasar din na tugon ko saka nag-iwas ng tingin.

"Then I'll kiss you under the water so you get twice as wet," aniya saka hinawakan ang kamay ko at basta na lang ako isinabay sa kaniyang tumalon sa tubig!

Hindi ko na naman mapangalanan ang pakiramdam! Naghalo ang gulat, kaba, sarap at saya nang gawin namin ang pagtalon na iyon. Nang magmulat ako ay pareho na kaming mukhang mga sira na tatawa-tawa sa isa't isa sa ilalim ng tubig. Gumawa iyon ng sunod-sunod na bula ng tubig dahil sa hangin na naibubuga namin kasabay ng pagtawa.

Magkahawak-kamay kaming lumangoy paikot-ikot nang ilang ulit saka siya lumapit at niyakap ako sa ilalim ng tubig. Pinandilatan ko siya nang matunugan kong hahalikan niya ako ngunit wala rin akong nagawa nang tuluyang maglapat ang mga labi namin.

Iyon 'yong halik na hindi matagal ngunit hindi rin saglit, pero sobrang banayad. Dahil matapos no'n ay magkayakap kaming umangat sa napakalinaw na tubig kasabay ng mangilan-ngilang isda na na kasama namin sa tubig.

"Ang sarap," sabi ko. "Ulitin natin," dagdag ko saka pinahiran ang tubig sa mukha ko.

Nakangisi siyang tumingin sa 'kin, nagpipigil na matawa. "Ang alin?" aniya saka tumikhim.

Sandali akong natigilan at muling naisip ang nangyari kagabi. Tinapik ko siya sa balikat, sabay kaming natawa. "Ano ka ba..."kagat labi, gigil kong sabi habang pinapalo-palo ang tagiliran niya sa ilalim ng tubig. Nilingon ko ang bangka at hinanap si Mang Pitong ngunit mukhang hindi kami nito pansin at naririnig.

Inilapit niya ang sarili sa 'kin at namilog ang bibig ko nang maramdaman ang kabuuan niya! "You're responsible for this,"nakangiwing bulong niya.

Iniyakap ko ang pareho kong braso sa kaniyang leeg, gano'n na rin ang pareho kong hita sa kaniyang bewang bilang pang-aasar. Ngunit gusto kong pagsisihan agad 'yon dahil may pakiramdam na gumapang sa kabuuan ko nang magkasabay kong makita ang pagkagat niya sa labi at maramdamang muli ang trono.

Napalunok ako at bigla ay hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. Ako ang gustong mang-asar pero ako ang mas naapektuhan. Nag-init nang bigla ang buong katawan ko.

"You're torturing me, Marchessa," tiim-bagang na sabi niya, sunod-sunod ang buntong-hininga. Bigla akong natawa. "Parang gusto kong magsisi na dinala pa kita dito."

"Why?" pabulong na sabi ko, pilya masyado.

"I want to bite you," ngiti niya saka yumakap nang todo sa 'kin. Dinampian niya ng halik ang pagitan ng dibdib ko. "Why can't I have you like this all the time, Yaz?" aniya nang magpantay ang paningin namin.

"Because you're busy."

"And so are you."

"But I can always find time for you," nakangusong sabi ko. "Ikaw ang hindi gano'n."

Natahimik siya habang nakatitig sa 'kin. "You can understand me, right?" tanong niya, seryoso at puno ng pag-asang nauunawaan ko nga siya.

Marahang nawala ang ngiti sa labi ko. Bigla ay na-guilty ako dahil alam kong hindi ko naman talaga siya naiintindihan. Nagi-guilty ako dahil pareho kaming nagtatrabaho sa ospital, dapat ay ako ang higit na nakaiintindi sa kaniya. Pero hindi ganoon ang nararamdaman ko, hindi ko siya naiintindihan nang lubusan at hindi ko 'yon magawang aminin ngayon.

"I love you," hindi ko alam kung bakit 'yon ang naisagot ko.

"You understand me because you love me?"

Muli akong natigilan ngunit agad ding ngumiti. "I just love you. So much," pakiramdam ko ay puso ko na naman ang nagsabi no'n para sa 'kin. "Mahal na mahal kita na kahit wala kang oras sa 'kin madalas...ayos lang."

Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "So, you're saying that you don't understand me?" tanong niya sa paraang nais pang umintindi.

Napalunok ako. Ilang beses akong sumubok na magsalita pero matagal bago 'yon natuluyan. "There are times that I can't understand you," malungkot kong sabi. "Pero sa t'wing magkasama tayo, lahat 'yon naiitindihan ko. Hindi ko maipaliwanag."

"Tell me, what do you want me to do."

"I want you mine."

"I'm all yours, baby."

"Yeah, pero..." hindi ko na naman alam kung ano ang sasabihin at kung paanong magpapaliwanag.

Kumalas ang mga hita ko sa katawan niya at bumaba ang pagkakayakap ng mga braso ko sa bewang niya. Bigla ay hindi ko na magawang salubungin ang mga tingin niya.

"Pero?" tanong niya nang hindi na masundan ang sinabi ko.

"Pero minsan kasi..."

"What?"

"Gusto kong ikaw 'yong nandoon imbes na si...si Maxrill," tuluyan na akong nagbaba ng tingin. "Gusto kong ikaw 'yong maghatid at sumundo sa 'kin. Gusto kong ikaw 'yong nakakasabay kong kumain. Gusto kong ikaw 'yong..."muli akong natigilan at napatitig na lang sa mga mata niya.

"I'm all ears, baby. Tell me."

"Gusto kong ikaw 'yong magliligtas sa 'kin kapag napahamak ako." Sinabi ko 'yon nang gumagaralgal ang tinig sa kaba, hindi pa rin magawang tumingin sa mga mata niya.

Bigla ay napapikit ako nang maalala ang mga sinabi ni Maxpein. Nag-alala ako na baka dahil gano'n ang sinabi ko ngayon ay pilitin ni Maxwell na gawin ang mga 'yon. Nagsisi akong sinabi ko ang mga 'yon dahil baka isipin niyang masyado akong naghahangad ng oras niya. Kahit na ang totoo ay may bahagi sa 'kin na 'yon talaga ang gusto.

Matagal siyang natahimik, nangangapa rin marahil ng sasabihin. Nang hindi ako makapaghintay ay inunahan ko na siya.

"But I do understand you," kabig ko. "I really do, Maxwell." Nagsalubong ang mga tingin namin. "It's just that...sometimes, hinihiling kong sana ay ikaw ang nandoon para sa 'kin imbes na kapatid mo."

"Hush," bulong niya. "Naiintindihan kita," bumuntong-hininga siya. "Hindi lang ikaw ang nakararamdam niyan. I swear, kahit ako, gusto kong ako ang gumagawa ng lahat ng 'yon imbes na kapatid ko."

Nagbaba ako ng tingin. Binalot bigla ng lungkot ang dibdib ko sa mga susunod niyang sasabihin. Natatakot ako sa mga posibleng marinig ko.

"I know I'm always busy but...I hope you can see that I'm also making time for us," marahan niyang sabi. "I'm really trying, Yaz."

"I know."

"But can you really appreciate it?" madamdamin niyang tanong. "I mean..." sandali siyang natigilan.

Umiling siya nang umiling na tila naghahanap ng akmang salita para maipaliwanag ang nais niyang sabihin nang hindi ko mamasamain.

"Napapansin mo kasi 'yong mga oras na wala ako pero...'yong mga sandaling nandoon ako...nakikita mo ba 'ko, Yaz?" hindi ko inaasahan ang tanong niya.

Napatitig ako sa kaniya nang matagal at hindi nakapagsalita. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay isang matinding realization ang naganap sa utak ko. Gayong ang mga sinabi niya ay nagpapaintindi at hindi nanunumbat.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ako ang sumusobra ng hinihingi.

"Maxwell..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "I'm sorry..." kinain ako ng konsensya.

Hindi ko inaasahang ngingiti siya. "Akala ko noon, wala akong oras magmahal. Kasi kahit 'yong ibang babae, titingnan na lang, hindi ko pa magawa. I was always busy taking care of people who really needs me. Sabi ko pa nga, walang mangangailangan sa 'kin nang higit sa mga pasyente ko," hindi ko inaasahang magkukwento siya nang gano'n. "I even planned on staying single, lifetime!" biro niya.

Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko talaga nakilala nang lubos si Maxwell mula noon, hanggang mangyari ang sandaling ito.

"I was getting along with everything, but...then...you happened." Tumingin siya sa mga mata ko nang may ngiti sa labi. "You have this special way of dealing with me. You made me feel chosen by showing and expressing your love that is constant. And now, nothing's more valuable to me than us."

Emosyonal akong napatitig sa kaniya nang matagal. Hindi ko alam kung paanong ang matinding paghanga ko noon ay masusuklian nang ganito ngayon. Hindi ko hinangad 'yon nang ganito katindi noon, kaya nagpapasalamat ako na natatanggap ko.

"I promise I'll take care of you, Yaz," sinsero niyang sinabi. "I'll do everything I can to make you happy."

"Mm..." talagang na-touch ako. Naluha ako at napayakap na lang sa kaniya. What did I do to deserve you?

Panay ang pagpahid ko sa luha ko pero patuloy rin 'yon sa pagtulo at natatawa ako sa sarili ko. Para akong timang na naghahangad ng mga ganoong salita, ganoong sandali at ganoong oras pero heto at iniiyakan ko naman 'yon ngayon.

Sinulit namin ang oras sa kalalangoy paroo't parito. Walang kapagurang habulan kuno na ang totoo naman ay panay ang pagpapahuli ko para sa huli ay halikan niya ako. Kung ako ang masusunod ay gusto ko ring ganoon na lang kami araw-araw. Pero hindi pwede. Pareho naming kailangang mabuhay. Hindi para sa trabaho, hindi para kumita, kundi para talagang mabuhay.

"Bagay!" sigaw ni Mang Pitong. "Paparoon na tayo sa Kayangan!"

Tumingin si Maxwell sa relos niya. "Mm, it's almost lunch time. You must be hungry."

"I'm fine. Ikaw, baka gutom ka na?"

"Yeah, sobra," aniya na lumangoy patalikod upang magkaharap pa rin kami. "Kung may chance lang ako kanina baka kinain na kita."

Pinalo ko ang braso niya. "Kanina ka pa, ah!"

Humalakhak siya. "Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at inilangoy ako papabalik sa bangka.

Isinuot niya ang cover-up ko nang makasakay kami at niyakap ako sa likuran. Hindi niya ako binitiwan hanggang sa marating namin ang sumunod na destinasyon.

"Wow..." 'ayun na naman 'yong paghanga ko sa napakagandang tanawin.

Panibagong paraiso ang Kayangan Lake. May malalaki at katamtamang laki ng timpak na mga bato na nababalutan ng mga puno't halaman. Naghahalo na naman ang kulay mapatang na berde at normal na berdeng tubig bagaman makikita halos ang kailaliman niyon sa sobrang linaw.

Hindi katulad kanina, may mangilan-ngilang turista kaming naabutan, ang ilan ay kasabay pa naming dumating. At napanguso ako nang makita kung paanong naagaw ni Maxwell ang atensyon ng lahat ng babae.

"Sobrang ganda dito," sabi ko, sabay yakap kay Maxwell. Sinadya ko iyong ipakita sa mga babaeng hindi na naalis ang tingin sa kaniya.

Pero halos matunaw ang puso ko nang titigan niya ako na para bang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Dahil 'ayun at deretso niyang tinitingnan ang babaeng mas maganda pa sa lugar na iyon at ako 'yon.

"I'm glad you like it," ngiti niya saka dinampian ng halik ang sentido ko.

Nakita ko nang magpapadyak sa inggit ang ilang babaeng nakakita. Sinadya kong mas ilapit pa ang katawan ko kay Maxwell nang malaman nilang tresspassing na ang pagtingin na ginagawa nila.

"Do you want to swim again?" tanong niya.

"I thought you're hungry?"

Umangat ang gilid ng labi niya saka idinikit sa aking tenga. "Baby, I can't eat you here," nakagat ko ang labi habang sinasabi niya 'yon.

"Then, where?" nakanguso kunyaring tanong ko, nang-aasar.

Bahagyang nanlaki ang mata niya. "What do you mean where?"

