CHAPTER 19
CHAPTER 19
"WHAT HAPPENED?" Iyon ang bungad ni Maxpein nang isang araw ay dumating siya sa private room na okupado ko. Kasunod niya si Maxwell na agad dumapo sa 'kin ang paningin. Iyon na ang ikaanim na araw na nanatili ako ro'n.
Maayos-ayos na ang pakiramdam ko. Bibihira nang sumakit ang kamay ko, sa t'wing magagalaw o igagalaw ko na lang. Bukas ay naka-schedule ang suture removal ko.
Sa mga nagdaang araw ay hindi ako pinabayaan nina Maxwell at Maxrill, at gusto kong mahiya dahil pakiramdam ko ay abala na ako sa kanilang pareho. Pero pareho ring mapilit ang magkapatid, nag-uunahan pa sa pagbisita. Iyon nga lang, talagang mas may oras si Maxrill. Hindi na naulit ang pagtulog ni Maxwell sa kwarto ko. Ipinaubaya niya na rin kay Maxrill ang pagbili ng foods na i-request ko. Maging ang paglilinis ng sugat ko ay hinayaan niya nang gawin ng ibang doktor. Noong una ay gusto kong magtampo hanggang sa mapagod na akong tingnan iyon. Ayaw kong isiping kakulangan ni Maxwell 'yon. Pilit ko nalang iniintindi na hindi lang ako ang pasyente sa buong ospital at hindi lang para sa 'kin ang oras niya. Ang tanging pinanghahawakan ko ay ang breaktime niya na hindi siya pumalyang ilaan sa 'kin. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ko matatanggap na 'yon lang ang kaya niyang ibigay sa 'kin. Gusto kong dumating 'yong pagkakataon na hindi na ako makararamdaman ng tampo sa t'wing libreng oras lang ang kaya niyang ibigay. Gano'n ko siya kamahal, o sabihin na nating gano'n ako kabaliw sa kaniya.
Halos maya't maya rin kung bumisita ang pamilyang Moon at mga kaibigan namin sa akin. Ang totoo ay walang katahimikan ang kwarto ko kay Zarnaih pa lang, kapag dumagdag na si Deib Lohr at malakas na pagtawa ni Tob ay para na akong mabibingi. Kaya ganoon na lang ang ingay kapag lahat sila ay naroon. Palibhasa'y mga may ari, pinaboran ang bilang ng mga visitors ko. Iyon nga lang, hindi pumapayag si Maxwell na nagdala ng bata at babies ang mga may anak na, kaya hindi nila magawang magtagal.
"Mag-lunch na muna siguro tayo?" nakangiting anyaya ni Maze sa mga kaibigan namin. "Hayaan na muna natin silang mag-usap."
Umalis ang lahat at naiwan kami nina Maxrill, Maxpein, Maxwell at Mokz.
"Tell me what happened, Maxrill," 'ayun na ang nauubos na pasensya ni Maxpein.
Gusto ko siyang asarin sapagkat hindi man lang niya ako kinumusta. But knowing her, gano'n kalaki ang tiwala niyang hindi ako pababayaan ng mga kapatid niya, na hindi niya na kailangang tanungin ang kalagayan ko. Dahil sigurado siyang maayos lang ako.
Umiling si Maxrill. "Hindi ko nakilala." Saka namin ikinuwento ang mga nangyari. Panay ang pagpikit at pagmasahe sa sentido ni Maxpein habang nakikinig, senyales ng pagtitimpi.
"Anong itsura?" tanong ni Maxpein, nagpapalitan ng tingin sa 'min ni Maxrill.
Sinubukan naman naming ibigay ang deskripsyon ng lalaki ayon sa natatandaan naming pareho. Ang kunot-noong pakikinig ni Maxpein at malalim niyang pagbuntong-hininga ang patunay na anumang oras ay mauubos na naman ang kaniyang pasensya.
"Tama na," ani Maxpein, pinigilan si Maxrill na magpatuloy. "Mukhang kilala ko na."
Tumikhim si Mokz matapos ang matagal na pananahimik. "Mukhang iisa ang nasa isip natin."
"Who?" tanong ni Maxwell.
Nilingon ni Maxpein ang nakatatandang kapatid, pinasadahan ng tingin. Saka niya nilingon ang kamay ko at matapos no'n ay tiningnan ang kamay ni Maxwell. Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay napapailing na bumuntong-hininga muli si Maxpein.
Napabuntong-hininga din si Maxwell, gano'n kabigat para sa kanila ang sitwasyong ito. At gusto kong makonsensya dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng lahat.
"I'm fine," paniniguro ni Maxwell, na para bang nahulaan na ang mga tingin at susunod na sasabihin ni Maxpein sa ganoong reaksyon pa lang nito. "I wasn't even able to answer her calls when she needed help,"malungkot at mahina niyang dagdag. "Wala akong nagawa."
"Maxwell," mahinang pagtawag ko, hindi niya na dapat sabihin 'yon.
"And don't you dare," nagbabanta ang tinig ni Maxpein.
Napatitig sa kaniya si Maxwell at sa kawalan ng masasabi ay napapailing lang siyang bumuntong-hininga. Hindi ko sila naintindihan sa sitwasyong 'yon. 'Ayun na naman 'yong mga ugali nilang tila nagkakaunawaan kahit walang sabihin ang isa at hindi na kailangang sumagot ng iba pa. Kahanga-hanga ang gano'ng ugali ng mga Moon sa t'wing nahuhulaan ko ang gestures at pinag-uusapan nila. Pero sa sandaling 'yon, ang nagbabantang tinig ni Maxpein at malalim na pagpapakawala ng hininga ni Maxwell ay blangko sa 'kin. Hindi ko 'yon nasakyan.
Muling tumikhim si Mokz. "Hindi para sa iyo ang ganoong sitwasyon Maxwell Laurent."
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko sila lubos na naiintindihan pero pakiramdam ko ay pareho nilang pinipigilan si Maxwell na iligtas ako kung sakali mang maulit ang ganoong sitwasyon. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman. Gusto kong maiyak na lang bigla.
"Tss. Kaya pala nagkulang ang demonyo sa norte, narito ang isa," makahulugang ani Maxpein. Nasisiguro kong ang pumasok sa suite ni Maxwell ang tinutukoy niya. At sa tono ng pananalita niya mukhang sigurado na siya sa pagkakakilanlan niyon.
"He knows how to speak Tagalog," dagdag ni Maxrill.
Tumaas ang kilay ni Maxpein. "Really?" seryosong tanong niya.
Naiinis na tumango si Maxrill. "But he has this...Pyongan accent." Umiling siya nang umiling. "Just like us."
Pumitik si Maxpein. "Sigurado akong si Hwang 'yon,"baling niya kay Mokz. "Pero...ano'ng kailangan niya?"Malalim na nag-isip si Maxpein.
"Let's talk about it later, Maxpein," makahulugan ang tinig ni Mokz.
"Please excuse me," nagsalita si Maxwell mayamaya. "I have to go back to work." Saka siya lumingon sa 'kin. Awtomatiko akong ngumiti, itinatago ang pag-aalala. "See you later."
Matagal na tumitig si Maxpein sa kamay ko saka nag-angat ng tingin sa 'kin. Nilingon niya ang pinto, sinigurong wala na si Maxwell, saka siya nagsalita.
"Importante para sa amin ang kamay ni Maxwell,"mahinang aniya saka nasapo ang noo. Pumikit si Maxpein at marahang bumuntong-hininga. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nagkataong sa kaniya nangyari 'to."
Hindi ko naman maintindihan ang kabang nabuhay sa dibdib ko. Umawang ang labi ko pero walang salitang lumabas. Sa unang pagkakataon ay hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Napakaraming sandali na parati akong may naisasagot sa kaniya, ngayon lang ako naubusan.
"I'm so sorry for what happened, Yaz. Hindi ko rin ipinagpapasalamat na sa 'yo nangyari ito imbes na sa kapatid ko, maniwala ka," sinserong ani Maxpein. "Matagal nang kalaban ng aming pamilya ang lalaking tinutukoy ni Maxrill. Masyado pa siyang bata noon para matandaan ang taong 'yon ngayon ngayon."
"I understand," hindi ko maintindihan ang kaba ko.
"Don't worry, mananatili kami rito hangga't hindi kami nakasisigurong ligtas kayo."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at emosyonal siyang niyakap. "Thank you, Maxpein." Hindi ko napigilang maluha. "Ang totoo ay takot na takot ako."
"Naiintindihan kita dahil itsura pa lang ng lalaking 'yon ay talagang nakakatakot na. Sinuman ay hindi matutuwa sa itsura ng demonyo." Hindi ko alam kung biro, sarkasmo o seryoso si Maxpein nang sabihin 'yon. Gano'n na lang talaga ang galit niya sa taong 'yon.
"Pero paano ang trabaho mo? Maaabala ang trabaho mo kung mananatili kayo rito."
Ngumiti siya. "Mas maaabala ang trabaho ko kung babalik ako ro'n at magkukumahog lumipad dito kapag nagpakita ulit ang demonyong 'yon."
Natawa ako. "Ilang beses mo bang tatawaging demonyo ang taong 'yon?"
"Wala nang ibang pwedeng itawag sa kaniya, Yaz. Kulang na kulang ang salitang hayop."
"Gano'n ang galit mo sa kaniya?"
"Siya ang dahilan ng pagkamatay ng aking lola,"nakangiti man ay emosyonal iyong sinabi ni Maxpein. Ang galit ay naroon sa gilid ng kaniyang mga mata, nakatago bagaman nagkukumawala. "Kamatayan lang niya ang susi sa kapatawarang makukuha niya."
"Maxpein," nanunuway ang tinig ni Mokz.
Nagpakawala silang pare-pareho ng malalim na hininga. "May masakit pa ba sa 'yo?" mayamaya ay tanong ulit ni Maxpein.
Nakangiti akong umiling. "Maayos na ang pakiramdam ko."
"Tss. Bakit narito ka pa kung gano'n?" hindi ko inaasahan ang biro niya. "Joke."
"Kung narito ang asawa mo ay pupunahin na naman niya ang mapangit na biro mo," umiiling na ani Mokz.
"Sanay na ako," natatawang sabi ko. "Bukas ay naka-schedule nang alisin ang tahi dito sa kamay ko. For sure makalalabas na 'ko sa makalawa."
"'Yon ay kung papayag ang aking apo," nakangising ani Mokz.
"Sino namang apo ang tinutukoy mo?" kunot-noong tugon ni Maxpein. "Tatlo kami, Mokz. At sinisiguro ko sa 'yong ayos lang sa 'kin na umuwi na si Yaz at doon sa tinutuluyan niya magpahinga. Mas komportable siya ro'n. Iyang panganay niyo lang ang libang na libang dito sa ospital. Kung may buhay lang ang gusaling ito ay niyaya niya nang pakasal."
"Wala ka nang matinong sinabi, Maxpein."
"Wala pa akong maayos na tulog."
"May tulog o wala, ganyan ang ugali mo," inilingan ni Mokz ang babaeng apo. Hindi ko napigilang matawa. Hindi malaman kung nagtatalo sila o ano ba.
"Birthday mo raw sa isang araw sabi ni Naih," muling sabi ni Maxpein. "Anong gusto mong regalo?"
Gusto kong matawa. Bilib naman talaga ako sa pamilyang ito. Kanina lang ay parang aatakihin ako sa kaba habang pinag-uusapan nila ang dahilan kung bakit kami nasa ganoong sitwasyon. 'Ayun at kaarawan ko na ang iniintindi nito ngayon. Tipikal na namang ugali ng isang Moon.
"Si Maxwell?" nakangising sagot ko. "Biro lang."
Sinubukan ko ngunit hindi ko napigilang sulyapan si Maxrill. Nakapamulsa niya akong binigyan ng matalim na tingin saka nag-iwas. "I need to do something in my office. Call Maxwell if you need anything. I'll be very busy," aniya, tumango lang at dere-deretso kaming iniwan.
Napamaang ako sa kawalan ng masasabi. Attitude?
"Nagiging topakin ang isang 'yon," ani Maxpein.
"Hayaan mo na at nagbibinata," ani Mokz saka natatawang kumindat sa akin. Naiilang akong nakitawa saka nag-iwas ng tingin.
"Tss. Dumaan ako sa pagkabata pero hindi ako nagkagano'n, Mokz."
"Dumaan ka sa pagkabata ngunit hindi sa pagbibinata. Isa pa, pinanganak ka at lumaking topakin. Ang totoo ay natural na 'yon sa ugali mo. Sa katunayan pa, bihira kang mawalan ng topak at doon pa kami nagugulat."
"Kanina ka pa, ah?" hinarap ni Maxpein ang lolo.
"Tayo na at baka nais nang magpahinga ni Yaz."
Bumuntong-hininga si Maxpein. "Mauuna na muna kami, baka hinahanap na rin ako ni Spaun."
"Salamat, Maxpein."
"Kakausapin ko si Naih tungkol sa party mo."
"'Wag ka nang mag-abala, okay lang. Isa pa, matanda na rin ako."
"Tayo ang maabala dahil paniguradong hindi matitigil ang bibig ng kapatid mo."
Natawa ako. "Sabagay..."
Pabuntong-hininga akong tumingin sa bintana, bagaman walang makita bukod sa kurtina. Alam kaya ni Maxwell na birthday ko?
Napanguso ako nang maisip na baka may trabaho siya sa araw na 'yon. Ang totoo ay ilang araw ko nang iniisip 'yon. Hindi ko maisingit na kausapin si Maxwell tungkol doon, umaasa talaga ako na magagawan niya ng paraan na lumiban muna sa trabaho sa birthday ko. Pero ngayon ay parang nahihiya na ako.
Kinabukasan ay bumalik si Doc Diego at inalis ang tahi sa kamay ko. Isa-isa niyang sinabi sa 'kin kung gaano kabilis naghilom ang sugat sa labas at sa mababaw na layers ng balat ko. Pero sigurado umanong ang ilalim niyon ay hindi pa lubos na gumagaling. Kailangan ko pa ring magpahinga pagkauwi.
Iyon nga lang, gaya ng inaasahan ko ay hindi niya ako pinayagang umuwi sa araw na 'yon. Sabi niya ay kailangan niyang i-monitor hanggang kinabukasan ang sugat at area sa palibot niyon. Kapag okay na ay makauuwi na ako sa tanghali.
Gusto kong malungkot, bagaman nagi-guilty akong makaramdam niyon, dahil sa halip na si Maxwell ay si Maxrill ang naroon habang kausap ko kanina si Doc Diego. Naa-appreciate ko ang presensya niya, lalo na't may dala na naman siyang breakfast kanina at ngayon naman ay lunch. Pero 'ayun ako at hinahanap-hanap si Maxwell.
"You look sad, what's wrong?" ani Maxrill habang isinasalansan ang mga dala niya.
"Naisip ko lang," wala sa sariling sabi ko, sa bintana nakatingin. Hinawi ni Maxrill ang kurtina niyon kaya mula sa kama ko ay natatanaw ko ang dagat. "Kailan kaya magiging normal ang relasyon namin ni Maxwell?"
Napabuntong-hininga ako, tuloy ay hindi ko nakitang magulat si Maxrill. Nasa malayo pa rin ang aking tingin, lunod sa kanina pang iniisip. Tila ba wala akong ibang makita maliban sa dagat, wala akong ibang marinig bukod sa sinasabi ng puso ko na siyang isinasatinig ko.
"Gusto kong maging normal kami," wala talaga sa sarili, emosyonal ko iyong nasabi. "Gusto ko 'yong...bigla ko na lang siyang yayakapin kapag bumisita siya sa 'kin after ng mahabang shift. Gusto ko siyang makasabay kumain, makakuwentuhan..."
Napapanood ko sa isip ang mga 'yon habang sinasabi. Tuloy ay wala sa sarili akong napapangiti.
"Gusto kong matulog at gumising nang katabi siya. Gusto kong mahirapang bumangon kasi ayaw kong iwan siya sa kama," nakangiting patuloy ko. "Pero gusto ko ring magmadaling magluto dahil male-late kaming pareho sa trabaho." Natawa ako sa sariling kabaliwan.
Alam kong napakalayo ng mga naiisip ko sa sitwasyong kinaroroonan namin ni Maxwell ngayon. Pero kaya kong balewalain ang tagal ng panahon kung sa huli ay mangyayari naman iyon.
"Nang tanungin ako ni Maxpein kung anong gusto kong regalo ngayong birthday ko..." patuloy ko, naroon pa rin sa dagat ang paningin at naglalakbay ang imahinasyon."Totoo 'yon nang sabihin kong si Maxwell ang gusto ko. God knows how much I prayed for him. I've been praying for him ever since we met and I will never stop praying for him."
Bago ko pa namalayan, 'ayun at nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko. Dali-dali ko 'yong pinunasan. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang emosyong iyon. Gano'n na marahil kalalim ang desperasyon ko para kay Maxwell, at hindi ko alam kung makabubuti pa ba sa 'kin 'yon.
Pilit ang ngiti, emosyonal kong nilingon si Maxrill ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Maxwell na nakatayo sa may pintuan at deretsong nakatingin sa 'kin.
Tuluyan siyang pumasok at dumeretso papayakap sa akin. "I want that, too," emosyonal na bulong niya. Sa paraang gusto niyang ako lang talaga ang makaririnig dahil ang mga salitang 'yon ay para lang sa 'kin.
Dahil sa hindi inaasahang sinabi niya, nayakap ko siya nang mas mahigpit. Emosyonal kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Magsasalita na sana ako nang pareho kaming matigilan ni Maxwell nang tumunog ang pinto. Wala na si Maxrill nang kumalas ako ng yakap kay Maxwell. Pero nang sandaling 'yon, sa unang pagkakataon, ang taong ito lang sa harap ko ang inintindi ko, at wala nang iba.
"Love has always been the strangest thing on earth for me. I still can't believe that I'm capable of feeling it. And it's all because of you," dagdag niya.
Nakangiwi ko siyang tiningnan. "Remember that you're only halfway in love with me," mataray kunyaring sabi ko. "Baka hindi 'yan love, nalilito ka lang."
"Tsh," tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "You know I don't know why I keep on thinking about coming home from a stressful work and jumping into bed next to you. And you're here, thinking that I'm confused about my feelings, hm?"
Ngumiwi ako. "Pagod ka lang," tinapik ko ang balikat niya. "Kumain ka na?"
"Hindi pa, that's why I'm here."
Nginiwian ko ulit siya. "Where's your tray of food?"
"My brother loves me so much that he brought breakfast and lunch for me." Inginuso niya ang pagkain na inihanda ni Maxrill kanina.
"Para sa 'ming dalawa kaya 'yan," biro ko. Awtomatikong nawala ang sarcasm sa mukha niya at nag-iwas ng tingin. "Joke lang!"
Bigla ay hinila ko ang braso niya at dahil sa gulat ay halos mawalan siya ng balanse. Natawa ako nang magpantay ang mga mukha namin nang mapatuon siya sa kama.
Hinaplos ko ang magkabilang pisngi ni Maxwell saka ako napangiti. Paulit-ulit akong humahanga sa sobrang lambot at kinis niyon. Kailan ko ba paniniwalaang totoo ang mga nangyayari sa t'wing magkakalapit kami nang ganito?
Nakangisi kong tinitigan ang labi niya at saka nanunuksong tiningnan siya sa mga mata.
"Sobrang gwapo mo," wala sa sariling nasabi ko.
Sandali siyang natigilan saka natawa. "'Sakto lang."
"Psh, kayabangan," ngiwi ko. "Hindi 'sakto." Saka ako nakangusong tumingin sa mga mata niya. "Sobra-sobra nga."
"E, bakit tumitingin ka pa sa iba?"
Bumubungisngis akong ngumiwi. "Wala naman akong nakikita sa kanila."
"May itsura rin naman sila."
"Gwapo ang gusto ko at ikaw 'yon," lalo pa akong bumingisngis.
"Gusto ko rin 'yong maganda," ngiti niya. "At ikaw rin 'yon." Tinusok niya ang ilong ko, bumubungisngis akong umiwas saka muling tinitigan ang mukha niya.
"Maxwell?"
"Hm?"
"Can I kiss you?" pinigilan kong mahiya upang hindi mautal. Pero nasisiguro kong hindi ko naitago 'yon nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko.
Nagkibit-balikat siya matapos matigilan. "You're gonna do it anyway."
Nakagat ko ang labi ko sa halo-halong pakiramdam. Hindi maputol ang ngiti ko habang nagpapapalit-palit ng ngiti at tingin sa labi at mga mata niya.
Ang kaninang pagbungisngis at pagngiwi-ngiwi ko ay isa-isang nawala nang marahan kong paglapitin ang mukha naming dalawa. Nakakahiya pala iyong pakiramdam na ikaw ang gumagawa ng move. Iyong dahan-dahan kang lalapit sa mukha niya habang hawak ang pareho niyang pisngi, habang ang paningin ay nasa kaniyang labi. Tapos siya ay deretsong nakatingin sa 'yo, bahagyang nakaangat ang gilid ng labi at hinihintay lang ang anumang gawin mo.
Halos magkadikit na ang labi namin nang magbaba siya ng mukha at magkamot ng mata. "Aray," late pa ang reaksyon niya.
Awtomatiko akong napanguso at sinamaan siya ng tingin. Tatawa-tawa naman siyang tumingin sa 'kin.
"Ang tagal mo, kung ano-anong alikabok na ang pumasok sa mata ko," biro niya.
Nanatiling masama ang tingin ko saka ako nakangusong nag-iwas. Pinagkrus ko ang mga braso at nagtatampo kunong ibinagsak ang sarili ko pasandal sa unan.
Tumawa siya. "Game na."
Tinaliman ko siya ng tingin. "Anong game na?"
"Ituloy mo na."
"Ayoko na!" napapahiya kong sabi.
"Please?"
"No." Umiwas ulit ako. "Kumain na lang tayo." Feel na feel ko na tapos...giatay...hmp! Bigla kong naisip ang mga pinaggagawa ko at gusto kong magtakip ng mukha sa sobrang hiya.
Natawa ulit siya pero bago pa ako makapagsalita ay sinalubong niya na ang masama kong tingin. Ang kaninang ginagawa ko ay siya na ang gumagawa, maliban sa ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko.
Nakangiti siya habang nagpapapalit-palit ng tingin sa mga mata at labi ko. Hindi ko alam kung paano niyang nagagawa 'yon gayong noong ako ang gumagawa ay halos lagnatin ako sa hiya. Siya ay heto at tila nagmamalaki pa habang nagagawa 'yon nang walang kahirap-hirap.
"I'll kiss you," aniya, hindi na nagpaalam.
Dere-deretso niyang inilapit ang mukha sa 'kin at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang labi niya. Matagal na siniil ni Maxwell ang labi ko bago niya pinaghiwalay ang mga iyon upang mas siilin pa. Ramdam ko ang pananabik niya pero gusto kong mahiya dahil tila mas naiparamdam ko sa kaniya ang pananabik ko. Kung gaano katagal akong nanatili roon ay ganoon katagal ko rin siyang hindi nahalikan. Maski dami ng labi sa pisngi ay wala. At ngayong naroon kami at ginagawa 'yon, hindi ko alam kung sapat ba ang salitang masaya para mapangalanan ang nararamdaman ko.
Nakapikit pa rin ako, ninanamnam ang sandali nang bitiwan niya ang labi ko. Nang magmulat naman ay naitikom ko ang bibig ko at nagpigil ng ngiti habang nakatingin pa rin sa kaniyang labi.
"What?" natatawang aniya.
Ang sarap mong humalik... Hindi ko maisatinig.
Ang sarap-sarap humalik ni Maxwell. Iyon lang ang masasabi ko. Lalo na sa t'wing hahawakan niya ang mukha o ang batok ko para lang huwag magkalayo ang mga labi namin. Sa ganoong pagkakataon ay hindi ko alam kung paano kong napagsasabay-sabay ang makipaghalikan, ang kiligin at bigyan ng deskripsyon ang ginagawa namin. Parati na lang ay hindi ko alam.
"Kumain na tayo," sabi ko, kamot-kamot ang batok ko.
Sa halip naman na magsalita ay binuhat niya ang mesa papalapit sa 'kin. Sa pagkakataong 'yon ay sa akin niya ginawa 'yong madalas kong nakikitang kaugalian nila sa hapag-kainan. Hinayaan niyang mauna akong sumubo ng pagkain. Nilagyan niya ako ng karne sa ibabaw ng kanin at ipinagsalin ng water sa baso. Nang magawa ang lahat ng 'yon ay saka lang siya nagsimulang kumain. Gusto kong ipagpasalamat na hindi niya isa-isang nilinisan ang disposable spoon, fork and cup.
Nagkape pa si Maxwell matapos naming mag-lunch nang magkasama. Umasa akong sasabihin niyang sasabayan ulit akong mag-dinner pero bukod sa wala siyang sinabi, sa noo niya lang ako hinalikan.
Nang gabi namang iyon ay hindi ko inaasahang si Randall ang magdadala ng dinner sa 'kin kasama si Lee. Tuloy ay hindi matigil ang pagtawa ko dahil pareho kong hindi inaasahan ang dalawang ito na susunod sa pareho nilang asawa. Nagluto sina Zarnaih at Dein Leigh ng dinner ko at inutusan ang mga itong ihatid sa 'kin.
"Sorry nga pala sa biruan namin ni Maxwell no'ng nakaraan," ani Randall nang sandali kaming iwan ni Lee para maghugas ng kamay at magsepilyo.
"Don't mention it," wala nang tampo na sagot ko. "As if naman hindi kita kilala," ngiwi ko kunyari.
Sumama ang mukha ni Randall. "Anong pagkakakilala naman 'yan?" natatawang aniya.
"Kung hindi dahil kay Dein Leigh ay hindi ka naman talaga magtitino. Pati si Maxwell ay kung kani-kanino mo itinutukso."
"Hindi kung kani-kanino lang si Keziah, she's a good friend," nakangiti bagaman seryosong aniya.
"I know," ngumuso ako. "Pero hindi ka dapat nagbibiro ng gano'ng dahil alam mong matagal na akong may gusto sa bestfriend mo."
"Kaya nga, sorry. Nakalimutan ko."
"Nakalimutan mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Sa ganda kong 'to, nakalimutan mo?" pagtataray ko.
Natawa si Randall. "Pero...aware kang hindi lang si Maxwell ang may gusto sa 'yo?" mahinang aniya.
Bigla ay natigilan ako saka nagkibit-balikat kunyari. "Na kay Maxwell lang ang atensyon ko."
"Imposible," ngiwi ni Randall. "Hindi naman ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo para masanay sa dadalawa lang namang nagkagusto sa 'yo."
"Ano ba!" angil ko. "Napipikon na 'ko, ah?"
Humagalpak siya ng tawa. "I was just kidding!"
"Psh!"
"But seriously, I still can't believe it." Tumawa pa rin siya, nang-aasar talaga. "Tell me, anong feeling na natupad 'yong dream guy mo? You see, dream guy ako ng marami, lalo na ng asawa ko, hindi niya nabanggit sa 'kin kung anong pakiramdam."
Inambaan ko siya. "Isa pa, Randall, sige!"
Humagalpak na naman siya ng mas nakakaasar na pagtawa. "You're so pikon!"
"Ewan sa 'yo, pastilan ka!"
"Just kidding," muling aniya. Noon lang lumabas si Lee at nakikitawa kahit wala naman yatang narinig sa pinag-uusapan namin.
"Pero...seryoso kaya siya sa 'kin?" nakanguso kong tanong. "Tatagal kaya kami kung ganitong...segundo lang ang oras na naibibigay niya sa 'kin sa loob ng isang araw?" makahulugan kong sinabi.
"It's not about being available all the time, Yaz. Iikot ang mundo, nandiyan ka man o wala." Nang-aasar pa ring ani Randall pero pinakinggan ko siya. "It's about making time and effort."
"Paano kung...kakaunti pa rin 'yong time at effort na naibibigay?"
"Why, how much time and effort do you need? You don't need to see and date everyday. You also have to consider your partner. People like us in medical field spend as much time alone as we have to, if that means getting to spend the rest of our lives with the woman we love."
"Ewan sa 'yo!" bigla ay angil ko. "E, ikaw nga 'tong babaero!"
Humalakhak ang dalawang lalaki. "But that's true,"bigla ay sabi ni Lee. "No matter what field you are in, a man knows if he wants a future in a girl."
Tumango si Randall. "Nakikita mo naman siguro kung gaano karaming magagandang babae ang nakapaligid sa mga gwapong doktor na tulad namin?" inilagay ni Randall ang kamay sa ibaba ng mukha, nagpapapogi. "Sa dami ng babaeng nakapalibot sa pangarap mo, sa 'yo lang siya nagkaroon ng lakas ng loob. You're his first girlfriend."
"Wow," namamanghang ani Lee. "Maxwell?" wala pa itong ideya. Tumango ako. "I agree with Randall, though. If a man really wants you, he'll ask you to be his girl. If he wants a future with you, he'll propose. Just wait and see."
Hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi nila. Kinabukasan ay maaga akong pinuntahan ni Doc Diego para sa final check ng kamay ko at matapos no'n ay dinischarge na niya ako. Bukod kay Maxrill ay si Zarnaih ang naroon para sunduin ako.
"Sa penthouse ni Maxwell tayo dederetso, doon kami naghanda, ate," ani Zarnaih habang nasa 'baba kami.
Kanina pa panay ang paglinga ko, umaasang makikita si Maxwell pero nabigo ako.
Iba ang elevator papunta sa penthouse, naka-separate iyon sa kabi-kabilang elevators na para sa iba't ibang floors ng hospital.
Madilim ang penthouse nang makalabas kami ng elevator. Nakangiwi kong nilingon si Zarnaih, binigyan ng nang-aasar na tingin. Nang makalapit kami sa automatic glass door ay bumukas ang ilaw kasabay niyon.
Saka sabay-sabay na bumati at kumanta ng Happy Birthday song ang lahat nang naroon sa 'kin. Iniwan ako sa gitna nina Maxrill at Zarnaih saka humalo at nakisabay sa kanila.
Wala akong nagawa kung hindi ang masayang panoorin sila. Kahit hindi mahirap hulaan ang ganoong sorpresa ay iba pa rin pala ang pakiramdam. Nakipalakpak ako at bahagyang nakisayaw hanggang sa matapos ang kanta.
Pinanood ko si Zarnaih na damputin ang three-layered cake may fountain candles sa ibabaw. Kumakanta pa rin siyang lumapit sa 'kin. "Happy birthday...to you..." Iyon na ang pinakakulot na bersyon ng kantang iyon na narinig ko.
Hindi ko napigilang matawa. "Thank you, Zarnaih."
"Kahit ganyan ang ugali at anyo mo, ate, mahal kita, alam mo 'yon."
"Bruha ka, I love you, too."
"Wish ko sa 'yo, ate, makapag-asawa ka na. Ang tanda mo na!"
"Darating din tayo diyan."
"Lalaki ang isama mo, ate, 'wag ako."
"Buang ka!" asik ko.
Kaliwa't kanang batian, beso-beso at pakikipagyakap ang ginawa ko sa dami naming naroon. Napuno ang puso ko sa tuwa at saya pero aapaw lang iyon kung naroon ang hinahanap ko. Si Maxwell. He's not there. At alam kong naroon siya at nagtatrabaho dahil pareho silang wala ni Keziah.
Kumain kami at uminom ng wine at champagne habang masayang nagkukwentuhan. Simpleng handaan at kasiyahan lang pero kontento na ako.
"Hello, everyone! We're here na!" bigla ay nangibabaw ang tinig ni Keziah. "Happy birthday, Zaimin Yaz!"
Birthday mo, huwag mong sirain. Bagaman ganoon ang nasaisip ko ay nakangiti ko siyang nilingon. "Thank you, Keziah." Tumayo ako para makipagbeso at yumakap sa kaniya.
"Gosh, I'm so hungry. Three major operation, three hours each with three minnute interval, can you imagine that?"
Inakay ko siya patungo sa nakahandang mesa. Hindi ko inaasahang iaangkla niya ang kamay sa braso ko. Hinayaan ko lang siya.
"2:AM kami nag-start, imagine?" dagdag pa niya.
"You must be really tired," sabi ko.
"Oh, I'm so sleepy but I bet hindi ako patatahimikin ng tummy ko. I have to eat."
"Maxwell's busy, huh?"
"No, we came together," inosente niyang sinabi, ang atensyon ay naroon sa mga pagkain. "Everything looks delicious! Hey, who prepared these?" naa-amaze niyang baling kina Dein Leigh.
Hindi ko alam kung iniwas niya lang ang atensyon sa 'kin matapos kong banggiting si Maxwell. Nang isigaw niya kasi ang huling linyang 'yon ay kumalas si Keziah sa pagkakaangkla ng kamay sa braso ko. Hinayaan ko lang siya dahil ayaw ko naman ding pag-isipan siya ng kung ano-ano habang pinipilit ang sariling makipagkasundo, kahit sa oras lang na 'yon dahil sa okasyon. Alam naming pareho ang takbo ng relasyon namin sa isa't isa. We can't call friends, siguro magkakilala, gano'n na lang. Dahil kapag natapos ang araw na 'to ay panigurado namang babalik kami sa normal naming treatment sa isa't isa.
Habang abala ang lahat sa malakas na tawanan at kuwentuhan ay gumala ako sa kabi-kabilang cabinet na naroon sa sala ni Maxwell. Iyon na rin ang way ko para makita siya agad in case lumabas siya sa kaniyang kwarto matapos magpalit. Pakiramdam ko ay mas lalo ko siyang nakikilala habang nakikita isa-isa ang mga librong pumupuno roon.
"I love reading," bigla ay nangibabaw ang mahina, halos pabulong na tinig ni Maxwell. Batid kong gano'n siya kalapit sa 'kin. Pinigilan kong lumingon. Madilim sa gawing 'yon pero alam ko kung saan siya naro'n. "So much." Halos kilabutan ako nang idagdag niya 'yon sa puno ng tenga ko.
"Yeah," nakangiting tugon ko, ang paningin ay hinid inaalis sa hilera ng mga libro.
"It's my first love."
"Hm," nakangiti pa ring tango ko.
"Maxpein is next," seryoso ang tinig ni Maxwell pero napapangiti ako sa kaiisip ng mga sinasabi niya. "Maxrill is my third love."
Noon ko lang siya nilingon. "That's sweet, Maxwell,"ngiti ko.
"And you're my last."
Marahang nawala ang ngiti sa labi ko nang sabihin niya 'yon sa kabila ng plano ko pang dagdagan ang pamumuri ko sa kaniya.
Ngumiti siya nang hindi ako makapagsalita. Wala akong nagawa kung hindi ang mapatitig sa kaniya. Kung alam lang sana ng lalaking ito kung ano ang idinulot ng mga salitang 'yon sa dibdib ko. Pero sa pagbugso ng halo-halong emosyon ko, hindi ko yata kayang sabihin sa kaniya ang naging epekto no'n sa 'kin.
Kinalas ko ang pagtitig sa kaniya nang hindi ko na mapigilang ngumiti. Naglakad ako at napansin ang itim na grand piano malapit sa kaniyang kwarto. Gusto kong mamangha nang makita ang kulay ginto niyang pangalan na naka-embossed sa ibabaw ng cover niyon.
Hinawakan ko iyon bawat letra. Saka ako napangiti. "I'm not sure but...I think this is the first time na nakakita ako ng grand piano na may nakaukit na pangalan." Nilingon ko siya. Sa halip na magsalita ay ngumiwi lang siya, nagyayabang. "Marunong ka?"
Ngumisi siya. "I am Maxwell Laurent del Valle." Itinuro niya ang estanteng gawa sa glass.
Umawang ang labi ko nang makita ang nakahilerang awards na may kinalaman sa pagpapa-piano na nakapatong doon.
Ngumiwi ako. "Meron ka bang hindi alam?" mataray kong tanong.
"Manligaw?" patanong, inosente niyang tugon.
Nakapamulsa siyang naglakad papalapit sa grand piano at naupo. Pinanood ko siyang tipahin ang ilang piyesa doon.
Mayamaya pa ay nilingon niya ako at tinapik ang parte ng chair na nasa tabi niya, pinauupo ako.
Nakangiti akong naupo. "You're going to play a song for me?"
"I don't have a gift," mahinang aniya.
Nakangiti ko siyang nilingon. "You're the most beautiful gift I've ever received."
Natitigilan niya akong nilingon saka ngumiti. "I am God's gift for you."
"Okay, okay," natatawang sabi ko, magyayabang na naman siya panigurado. Ganoon ang ugali niya, halos ipagmalaki ang sarili nang hindi ipinahahalata.
Natahimik ako nang simulan niyang tumugtog. Hindi ko mahulaan ang kanta hanggang sa simulan niya.
You and I...cannot hide
The love we feel inside
The words we need to say
I feel that I have always walked alone
But now that you're here with me
There'll always be a place that I can go
Iyon pa lang ang kinakanta niya pero may kung anong pakiramdam na 'yong idinulot sa 'kin. Mabilis na nag-init ang mga gilid ng mata ko at mayamaya pa ay nahihirapan na akong magpigil na maiyak.
Suddenly our destiny has started to unfold
When you're next to me
I can see the greatest story love has ever told
Pakiramdam ko ay noon lang ako nakarinig ng kantang tumutukoy sa nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakarinig ng kantang tumutukoy sa nararamdaman naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag kung paano kong nalalaman ang damdamin niya sa pakikinig sa mga linya.
Emosyonal siyang kumakanta at tila wala nang ibang nakikita maliban sa akin at sa mga piyesang tinitipa.
Now my life is blessed with the love of an angel
How can it be true?
Somebody to keep the dream alive,
The dream I found in you...
Inalis niya ang paningin sa piano at itinuon iyon sa akin habang patuloy sa pagtugtog.
I always though that love would be the strangest thing to me...
But when we touch
I realize that I found my place in heaven by your side...
Doon ko na hindi napigilan ang sarili kong maluha. Panay ang pagngiti ko habang patuloy rin sa pagtulo ang mga luha ko. Ang halo-halong emosyon at mga linya ng kantang tumutukoy sa nararamdaman niya ang dahilan ng mga iyon.
Agad kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng emosyonal na pagtawa nang isa-isang magsipaglapitan ang pamilya at mga kaibigan namin sa 'min. Emosyonal nila kaming pinanood. Pero kahit gano'n, tanging sa piano lang at sa akin natutuon ang atensyon at paningin ni Maxwell. At sa tingin ko ay iyon na ang pinakamasarap na pakiramdam.
I could fly when you smile
I'd walk a thousand miles
To hear you call my name
Now that I have finally found the one
Who will be there for me eternally
My everlasting sun
Pumuwesto si Randall sa tabi niya, inaagaw ang piano. Natawa ako nang magawa nilang isalin ang pagtugtog sa isa't isa nang hindi nasisira.
Lalo pa akong natawa nang ialok ni Maxwell ang kamay sa 'kin, napapangiti, naluluha pa rin ako nang tanggapin 'yon.
Agad akong napayakap sa kaniya nang isayaw niya ako sa tabi ng piano. Lalo pa akong naluha nang halikan niya ako sa noo.
Suddenly our destiny has started to unfold
When you're next to me
I can see the greatest story love has ever told
Sinabayan ni Maxwell ang pagkanta, at mas gumanda sa pandinig ko ang boses niya nang dahil sa sandaling 'yon. Sobra-sobran emosyon ang idinudulot niya sa 'kin.
Now my life is blessed with the love of an angel
How can it be true?
Somebody to keep the dream alive,
The dream I found in you...
Nagbaba siya ng tingin sa 'kin, tila ba gustong kantahin ang mga linyang iyon nang nakatingin sa akin. Na para bang sa ganoong paraan lang niya mas maipaparating nang todo ang nais niyang sabihin.
I always though that love would be the strangest thing to me...
But when we touch
I realize that I found my place in heaven by your side...
That I've found my place in heaven by your side...
Hindi ko akalaing ang emosyonal kong pagtawa, pagngiti at pag-iyak ay mas lalala nang segundahan ng pagkanta nina Randall, Migz, BJ, Deib Lohr, Tob at Lee ang mga linya ni Maxwell.
Heaven by your side...
Heaven by your side...
Heaven by your side...
Ngumiti nang todo si Maxwell habang isinasayaw ako nang mabagal at paikot-ikot. Mas humigpit ang pagyakap ko sa kaniya nang palisin niya ang mga luha sa pisngi ko nang nakangiti.
And when you're next to me
I can see the greatest story love has ever told
Now my life is blessed with the love of an angel
How can it be true?
Somebody to keep the dream alive,
The dream I found in you...
Magkakasabay na nilang kinanta iyon pero hindi pa rin mahinto sa pagdaloy ang emosyon ko. Sobra-sobrang tuwa at saya ang bumuhos sa puso ko. At ang tanging laman ng isip ko ay wala na akong hihilingin pang regalo dahil sa sandaling ito.
But when we touch
I realize that I found my place in heaven by your side...
That I've found my place in heaven by your side...
"Happy birthday, baby," bulong niya nang matapos ang kanta, patuloy pa rin ang pagtugtog ng musika niyon.
"Thank you." Yumakap ako nang mas mahigpit pa sa kaniya.
Pero marahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Noon ko lang yata na-realize ang agwat ng height namin, parang ako ang nahihirapan sa kaniyang pagyuko. Gano'n yata ako kaliit dahil sa tangkad ng gwapong lalaking ito.
Nakangiti siyang tumingin sa mga mata ko, saka bumaba ang tingin na 'yon sa labi ko. "I love you, Yaz," emosyonal niyang sinabi.
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Nasisiguro kong hindi lang ako ang nakarinig niyon. At dahil sa reaksyon at panunukso ng mga naroon kasama namin ay nasiguro kong narinig ng mga ito ang sinabi niya.
"I love you, too," sabi ko.
Ngumiti siya at hinalikan ako. Ganoon na naman sa paraan na unti-unting binubura ang lahat ng laman ng isip ko at tanging siya at ang ginagawa namin ang natitira.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top