CHAPTER 20
CHAPTER 20
WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.
NAGHIWALAY LANG ang mga labi namin ni Maxwell nang matunog na tumikhim si Tito More. Naisubsob ko ang mukha sa dibdib ni Maxwell dahil sa hiya. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Maxwell sa hinawakan ang kamay ko upang iharap sa lahat ng naroon. Hindi ko magawang salubungin ang mata ng mga magulang niya, lalo na ng mga kapatid niya.
"Yaz and I..." panimula ni Maxwell, tila nahinto lang nang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Naramdaman ko nang lingunin niya ako pero hindi ko talaga magawang mag-angat ng tingin.
Nang sandaling 'yon ay hinahanap ko ang natural na kapal ng mukha ko. Iyong dating nagbibigay ng lakas sa 'kin ng loob na ipangalandakan sa pamilya ng lalaking ito na ako lang pwedeng magkagusto sa kaniya. Iyong apog na lantaran kong ipinapakita sa lahat kung gaano akong patay na patay sa lalaking ito. Iyong tigas ng mukha para hayagang ipakita ang desperasyon kong maangkin siya. Lahat nang 'yon ay hindi ko makapa sa katawan ko ngayon.
"We're in a relationship," dagdag ni Maxwell.
Kung tutuusin, iyon na dapat ang pinakamasarap na pakiramdam. Pero talagang nangibabaw ang hiya sa akin. Hindi ko maintindihan. Para bang noon ko lang nararamdaman ang kahihiyan sa lahat ng mga pinaggagagawa ko sa nakaraan.
"Oh my god," kapatid ko ang unang nag-react, hindi na dapat ako magulat. "Oh my god, ate," isang salita pa at siguradong papalahaw na siya. Awtomatikong volume ng bibig ni Zarnaih, at hindi kailanman naging mahina iyon, parating papalakas.
Naluluha, nag-iinarte akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Oh my god talaga," nagmamaganda kong sabi.
"Oh my god!" 'ayun nga at isinigaw niya na. Patakbo siyang yumakap sa 'kin. "Sa wakas ay umepekto ang gayuma mo!"
Binatukan ko siya. "Leche ka, wala nako siya gigayuma!"inis kong sabi. "Tarunga ang imong panultihon, maulawan ko nimo sa pamilya ni baby."
Natatawang ngumiti si Zarnaih, ang pangit niya. "Kuyaw ba! Lami ba na tawagong baby ang imong uyab?" mas malakas ang batok niya.
"Paghilom ka diha!" angil ko.
"Unsay bati-on kung mauyab nimo ang ultimate crushnimo?" ngisi pa rin niya, ang kamay ay nakasabit sa braso ko, tsismosang-tsismosa.
"Paghilom lagi, Zarnaih!" seryoso nang angil ko. "Basig isipon nila kung unsay ginaistorya nato diri," sinamaan ko siya ng tingin. Saka napapahiyang tumingin sa mga naroon. "Hihi." Pilit ang hagikhik ko. Parang lalo akong napahiya dahil sa kapatid ko.
Pumalakpak nang nakangiwi si Deib Lohr. "Grabe, ganyan pala ang salita ng mga parrot?" Natawa ang ilan sa mga naroon, maliban sa pamilyang Moon. Hindi ko naiwasang kabahan.
"Well?" tanong ni Maxwell.
"Well..." Tumikhim si Mokz. Saka naglakad papalapit sa 'min at niyakap si Maxwell. "Congratulations, son."
Nakahinga ako nang maluwang nang sinsero rin akong ngitian nina Tita Maze at Tito More, ramdam ko ang saya nila para sa 'kin. Nakakaloko naman ang titig ni Maxpein sa nakatatandang kapatid, para bang kung ano-anong pang-aasar na ang nabubuo sa isip nito. Si Maxrill ay hindi ko mapangalanan ang reaksyon. Ni wala sa amin ang kaniyang paningin.
"First girlfriend!" nang-aasar na ani Randall saka naglakad patungo sa kaniyang best friend at nag-akap ang dalawa.
Nasulyapan kong nakangiti si Dein Leigh, sinsero ang mga ngiti habang nagpapalitan ng tingin sa 'min ni Maxwell. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot sa mga mata niya nang sulyapan si Keziah. Na noon nama'y tinungga ang lahat ng laman ng wine glass niya. Si Kimeniah ay agad ding lumapit at nakangiting hinagod sa likod ang kapatid, inaalo ito.