Nagpatangkad ako ngunit kapos 'yon para maabot ang tenga niya kaya sinenyasan ko siyang yumuko na natatawa niyang ginawa.

"To tell you the truth, I'm hungry and I want a blow..."nilingon niya ako bigla! "Out," bigla ay dagdag ko.

Tumiim ang bagang niya at mataman akong tinitigan. Nagtaas ako ng kilay at inosenteng nag-iwas ng tingin. Sa isip ko ay panay ako tawa.

"Don't say that word again," banta niya. Natawa ako. "It's freaking weird."

Nang sandali ring iyon ay nagpaalam na si Mang Pitong at sinabing susunduin kami matapos ang dinner. Napagkasunduan naman namin ni Maxwell na umakyat muna sa bundok para makita ko raw ang kabuuan ng view.

Hindi ko iyon pinagsisihan. 'Ayun ako at hindi na naman malaman kung alin sa mga tanawin ang unang titingnan. Nagsisi ako na hindi nakapagdala ng camera pero sinabi ni Maxwell na mas maiging makita ko muna iyon para alam ko na kung ano ang kukuhanan sa susunod na pumunta kami. Masaya ako sa katotohanang may plano siyang bumalik kami roon.

Halos alas dose na nang magyaya si Maxwell na bumaba. Sumakay pa kami nirentahan niyang sasakyan papunta sa pinakamalapit na hotel para kumain.

"I can't believe we're doing this together," natatawa kong sabi habang nakasakay kami sa van at aalog-alog sa likuran dahil kami lang ang sakay.

"Why?"

Nagkibit-balikat ako. "I never really tried riding a public vehicle with a guy."

"It's my first time, too."

"Riding a public vehicle with a girl?"

"No, just...it's my first time to ride in a public vehicle,"seryosong aniya. "I mean, I can own a van anytime I want if I wanna go here, you know? Or fly our chopper," wala sa plano niya ang magyabang pero 'ayun ako at nayayabangan sa sinabi nito. Buntong-hininga na lang ang isinagot ko.

Gano'n na lang ang gulat ko nang dalhin niya ako sa three star hotel and resort. Nagkamali ako nang isipin kong restaurant lang ang pupuntahan namin, na sadyang malayo lang iyon kaya kinailangan pa sumakay ng public van.

"Is it okay na pumasok tayo nang ganito?" nagugulat kong tanong sa kaniya. "I mean...I'm dripping wet!"

Nilingon niya ako at tumitig habang hawak ang kamay ko. "You're ruining my concentration, Yaz."

Umawang ang bibig ko. "I didn't mean...to." Lumabi ako. "Sana kasi sinabi mong may plano tayong ganito...sana nagdala ako ng extra clothes."

"Sorry, this is how I do these things. Hindi ko naisip, first time ko rin pumunta dito nang may kasama. Do you want to change? I have a room in second floor."

Napatitig ako sa kaniya. "Yeah," sabi ko sabay kagat ng labi ko. "May room ka dito?"

"Yeah, si Maxrill ang may ari nito," itinuro niya ang hotel and resort na nasa harap namin.

Umawang ang labi ko. "Bakit hindi mo naman sinabi?"nagpatiuna na ako sa kaniya, narinig ko siyang humalakhak pasunod sa 'kin.

Noon ko lang napansin ang Del Valle Corporation na nakaukit sa ilalim ng batong logo at pangalan ng hotel sa labas nang tumuloy kami. Palibhasa'y nag-commute, nilakad namin mula sa kalsada, papasok. Lalo tuloy akong nagutom.

May tatlong palapag at katamtamang haba ang hotel. Simple pero mukhang mamahalin dahil hindi rin biro ang view niyon. Tanaw na tanaw ang pinakamagagandang spot sa kabuuan ng Coron sa 'baba pa lang dahil sa mataas na kinaroroonan nito.

Nang makapasok ay nakita ko kung paanong ngumiti ang mga staff kay Maxwell, gano'n na rin sa 'kin. Mukhang madalas talaga siyang magpunta roon. Kasi sa hitsura niyang nakaitim na polo at khaki shorts at itim na shades, hindi ko akalaing makikilala nila siya. Kung ako sa posisyon nila ay baka mamalik-mata muna ako. Hindi ako sanay sa ganitong pananamit ni Maxwell.

