Chapter 4
DUMUNGAW si Joy sa bintana nang may marinig na bangkang de-motor. Umahon ang matinding excitement kay Joy nang makitang patungo sa isla ang bangka. Higit pang lalo ang pag-ahon ng kaligayahan nang unti-unti niyang makita ang mukha ng taong sakay ng bangka. Agad niya iyong nakilala. Mabilis na lumabas si Joy at nillagpasan ang kanyang lolo na nakatanaw rin sa paparating.
"Joy, saan ka paparoon?" tawag ng kanyang lolo. Nilingon niya ito habang tumatakbong paatras.
"Si Judah, Lolo. Kaibigan ko siya." Tumakbo si Joy patungo sa dalampasigan at doon hinintay si Judah. Kumaway ito sa kanya at ganoon din siya. Nang tumigil ang bangka ay tumalon pababa si Judah at patakbo nitong tinungo ang dalampasigan. Mabilis namang tumakbo si Joy at sinalubong ng yakap ang kaibigan. Malakas na tumawa si Judah na ipinaikot ang mga bisig sa katawan ni Joy at binuhat pa siya nito.
"Dinalaw mo ako!"
"Are you happy?" tanong ni Judah matapos siyang ibaba.
"Oo! Sobra! Sobrang saya kong dinalaw mo ako. Pero kanina, sobrang lungkot ko."
Inabot ni Judah ang buhok ni Joy at inipit iyon sa likod ng tainga. "Bakit naman?"
"E, kasi hindi ko nadala ang mga tsokolate na ibinigay niyo. Sayang naman. Ang sarap pa naman."
Napatawa si Judah. Itinaas nito ang kamay kung saan bitbit ang supot. "May dala ako para sa 'yo." Agad iyong kinuha ni Joy at sinilip ang laman. Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang laman niyon.
"Tsokolate!" Kumuha siya ng isa at pinagmasdan iyon.
"Tsokolate nga! Para sa akin talaga ito?"
"Para sa 'yo lang." Muling tumawa si Judah nang dambahin ito ni Joy ng yakap.
"Salamat! Ang bait-bait mo talaga."
"Jonadel!" Kumalas mula sa pagkakayakap si Joy at sabay silang bumaling sa kanyang lolo at lola. Agad na nabahala si Joy nang makita ang pagkadisgusto sa mukha ng kanyang lolo at lola. Tiyak na pagbabawalan na naman siya. Niyakap niya sa dibdib ang supot ng tsokolate.
"Magandang umaga ho," bati ni Judah na sinabayan ng pagkaway sa dalawang matanda.
"Sino ka naman? Ano na naman ang kailangan mo sa apo ko?" Sa kabila ng katandaan ay matikas na naglakad pasugod ang matandang lalaki. Agad namang hinarang ni Joy ang sarili sa harapan ni Judah. Dumipa siya.
"Lolo, huwag niyo pong takutin si Judah. Huwag niyo siyang paalisin. Lagi na lang po kayong galit sa mga taong lumalapit sa akin. Mabait siya, Lolo. Kapag pinaalis mo siya, magtatampo na talaga ako sa inyo!" Ikinumpas niya ang kamay sa ere para bigyan ng diin ang bawat sinasabi. Hindi siya nagbibiro. Talagang magtatampo siya.
"Sir, nandito lang naman po ako para dalawin si Joy. Wala po akong masamang intensyon." Nilagpasan siya ni Judah. Humakbang ito palapit sa kanyang lolo.
"Hayaan niyo pong magpakilala ako... Ako po si Judah Rivaz, apo ni Solomon sa nakababatang anak na si Jacob Rivaz, Sir."
Unti-unti ang pagkunot ng noo ng matanda. "Apo na naman ni Solomon?" Matigas ang boses ng kanyang lolo na muling ikinabahala ni Joy. Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang matanda sa braso.
"Lolo, pakiusap! Huwag mo siyang paalisin." Binuksan niya ang tsokolate na hawak niya.
"Tingnan mo, Lolo. Dinalhan niya ako ng tsokolate. Kakaiba ang lasa nito. Napakatamis at napakalinamnam talaga nang sobra!" Pumuputol siya ng kaunti at isinubo sa kanyang lolo at ganoon din ang ginawa sa kanyang lola.
"'Di ba masarap?" Hindi tumugon ang matanda. Nanatiling matigas ang anyo nitong tumitig kay Judah. Nginitian naman ito ni Judah. Hindi nagpakita ng takot. Bumuntonghininga ito pagkaraan ng ilang sandali.
"Nandito lang ako magmamasid. Kapag may ginawa kang hindi maganda sa apo ko, hinding-hindi ka na makakalabas nang buhay sa islang ito."
Malapad na napangiti si Judah. Hindi naman ito kinakitaan ng takot sa sinabi ng matanda. "Makakalabas ho ako nang buhay, Sir. Wala akong gagawing masama kay Joy."
Tumalikod na ang matanda at naglakad patungo sa bahay.
"Akin na nga lang 'yan." Kinuha naman ni Lola Ema ang tsokolate na hawak ni Joy saka sumunod sa asawa. Bumungisngis naman si Joy sa kagalakan dahil bukod sa mukhang nasarapan ang kanyang lola sa tsokolate ay pinahintulutan pa siyang makausap si Judah ng kanyang lolo.
"Sandali lang, Judah." Ibinalik niya ang supot sa kamay ni Judah at tumakbo patungo sa bahay. Kinuha niya sa ilalim ng kama ang maliit na banig saka muling tumakbo sa labas.
"Dito tayo," yaya niya kay Judah na itinuro ang puno ng niyog habang patakbong tinungo iyon. Inilatag niya sa ilalim ng puno ang banig at naupo roon.
"Halika!" muli niyang yaya kay Judah nang hindi ito kumilos. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang may malalim na iniisip pero may munting ngiti sa mga labi.
"Judah!" sigaw niya rito. Lumapad ang pagkakangiti ni Judah saka tumakbo palapit sa kanya. Naupo ito sa tabi niya. Inagaw ni Joy mula kay Judah ang supot at kumuha ng tsokolate at binuksan iyon. Agad na kinain.
"Ang sarap-sarap talaga!"
Marahang tumawa si Judah. "Huwag masyadong marami ang kainin, baka sumakit ang ngipin mo."
"Magsisipilyo naman ako."
Muling tumawa si Judah. "Napaka-cute mo talaga." Tinanggal ni Judah ang suot na tsinelas at inunat ang mga paa. Itinukod nito ang mga kamay sa likuran at pinanood si Joy na maganang kumakain ng tsokolate.
"Ang ganda-ganda mo, Joy."
Matamis na ngumiti si Joy dahil sa papuring iyon ni Judah. "Maraming salamat. Ikaw naman sobrang guwapo. Pareho kayo ni David at ng mga kapatid mo."
"Pero ako ang favorite mo, 'di ba?"
Tumango si Joy. "Oo. Pero gusto ko rin si David. Matiyaga niya kasing ipinaliwanag sa akin ang mga hi-tech na bagay sa yate. Hindi siya napapagod. Mas matiyaga pa kay Teacher Geline. Si Teacher Geline, isang oras lang naglalaan ng oras, e... Puwede sanang maging teacher si David kaya nga lang hindi siya maalam sa human anatomy."
Kumunot ang noo ni Judah. "Human anatomy?"
"Hindi kasi niya alam ang clit. Ikaw ba alam mo?"
Higit pang nagdikit ang mga kilay ni Judah. "Clit?"
"Narinig ko kasi sina Gemma at Zeb na nagtatalik sa loob ng kubeta. Narinig ko si Gemma na nagmamakaawa kay Zeb, sabi niya rub my clit. Rub my clit. Alam ko ang rub, kiskisin 'yon sa tagalog, 'di ba? Pero hindi ko alam kung ano ang gusto niyang kiskisin." Umaawang ang mga labi ni Judah.
"Hinanap ko sa diksyonaryo na English-Tagalog pero wala ang salitang iyon. Hindi rin alam nina Lolo't Lola. Ikaw ba alam mo?" Namamanghang napatitig lang si Judah kay Joy. Hindi ito nakapagsalita.
"Sa anyo ng mukha mo, mukhang hindi mo rin alam. Sana si Gemma na lang ang tinanong ko. Baka siya lang ang nakakaalam." Gusto niya talagang malaman. Parang hindi siya napapalagay kapag may narinig siyang estrangherong salita at hindi niya malalaman kung ano iyon. Sabi ni Teacher Geline, kung gusto niyang matuto ay huwag siyang mahihiyang magtanong kung may bagay siyang hindi nauunawaan.
"I can't... Hindi ko alam. Damn! How can I explain it?" Hinugot ni Judah ang bagay sa bulsa ng short nito. Smartphone 'yon. Katulad iyon ng kay Teacher Geline.
"Mabuti pa, mag-selfie na lang tayo."
"Selfie? Gusto ko 'yan!" Mabilis siyang umusog palapit kay Judah. Ginawa rin nila ito ni Teacher Geline. Inakbayan ni Judah si Joy. Pinagdikit ang kanilang mga pisngi.
"Smile." Ibinigay ni Joy ang pinakamagandang ngiting kaya niyang gawin. Matapos kuhanan ni Judah ay pinagmasdan nito ang larawan nila.
"Napakaganda mo talaga."
"Lalagyan kita ng buhok. Tingnan natin ang itsura mo kung may buhok ka." Inilapag ni Joy ang hawak na tsokolate sa supot. Tumayo si Joy at pumuwesto sa likod ni Judah. Hinayaan naman ni Judah si Joy na gawin kung ano man ang gagawin. Napatawa na lang ito nang ipatong ni Joy ang baba sa ibabaw ng ulo ni Judah at nagmistulang buhok nito ang buhok ni Joy. Natatawa namang kinuhanan ni Judah ng larawan ang sarili. Yumakap si Joy kay Judah mula sa likuran para tingnan ang larawan.
"Ang ganda mo pala kapag naging babae ka." Bumaling ang tingin ni Judah kay Joy. Inabot ni Judah ang pisngi ni Joy at masuyong hinaplos.
"Alam mo, Joy, kahapon lang tayo nagkakilala pero ang gaan-gaan ng loob ko sa 'yo. Gustong-gusto na agad kita."
"Ako rin. Gusto rin kita. Sobrang gusto." Bumitaw mula sa pagkakayakap si Joy at tumayo.
"Gusto mo bang maligo?" tanong ni Joy Judah.
Malapad na ngumiti si Judah. "Swimming tayo?"
"Kung gusto mo."
"Siyempre. Tara." Tumayo si Judah at hinubad nito ang suot na puting T-shirt habang si Joy naman ay hinawakan ang laylayan ng duster at itinaas iyon. Nanlaki ang mata ni Judah at agad na pinigil si Joy.
"Hey, ano ang gagawin mo?"
"Maliligo tayo."
"Bakit ka maghuhubad?"
"Nakahubad naman talaga akong maligo."
Umiling si Judah na tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at muling umupo kaya naupo rin ulit siya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.
"You have to listen carefully, Joy... Hindi ka dapat naghuhubad sa harapan ng kahit na sino... babae man o lalaki... higit sa harapan ng lalaki. Hindi tama."
"Kahit sa harapan mo?"
"Kahit sa harapan ko... kahit sa harapan ng lolo mo... kahit na kanino. Ang babae at lalaki ay magkaiba. I can walk around topless." Binitawan nito ang mga kamay niya para ibuka ang mga braso.
"Walang malisya kapag lalaki ang walang pang-itaas. But if I remove my shorts and briefs, that's big no no... bawal. May mga parte ng katawan natin na dapat tayo lang ang nakakakita at nakakahawak." Hinawakan nito ang sariling dibdib. "You have these, right?"
Niyuko ni Joy ang sariling dibdib at hinawakan ang mga iyon. "Mas malaki kaysa sa 'yo."
Marahanag tumawa si Judah. "That's the size of women. Ganito ang sukat sa lalaki at ganyan sa babae."
"Napag-aralan ko iyon sa libro. Pero mayroong mga babaeng parang dalampasigan ang dibdib. Sa akin parang niyog, e. Ayaw ko nga nito kasi ang bigat."
Pigil ang tawang kumawala kay Judah. "That's okay. It's God's gift. God's gift that you must take care of."
Tumango si Joy. Nanatili siyang nakatitig kay Judah at pinapakinggan ang mga sinasabi nito. "Your breasts and the part of your body between your legs." Bumaba ang paningin ni Judah sa mga hita ni Joy. Nakuha naman niya ang ibig sabihin nito.
"Iyong kiki ko."
Natatawang tumango si Judah na ibinalik ang tingin sa mukha ni Joy. Nagkamot ito sa noo. "These are private parts of your body. Huwag mong hahayaan na may humawak sa mga iyan. Huwag mong hayaan na may makakita ng mga bagay na iyan kahit na sino, babae man o lalaki... higit sa mga lalaki. If anyone tries to touch you... you have to say no, you have to fight... because it's a form of sexual crime... parang rape rin iyon. Do you understand?"
Tumango si Joy at pinagkrus ang mga braso sa harapan ng dibdib. Ikinangiti iyon ni Judah. "Darating ang araw, may papahintulutan kang lalaki para makakita at humawak sa mga bagay na iyan... lalaking pagkakatiwalaan mo at iibigin mo."
Malapad na ngumiti si Joy. "Lalaking mapapangasawa ko."
"Tumpak!" Tumayo si Judah at isinuot kay Joy ang hinubad na T-shirt nito.
"Mag-T-shirt ka kapag maliligo." Kinuha nito ang kamay ni Joy at hinilang patayo. Nagpatianod si Joy nang hilain siya ni Judah patungo sa tubig. Tumatawa silang tumakbo at lumusong sa dagat. Parang mga batang naglaro ang dalawa. Ito ang unang beses niyang maligo sa dagat na may kasamang kaibigang tao. Si Bulig lang kasi ang lagi niyang kasama. Noon ay mag-isa lang siya hanggang sa iuwi ng lolo niya si Bulig isang taon na ang nakakaraan kaya nagkaroon na siya ng kaibigan.
"Bulig!" tawag ni Joy sa kaibigang baboy ramo na naglakad patungo sa kanila. Sinampahan ni Joy si Judah sa likod.
"Pahabol tayo kay Bulig, Judah. Bilis! Takbo!" Malakas na halakhak ni Judah ang umalingawngaw sa isla habang tumatakbo palayo kay Bulig habang buhat si Joy sa likod nito. Napansin naman ni Joy ang kanyang lolo na nakamasid sa kanila. Sa pagkakataon na iyon ay wala siyang makitang galit sa mukha nito. Blangko lang ang ekpresyon nito na tila ba may malalim na iniisip.
Hindi nila namalayan ang oras. Kahit tirik ang araw ay wala silang tigil sa paghahabulan nina Judah at Bulig. Umahon lang sila nang tawagin sila ng kanyang Lola Ema para mananghalian. Sa kubo ito naghain ng pananghalian. Naglagay ng dahon ng saging at inilagay roon ang kanin at mga ulam. Nag-agawan sila ni Judah sa pagkain. Maraming niluto ang kanyang lolo na bibihira nitong gawin. Alimango, malalaking pusit, isda, at hipon. Sumabay rin sa pagkain ang bangkero na kasama ni Judah.
"Magdahan-dahan kayo. Marami 'yan," saway ng kanyang lolo. Natutuwa si Joy sa nakikitang pakikitungo ng kanyang lolo kay Judah. Hindi ito nagsusungit. Siguro nakikita nito ang kabutihan ni Judah.
"Salamat, Lolo!" Natigil sa pagsubo ang kanyang Lolo Malto dahil sa kanyang pasasalamat.
"Salamat po kasi hindi mo na ako pinagbabawalan makipagkaibigan. Puwede ko po bang imbitahan si Judah sa kaarawan ko? Saka si Levi, Zeb, at David? Pati na rin si Sushi."
"Sige. Pero hindi si Sushi."
"Pero, Lolo—"
"Kung ipipilit mo, huwag ka nang mag-imbita pa." Tumulis ang labi ni Joy. Gusto niya sanang imbitahan ang kapatid niya. Gusto niya itong mas makilala pa. Gusto niya itong tanungin tungkol sa kanilang ama. Hindi kasi talaga siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ang kanyang ama. Unang beses niya itong makita noong bata pa lang siya nang minsan siyang isama ng kanyang lolo't lola sa simbahan. Isang babae na nasa simbahan ang nagturo sa kanya sa kanyang ama na nasa simbahan din ng mga panahon na iyon kaya nalaman niyang si Faustino Almazan ang tatay niya. Gusto niya itong lapitan pero pinigil siya ng kanyang lolo't lola. Iyon na ang naging huling punta niya sa simbahan. Higit pang naging mahigpit ang mga ito sa kanya. Noong kinse anyos siya... minsan siyang nagpunta sa karatig isla kung saan nangangampanya ang kanyang ama sa pagtakbo bilang alkalde ng Burgos. Sinubukan niya itong lapitan pero may mga humarang sa kanyang mga tauhan nito. Pinigil din ito ng asawa nito na lapitan siya.
***
"MAY anak pala si Tito Faustino sa labas?" pagbubukas ni David sa usapin matapos maupo sa rattan na upuan sa lanai. Kapansin-pansin ang pagkabigla ng kanyang abuelo sa naging tanong niya.
"Paanong?"
"Nakilala ko si Joy."
"Ang po ni Malto? Malto Llego? Paano?" sunod-sunod nitong tanong.
"Tumigil ang yate malapit sa isla kung saan sila nakatira. Nakilala namin si Joy."
Inabot ng matanda ang tasa ng tsaa mula sa mesa at humigop ito. Muli nitong inilapag sa ibabaw ng platito. "Oo," tipid nitong tugon.
"So, is it true that he raped Joy's mother?" Tumanaw si Solomon sa malawak na lupain nito. Tila nahulog sa malalim na iniisip. Hindi na rin umasa pa si David na masagot ang kanyang tanong. Masyado nga namang komplikado ang usapin na iyon lalo't kaibigan at kasosyo nito sa negosyo ang pamilya Almazan.
Pero kung ibabase sa pananahimik nito, mukhang totoo nga ang tungkol sa panggagahasa ni Faustino sa ina ni Joy. Wala siyang alam sa mga nangyayari sa lugar na ito. Siyam na taong gulang siya nang umalis sila sa lugar na ito at nanirahan sa Manila. Doon siya nag-aral hanggang sa matapos ang kolehiyo. Kakaunting beses lang niyang naalalang umuwi sila sa lugar na ito. Nang mamatay ang kanyang lola at noong minsang magkasakit ang kanyang lolo. Madalas ay ang kanyang lolo at lola ang dumadalaw sa kanila sa Manila.
His grandfather's business which was engaged in the business of milling copra and producing crude and refined coconut oil and other biproducts was managed by his Uncle Jacob. Nagmamay-ari din ng malawak ng plantasyon ng niyog, resort, at hotel ang pamilya. Pinamamahalaan ng pangalawang asawa ng kanyang lolo na si Veronica ang hotel at resort. Ang kanyang papa ay mas pinili ang pagdo-doctor kaysa ang pagnenegosyo. Ang kanyang mama naman ay pinamamahalaan ang isang cosmetic company na hindi lang kilala sa Pilipinas kundi maging sa labas ng bansa. Siya ang katuwang ng kanyang mama sa pagpapatakbo ng negosyo pati na rin ang kanyang pinsan sa ina. Nag-iisa siyang anak nito.
"Hey, Grandpa!" Bumaling sina Solomon at David kay Judah na dumating. Wala itong pang-itaas. Nakasampay ang basang damit nito sa balikat. Mukhang galing sa dagat. Namumula ang buong katawan nito sa pagpapaaraw.
"Galing ka sa resort, Judah?" tanong ng abuelo. Naupo si Judah sa bakanteng upuan sa tapat ng kanilang lolo.
"Galing po ako sa Joy Island."
"Joy Island? Aba't parang bago 'yan. Bagong beach resort ba?"
Judah laughed. "No, Grandpa. It is an island where my friend is living. Joy ang pangalan niya kaya Joy Island. Nakakawala ng problema sa islang 'yon."
Ano ang nangyayari sa pinsan niyang ito? Ano ang ginawa nito sa isla kasama si Joy para magmukha itong napakasaya? His dream-like state was interrupted when his brothers, Zeb and Levi arrived, and each gave him a tap on the forehead. Judah glared at his brothers who were taking a seat.
"Anyare sa 'yo? Hinahanap ka ni Papa," ani Zeb. Zeb was the youngest while Levi was the middle son. Si Judah ang panganay sa tatlo. Isang taon lang ang pagitan ng mga edad nito. 24 years old si Judah, twenty-three si Levi, at twenty-two naman si Zeb.
"Nagpunta ako kina Joy. Maghanda kayo ng regalo niya saka magdala na rin kayo ng panghanda."
"Pumayag ang lolo niya?" tanong ni David at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng pananabik na makita ulit ang dalaga at maibigay ang pangakong tsinelas.
"Oo, pumayag. Nadala ng karisma ko," ngingisi-ngising pagyayabang ni Judah.
Tumango si David. "Magpapa-letson ako." Nagkatinginan ang tatlong pinsan dahil sa sinabi ni David na para bang may mali na letson ang dadalhin niya para sa kaarawan ni Joy.
"Okay 'yon! Magugustuhan 'yon ni Joy," ani Zeb na tumawa. Sinang-ayunan naman iyon si Levi.
"Nice idea," ani naman ni Judah na parang may pinipigil na tawa.
"Cake sa akin. Hindi pa raw siya nakaranas magkaroon ng cake man lang sa kaarawan niya," dagdag ni Judah.
"E, di ba anak siya ni Tito Faustino? Hindi man lang ba sinuportahan? Kawawa rin ang lagay nina Joy," ani Levi. Tumingin si David sa kanyang lolo. Umasa na sagutin nito ang tanong ni Levi pero hindi iyon nangyari. Muli lang itong humigop ng tsaa at tumanaw sa malayo. Hindi na rin pa magtataka si David kung hindi nagbayad sa nagawang krimen si Faustino. Naging alkalde pa nga sa bayan ng Burgos. Wala talagang hustisya sa mahihirap.
"Na-excite ako bigla sa birthday ni Joy," si Levi.
"Mukhang may maa-unfriend ni Joy." Malakas na tumawa si Zeb matapos iyong sabihin. Si Judah ay nakitawa rin sa dalawang kapatid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top