Nagsalin si BJ ng wine sa baso na sinundan ni Migz para masalinan ang baso ng lahat. "To Maxwell and Yaz," itinaas ni Migz ang sariling glass. Nagsipagsunuran ang lahat.
Maliban kay Michiko. "Sila na?" animong kinikilig pang aniya.
"Naku, 'te," naaawa kunyaring nilapitan ni Migz ang kaibigan, inakap ito at hinagod-hagod sa ulo. "Kung sino ka mang alupihan ka na sumuot sa bungo ng Michiko, pakiusap lubayan mo na siya! Ilang taon na siyang litong-lito!"
"Manahimik ka nga, Migz!" natatawang ani Michiko.
Binati kami ng lahat, ramdam ko ang saya nila para sa amin ni Maxwell. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Hindi ako naghangad ng regalo. Sa edad kong 'yon, sa sitwasyon ko sa kasalukuyan ay talagang masasabi ko na wala na akong hinihiling pa. Kung noong kabataan ko ay puro luho ang bukambibig ko, maski isa sa mga 'yon ay hinid ko na masambit ngayon. Nawala ang pagiging shoppaholic ko, nawala ang pagiging bratinella ko, nawala ang pagiging sosyalera ko at lahat nang 'yon ay dahil sa lalaking ito. Na ngayon lang ay inanunsyo sa lahat na girlfriend ako. Ano pa ang hihilingin ko?
Dahil doon ay nagsimula ang asaran, binalikan ng mga kaibigan namin, lalo na nina Zarnaih at Deib Lohr kung paano akong nagpakabaliw kay Maxwell. Lahat ng kagagahan ko ay isa-isa nilang ipinamukha sa akin, dahilan para talagang mamula ako sa kahihiyan kaysa pagkalasing.
Hindi umalis si Maxwell sa tabi ko. Hindi niya binitiwan ang kamay ko. Lahat ng pagkaing gusto kong tikman ay iniaabot niya sa 'kin. Lahat ng gusto kong inumin ay siya ang nagsasalin.
Naroon iyong hahawakan niya ako sa hita upang huwag maghiwalay ang legs ko dahil sa maiksi kong suot. Naroon 'yong aakbay siya sa silya ko at lalaruin ang dulo ng buhok ko sa gawing 'yon. Naroon 'yong nakapangalumbaba siyang tumititig sa 'kin, bagaman seryoso, habang pinakikinggan ang sasabihin ko bilang parte ng kwentuhan. Naroon 'yong matutuwa siya sa sinabi ko, tititigan ako nang malapitan at nakangiti akong hahalikan.
Lahat ng pagkukulang niya ay napunuan niya nang gabing iyon. Lahat ng hinihiling kong gawin niya ay nahigitan niya sa okasyong iyon. Wala siyang pisikal na regalo pero pinuno ng mga ginagawa niya ang aking puso.
"Yaz," mayamaya ay pagtawag ni Maxpein. "'Wag mong sasaktan 'yang kapatid ko, ah?" Ngumiti siya matapos sabihin 'yon. "Ikaw ang first girlfriend niyan."
"Pein," nananaway ang tinig ni Maxwell pero natatawa. Batid naming pare-pareho na kaming may tama ngunit may kontroladong katinuan.
"Usapang babae 'to," nakangiwing ani Maxpein saka muling tumingin sa 'kin. "Alam mo na kung sinong makakabangga mo kapag nasakyan 'yan."
"Ako!" pabibong ani Randall.
"Paanong ikaw, e, ikaw nga 'tong unang nanakit sa asawa ko!" angil ni Deib Lohr. Naghagalpakan ang lahat sa tawa maliban sa kaniya...at kay Maxrill. "Oh, bakit? Hindi ba?"nakangiwing baling niya sa lahat ng tumawa. Saka siya nakasimangot na bumaling muli kay Randall. "Tatawa-tawa ka, baka gusto mong ibalik ko sa 'yo 'yong mga linyahan mo dati, bro?" noon lang siya tumawa saka humarap sa asawa.
Akma nang magsasalita ng pang-aasar si Deib Lohr nang paglaruin ni Maxpein ang table knife sa dalawang daliri. Inikot-ikot 'yon doon na para bang handang iitsa sa asawa oras na hindi magustuhan ang anumang lalabas sa bibig nito.
"Hehe," ngumiti ng pagsuko si Deib Lohr. "Ang cute-cute ng baby babe ko na 'yan!"
"Tss."
"Ibaba mo na 'yang kutsilyo, Taguro. Hindi kailangan sa pag-uusap 'yan."
"Ganito ako makinig."
"Hehe, nakaka-distract 'yan, babe. 'Yong kamay ko na lang ang hawakan mo, oh." Hinawakan ni Deib Lohr ang kamay ng asawa, kinuha ang kutsilyo saka pinagkrus ang mga kamay nila.
Muling bumaling sa 'kin si Maxpein. "Malinaw ba 'yong sinabi ko?"
"Oo naman, yes, boss!" si Deib Lohr ang sumagot.
"Manahimik ka nga?" angil ni Maxpein.
Natawa ko pero agad ding sumeryoso. "Promise," sabi ko.
"Eh..." mahaba, malakas at matining na umere ang boses ni Zarnaih. "Paano naman ang kapatid ko?" nakataas ang kilay na aniya. Natawa agad ako.
"Naku, 'te," bulong ni BJ. "Labanan ng magkakapatid pala ito."
"Manahimik ka, nag-iisang anak ang Michiko, baka maghanap ng kakampi," seryoso ang mukha ngunit nang-aasar na ani Migz.
"May sarili naman akong abogado," matapang na sagot ni Michiko sabay lingon kay Tob.
"King ina hindi na kami nakapag-usap ni Yaz," angil ni Taguro.
"'Yon, fight!" gatong ni Tob nang matunugang napikon agad si Maxpein.
"Seryoso ako!" angil ni Maxpein, pero halatang lasing. Dinampot niya ang baso at itinuro ako. "Wala pang nagustuhang babae 'yan kahit kailan—"
"Anong wala?" muling pinigilan ni Dein Leigh ang sinasabi ni Maxpein.
Hindi ko inaasahang ilalapit ni Maxwell ang mukha sa 'kin. "Don't listen to them, I love you."
Nakagat ko ang labi ko saka lumingon sa kaniya. Halos maduling kaming pareho, sa katititig sa mata, sa lapit ng mukha sa isa't isa. "I love you, Maxwell."
Lalo niyang inilapit ang bibig sa tainga ko. Itinago ko sa lahat ang kilabot na idinulot niyon. "I want to kiss you."
"How?" bulong ko rin sa tainga niya, saka ko palihim na nakagat ang labi ko.
Umayos siya ng upo saka nakangiwing bumuntong-hininga. Halata sa namumula niya nang pisngi na lasing na siya. Napalunok ako nang bigla ay isa-isa niyang tanggalin ang pagkakabutones ng shirt niya at hinayaang lumantad ang dibdib niya.
Saka muling bumaling si Maxwell sa kapatid na babae. "Please continue what you were saying."
Itutuon ko na rin sana ang pakinig ko kay Maxpein nang kunin ni Maxwell sa ilalim ng mesa ang kamay ko at dalhin 'yon sa bibig niya. Nakinig siya sa kapatid sa ganoong sitwasyon.
Pero kung kailan naman na kay Maxpein na ang atensyon ng lahat, kung kailan naman wala nang tumatawa at lahat ay seryoso na. Saka siya nagsalita sa lenggwaheng sila lang ng kaniyang pamilya ang magkakaintindihan.
Susubukan sanang magbiro ni Zarnaih, aasarin si Maxpein, pero nahimigan niya nang seryoso ang pag-uusap ng dalawa. Bukod sa halata naman iyon sa itsura ng magkapatid maging ng kanilang pamilya.
Tuloy ay walang nagawa ang ilan kung hindi mag-usap na rin ng kani-kaniya. Ako naman ay itinuon na lang ang paningin kay Maxwell. Gusto kong panoorin at makita ang lahat ng reaksyon niya sa t'wing kausap ang myembro ng kaniyang pamilya.
Hindi ko na naman maiwasang humanga sapagkat 'ayun at siya ang pinakamatanda sa magkakapatid pero bukas siya sa pakikinig sa suhestiyon ng mas bata sa kaniya. Hindi ko naiwasang ikumpara ang relasyon namin ni Zarnaih mula noon hanggang ngayon, walang-wala kami sa kanila. Disiplinado masyado ang tatlong magkakapatid na ito at responsible sa paninindigan at katayuan sa buhay. Hindi ko kailanman nakita na pinagtalunan nila ang responsibilidad nila, parati na lang ay pinagkakasunduan nila ang mga 'yon. Kung meron mang nagpasaway, si Maxrill lang 'yon pero mauunawaan sapagkat dulot 'yon ng pagiging inosente niya. Pero ngayon ay 'ayun ito at sa aso lang nakapako ang buong atensyon, tila pinanonood kung nangunguya ba nito nang ayos ang karneng isinusubo.
Natapos ang pagmamasid ko nang nakangiting lumingon sa 'kin si Maxwell. Nagulat pa 'ko nang dampian niya na naman ng halik ang labi ko. Hindi ko pa rin maiwasang mahiya. Hindi ko yata napaghandaan na magagawa niya 'yon sa harap ng pamilya niya at mga kaibigan namin. Sa kapal ng mukha ko, hindi ko rin inaasahang mahihiya pa 'ko. Siya itong unang beses lang makipagrelasyon pero kung umakto siya ay tila bihasa pa siya kaysa sa 'kin. Ni hindi ko naranasan ang ganoong PDA sa nakaraang relasyon ko.
"She told me not hurt you, too," ani Maxwell, mahihimigan na ang tama ng alak sa boses niya. "That we need to spend time together as often as possible. That understanding, communication and connection is also important." Mahina ang boses niya, iyong tipong ako lang ang makaririnig ngunit hindi ako siguro kung dinig ng ibang malapit sa amin.
Nakangiti akong tumango. "It's between you and your sister. You don't need to tell me everything, I won't mind."
Sa halip na sumagot ay sumandal si Maxwell at ipinatong ang siko sa backrest ng chair ko. Saka niya pinaglaro ang daliri sa labi ko. "I just don't want to make any mistake. I don't want to lose you."
Napangiti ako. Hindi ko alam kung alin ang unang ipagpapasalamat ko. Ang advice ni Maxpein. O ang katotohanang ayaw niyang magkamali at ayaw niyang mawala ako.
"We'll go ahead. Hee Yong's sleepy," si Maxrill ang bumasag sa malalim na titigan namin ni Maxwell nang lingunin niya ang kapatid. Pero nasa akin ang paningin nito. "Happy birthday, Zaimin Yaz."
Napalunok ako sa pagtawag nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin at pandinig ko ang makahulugang pagbuntong-hininga ni Mokz. Kinausap niya ito sa sarili nilang lenggwa at ang tanging naunawaan ko ay ang noona. Hula ko ay kinukuwestyon nito kung bakit hindi na ako tinatawag nang ganoon ni Maxrill, base na rin sa nangunguwestiyon nitong tono.
Pero sa halip na sumagot ay matamlay lang itong tinanguan ni Maxrill saka iginala ang paningin sa lahat. "Have a good night, everyone." Lumapit pa siya upang yumakap at humalik sa mga magulang saka tuluyang umalis.
Nagsimula namang mag-ayos ng kalat sina Kimeniah, Zarnaih at Dein Leigh. Agad silang pinatigil ni Tita Maze. "Darating si Wilma bukas, hayaan ninyo nang siya ang gumawa ng mga 'yan, salamat." Patungkol nito sa personal maid ni Maxwell.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin ang pamilya at mga kaibigan namin. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko dahil sa mata ng mga naroon ay para bang kasama nila akong aalis. Kay Maxwell lang sila nagpaalam at hindi na inuulit ang pagbati sa 'kin.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupwesto. Hindi pakawalan ni Maxwell ang bewang ko kaya hindi ko magawang sumama sa grupo ng mga papaalis na.
"Dad," pagtawag ni Maxwell nang makalabas ang karamihan at tanging pamilyang Moon ang naiwan sa service area.
Nakangiti na sa amin si Tito More nang lumingon. "Yes, son?"
"Is it okay...if we spend the night together?" batid kong kabado si Maxwell nang tanungin 'yon. "I took a day off,"dagdag niya. "I want to take her tomorrow to the Twin Lagoon and Kayangan Lake."
Nagugulat akong nag-angat ng tingin kay Maxwell. Hindi niya nabanggit sa 'kin ang planong 'yon. Hindi ko maiwasang kiligin at ma-excite. Hindi pa ako nakararating sa mga lugar na nabanggit niya, iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang pangalan ng mga iyon.
Umawang ang bibig ni Tito More pero hindi nakapagsalita agad. Panay ang tingin niya sa aming dalawa ni Maxwell saka lumingon sa asawa.
"Mom, please..." nakikiusap ang tinig ni Maxwell.
"Well," tumikhim at bumuntong-hininga si Tito More. "Son, nakainom kayong pareho," mahinang aniya. Nagbaba ako ng tingin.
"I know what I'm doing."
"I didn't...say you're not. It's just that...some things...happen when two people are both...under the influence of alcohol...and they...uhm..." nabitin niya ang sasabihin at napalitan iyon ng buntong-hininga. "Ask your sister."
"Dad?" hindi makapaniwalang tugon ni Maxwell. "I'm older than her, c'mon?"
"Yeah, but she's...well, she's married and..."
"It's okay po," hindi ko na napigilang magsalita. "Uuwi na lang po ako."
"Woi, ano na? Let's go!" noon pa lang sumilip muli sa pinto si Maxpein. Hindi ako makapaniwalang tinawag na niya sa ganoong paraan ang mga magulang.
"Maxwell wants Yaz to spend the night over," ani Tita Maze.
Nakita ko nang magulat at mangapa rin ng sasabihin si Maxpein saka napilitang ngumiti. "Go ahead, then," ngiti niya sa 'kin. "Go to his room, Yaz and he'll sleep in the couch, well, there," itinuro niya ang pahaba at itim na mamahaling couch ni Maxwell sa service area. "Let's go!"
"Good night," ganadong ngiti ni Maxwell.
"Tss. Matulog ka."
"I will."
Matagal man ay iniwan din kami ng pamilya ni Maxwell. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Para bang ang kaba ko ay na-stuck na nang tuluyan sa puso ko bagaman nakahinga ako nang maluwang. Siguro kaya hindi pa rin nawawala ang kaba ko ay dahil sa katotohanang ramdam kong hindi talaga sila payag. Wala na lang silang magawa dahil bukod sa nagpaalam nang maayos si Maxwell ay kaarawan ko.
"So..." aniya dahilan para mahinto ako sa pag-iisip. "Sorry, my parents are strict," hindi ko inaasahan ang biro niya.
Natawa ako. "Naiintindihan ko naman. As if naman...hindi pa tayo nakatulog nang magkatabi noon." Hindi ko maitatanggi ang panghihinayang sa puso ko.
"We can't sleep together sa bed ko," ngiwi niya.
"Diyan ka raw sa couch," nakangusong sabi ko. Bumuntong-hininga siya saka tumango. "Hindi mo sinabi sa 'kin na may balak ka palang i-date ako," nanunukso kong sabi.
"Have you been there?"
Umiling ako. "Kaya excited ako."
"You should be."
"May kasama tayo?"
"Si Mang Pitong, he'll take us there and will pick us up after dinner."
"Anong isusuot ko?" nakangusong sabi ko.
"Maraming damit diyan, they're all new."
"Bakit naman marami kang bagong damit, pambabae pa lahat?"
"For guests."
"Are you always expecting lots of guests?"
Kumunot ang noo niya. "Yeah? I mean, katulad kanina. Why?"
"You mean...ine-expect mo na kakailanganin nila ng damit?"
"Yeah." Kumunot ang noo niya. "Is there something wrong with that?"
"No," nakangiting iling ko. "It's just...weird for a guy to buy new clothes for his guests. Lalo na kung lahat 'yon ay pambabae."
"Tch. I have new clothes for men too," angil niya. "Look, if you're suspecting me of something, please stop. I'm not like that, okay?" Bumuntong-hininga siya. "In our country, we don't usually change clothes. We don't take a bath everyday, we only wash our face in the morning and that's normal to us."
"Kung gusto ko na matulog sa bahay ng iba, kung ano 'yong suot ko, 'yon na. But in your culture, it's different,"patungkol niya sa Pilipinas. "So, we decided to buy new clothes in case," diniinan niya ang dalawang huling salita. "Someone wants to sleep over."
"We?" mariing sabi ko.
"Yeah, we," tango niya. "I mean, lahat kami sa family, gano'n. Why?"
Napamaang ako, hindi malaman ang sasabihin. Sa tagal kong tumira sa mansyon nila sa Laguna, bakit nga ba hindi ko naisip kung bakit parating may bagong damit kahit naman nagagamit.
"I see." Sa pagkapahiya ay 'yon lang ang nasabi ko.
Bumuntong-hininga siya nang nakangiwi at may matalim na tingin sa 'kin. "Go ahead and choose anything," itinuro niya ang closet. "I'll take a bath first."
Nag-makeface ako nang bigla niya akong talikuran, ang panghihinayang ay naroon sa isip at dibdib ko. Wala man lang kiss? Napanguso ako sa naisip. Inaasahan ko ay hahalikan niya ako pagkaalis ng pamilya niya. But at the same time, nagi-guilty akong maramdaman 'yon dahil alam ko kung gaano kaimportante kay Maxwell na sundin ang mga ito at huwag sirain ang tiwala nila.
Kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa walk-in closet at pumili ng magagamit na damit. Naisip kong kailangan ko ng damit papunta, damit panglangoy at damit pamalit. Nahirapan akong pumili dahil karamihan sa mga iyon ay hindi pasok sa fashion style ko. Bukod sa mahahaba ay balot na balot ang mga iyon, naisip ko tuloy na hibang lang ang pipiliing magsuot ng ganoon sa ganitong lugar at panahon.
Sa huli ay pinili ko iyong pinakamaiksing faded maong shorts at dalawang loose, sleeveless crop top, isang white at isang black. Isusuot ko ang mga iyon papunta at pauwi. Pinili ko naman iyong black warsaw two-piece swimsuit panglangoy. Natuwa ako nang makitang meron ding swimming shoes doon, bagaman may kalakihan sa akin.
Nakangiti akong lumabas sa closet at halos mapatalon nang madatnan si Maxwell sa labas niyon at nakatapis na lang ng towel. Tumutulo pa ang buhok niya at umaalingasaw ang ginamit na bath soap.
Napasinghap ako at pinilit na ngumiti. "I'll...uhm," napalunok ako nang masulyapan ang ilang piraso ng buhok sa tiyan niya. Mas napalunok pa ako nang makita ang nakaumbok na parte ng towel. "Take a bath...too," hindi ko na siya nagawang tingnan sa mata.
"Mm," iyon lang ang isinagot niya.
Tulala akong pumasok sa bathroom at kunot-noong dere-deretso sa paghuhubad ng damit. Nakagat ko ang dulo ng daliri ko nang maalala ang nakaumbok sa towel na nakabalot sa ibabang parte ng katawan ni Maxwell.
May kung nakakikiliting pakiramdam na pilit kong binalewala, ilang beses kong iniling ang ulo ko na para bang mabubura iyon sa ganoong paraan. Wala sa sarili akong pumasok sa shower room at sinalubong ang may kalakasang pagsirit ng tubig. Hindi talaga mawala sa isip ko 'yon kaya napilitan akong batukan na ang sarili ko.
Paghilom, 'day!
Naligo ako nang iyon ang laman ng isip ko. Tuloy ay mas lumalalim ang paglalakbay nang isip ko lalo na kapag nadaraanan ng palad ang maseselang parte ng katawan ko sa pagsasabon. Hindi ko tuloy namalayan ang pagpasok ni Maxwell, napatalon ako sa gulat nang makitang naroon siya sa sink at may kinukuha.
"What...are you doing there?" tanong niya. Naramdaman ko nang mag-init ang pisngi ko!
"Taking a shower...of course." Napalunok ako.
"Okay," hindi nakaligtas sa pandinig ko ang tahimik niyang pagtawa.
Napapikit ako at napamura sa isip dahil sa kahihiyan. Hindi ko na tuloy alam kung tatagalan o bibilisang maligo. Pero hindi tinapos ko na lamang iyon nang tuluyang sapawan ng kahihiyan ang naglalayag na imahinasyon ko.
I was already drying myself when I realized na wala pala akong dalang damit pamalit. Sa inis dahil sa pagkapahiya ay naisip kong maghiganti na lang. Magiging tagumpay nga lang iyon kung madaratnan ko sa kwarto si Maxwell paglabas ko. Gamit ang pinakamabangong lotion na naroon ay ibinalot ko ang puting towel sa sarili ko. Sa paraang naiipit at lalabas ang puno ng dibdib ko. Sinadya kong pumisil pa ng lotion sa palad, at gaya niya kanina ay magulo at tumutulo pa ang buhok ko nang lumabas ako.
Sa isip ay napapitik ako nang makitang naroon pa rin sa kwarto si Maxwell. Nasa harap siya ng vanity mirror at sinusuklay ang tumutulo pa ring buhok gamit ang parehong kamay. He's wearing nothing but his boxer briefs.
"You're done," nilingon niya ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko nang matigilan siya matuon ang pansin sa dibdib ko. Maging ang paglunok niya ay nakita ko.
Hinawi ko ang buhok ko at saka ko ipinatong sa couch ang isang paa ko. Saka ko hinawi ang towel paibaba kung saan masisilip ang anumang tinatakpan niyon kung hindi lang madilim sa gawi ko ngayon. Ni-rub ko sa dalawang palad ang lotion na naroon sa palad ko, ang ulo ko ay nakapaling sa gawing makikita ko siya bagaman hindi deretsong nakaton sa kaniya ang aking paningin. Saka ako bahagyang tumungo upang ipinahid ang lotion sa parte ng hita ko.
"Aren't you going to sleep yet...baby...?" marahang sabi ko.
Tumiim ang bagang niya, hindi nakasagot. Naglakad ako papalapit at tumingin sa sarili mula sa vanity mirror. Kunyari akong naghanap ng moisturizer.
Nakangiwi kong tinangu-tanguan ang nakikilala kong mamahalin moisturizer niya, Perricone MD moisturizer. "I can use this, right?" Kinuha ko ang scoop niyon at dalawang beses na nagpahid sa palad.
Ngumiti ako sa kaniya habang nira-rub ang moisturizer sa palad ko. "Ang sabi ng derma kong friend...dapat daw i-rub mo ang moisturizing cream sa palad mo at hintaying lumabas...'yong oil." Ngumisi ako. "Kapag lumabas...na 'yong oil," hinarap ko ang sarili ko sa mirror at tiningnan siya mula roon. "Saka mo ipahid...sa face..." sinabi ko 'yon habang ginagawa. Saka ko hinawing muli ang tumutulo ko pang buhok. "And neck..." dagdag ko. "Gosh I'm so wet..." kunwa'y sabi ko habang nagpapahid.
"You're not teasing me, aren't you?"
Inosente ko siyang tiningnan. "No," umiling pa ako. "Hindi ka pa ba matutulog?"
"Yeah," bakas ang panghihinayang sa reaksyon at buntong-hininga niya.
Lumapit siya at akmang hahalikan na ako nang umatras siya at tumitig sa mata ko, animong nagpapaalam na hahalikan niya ako sa ganoong paraan. Hindi ko napigilang matawa.
"Good night," aniya saka dinampian ng halik ang labi ko at dere-deretsong tumalikod at lumabas ng kwarto.
Tumalim ang tingin ko sa pintong nilabasan niya. Sa inis ko ay basta ko na lang inalis ang towel at nakangusong tinuyo ang buhok ko.
Pero halos mapatalon ako nang muling bumukas ang pinto at pumasok siya. Nakamaang ko siyang tiningnan ngunit dere-deretso siyang lumapit sa 'kin at siniil ang labi ko ng halik.
Halik na sa simula pa lang ay mapusok na, hindi itinatago ang pagpipigil na naganap sa pagitan namin sa loob ng iilang minuto lamang. Iyon pa lang ang ginagawa niya ay dumadaing na 'ko, nahihirapang magpigil. Napaungol ako nang tuluyan nang magsimulang maglikot ang mga kamay niya.
Gumapang paibaba ang labi niya, sa pisngi, sa leeg, sa buto ng aking mga balikat hanggang sa umabot iyon sa aking dibdib. Awtomatikong nanghina ang mga tuhod ko, halos ituon ko sa kaniya ang buong bigat ko dahil sa sobrang pagkakadala. Nang maramdaman niya ang paghihina ko ay binuhat niya ako ngunit hindi inihiga. Ipinatong niya ang isang paa sa couch at saka ako iniupo sa kaniyang hita. Sa gano'ng paraan ay harap-harapan niyang naangkin ang kabuuan ng pareho kong dibdib. Wala akong kasaplot-saplot!
Sa una'y naghahalo ang hiya at mapusok na parte ng pagkatao ko. Ngunit kalaunan ay nangibabaw ang huli. Lalo na nang halikan niya ang iba pang parte nang katawan ko na nagdulot ng mas matinding pananabik sa pinakasensitibo sa mga iyon.
Sinubukan ko ngunit hindi ko napigilang maiparamdam sa kaniya iyon nang dahil sa mga kilos ng katawan ko. Muli akong marahang binuhat ni Maxwell at sinakop ang mga labi ko. Dahan-dahan niya akong inihaga sa bed nang mas tumitindi ang pagsiil sa pang-ibaba kong labi.
Bumaba ang kamay niya at awtomatikong umarko ang katawan ko nang marating niya ang pinakasensibong parte ng pagkatao ko. Ang ungol ko ang nagpapatunay kung gaano ako kasabik na gawin niya 'yon.
"You're so wet..." bulong niya, namamaos sa pananabik.
Nagmulat ako at hindi na napigilang ipakita sa kaniya ang lahat ng reaksyon ko na kanina'y nahihiya akong ipakita. Pinanonood niya ang bawat reaksyon ng katawan at mukha ko habang naglalaro ang mga daliri niya doon. Sa nakikita ko ay apektado siya ng bawat reaksyon at emosyong nakikita niya sapagkat ang mga mata niya ay malayo na sa normal niyang pagtingin, tila nalalasing.
Marahan niyang inalapit ang mukha at muli akong siniil ng halik. Sunod-sunod na pag-ungol ang nagawa ko ngunit aaminin kong matindi pa ang pagpipigil ko niyon. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari kapag humigit doon ang ginawa niya.
Dinampian niya ng labi ang pisngi ko at gumapang iyon hanggang sa aking tainga. "I'll lick that all up..." namamaos niyang bulong dahilan para umawang ang labi ko habang nakapikit. At wala pa man ay umaarko ang katawan ko habang kagat ko ang aking labi.
Dinampi-dampian niya ng halik ang balikat ko, bumaba iyon sa dibdib hanggang sa umabot sa aking tiyan. Mas malakas nang ungol ang nagawa ko nang marating niya ang puson ko. At halos hindi ko na alam ang gagawin nang maramdaman ko na ang labi at dila niya doon.
Fuck... nasabi ko sa isip.
Hindi na iyon ang una. Kundi, pang-ilang beses na iyon! Pero hindi ko alam kung ano ang meron sa katawan ko ngayon at nahigitan ng sandaling iyon ang lahat ng naramdaman ko noon.
Tinotoo niya ang sinabi! Dinilaan niya ang lahat at nabuhat ko ang sarili upang silipin ang kaniyang ginagawa. Umawang ang labi ko sa bawat sarap na idinudulot niya at nakagat ko ang labi ko nang marating ko ang pinakamasarap. Naglikot ang katawan ko at sobrang hirap pigilan no'n habang nasasarapan sa kaniyang ginagawa. Nakita ko nang marahan niyang halikan ang pinakasensitibo sa lahat ng senstibo.
"Maxwell..." magsusugat na ang labi ko sa sobrang pagkakakagat. I can feel his tongue coming inside and out of me.
"Hm?" aniya na hindi paabala sa ginagawa.
Nanlalabo ang paningin ko sa pagkakapikit at pilit na pagmulat sa kagustuhang makita siya at ang kaniyang ginagawa. Nakita niya ang pananabik sa 'kin nang magtama ang aming paningin.
"Maxwell..." muling pagtawag ko, hindi na mapigilan ang sarili.
"Hm?" hindi na rin maipaliwanag ang ungol niya.
"Ang...sarap...sarap..." Halos isigaw ko 'yon dahil sa iyon ang pinakatotoo sa nararamdaman ko sa sandaling iyon. At kasabay niyon ay naramdaman ko ang kaluluwa kong humiwalay sa katawan ko.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top