"Magpapalit tayo sa room pero sa bayside tayo magla-lunch," nakangiting sabi niya nang sumakay kami sa elevator. "Maganda ang view ro'n."

"Okay," excited kong sinabi. "Hindi mo nabanggit sa 'kin na may hotel din pala kayo rito."

Bigla ay naalala ko ang mga linya nilang pamilya, na nagsasabi sa kahit sinong hindi lahat ay kailangang malaman ninuman. Gusto ko tuloy pagsisihang nagsalita pa ako.

"Marami kaming hotels sa buong Palawan," kaswal niyang sabi nang makalabas kami sa elevator at maglakad sa hallway. "It was my grandmother who purchased those lands and properties."

"I see," tatango-tangong sabi ko. Tiningnan niya ako nang tuluyan kaming huminto sa harap ng pinto. "Ito na 'yong room mo?"

Ngumisi siya. "Oo."

Tumalim kunyari ang tingin ko. "Anong iniisip mo?"

"Lahat ng sinabi mo kanina."

Pinalo ko siya sa balikat. "Sira!"

Natatawa niyang binuksan ang pinto at pinatuloy ako. Humanga na naman ako! Bilib talaga ako sa taste ni Maxwell. 'Ayun at sumalubong sa 'kin ang napakagandang view sa labas ng napakalaking glass wall, nakabukas ang malalaking curtain niyon. Dere-deretso akong lumabas sa terrace at nilanghap ang napakasarap na hangin.

"I want to live here," nasabi ko habang nakapikit.

"I'll keep that in mind," nagulat ako nang magsalita siya tenga ko.

Napangiti ako saka muling tiningnan ang kagandahan ng lugar. "Sobrang ganda rito, Maxwell," emosyonal kong sinabi saka tumingin sa kaniya. "Thank you."

"You're welcome," aniya na hinaplos ang pisngi ko. "I love you." Ibinaba niya ang mukha at hinalikan ang labi ko.

Agad na gumapang ang kilabot sa katawan ko na para bang kaytagal na nagtiis na magtago no'n. Ako ang nagdulot ng pusok sa dapat ay simple lang namang halik. Ako ang naghahamon at sumusunggab dahilan para mag-alab ang mga labi namin. At nang maghiwalay ay pareho nang mainit ang tingin namin sa isa't isa.

"Do you..." naghahabol ng hiningang ani Maxwell, naliliyo na ang tingin. "Do you want to lie down for a bit?"

Sa halip na sagutin ay hinawakan ko ang mga pisngi niya at iniyuko siya sa 'kin upang muling maglapat ang mga labi namin. Binuhat niya ako at ipinasok pabalik sa kwarto. Iyon pa lang ang ginagawa namin ay panay na ang pag-ungol ko. Lalo na nang maramdaman ko ang kamay niyang gumapang papasok sa bikini ko.

Awtomatiko akong napatingala at isinabay ang katawan ko sa galaw ng kamay at daliri niya. Nakagat ko ang labi at muling sinalubong ang mapusok na tingin niya. Marahan niya akong inihiga sa kama saka hinunad ang polo niya.

Sa sobrang pilya ay pinadaan ko ang palad ko sa sariling dibdib paibaba, papasok sa king bikini. Nakita ko nang magtiim ang bagang niya.

"You can't do that..." namamaos na sabi niya.

"Why can't I?" naliliyo nang sabi ko saka itinuloy 'yon. Nag-react ang katawan ko sa sobrang init ng pakiramdam, napadaing ako.

"Damn it," agad siyang lumuhod sa harap ko hinubad ang bikini ko. Hindi ko na natiis ang sarili kong hubarin ang top niyon.

"Now that we're alone, I want to feel you inside me," sabi ko.

"You will," tiim-bagang niyang sabi saka hinubad ang lahat sa kaniya.

Umarko ang katawan ko nang maramdaman ang kabuuan ng trono.

Deeper! Sigaw ng isip ko na tila narinig ni Maxwell! Lalo pang umarko ang katawanan ko nang bumaon nang paulit-ulit ang kaniyang trono. Para agad akong sasabog sa pagkakapuno na idinulot ng napakaraming sandali kanina. At mukhang hindi ako nag-iisa. Dahil pareho at sabay na sabay kaming kumilos upang marating ang tuktok.

Pareho naming habol ang hininga nang matapos at naibagsak namin ang aming katawan sa kama.

Niyakap niya ako mula sa likuran. "How does it feel?"

Natawa ako. "You're amazing," hinalikan ko ang pisngi niyang dungawin niya ako. "Napakarami mong alam."

"Yeah, tell me where, I'll taste you there."

Pinalo ko siya. "Ang dami mong alam, talaga bang ako lang ang naging girlfriend mo? Saan mo natutunan 'yan, ah?"

"Sa libro."

Nagugulat ko siyang nilingon. "Ano namang libro ang magtuturo sa 'yo ng ganito?"

"Anatomy and Physiology?" natawa siya. "Alam ko ang lahat kiliti mo, literal," bulong niya saka bumangon at hiningi ang kamay ko. "Mag-shower na tayo."

Hindi siya sumabay sa 'kin. Pinauna niya akong mag-shower at pinilian ng maisusuot na damit. Natawa ako nang malamang wala siyang new clothes for guests sa suit na 'yon. Tuloy ay long-sleeved shirt niya ang isinuot ko. iyong puti ang gusto ko pero ang sabi niya ay babakat doon ang undies ko dahil basa pa rin ang mga 'yon matapos kong labhan. Tuloy ay napilitan ang isuot iyong cotton black shirt na pinili niya for me. Halos umabot 'yon sa kalahati ng hita ko sa sobrang haba.

Gaya ng sinabi niya ay sa bayside kami nag-lunch. Gaya kanina ay naagaw namin ang atensyon ng mga babaeng naroon. Pero lahat 'yon ay napapako na ang paningin sa kaniya matapos tumingin sa 'kin.

"Can I sit beside you?" nakangusong tanong ko habang naghihintay kami sa foods. Doon kasi siya naupo sa harap ko.

"Sure," aniya na tumayo at pinaghanda ako ng silya.

Agad kong iniangkla ang braso ko sa kaniya nang maupo siya muli. "Thank you ulit," sabi ko.

Ngumiti siya. "You're welcome," hinalikan niya ako sa noo. "I love you."

Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya, saka ko naisubsob sa hiya ang mukha ko sa balikat niya. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nangyayari ang lahat nang 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwalang maririnig ko ang tatlong magic words na 'yon mula sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang para sa 'kin ang mga salitang 'yon. Hindi ako makapaniwalang boyfriend ko na siya. Hindi ako makapaniwalang mahal niya ako, at ganito kamahal.

"Hey, why?" aniya na hinuhuli ang baba ko.

"Ang swerte ko lang," nakangusong sabi ko. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang tila koala na nakakapit sa kaniyang braso.

"Kasi gwapo ako?"

"Excuse me!" kumalas ako bigla. Natawa siya. "Ang swerte ko kasi may 'yong crush ko, naging boyfriend ko."

"Ano'ng swerte ro'n?"

"Bihira ang gano'n."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam ang pakiramdam. Si Dein lang naman ang naging crush ko."

Tumalim ang tingin ko saka nag-iwas. Pinalo ko siya nang hindi tinitingnan. "Lumipat ka ro'n sa kabila."

"Ha?" inosenteng tugon niya.

"Lumipat ka ro'n sa kabila," mataray kong sabi.

"Why? Akala ko, gusto mo tabi tayo."

"Nagbago ang isip ko."

Tumawa siya. "Nagselos ka?"

"Oo, at nagseselos pa rin ako kaya lumipat ka na."

"Matagal na 'yon, at matagal na ring wala."

"Ni hindi mo nga ako naging crush," nakalabing sabi ko.

"How sure are you?"

"Wala kang sinabing naging crush mo 'ko."

"Sabi ni Deib Lohr, doon nagsisimula 'yon."

Napailag ako. "At naniwala ka naman do'n? E patay na patay sa kapatid mo 'yon at parating ipinagpipilitang si Maxpein ang unang nagkagusto sa kaniya."

Ngumiwi siya. "But if you're going to ask me, I had a crush on you," nakangiti man ay seryosong sabi niya. "You're not the typical girl I see everyday, you're different."

Unti-unti ay bumalik ang ngiti ko. "Paanong different?"

"I mean compared to Dein, Keziah, Pein...you're maingay, clingy, feeling close...like that."

Muling tumalim ang tingin ko. "Nakakainis ka!"

Natawa siya. "I'm serious."

"Seryoso rin ako, nakakainis ka! Maingay rin naman si Zarnaih, ah? Saka anong feeling close?"

Ngumiwi siya. "Hindi ba? You're calling me baby kahit hindi pa naman tayo."

"Endearment 'yon."

"But you're not supposed to be calling someone like that if you're just...friends. Or even if you had a crush on them. It's...weird."

"Para sa 'yo."

"So...kung may crush kang iba, tatawagin mo rin silang gano'n?"

"Hindi, syempre, ikaw na ang baby ko, e!"

"Tinawag mo nga akong baby nang hindi tayo, right? So, pwede mo rin 'yong itawag sa iba. But don't you dare, I'll kill you."

Humalakhak ako. "Duh? As if namang magkakagusto pa 'ko sa iba."

Natigilan siya at ngumiti. "Me, too."

Nangunot ang noo ko saka ako natawa. "Ang weird mo! Hindi ako sanay na ganito ka. You're so funny and cute,"pinisil ko ang pisngi niya. "Grabe...totoo ka talaga?"

"What?"

"Boyfriend talaga kita?"

"Gusto mo na ba agad ibahin?" nakangising sabi niya.

"Ha?" natigilan ako.

Pero hindi niya na nagawang sagutin ang huling sinabi ko dahil isinerve na ang orders namin. Tahimik akong kumain bagaman panay ang kwento ni Maxwell. Sumasagot ako paminsan-minsan pero sa isip ko ay pabalik-balik 'yong huling tanong niya.

Psh! Sa relasyon nga, wala siyang time. Sa pagbuo pa kaya pamilya?

'Ayun na naman ako sa pag-o-overthink. Naiisip kong nagiging unfair ako sa kaniya sa t'wing gagawin ko 'yon pero sadyang kay hirap pigilan.

Naisip kong pareho naman kaming nasa tamang edad na. Pero naisip ko ring masyado pang maaga 'yon para sa relasyon naming wala pa ngang isang buwan.

"Are you listening to me?" tanong niya.

"Ha? Yeah, sorry," napapahiyang sabi niya.

Matagal siyang tumitig sa 'kin saka tumayo at muling inilahad ang kamay sa 'kin. Napatingin ako sa pagkain namin. Mukhang gano'n nga kalalim ang iniisip ko at hindi ko namalayang naubos ko 'yon.

Tinanggap ko ang kamay niya at nagpatianod sa kaniya papalapit sa glass deck. Muli niya akong niyakap mula sa likuran at sabay naming tinanaw ang tanawin doon. Sandali kaming natahimik. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya habang ako ay hindi pa rin lubayan ng iniisip mula pa kaninang magsimula kaming kumain.

"Can I...meet your parents?" bigla ay tanong niya, sa gulat ay napalingon ako sa kaniya.

Sa gulat ay paulit-ulit akong napakurap habang nakatitig sa kaniya. Tumingin siya sandali sa mga labi ko saka tumitig sa mga mata ko at ngumiti. Kahit hindi niya sabihin ay nakikita ko ang nararamdaman niya sa 'kin sa tinging iyon.

"I know it hasn't been a full year yet, but I want you in my life, Yaz."

"Maxwell..." nagugulat kong sambit. Tuluyan kong nakalas ang pagkakayakap niya upang magkaharap kaming dalawa.

"I want you to be my wife."

Umawang ang labi ko ngunit walang salitang namutawi ro'n. Nangilid ang mga luha ko ngunit ngiti ang gumuhit sa mukha ko at niyakap siya.

Hindi ko maipaliwanag kung anong klase ng saya ang naramdaman ko ng sandaling iyon. Mukhang nagkamali ako nang isipin kong naramdaman ko na ang pinakamasayang sandali naming dalawa.

Hindi pa pala. Dahil mas pinasaya niya ako nang sandaling iyon na halos maiiyak ko ang tuwa at saya.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji