CHAPTER 65


CHAPTER 65

WARNING: Matured scenes and effects.

NANAHIMIK AKO gaya ng pinakiusap ni tatay. Hindi ako nagsabi kina Kuya Kev at Bree Anabelle. Lalong hindi ako nagsumbong kay nanay kahit pa may mga oras na naiisip kong gawin 'yon. Lalo pa nang dumalas ang pagtawag niya nang makalipad sila papunta sa Palawan. Binalita niya ang tungkol kay Kuya Maxwell, maigi na raw ang lagay nito at nakaplano na ang kasal nila ni Ate Yaz.

Pero ang isip ko, talagang naroon lang sa mga sinabi ni Hwang. Para kasi siyang nagbigay ng impormasyon na naiwan lang na nakalutang. Sa bawat araw na dumaan, na dumalas na rin ang pangungumusta ni Maxrill Won, hindi 'yon nawala sa isip ko. Na kahit ilang beses man akong magdalawang-isip na sabihin sa kanila ni nanay ang nangyari, pinaninindigan ko ang pagsunod kay tatay. Hindi dahil sa takot o respeto ko sa kaniya. May kung ano kasi talaga sa mga mata at tinig ni tatay na nagsasabing iyon ang dapat kong gawin. Kung may takot man akong naramdaman, iyon ay ang mararamdaman ko oras na malaman ang lahat ng katotohanan.

"May sinabi ka ba sa nobyo mo, Dainty?"

Hindi ko inaasahang lalapitan ako ni tatay isang hapon nang matapos akong maghugas ng pinagkainan.

Napatitig ako sa kaniya at nagbuntong-hininga. Alam ko kung gaano kahirap para kay tatay na pagulungin ang sariling wheelchair niya, gano'n siya kabigat. Lumapit siya ngayon para itanong 'yon, hindi ko mapigilang isipin na pati siya, isip nang isip.

Batid ko ring nagtanong siya dahil narinig niya kaming magkausap ni Maxrill Won bago maghapunan. Ngayon lang naman siya nagtanong nang gano'n, na para bang tiwalang-tiwala siyang hindi ako magsasalita nang mga nakaraang araw.

"Tungkol saan po?" kumpirma ko bagaman may ideya na 'ko sa tinutukoy niya.

"Tungkol sa lalaking nagpunta rito nang nakaraang linggo." Si Hwang ang tinutukoy niya.

Umiling ako. "Wala po, 'tay."

Tumango si tatay, bakas sa mukha niyang nakahinga siya nang maluwang. "Huwag ka nang magkuwento. Mabuti nang tayong dalawa lang ang nakaaalam."

Bumuntong-hininga ako habang nakatitig kay tatay. Itinulak ko ang wheelchair niya papunta sa sala saka bumalik upang kumuha ng gamot at tubig, at pinainom ang mga 'yon sa kaniya.

Hindi ko maalis ang paningin kay tatay. Noong una, hindi niya ako napansin. Pero nang magsalubong ang tingin namin ay nagbuntong-hininga agad siya.

"Ano?" tanong niya.

"Napakarami pa rin pong...tanong sa isip ko, 'tay." Bagaman mahina, hindi ko naitago ang pagkalito sa boses ko. "Sino po ba ang lalaking 'yon? Bakit...parang napakarami po niyang alam tungkol sa inyo ni nanay? At bakit...ayaw po ninyong banggitin ko sa iba na nakaharap natin siya?"

Hindi talaga kami nagkaroon ng pagkakataon ni tatay na pag-usapan uli ang tungkol kay Hwang. Siguradong pabor sa kaniya 'yon. Dahil nga ayaw niyang ipaalam ang nangyari maging sa mga kapatid ko. Nawalan ako ng oras, naging abala, bukod sa nagkapalit na kami ng sitwasyon ni kuya sa mga nagdaang araw, siya ang naiwan kay tatay.

Pero nakababaliw ang pag-iisip niyon sa t'wing maaalala ko. Parang tinik sa isip at dibdib, masyado akong apektado. Hindi na rin ang presensya ni Hwang ang kinatatakot ko. Kung hindi sa mga katotohanang kaya niya pang isiwalat na hindi ko nalalaman.

"Sino po siya sa buhay ninyo?" dagdag ko pa nang walang maisagot si tatay.

"Pwede bang 'wag ka na lang magtanong, Dainty?" mahina man, dama ko ang pakikiusap sa tinig ni tatay.

"Pero...'tay?"

"Ang totoo ay hindi ko rin alam kung paanong sasagutin ang tanong mo," halos ibulong niya. "Hindi ko kilala ang lalaking 'yon. Nagtataka rin ako kung paano niyang nalaman ang mga bagay tungkol sa 'min ng nanay mo, animal na 'yon."

Kung gano'n...totoo talaga lahat ng sinabi ni Hwang. May kung ano sa 'king umaasa pa rin talaga na kasinungalingan lang lahat 'yon. Hindi tinanggi ni tatay o pinabulaanan ang mga sinabi ni Hwang, patunay na totoo nga ang mga 'yon. Kaya lalo lang akong kinabahan. Talaga ngang kilala nito sina nanay at tatay.

Tinitigan ko si tatay at nasigurong nagsasabi siya nang totoo. Gaya ko, naro'n sa mukha niya ang pagkalito, mas matindi pa nga ang kaniyang pagtataka. Lumaylay ang mga balikat ko at naisip na baka higit pa sa pag-iisip ko ang iniisip niya.

"'Yong tungkol po sa...buhay ninyo noon na binanggit niya..." Hindi ko masabi ang tamang salita.

"Hindi ba't sinabi ko nang huwag ka nang magtanong, Dainty?" Mahina man, ramdam ko ang inis ni tatay. "Wala nang magbabago, idikta ko mang isa-isa sa iyo ang nangyari sa nakaraan ko."

Nagbaba ako ng tingin. "Naiintindihan ko pong ang kasalukuyang sitwasyon ang iniisip ninyo. Pero hindi ko po gusto 'yong pakiramdam na kayo ang tatay ko, si Nanay Heurt ang kinikilala kong ina, pero parang hindi ko kayo kilala," tumingin ako kay tatay nang sabihin 'yon. "Kami nina Kuya Kev at Bree...kilala po ba talaga namin kayo?"

Nabasa ko ang awa sa kaniyang mga mata. "Dainty..." lumaylay ang mga balikat niya, nakukulitan na agad sa akin.

"Hindi ko po hinihiling na malaman ang lahat. Wala po akong plano na halungkatin ang inyong nakaraan. Ayos na po sa 'kin na kayo lang ni Nanay Heurt ang makilala ko, 'Tay. Kilala ko po kayo at hindi magbabagong kayo ang tatay ko, at mahal ko po kayo, ano man ang marinig ko. Talagang hindi ko lang po gusto 'yong pakiramdam na may nalalaman ako sa inyo galing sa ibang tao."

Sandaling tumitig sa 'kin si tatay at saka tumango, nahulaan ang gusto kong itanong. "Kung iyan ang hiling mo." Nagbuntong-hininga pa siya ng minsan, umiling, bago muling tumingin sa 'kin. "Walang maganda sa sasabihin ko, kaya ihanda mo ang pandinig mo."

Kumuyom ang mga palad kong magkasalikop at nakapatong sa mga hita ko. "Opo."

"Dati akong myembro ng malaking-malaking sindikato. Ang totoo, pinakamalaking sindikato sa Tondo, maging sa bansang 'to. Tama ang isinumbat ng Tiya Maze mo. Pinakamasama..."kunyaring sarkastiko, malungkot ang mga mata ni tatay nang matawa. "Pinakadelikado...kulang ang mga salitang nalalaman ko."

Gano'n kasimple at kakaswal na hinayag ni tatay ang katotohanan pero tila libo-libong tanong sa isip ko ang nasagot. Narinig ko na ang gusto kong marinig pero hindi ko mapangalanan kung anong reaksyon ng damdamin ko.

Narinig ko na 'yon kay Hwang pero mas nagulat pa rin akong makumpirma 'yon mula kay tatay. Dati ngang myembro ng sindikato ang tatay ko. Para akong napahiya sa inis na naramdaman no'ng isiping pinagbintangan lang siya ni Tiya Maze.

Ito iyong katotohanang paniniwalaan ko lang kung kay tatay ko mismo maririnig at malalaman.

"Si Mondragon, na siyang ama ni Heurt, ang amo ko. Nagtatrabaho ako bilang..." Binitin ni tatay ang kuwento para tumitig sa 'kin. "Masamang tao ang tatay mo noon, Dainty. Kulang maging ang salitang 'yon para isa-isahin ang uri ng aking trabaho."

Kung gano'n...maging si Nanay Heurt... Nangilid ang mga luha ko. Sinabi kong hindi ko sila kayang husgahan, mas pipiliin ko silang intindihin. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko?

"Ano pong trabaho ninyo, 'tay?"

Naaawa, nahihiyang tumitig sa 'kin si tatay bago nagbaba ng tingin sa kamay ko. Kinuha niya 'yon at nilagay sa kaniyang hita. Panay ang pisil ni tatay sa kamay ko, hinahanap ang tamang salita para makapagkuwento.

"Lahat ng uri ng masasamang trabaho na pwede mong isipin, Dainty." Dama ko kung gaano kahirap para kay tatay na sabihin 'yon. "Gano'n ang trabaho ko."

Kulang pa rin. Hindi pa rin kuntento ang pandinig ko. Gusto ko ng eksaktong mga salita para malaman ang totoo. Napakakulit ko. Siguradong magagalit si tatay.

Pero nagtanong pa rin ako. "Ano pong trabaho ninyo, tatay?" pag-uulit ko.

Nabasa ko ang sakit sa kabuuan ng mukha ni tatay. Sakit, hindi dahil nakaraan niya 'yon. Kung hindi sakit dahil kailangan niyang aminin sa anak niya ito ngayon.

"Nagtutulak at gumagamit ako ng droga. Nagnanakaw, nanggagantso, nanloloko, at..,"mahinang sinabi ni tatay, marahang yumuko. "Pumapatay ako ng...tao... Ang mga iyon ang trabaho ko, Dainty." Halos ibulong na lang ni tatay ang mga huling linya pero malinaw kong narinig. Bawat uri ng trabahong binanggit niya, umulit sa pandinig ko.

Masama kayong tao... Naisip ko 'yon habang nakatitig kay tatay. Parang huminto ang isip ko pero sa kabilang banda, naisip ko lahat ng taong nagawan niya nang mali at masama.

Nangilid ang luha ko sapagkat habang pinagmamasdan ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha, wala akong makita o maalala na masama sa mga ginawa niya sa 'min bilang ama. Malinaw kong natatandaan ang kabataan ko, at bawat segundong naroon, sigurado ako na naging mabuti siyang ama sa akin, sa amin.

"Lahat kami...na nagtrabaho kay Mondragon...gano'n ang hanap-buhay," patuloy ni tatay.

Nag-iwas ako ng tingin, naglikot ang namamasang mga mata. Hindi ko alam kung paano siyang titingnan gayong ako ang humingi ng katotohanan.

"Malaking grupo ang kinabibilangan ko, pinamumunuan ni Mondragon na ama naman ng kinikilala mong ina ngayon. Pinakamalaki. Pinakamasama."

Lumunok si tatay at humugot nang malalim na buntong-hininga. Batid ko kung gaano kahirap para sa kaniyang isiwalat lahat 'to.

"Iyon lang ang hanapbuhay na alam ko noon. Nakapagtapos man o hindi ng pag-aaral, iyon ang pipiliin kong trabaho. Hindi nagbago 'yon, kahit nang makilala ko ang nanay ninyo. Tatlo na ang naging anak namin, iyon pa rin ang pinipili kong gawin. Gano'n kasamang tao ang tatay mo, Dainty."

Hindi ko na nagawang mag-angat pa ng tingin. Naging mas masakit pa para sa 'king marinig na gano'n ang trabaho ni tatay noon. Hindi dahil kinahihiya ko 'yon o dahil masama 'yon. Masakit marinig na hindi pala sapat ang magkaroon ng sariling pamilya para piliin niya ang tama. Hindi kami naging sapat para magbago at maging mabuting ama o tao siya.

Ano pa ba ang mga kailangan kong malaman? Kaya ko pa bang marinig ang mga 'yon?

"Minahal niyo po ba si nanay?" ang tunay kong ina ang tinutukoy ko. Saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Gusto kong makita ang reaksyon niya, sakaling hindi siya magsalita.

Nangilid ang mga luha ko nang tumango si tatay. "Oo naman."

Natuwa akong malaman 'yon. Pero mabilis ding napawi ang tuwa nang bumuntong-hininga siya.

"Mas minahal ko nga lang ang kasalukuyan mong ina," patuloy niya dahilan para matigilan ako. Nagbaba ng tingin si tatay sa mga kamay niya saka naihilamos ang palad sa mukha. "Siya 'yong pagmamahal na malaya kong maramdaman pero hindi ko maaangkin kailanman."

Minahal niya ang tunay kong ina pero higit niyang minahal si Nanay Heurt, 'yon ang ibig sabihin ni tatay. Mahal ko si Nanay Heurt pero ako ang nasaktan para sa tunay kong ina. Hindi man diretso, para niya na ring sinabi na hati rin ang pagmamahal niya sa 'ming magkakapatid.

Napakarami ko pang gustong itanong. Pero bukod sa nagpahatid na sa kwarto si tatay, hindi ko na kayang makinig. Hindi na kaya ng puso at isip kong tumanggap ng katotohanan.

Minahal niya si nanay pero mas minahal niya si Nanay Heurt. Bakit...masakit?

Hindi na naman ako pinatulog ng mga nalaman. Ganito na lang ako lagi, napupuyat kaiisip sa tanong, sa nakaraang hindi naman na magbabago.

Tama si tatay. Hindi na dapat ako nagtanong. Tama si nanay. Matigas ang ulo ko at isip-bata. Parati ko na lang ginigiit ang gusto ko at magsisisi sa huli.

Nadagdagan ang isipin ko nang mga sumunod na araw. Pero dahil may final performance ako sa music, kailangan kong mag-focus. Ginugol ko ang oras sa pagpa-practice para mahinto sa kaiisip kung ano ang naramdaman ng mga taong ginawan nang masama ni tatay. Pakiramdam ko napakarami kong mali at dapat baguhin sa kanta, kahit na paulit-ulit na sinasabi ng mga nakaririnig na perpekto na ang lahat. Hindi ko na maramdaman ang saya at emosyon sa kantang isinulat ko. Sa t'wing tutugtugin at kakantahin ko iyon, nagi-guilty ako kaiisip na may pamilyang nawalan ng minamahal sa buhay dahil kay tatay.

Wala ako sa sarili nang dumating ang araw ng performance. Panay ang tanong ni Bree kung may masakit ba sa 'kin, matamlay raw ako. Pagdating naman sa music hall, sa dami ng nag-perform na mga kaklase ko, parang wala akong napanood sa kanila.

"Is there something wrong, Dainty?" tanong ni Gideon, gano'n ako kahalata.

Nabigla ako sa lapit ng mukha niya, at umiwas nang pilit ang ngiti. "Nothing, Gideon."

"Kinakabahan ka ba?" nakangiting tanong niya.

"Oo, pero ayos lang ako." Nag-iwas ako ng tingin, mas gusto kong mag-isip.

"Hindi ka mukhang okay, eh. Tell me, ano'ng problema? Baka may maitulong ako."

Nang oras na 'yon, naisip ko si tatay. Ganito siguro ang pakiramdam niya kapag kinukulit ko siya ng tanong. Gusto ko ng katahimikan pero hindi ko alam kung paanong sasabihin 'yon kay Gideon 'yon nang hindi siya mao-offend.

Iba ang pakiramdam. Hanggang sa oras na 'yon dala ko ang pinag-usapan namin ni tatay. Samantalang nang mga nakaraang linggo puro final mark ang iniisip ko. Sana gano'n na lang ulit. Kasi hindi maganda sa pakiramdam na para bang may parte ako sa katauhan ko na hindi ko kilala. Mas pangit na marinig 'yon mula sa iba, tulad ni Hwang.

"Let's call on our next performer," sabi ng professor na nasa stage. Tumayo ako kasabay nang pagtingin niya sa 'kin. "Dainty Arabelle Gonza."

"You got this, Dainty," nakangiting ani Gideon. "You got this!"

"Salamat," pahabol ko na lang 'yong sinabi sa kaniya saka ako bumaba papunta sa stage.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko kasabay ng paglingon. Tipid na ngiti ang ginanti ko. Hindi na nawala 'yong panunuri nila sa kabuuan ko. Sa huli, mababasa sa mga mukha nila ang panghihinayang dahil sa sitwasyon ng kaliwang paa ko. Paulit-ulit, gano'n lagi ang nakikita ko sa mukha ng mga tao.

Tanging kay Maxrill Won lang naiiba. Bukod sa pamilya niyang hindi ako sigurado kung nahuli ko nang nakatingin sa paanan ko sa paraang tila sinusuri 'yon.

"Are you ready?" tanong ng prof.

"Yes, miss," ngumiti ako.

"Miss, baka kailangan ni Dainty ng chair,"suhestiyon ni Danice. Dahilan para impit na magtawanan ang mga kabarkada niya.

Nagbuntong-hininga ako at napalingon sa professor namin. Inilingan nito si Danice at mga barkada nito. Nang humingi ng paumanhin ang staff dahil nahuli, napagtanto kong plano na talaga nila akong bigyan ng high chair. Natagalan lang dahil grand piano ang instrument ng sinundan kong performer. Dati naman na, kinukonsidera ng professors and staffs ang disability ko.

Siniguro kong maayos ang tono ng gitara, at komportable ang upo ko. Saka ko sinimulan ang pagtugtog nang nakapikit, sa paraang mas mahuhugot ko ang emosyon nang walang nakikitang mapanghusgang mga mata.

"Gusto kitang samahan sa ilalim ng ulan..." Sa umpisa pa lang, si Maxrill Won na ang naisip ko.

Hindi. Mali. Mas tamang sabihin na sa t'wing tutugtugin at kakantahin ko iyon, si Maxrill Won ang naiisip ko.

"Gusto kitang...tabihan...ng walang alinlangan..."

Hindi ko napigilang mangiti nang maalala iyong sandaling makita ko siya sa harap ng dagat. Hanggang ngayon, paulit-ulit kong tinatanong kung bakit ako tumakbo papunta sa kaniya. Sa kabila ng kundisyon ng paa ko, sinuway ko ang abiso ng doktor na magdahan-dahan ako. Dahil lang nag-aalala ako sa kaniya, bagay na hindi ko alam nang sandaling iyon kung may karapatan ba 'kong maramdaman. Hanggang ngayon, hindi ko masagot ang sarili kung ano ang maitutulong ko sa nararamdaman niya nang oras na 'yon. Pero wala akong pinagsisihan sa mga 'yon, gaano man katindi ang hiya na nararamdaman ko sa t'wing maaalala 'yon.

"Ikaw ang may kaarawan...ngunit ako ang naregulan..."

Hindi ko rin napigilang maalala 'yong birthday party niya. Kung saan mas nabusog pa 'ko sa mga salitang kinain ko kaysa handa niya. Mas lumapad ang ngiti ko sa alaala kung ilang beses kong pinagkunutan ng noo si Bree sa t'wing sasabihin ng kapatid ko kung gaano kagwapo si Maxrill Won.

"At sa unang pagkakataon, umibig ako sa sandaling...mukha mo'y masilayan."

Naghalo-halo ang pakiramdam ko nang maalala 'yong gabi matapos ang kaniyang kaarawan. Mula kasi nang gabing 'yon, hinid na siya nawala sa isip ko. Naalala ko kung paanong nag-iinit ang mukha ko sa t'wing maaalala kung gaano siya kagwapo. Na maging ang boses niya ay nagustuhan ko.

Kahit 'yong mga alaala ng panahong pinipigilan ko ang nararamdaman para sa kapatid ko, pinangiti ako.

"Ngunit habang tumatagal...pagtingin ko'y handa mang isugal. Unti-unti kong nasusukat ang distansya kong malayo sa buwan..."

Hindi ko na naimulat pang muli ang mga mata ko. Mas masarap damdamin ang kanta at alaala nang walang nakikita.

"Gusto kitang samahan sa ilalim ng ulan... Gusto kitang tabihan nang walang alinlangan..."

Nagmulat ako at mabilis na pinangiliran ng luha nang makita ang dahilan ng emosyong naibuhos ko sa kanta. Si Maxrill Won, nakaupo sa pinakaunahang silya sa audience, magkakrus ang mga hita at braso habang nanonood sa akin. Sa kandungan niya ay may bungkos ng rosas na hindi mabilang sa dami.

"Maaari bang ika'y maging akin? Ang katulad ko ba'y iibigin?" Nasagot ang tanong ko nang makahulugang ngumiti si Maxrill Won. "Mundo man nati'y magkaiba, sigurado na ako..." Ngumiti rin ako sa kaniya. "Gusto kita..."

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano katindi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ang kundisyon ng aking paa, ang mababang kompyansa, ang nararamdaman ng kapatid ko, ang estado ng pamilya o kaibahan namin ni Maxrill Won ang pipigil sa 'king mahalin siya. At sa dami ng isipin ko nang nakaraan, na wala akong masabihan, makita ko lang siya ngayon, pakiramdam ko, may kakampi na 'ko. May masasabihan na 'ko. May makikinig na sa kwento ko nang walang panghuhusga. May makaiintindi na sa pinagdaraanan ko.

Ang mga mapanghusgang mata kanina, napalitan ng kilig at inggit. Ang masasayang alaala na nagdulot ng nakakikiliting pakiramdam sa aking tiyan, dumoble. Lahat ng malungkot na katotohanan na gumugulo sa isip ko nitong mga nakaraan, awtomatikong nawala dahil hindi ko inaasahang darating siya.

"Hahayaan na lang ako'y dalhin...ng damdaming ikaw ang isinisigaw..." Nagpatuloy ako sa pagkanta, nagpapalitan ng ngiti at tingin sa kaniya. "Pagmamahalang walang hangganan...aking ipaglalaban...Gusto kita..."

Nagmulat ako at muling napangiti nang makitang nakangiti rin siya, sa paraang para bang alam na alam niyang para sa kaniya ang kanta.

Si Maxrill Won ang unang tumayo para pumalakpak, titig na titig at bahagyang nakangiti sa akin, nang matapos ang kanta. Saka nagsipagsunuran ang mga kaklase ko para batiin ako.

Tumayo ako at pinanood si Maxrill Won na maglakad papalapit sa hagdanan. Napangiti ako nang kunin niya ang gitara mula sa 'kin. Binigay niya ang mga bulaklak saka inilahad ang kamay para alalayan akong bumaba.

Inakbayan niya ako at pasimpleng hinalikan sa sentido. "Dainty Arabelle," bulong niya.

"Maxrill Won."

"I love you," bulong niya, napangiti ako at pasimpleng inilayo ang pandinig ko dahil sa kiliti. "I'm in awe, I always knew you could do it. I'm proud of you, Dainty," dagdag bulong niya, hindi siya nakaramdam.

Dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko ako ang may pinakamataas na grado. Hindi ko napigilang yumakap sa kaniya. Na kinagulat man ay kinatuwa rin niya. Gumanti siya ng yakap, mas mahigpit. Saka kinulong ang mukha ko sa mga palad niya para ngitian ako.

"Hindi ko inaasahang darating ka, Maxrill Won,"sabi ko nang alalayan niya ako papunta sa silya niya kanina.

"Gusto kong mapanood ang performance ng girlfriend ko." Hindi ko inaasahang mauupo siya sa aisle stairs dahil may nakaupo sa tabi ko. Naagaw na naman niyon ang atensyon ng marami.

Napangiti ako at naituon na sa kaniya ang atensyon. Nagkuwentuhan kami habang nanonood sa performance ng iba. Panay ang komento niya sa pagtugtog at kanta ni Gideon pero binati rin ito nang matapos.

"Hindi ka nagsabing darating ka," sabi ko uli habang nasa daan kami papalabas ng campus. Pareho kaming masaya sa resulta ng performance ko, ikatlo ako sa pinakamataas na marka.

Inakbayan niya uli ako habang ang isang kamay niya, inaalalayan ang gitara kong nakasabit sa likuran niya.

"I wanted to surprise you." Pinagtabi niya ang mga pisngi namin.

"How sweet," hindi namin inaasahan ang tinig ni Kuya Bentley. "Hello, sleepless."

"Hmm," ngumiti si Maxrill Won at nakipagbatian dito. "What's up, brat?"

"I'm cool, Spoilly."

"Sleepless?" nakangiti, nalilito kong nilingon si Maxrill Won. "Hindi ka pa ba natutulog?"

"Not yet," si Kuya Bentley ang sumagot. "Nang sabihin kong may performance ka ngayon, dumeretso siya rito para mapanood ka."

Napangiti ako sa sinabi ni kuya. "Salamat, Maxrill Won," bulong ko, nakatutuwang isipin na gano'n ang dahilan niya. "Galing ka pang airport?"

"Diyan sa field nag-land ang chopper niya." Si Kuya Bentley na naman ang sumagot, nakaturo sa kung saan. Tumikom ang mga labi ko at naiilang na ngumiti.

Pinisil ni Maxrill Won ang pisngi ko gamit ang kamay niyang nakaakbay sa 'kin saka muling bumaling kay kuya. "Hoy, Bentley, why don't you just join us for dinner?" Wala talaga siyang kinukuya o inaate, si tatay lang yata ang tinatawag niya ng may galang.

Dinner? Hindi ko rin inaasahan ang plano niyang mag-dinner. Gusto kong sabihin na kailangan kong umuwi agad. Sigurado kasi ako na maiintindihan niya ang reason ko, si tatay. Pero naisip ko ang dahilan ng pagparito niya. Natutuwa ako na nag-effort siya, kahit pa parte lang naman 'to ng finals namin. Hindi ko na yata masusuklian kailanman lahat ng efforts niya.

"Sorry, I'm tired of eating grass, Maxrill," tanggi ni Kuya Bentley.

"Gago," natawa si Maxrill Won. "Join us, tara. I have meat."

"Thanks but I don't wanna spoil your date night, Maxrill," tumatawang tanggi uli ni kuya. "Nice to see you, though. Congratulations again, Dainty." Hindi na siya nagpapilit.

"Thank you po, kuya." Pahabol ko nang kumakaway siyang umatras at may nanunuksong ngiti kay Maxrill Won.

Nakangiti akong hinarap ni Maxrill Won. "Let's go?" inilahad niyang muli ang kamay sa 'kin.

Magtatanong na ako nang matigilan sa hinintuan naming sasakyan. Kulay titanium na sports car iyon, dalawa lang ang pinto at sobrang baba.

"Bago na naman ang sasakyan mo?" hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang tinanong nang gano'n. "Bili ka nang bili ng bagong sasakyan."

Halakhak na lang ang sinagot niya saka ako pinagbukas ng pinto. "Tell me to stop, then."

Nginiwian ko siya. Para namang papayag siyang pigilan ko siya. Isa pa, ayoko siyang pigilan na gawin ang gusto niya. Obviously, mahilig siya sa sasakyan.

"Are you ready?" tanong niya.

Napakapit ako sa seatbelt, naisip na gano'n kabilis ang sasakyang 'yon para tanungin niya ako nang gano'n. Natawa siya.

"How's everything?" nakangiting tanong niya, lumingon sa 'kin saka tinuon ang paningin sa daan.

"Okay naman," nakangiti akong bumuntong-hininga para maitago ang totoong laman ng isip ko.

Nilingon niya uli ako, bakas sa mukha niya ang paniniguro. Lalo akong ngumiti.

"You look extra pretty today, Dainty."

Ngumuso ako. "Na-miss mo lang ako kaya mo nasasabi 'yan." Nang hindi maitago ang ngiti ay tinuon ko ang paningin sa bintana.

He chuckled adorably. "I thought I was already having a great day, you always make everything better, Dainty." Nagngitian kami.

"I was just kidding," nangingiti uli akong nag-iwas ng tingin.

"But I really do miss you. I miss spending time with you, and I honestly can't stop thinking about you. My days are always incomplete without you, Dainty." Seryoso siya nang sabihin 'yon pero hindi nawala ang ngiti sa labi.

Hindi ko alam kung paano siyang sasagutin. Sobrang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi niya, lampas-lampas na ngiti ang tanging naisagot ko. Ngiting halos punitin ang aking mga labi.

Nilingon ko si Maxrill Won nang mapamilyaran ang lugar papunta sa bahay "namin". Tutok siya sa pagmamaneho pareho ngumiti nang maramdaman ang titig ko.

"I called your father and asked his permission in case you're worried." Nilingon niya rin ako at ngumiti. "We're here," awtomatiko niyang ipinarada ang sasakyan.

"Salamat," sabi ko nang alalayan niya pababa. "Pumayag ba si tatay?" inosenteng tanong ko.

Natatawa siyang ngumiwi. "Yes, and I honestly find it weird. I was already expecting his no."

Lalo akong napangiti. "Hinahanap ka niya no'ng mga nakaraan, hindi ka raw bumibisita."

Nakita kong magulat si Maxrill Won saka naiilang na ngumiti. "I'll visit him tomorrow."

"Babalik ka bukas?" nakangiting tugon ko.

Lumingon uli siya sa 'kin at kinuha ang kamay ko. "Bukas, pagkahatid ko sa 'yo. We're going to spend the night together."

Umawang ang labi ko at tulalang nagpahila sa kaniya. "Pumayag si tatay?"

"Why not?" tugon niya na dinala ako sa dining area.

Gusto ko pa siyang tanungin pero humanga na ako sa nakahandang table. Naghalo ang tawa at ngiti ko. Romantically prepared ang table, napalilibutan ng rose petals at candles, nakahanda na rin ang dinner; wine, steak, chocolate cake at salad. At sigurado akong hindi si Maxrill Won ang naghanda niyon. Sino na naman kaya ang inutusan niya ngayon?

"Would you like us to take a shower first, or dinner first?" tanong niya.

"Shower first," sagot ko, umangat ang gilid ng labi niya. "Magkaiba tayo ng kwarto, hindi ba?"nakangiwing sabi ko.

"Yeah, sure," pilyong ngiti niya saka ako inalalayan paakyat. "Go to your room. I got everything prepared inside, choose whatever dress you're comfortable with. See you later."

Hindi na 'ko sumagot, sabay kaming naglakad papunta sa kani-kaniyang kwartong inokupa namin noon. Nagngitian kami bago tuluyang pumasok.

Iyong light blue, butterfly mesh overlay dress agad ang umagaw sa atensyon ko, out of ten dresses na naroon sa garment rack. Hindi iyon ang istilo ng dress na madalas kong sinusuot. Malalim ang dibdib niyon, manipis pa sa daliri ko ang strap sa balikat, at magkakrus lang ang straps na iyon sa buong likod. Hindi umabot sa tuhod ang haba pero iyon ang paboritong kulay ko. At napakaganda niyong tingnan, nangingibabaw sa lahat ng naroon.

Nakangiti ko iyong kinuha at tiningnan ang sarili sa full-length arched mirror. Lalo akong napangiti at nakapagdesisyong iyon ang isusuot.

Pero parang nagbago ang desisyong 'yon matapos kong mag-shower at tuluyang naisuot ang dress. Naging mas maiksi iyon at mas hapit kaysa inaasahan. At ang pinakaproblema, sa sobrang nipis ng strap, naging masagwang tingnan ang straps ng bra ko.

Nakagat ko ang labi at marahang tinanggal ang isang strap ng bra ko. Malaki ang kaibahan, mas magandang tingnan. Napapikit ako sa naisip, mas dumiin ang pagkakapikit ko nang tuluyan kong hubarin ang aking bra.

"Dainty?" katok ni Maxrill Won. "Are you done?"

"Oo," alanganing sagot ko.

"Can I come in?"

"Ha?" Nag-panic ako at dali-daling isinara ang likuran ko. "Sandali lang," pakiusap ko at mas nag-panic pa.

Sa pagkataranta, naipit ko ang sarili sa zipper at gumawa ng ingay. Doon tuluyang pumasok si Maxrill Won. Awtomatiko akong humarap para itago ang lantad ko pang likuran bago pa siya makalapit sa 'kin. Natigilan siya nang makita ang kabuuan ko.

"Is everything alright?" tanong niya, sinilip ang likuran ko.

"Naipit lang ako sa zipper," pag-amin ako, naroon pa ang parehong kamay sa likuran.

"I'll help you," hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa salamin.

"Salamat." Inalis ko ang pagkakaharang ng mahaba kong buhok mula sa kaliwang balikat ko, papunta sa kanan. Kasabay ng paglantad ng batok at likuran ko kay Maxrill Won, nahulog ang manipis na strap sa balikat ko.

Tiningnan ko siya mula sa salamin at nasaksihan ko ang kaniyang paglunok. Sa isang sulyap, nakita niya ang bra na hinubad ko. Saka niya sinalubong ang tingin ko. Nakatitig siya sa 'kin habang tinataas ang zipper sa likuran. Sinulyapan niya rin ang nahulog na strap, saka binalik ang paningin sa 'kin habang marahan iyong sinusuot sa balikat ko. Ako naman ang napalunok nang dampian niya ng halik ang balat ko matapos. Sinulyapan niya ako sa salamin at inulit ang pagdampi. Ang isang kamay niya ay yumakap sa bewang ko, at hinapit ako pasandal sa kaniya. Saka niya mas mariing dinampian ng halik ang balikat ko.

Umangat ang balikat ko sa pakiramdam. Kaya sa halip na huminto, inulit-ulit ni Maxrill Won ang halik, papalapit sa sensitibong parte ng leeg ko, para tuksuhin ako. Pinagdikit ko ang balikat at pisngi ko, saka pinipigilang tawanan siya.

"Okay, sorry," natatawang bulong niya, saka ako hinawakan sa magkabilang bewang.

"Mag-dinner na muna tayo," sabi ko.

Idinikit niya ang ilong at labi sa pandinig ko. "Means...we can continue later?" bulong niya.

Nginitian ko siya sa salamin, tiningnan sa magkabilang mata at lalo pang ngumiti nang sulyapan ang kaniyang labi. Hindi ako nagsalita.

Narinig ko siyang humugot ng hininga. Bahagyang nanliit ang paningin niya habang nakatitig sa akin.

"Let's go." Hinila niya ang kamay ko, pareho kaming nakangiti sa kani-kaniyang iniisip.

Inalalayan niya ako paupo, saka niya hinila ang silyang kaharap para itabi sa 'kin. Maging ang plate, kinuha niya at magkatabi kaming kumain. Panay ang ngiti namin sa isa't isa, parang mga sira.

"Kumusta si Kuya Maxwell?" doon ko sinimulan ang usapan.

Nakangiti ko siyang nilingon pero natigil ako sa nginunguya at napalunok nang ipatong niya ang braso sa hita ko. Mas napatitig ako kay Maxrill Won pero mukhang kaswal lang sa kanya 'yon.

"I can say that he's physically okay now, still recovering, though. He's going to South Korea with his fiancé, Yaz."

"Wow..." lumapad ang ngiti ko. "Natutuwa ako para sa kanila."

"Yeah, me, too." Magandang ngumiti si Maxrill Won. Napatitig ako at pinagmasdan ang mga mata niya, dahilan para lingunin niya ako. "Why?"

"Masaya lang ako dahil nakikita kong masaya ka talaga para sa kanila."

Nangunot ang noo niya. "May iba ba 'kong dapat maramdaman?"

Ngumiwi ako. "Wala naman. Pero..."

Sinilip niya ang mukha ko, hinihintay ang karugtong ng sasabihin ko. "Pero?"

"Noon kasi, gusto mo si Ate Yaz..."

Nakangiwi siyang tumango-tango. "And now?"

"Bakit hindi ikaw ang magsabi sa 'kin?"

"Because I want to know what you're thinking. Anong iniisip mo kapag naaalala mong may iba akong nagustuhan noon?"

"Wala naman."

Sinilip niya uli ang mukha ko saka ngumiti. "Hmm?"

"Okay. Iniisip kong normal lang 'yon at nakaraan na, at masaya ka na para sa kanila, at..."

"At?"

"At...at ako na ang mahal mo ngayon."Confident, taas-noo kong sinabi 'yon pero mabilis ding nasundan ng kahihiyan. Nag-init ang mukha ko.

Umawang ang labi niya saka nakangising tumango. "I love the confidence." Ipinatong niya ang siko sa mesa at deretsong tumitig sa 'kin. "What about you?"

"Anong ako?"

Hindi agad siya sumagot, tumitig siya sa 'kin at saka tinuon ang paningin sa kinakain. "How do you think we're doing?"

Napatitig din ako sa kaniya. "Uhm...we're...okay, I think?" ngumiti ako, hindi sigurado kung tama ba ang sinagot ko.

"And...how does our relationship make you feel?"

"Loved?" nakangiting sagot ko. "Safe? Secured. Sure."

Tumingin siya sa isang mata ko, sinundan ng pagtingin sa isa pa, at saka siya ngumiti nang tingnan ang mga labi ko.

"Where do you see yourself in three...four years?" dagdag niya.

Hindi ko napigilang matawa, kahit pa alam ko ang dahilan kung bakit siya nagtatanong. "Interview ba 'to?" biro ko.

"Yes." Sinakyan niya ang biro ko. "Where do you see us...two years from now?"

"This is so unexpected," natatawa kong sagot, nag-iinit ang mukha. Inipon ko ang lakas ko ng loob para salubungin ang mata niya. "Alam mo na gusto kong maging vet, hindi ba?" Nakangiti siyang tumango. "Gagawin ko lahat para maabot ang pangarap kong 'yon." Mas ngumiti pa ako. "Aabutin ko 'yon kasama ka."

Mas inilapit niya ang mukha sa 'kin. "Kasama ako?"

Tumango ako. "Kasama ka. Mas maaabot ko ang lahat kapag kasama ka. Inspirasyon kita, Maxrill Won."

Matagal siyang tumitig sa 'kin ng nakangiti. "Cheesy," biro niya.

Hindi na nawala ang ngiti ni Maxrill Won hanggang sa tapusin namin ang pagkain. Tahimik pero pareho kaming nakangiti. Siya, mukhang may nakatutuwang iniisip habang ako, nahahawa lang sa kaniya.

Dinala niya ako sa mini bar sa tabi ng glass wall, kung saan overlooking naman ang falls. Hindi na siya nagsalita uli, sa halip, naghanda siya ng drinks para sa 'ming pareho. Wala pa mang natitikman, kinakabahan na 'ko sa dami ng hinahalo niya roon.

"Ang sarap sa pakiramdam marinig ang tunog ng tubig sa ganito katahimik na lugar," nasabi ko, ang paningin ay naroon.

Kung tutuusin, kadidilim pa lang. Pero kaninang mas malinaw kong nakikita ang labas mula sa naglalakihang glass walls, tahimik pa rin. Gano'n kaganda ang lugar na 'yon, payapa.

Naramdaman kong lumapit si Maxrill Won sa likuran ko. Inabot niya ang drinks sa 'kin mula roon, at sinalubong ang tingin ko nang lingunin ko siya.

"It's Margarita," aniya, nahulaang hindi ko alam ang drinks na 'yon. 'Sabagay, wala talaga akong alam sa ganitong drinks, beer lang ang masasabi kong kilala ko kahit pa hindi matikman.

Hinawakan ko ang manipis na katawan ng baso gamit ang pareho kong kamay. Nakatingin kami sa isa't isa nang tikman ko 'yon. Inaasahan ko nang pangit ang magiging reaksyon ko, mapapaitan o mauubo. Nagkamali ako dahil sa halip, tinangu-tanguan ko siya nang maghalo ang tamis, alat, asim, at pait. Sa huli ay may katatamang tapang akong nalasahan pero hindi nalamangan alinman sa mga naunang lasa. Sa halip, binalanse niyon ang lahat para sumarap ang inumin.

"Masarap," sabi ko saka muling tumikim, hanggang sa lagukin ko na.

"Easy," hinawakan ako ni Maxrill Won sa siko.

Natatawa ko siyang tiningnan. "Masarap pala ang ganitong inumin matapos ang masarap at malasang steak. Akala ko, sa wine lang bumabagay ang karne."

Kunot-noo siyang tumitig sa 'kin at saka natawa. Tatanungin ko na siya nang kunin niya ang baso ng margarita. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naubos ko 'yon.

"Hindi pala siya nakakalasing, 'no?" sabi ko pa.

Hindi kumibo si Maxrill Won, sa halip, inalalayan niya ako sa siko at isinandal sa kaniya. Ramdam ko kung gaano kalalim ang buntong-hininga niya. Nakangiti kong pinanood ang magandang braso niya, hawak ang glass. Lalo pa akong nangiti nang panoorin siyang lumagok doon.

Binasa niya ang labi, saka nagbaba ng tingin sa 'kin at bumuntong-hininga. "Are you okay?"

Natawa ako at tumango. "Bakit kahit hindi ka magsalita, gwapo ka?"

"Excuse me?" parang nabigla siya sa tanong ko.

Nakamot ko ang sentido. "Paano 'yon?"

"Ang alin?"

"'Yong...ganyan..." itinuro ko ang mukha niya.

Muli akong nagbaba ng tingin sa braso niya, sa kamay niyang may hawak na baso, saka nag-angat ng tingin sa kaniyang labi.

Hinarap ko siya at tiningala. Ngunit ang aking paningin ay nakapako sa kaniyang labi. "How about you, Maxrill Won?"

"Hmm?"

"Where...do you see yourself two years from now?" binalik ko ang tanong niya kanina. "Where do you see us...in the future?" kumikinang ang labi niya sa t'wing tatamaan ng liwanag. "Kasi ako...no'ng unang gabi pa lang na nakilala kita, alam kong ikaw na."

Nakangiti kong sinalubong ang tingin niya. "Nang gabing 'yon na makilala kita...hiniling kong sana...ikaw na. Gusto kong ikaw na. Alam kong ikaw na. Sigurado akong...ikaw na."

Nanatili siyang nakababa ang tingin sa 'kin. Hindi nakangiti pero lahat ng masasayang emosyon ay nasa mga mata. Tiningnan niya ang pareho kong paningin saka bumaba sa aking labi.

"Can I kiss you?" bulong niya, hindi na inaalis ang paningin sa labi ko na para bang aangkinin niya agad iyon oras na sumagot ako.

Hindi nga ako nagkamali dahil nang sandaling tumango ako, sinalubong agad niya ang labi ko.

It started with a soft and steady kiss. His lips brushed mine, passionately, gently, delicately, and just long enough that we could inhale each other's breath.

He pulled me closer and pressed his lips a little harder. He sucked my lips gently and with rhythm, I copied him. Using the soft tip of his tongue, he made his way in and sucked mine slowly while intimately exploring all parts of me. I'm sure...I already knew how to kiss but he was teaching me something more with his excellent tricks.

Just when I was about to lose my breath, he break away from my lips and planted sweet, soft kisses along my jawline, neck and shoulders while stealing glances.

Muli niyang pinaglapat ang mga labi namin. Sa sandaling 'yon, inuulit ko ang ginagawa niya. Mula sa labi hanggang sa mga galaw ng kamay niya.

Gaya ng inaasahan, nagulat siya. Pinakawalan niya ang labi ko, pareho kaming tahimik na naghahabol ng hininga. Tiningnan niya ang balikat ko at hinawakan ang manipis na strap. Paulit-ulit niyang hinaplos 'yon saka sinalubong ang paningin ko, tila naghintay ng pagtutol.

Natigilan siya nang hawakan ko ang parehong kamay niya. Nahugot niya ang hininga nang ibaba ko ang magkahawak naming kamay, kasabay ng straps ng dress. Hindi man maghiwalay ang mga paningin namin, pareho naming nakikita ang parteng 'yon ng katawan ko.

"Dainty," bulong niya, hindi inaalis ang paningin sa mga mata ko.

Napalunok ako. "Maxrill..." garalgal ang boses ko nang salubungin ang labi niya. "I want to feel your lips..."

Napapikit ako nang salubungin niya ng halik ang dibdib ko. Humawak ako sa magkabilang braso niya nang para akong matutumba sa pakiramdam ng labi niya. Gano'n pala ang pakiramdam niyon, mainit at parang kinukuryente ang bawat parte ng katawan ko.

Naramdaman ko na 'to noon, pero dahil may nakapagitan sa labi niya at balat ko, aaminin kong ngayon lang ako nakontento.

Kinagat ko ang labi ko, paulit-ulit at pinigilan ang sariling gumawa ng ingay. Pero nabigo ako nang pagsabayin niya ang kamay at labi sa magkabilang dibdib ko.

Hindi lang pagdaing, natawag ko ang pangalan niya nang wala sa sarili. Dumausdos ang kamay niya sa kabuuan ng likuran ko na nagdulot ng panibagong pakiramdam. Nagmulat ako at sinalubong ang titig niya nang maramdaman siyang ibaba nang marahan ang zipper ng dress ko.

"Do you want me to stop?" tanong niya.

Umiling ako. "No."

Hinawakan niya ang labi ko at muling dinampian ng halik 'yon. "I'll do anything you want me to do, as long as you keep looking at me like that."

Hindi ko alam kung anong nakikita niya sa akin, pero gusto ko rin ang nababasa ko sa kaniyang mga mata.

"I'll...take you to my room." He still sounded so confident despite everything. Bagaman nasa mukha niya rin ang kaba.

Hindi ko alam kung paano niyang nagagawa 'yon habang ako, pinipigilang magsalita dahil sigurado akong garalgal na ang tinig ko.

"Sige," pabulong na sagot ko dahilan para umawang ang labi niya. Sa sobrang kaba ay basta ko na lang dinampot ang glass ng drinks niya at nilagok lahat ng laman niyon.

"Dainty..." lalo siyang nabigla.

"Please...take me to your room." Sinalubong ko ng halik ang labi niya matapos sabihin 'yon.

Binuhat niya ako. Hindi man kami mag-usap, tila nagkakaintindihan ang mga titig namin sa isa't isa. Pinagmamasdan ko ang bawat parte ng mukha niya, at hindi mapigilan ang sarili kong halikan ang labi niya.

Nagkamali ako nang isiping ihihiga niya ako sa kama. Nagkatitigan kami nang dalhin niya ako sa mahabang sofa. Pero hindi ako nagsalita, pinanood ko ang bawat kilos niya.

Marahan niyang dinampian ng halik ang labi ko, at kasabay niyon ay tuluyan niyang binaba ang zipper ng dress ko. Napapikit ako nang tuluyang mahulog ang dress. Nakatitig siya sa 'kin nang muli akong magmulat. Alam naming iisa na lang ang suot ko at hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang tumayo sa harap niya ngayon. Sabay kaming napalunok at nakabibinging katahimikan ang sumunod.

Nang sandaling magdikit ang mga balat namin, napapikit ako. Pero nang maramdaman ko ang palad niya sa parehong hita ko, napadaing na 'ko.

Kumapit ako sa mga braso niya nang marahan niya akong iupo sa sofa. Sinalubong ko ang titig niya nang isandal niya ako. Marahan niyang inilapit ang mukha sa mga tuhod ko at sinalubong ang tingin ko kasabay ng paghalik doon.

Natakpan ko ang labi ko nang mahulaan ang susunod niyang gagawin. Nakagat ko ang daliri ko nang hawakan niya ang parehong paanan ko at itaas ang mga 'yon para tuluyang alisin ang natitirang suot ko.

Wala pa man, humahangos at nanunuyo na ang lalamunan ko. Ramdam ko ang panghihina ng parehong tuhod ko. Lalo kong naramdaman ang panginginig niyon nang halikan niya ang likuran ng hita ko.

"Maxrill Won..." padaing na ang pagtawag ko, pinigilan ang mga kamay niyang nakahawak sa 'kin, nanginginig ang tinig at mga hita.

"Do you want me to stop?"

Umiling agad ako pero hindi nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin maipaliwanag ang pakiramdam. Pero sigurado akong gusto ko, at magpoprotesta ako oras na huminto siya.

Mas naging maingay ang pagdaing ko nang halikan niya uli ang hita ko. His hot breath feels amazing against my skin, it's giving me thousands of unfamiliar sensations.

"You're so beautiful, Dainty..." bulong niya. Hindi ko na siya makuhang tingnan, lunod na lunod na sa pakiramdam. "And I can tell you're wet, just by the way you're looking at me."

Lasing kong sinalubong ang tingin niya nang muli niya akong harapin. Tiningnan niya ang kabuuan ko bago muling inangkin ang labi ko. Siniil niya nang siniil hindi lang ang labi ko, kundi lahat ng madampian ng labi niya. Saka bumaba ang mga labing 'yon sa dibdib ko at halos idaing ko nang paulit-ulit ang pangalan niya nang marating niya ang tiyan ko.

Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at kasabay ng paglapit niya ay ang pag-arko ng katawan ko.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji