Chapter 2

"Habulin mo ako! Habulin mo ako!" Masayang mga halakhak ni Joy ang umalingawngaw sa dalampasigan habang masayang hinahabol ni Bulig. Tumigil si Joy sa pagtakbo at hinarap si Bulig na tumigil sa paghabol sa kanya. Dumapa ito sa buhangin. Mukhang napagod na.

"Bulig, ano na? Pagod ka na naman?" Padabog siyang naglakad palapit kay Bulig at sumalampak sa buhanginan.

"Hays! Ang bilis mo namang umayaw," reklamo niya. Itinuon niya ang paningin sa karagatan. Hinawi niya ang buhok na dinala ng hangin sa kanyang mukha. Niyuko niya si Bulig at hinaplos ang katawan nito.

"Gusto kong lumabas ng isla, Bulig. Gusto kong pumunta sa Burgos." Napangiti si Joy nang tumugon naman si Bulig ng "oink oink."

"Oo. Sabik ka? Ako rin, e. Hayaan mo, magpapaalam ako kina Lola at Lolo at kapag pumayag, isasama kita." Bumungisngis si Joy at hinalikan si Bulig sa ulo.

Sa pagbalik niya ng paningin niya ay natuon ang kanyang atensiyon sa isang napakagandang yate. Napansin na niya ito kanina pa pero higit na nakuha ang kanyang atensiyon dahil may natatanaw na siyang tao roon. Mabilis na tumayo si Joy at namamanghang tinanaw ang mga taong naroon. Namangha si Joy sa naggagandahang suot na daster ng mga babae. Mahaba ang puting daster, ang isa ay dilaw, habang ang isa pa ay naka-two-piece na ang kulay ay matingkad na green. May mga lalaki rin na walang pang-itaas at naka-shorts na pang-beach habang nakasakay sa maliliit na sasakyang pantubig na tinatawag na jet ski ng mga taga-roon. Paikot-ikot iyon sa dagat.

"Mayayaman! Ang gaganda ng daster nila, Bulig. Para silang mga diwata. Gusto ko ng ganoong daster! Matingkad ang kulay." Ang mga damit niya ay maninipis na dahil nalipasan na ng panahon. Iilan lang ang damit niya na pinagpapalit-palit niya. Kung hindi pa dahil kay Teacher Geline ay hindi siya magkakaroon ng bagong daster.

Umahon ang mas matinding kasabikan kay Joy nang makita ang mga jet ski na patungo sa direksiyon kung saan siya naroon. Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere at iwinagayway.

"Maayong buntag!" sigaw niya sa mga ito nang makalapit ito.

"Hey, miss!" ani ng isa sa tatlong lalaki.

"Hey rin!" pabalik niyang sigaw.

"Are you stranded here?" Sinubukan ni Joy intindihin ang sinabi nito. Ingles iyon. Kahit paano ay pinag-aaralan niya iyon. Magaling magturo si Teacher Geline ng wikang Ingles. Marunong siyang umintindi ng mga simpleng salita, pero hirap siyang magsalita.

"Hindi. Nakatira ako rito."

"Oh, I see." Lumagpas ang tingin ng lalaki kay Joy. Sinuri nito ng tingin ang bahay nila.

"Are you the only one in this place?" Nahirapan siyang intindihin iyon. Masyadong mabilis itong magsalita at hindi niya masundan.

"I mean, ikaw lang ang nakatira rito?" pagbabago nito sa tanong nang makitang hindi iyon maintindihan ni Joy. Matamis na ngumiti si Joy sa lalaki.

"Kasama ko ang lolo't lola ko."

"Kami taga-General Luna lang din, pero ang lolo namin, taga-rito sa Burgos. Binisita namin."

Namilog ang mga mata ni Joy sa narinig. General Luna. Iyon ang sentro ng pasyalan sa Siargao. Naroon ang mga hotel at mga kainan. Hindi pa niya nararating ang lugar na iyon. Gusto niya iyon marating, kaso mukhang imposible. Hindi naman siya papayagan ng kanyang lolo't lola. Diyan pa nga lang sa karatig isla ay hindi siya pinapayagan.

"For sure you know our grandfather. Solomon Rivas."

"Ah, oo! Sabi nila siya ang pinakamayan sa Burgos. May-ari ng mansiyon, plantasyon ng niyog at resort, pero hindi ko pa siya nakikita."

"Anyway, I'm Levi," sabi ng lalaki na may mahabang buhok. Hanggang balikat iyon.

"I'm Judah," pakilala naman ng isang semi-kalbo ang buhok.

"I'm Zebulon, but you can call me Zeb," sabi naman ng isang pinakamaputi sa tatlo.

"Anak ba kayo ni Jacob?" pagbibiro niya. "Iyong mga pangalan n'yo lahat galing sa Bibliya pati na ang lolo n'yo."

"Oo. Ang lola namin ang nagbigay ng pangalan na 'yon sa amin. Our father's name is Jacob, actually," tugon ni Levi.

"Ang galing naman." Lumagpas ang tingin ni Joy sa tatlo patungo sa yate. "Sa inyo ba iyong yate? Ang ganda-ganda."

Nilinga ng tatlo ang yate saka muling ibinalik sa kanya ang tingin. "For us. Binili ni Lolo para sa amin," sagot ni Judah.

"Kaya Rivaz Brothers ang nakalagay na pangalan."

"Ano ang pakiramdam kapag sakay ng yate? Nakakahilo ba kaysa sa bangkang de-sagwan at de-motor?"

"Hindi naman. You want to try?"

"Wala naman kaming yate." Nilaro ni Joy ang sariling mga daliri. Pinagkiskis ang mga kuko.

"Sa yate namin. Halika, sumama ka," yaya ni Judah.

Suminghap si Joy. "Talaga ba?" Napatawa ang tatlo sa nakitang excitement ni Joy na iwinagwag pa ang kamay sa ere.

"Kaso lang baka mapagalitan ako nina Lola't Lolo." Nilinga ni Joy ang bahay. Wala naman ang lolo't lola niya sa bahay. Maagang umalis para magbenta ng isda sa Burgos. Ayaw naman siyang payagan kasing magbenta ng mga ito. Magaling naman siyang magbilang ng pera.

"Saglit lang. Ibabalik ka na lang namin. Dito lang din ang yate. Hindi aalis," pangungumbinsi sa kanya ni Levi.

Muling nilinga ni Joy ang bahay. Kinagat niya ang dugtungan ng hintuturo saka iwinagwag ang kamay. "Sige na nga! Pero saglit lang, a? Ibabalik n'yo ako rito."

"Kami ang bahala. Halika na."

Bumaling si Joy kay Bulig. Lumuhod sa harapan ng alaga at inilapat ang kamay sa ibabaw ng ulo nito. "Dito ka lang. Huwag kang makulit. Sasaglit lang ako." Tumugon naman si Bulig ng "oink oink."

"Mahusay at naiintindihan mo ako." Muling tumayo si Joy. Pinagpagpag ang buhangin na nasa duster. Sa pagbaling niya sa tatlong lalaki ay pawang nakaawang ang bibig habang nakatingin sa baboy ramo.

"Is that your pet?" tanong ni Levi.

"Oo."

"I love baboy ramo. It's delicious," ani Judah. "Roasted wild boar with sage and honey is a perfect recipe for that," dagdag pa nito.

Hindi makapaniwala si Joy sa naririnig. Hindi niya lubos maunawaan ang lahat ng pinagsasabi ni Judah, pero sigurado siyang kumakain ito ng kauri ni Bulig.

"Hindi n'yo dapat kinakain ang kauri ni Bulig. Ang sasama n'yo!" Nag-init ang kanyang mga mata. Gusto niyang maiyak sa mga narinig. "Masasama kayo!"

"Hey! Hindi . . . ano lang."

"Hindi na ako sasama sa inyo. Ayokong makipagkaibigan sa mga mamamatay baboy ramo!"

"Hey! I'm not a baboy ramo killer. I don't eat wild boar. Si Judah lang 'yon," depensa ni Levi.

"You cook it, fucker! Ako ang kumakain pero ikaw ang nagluluto," asik ni Judah kay Levi. Hindi makapaniwala si Joy sa mga naririnig. Paanong nagagawa ng mga itong pumatay at kumain ng cute na baboy ramo?

***

DAVID watched his cousins pilot the jet skis toward the small island. While arriving, he noticed a woman waving at his relatives in the distance. David stood up after grabbing the monocular telescope from the marine couch and proceeded to the yacht's stern. Raising the telescope to his eyes, he searched for the woman. There, a seemingly innocuous woman with an astonished and inquisitive expression on her face was beaming from ear to ear as she waved to his cousins. He withdrew the telescope from his eyes to view them without it. His cousins began conversing with the woman as the jet skis drew to a stand near the shore. He returned the telescope to his eyes and focused his gaze on the woman.

Authentic island girl. That was the first thing that would spring to everyone's mind if they saw the woman. She did not resemble the mestiza ladies with whom he was mingling on the yacht today. The complexion of the woman on the island was naturally sun-kissed. Her jet-black flowing hair floated in the breeze. One of her white dress's straps had fallen down her shoulder.

He was paying close attention to the woman's every action. She knelt in front of a black pig—no, it's not the average pig. It's a rogue boar. She got to her feet and faced his relatives once again. David's brows knitted together as he observed the woman who appeared to be sobbing. Ano ang sinabi ng mga pinsan niya?

Bumaba si Judah at nilapitan ang babae. Inakbayan nito, kinausap hanggang sa igiya ito ni Judah patungo sa jet ski. Sumakay si Judah habang ang babae ay sumakay naman sa likuran at muling bumalik ang tatlo patungo sa yate. Ibinaba ni David ang monocular. Tinanaw ang mga ito hanggang sa makalapit. Hindi naman niya pinagtakhan pa na makumbinsi itong sumama. Abilidad na iyon ng mga pinsan. Luring women was just a simple task for them. Lalo kung kaladkarin ang babae.

"We have a newfound friend," Judah announced their arrival as they stopped in front of the afterdeck. He assisted the woman in her transition to the yacht. He kept her hand in his until they reached the afterdeck where they were. Levi and Zeb were the next to arrive.

"What the hell are you doing here?" The woman came to a halt and gave Sushi a surprised glance before smiling heartily.

"Sushi! Nandito ka rin?" Tumakbo ito patungo kay Sushi at dinamba ng yakap. Sa lakas ay nawalan ng balanse si Sushi at bumagsak ang dalawa sa chaise lounge. David winced when Sushi screamed as if she was being slaughtered. Dammit! This woman's high-pitched voice irritated him.

"Go away!" Itinulak ni Sushi ang babae na lumabi. Tumayo si Sushi at pinagpag ang damit na animo'y nadumihan.

"What is she doing here?" galit na tanong ni Sushi.

Inakbayan ni Judah ang babae. "She wants to experience riding a yacht. Huwag ka ngang marte, Sushi." Iginiya ni Judah ito patungo sa couch at naupong magkatabi.

"Guys, meet Joy. Sa islang 'yon siya nakatira." Judah simply pointed, not checking to be sure he was pointing to the correct island. He was, in fact, pointing in the direction of a clear sea.

"Grabe! Ang ganda naman dito. May swimming pool pa. Ang gara naman!" namamanghang usal ng babae habang inililibot ang tingin sa paligid ng yate.

He couldn't blame her. Every single guest could not help but express their enthusiasm for the yacht. The section aft of the sun deck, where the pool was located, was the most favorite among their visitors. The swimming pool with glass overflow on the rear deck never failed to fascinate guests. It was encircled by plush pillows and sun pads. There was a dining table as well as a bar.

"Joy, that's Brigitte," Judah introduced the woman in a yellow summer dress. She's Sushi's friend. "That's Gemma," he pointed to the woman in a skimpy neon green bikini, another friend of Sushi. "And . . . oh, mukhang kilala mo na si Sushi."

"Oo. Kapatid ko siya."

"Ew!" May pangdidiring react ni Sushi na sinabayan ng ikot ng mata. Ikinagulat nila ang sinabing iyon ni Joy.

"Magkapatid kayo ni Sushi?" Levi inquired incredulously. David took a seat across from Judah and Joy on the couch. Levi sat next to Zeb, while Zeb sat next to Joy.

Nakangiting bumaling si Joy kay Levi. "Oo. Parehas kami ng tatay."

"Oh, so you are Almazan?"

Mabilis namang sumagot si Sushi, "No! She's Llego. Hindi siya kinikilala ni Papa at hinding-hindi kikilalanin. Anak siya sa labas. Malandi kasi ang nanay niya."

"Hindi, a!" Joy shook her head adamantly. "Na-rape si Nanay ng tatay namin ni Sushi."

Tumiim ang mukha ni Sushi sa sinabi ni Joy. Hindi nito iyon nagustuhan. Higit nila iyong ikinagulat. Kilala nila si Faustino Almazan. Ang kanilang mga pamilya ay malapit. Magkaibigan ang kanilang mga magulang. Ang tatay niya, ang tatay nina ni Judah, at tatay nitong si Sushi ay magkakaibigan at ganoon din ang kanilang mga nanay. Sina Judah, Levi, at Zebulon ay magkakapatid. Nakababatang kapatid ng kanyang papa ang papa nito.

"Rape?" si Judah ang nagtanong sa gulat na tinig.

Tumango si Joy. "Rape. Iyong pinupuwersa raw ang babae. Hindi raw 'yon maganda. Krimen daw 'yon at puwedeng makulong ang gagawa. Kaya huwag mong gagawin 'yon para hindi ka makulong. Mabait ka pa naman."

David's eyes narrowed at the woman. This woman was not like the first image he had of her. Previously, when he watched him go with his cousins, his opinion was different. Kaladkarin. That's what he assumed. But he seemed to have a different interpretation of her behavior. Her behavior and speech demonstrated a lack of experience and knowledge.

Napangiti si Judah sa sinabi ni Joy. Ipinatong nito ang braso sa sandalan ng kinauupuan ni Joy at ang tingin nito ay bumagsak sa balikat niya. Inabot ni Judah ang strap ng bestida na lumaylay sa balikat nito at itinaas iyon. Inayos. Muling tumitig si Judah kay Joy.

"I like you, Joy. You are so cute." Judah looked at Joy with admiration while Joy was smiling at Judah innocently.

Tumikhim naman si David at kinuha ang beer sa mesa na nakapagitan sa kanila. Nakuha ng pagtikim ni David ang atensiyon ni Judah kaya bumaling ito sa kanya. "Oh, that's David, our cousin."

Joy looked at him. Itinaas nito ang kamay at kumaway sa kanya. "Kumusta?" He didn't respond. He just took a gulp of his beer while staring at the woman. Inilapit ni Joy ang sarili kay Judah at bumulong. Tumawa si Judah at bumulong pabalik.

"Brokenhearted?"

David's jaw clenched upon hearing Joy's perplexing inquiry. He glared at Judah, and he just laughed.

"Hindi mo rin ba alam ang brokenhearted?" hindi makapaniwalang tanong ni Zeb na pinutol ang pakikipaghalikan kay Gemma na nakakandong na rito.

Umiling si Joy. Inakbayan ito ni Judah at sinimulang ipaliwanag ang bagay na iyon. "Brokenhearted—when you are hurt and upset because of the special person in your life that rejected or dumped you."

She still looked confused.

"She's really stupid!" panlalait ni Sushi sa sariling kapatid.

Tinapik ni Levi ang balikat ni Joy. Bumaling ang babae rito. "Ibig sabihin . . . si David, masakit ang damdamin niya. Because years ago . . . eight or more years . . . may mahal na mahal siyang babae. Niligawan niya nang matagal tapos nabuntis ng iba . . . ayon, dinamdam niya kaya naglagi na lang siya sa Canada. Umuwi lang siya ngayon dahil sa pakiusap ni Lolo, pero babalik din 'yan agad sa Canada. Hanggang ngayon, bitter pa rin 'yan sa buhay."

Napailing si David habang nakakunot ang noong nakatingin sa pinsan. Pinagtsismisan talaga siya sa mismong harapan niya. Siya pa talaga ang ginawang example para sa pagpapaliwanag sa babaeng hindi niya alam kung saang lupalop nanggaling at parang walang muwang sa mundo.

Tumayo si David. "She's naive. Utang na loob. Respect her. Don't take advantage of her," paalala niya sa mga pinsan saka iniwan ang mga ito.

***

MANGHANG-MANGHA si Joy sa ganda ng yate. Napakagara ng barkong ito. Maraming puwedeng gawin. Ang babait ng magpipinsan na Levi, Zebulon, at Judah. Hindi katulad ng mga babae, lalo na si Sushi na napakamatapobre. Hindi niya maintindihan. Binibigyan naman siya ng inumin, pero lagi naman siyang iniirapan. Magka-edad lang sila ng babae. Matanda lang siya ng isang buwan. Beer daw ang inuming ito. Hindi niya gusto ang lasa noong una, pero habang tumatagal ay nagugustuhan na niya. May kakaiba kasing epekto habang napaparami ang konsumo. Parang ang gaan sa pakiramdam. Para siyang lumulutang pero medyo nakahihilo nga lang.

"O, ubusin mo 'yan, a?" Itinulak ni Sushi palapit sa kanya ang lata ng beer. Agad naman siyang nagpasalamat at kinuha ang lata at sinimulan itong inumin. Sina Judah at Levi, nasa kumukulong tubig na. Jacuzzi raw ang tawag doon. Hindi niya alam kung anong mahika ang gamit nito para hindi malapnos ang balat. Nakikipaghalikan si Levi sa babae habang si Judah ay lumusong lang para daw mawala ang tama ng alak.

"Saan ang kubeta? Ihi ako," tanong niya kay Sushi. Inirapan na naman siya nito, pero sinagot naman ang kanyang tanong.

"There." Tinuro nito ang pinto na nasa malapit sa tinatawag na bar ng mga kasama. Agad na tinungo iyon ni Joy na dala pa rin ang beer. Namangha siya sa ganda ng kubeta. Ang ganda ng puting inidoro. Iyong kanila ay may butas lang sa lupa at nilagyan ng yero tapos dalawang pantay na bato lang ang aapakan nila. Ito, puwedeng upuan.

Inilapag ni Joy ang lata sa lababo na sobrang linis at naupo sa inidoro matapos ibaba ang panty. Matapos ay tumayo siya pero biglang napatili nang biglang marinig ang tunog mula sa inidoro. Nanlaki ang kanyang mata nang tila may ipuipo roon at biglang hinigop ang tubig. May multo yata rito. Mabilis niyang kinuha ang beer at lumabas ng kubeta.

Babalik na sana siya sa kung saan naroon si Sushi nang makuha ang atensiyon niya ng loob ng yate. May malaking sala, at sa bandang unahan ay may mahabang mesa na kainan. Tanaw iyon mula sa labas. Nagpasya si Joy na pumasok at namamanghang inilibot ang tingin sa kabuuan. Ang gaganda ng sofa na naroon. Napakalaki niyon. Ang mga dingding ay salamin lahat kaya tanaw ang karagatan.

Humakbang si Joy. Hinaplos niya ang mahabang mesa na naroon hanggang sa matuon ang kanyang mata sa pinto. Dalawang magkabilang pinto ang mayroon doon sa bandang kainan. Sa dingding ay mayroong bilog na umiilaw na kulay asul. Dala ng kuryosidad ay hinaplos niya iyon. Namilog ang kanyang mata nang bumukas ang pinto na patungo sa madilim na pasilyo. Nanatili siyang nakatitig lang doon hanggang sa maisipan ng kanyang mga paang humakbang papasok. Suminghap si Joy nang biglang bumukas ang ilaw. Nanayo ang kanyang mga balahibo. May multo talaga rito. Babalik na sana siya palabas nang bigla namang sumara ang pinto.

"Hala! Pakiusap, huwag n'yo naman akong paglaruan. Hindi naman ako maingay! Tabi-tabi po!" Mabilis na humakbang si Joy sa kahabaan ng pasilyo para maghanap ng ibang malalabasan. Sa bawat hakbang niya ay lumiliwanag ang pasilyo habang ang ibang ilaw sa likuran ay namamatay naman. Para siyang hinahabol ng mga multo. Natigil sa paghakbang si Joy sa nadaanang pinto nang may marinig na ingay. Iyak ng babae at lalaki na tila galit.

"Oh, Zeb, please! Harder! Harder! Oh shit! I'm gonna cum! Oh yes! Sige pa, Zeb. Lamasin mo pa! Ganyan nga!"

Hindi nagdalawang-isip si Joy na buksan ang pinto. Ang dalawang tao sa loob ay natigil sa pag-iingay na para bang namatanda. Nakatingin sa kanya. Isang banyo ang silid na iyon. Hubo't hubad ang babae habang ang mga kamay ay nakalapat sa salamin ng lababo. Si Zeb ay nasa likuran nito. Nakahawak ang dalawang kamay sa mga dibdib. Nakadikit ang harapang bahagi sa pang-upo ni Gemma. Nakababa ang salawal nito.

"Ano ang ginagawa n'yo?" kalmadong tanong ni Joy habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng dalawa.

"We . . . we're having sex?" patanong na usal ni Zeb. May kalituhan ito sa mukha.

"Sex? Nagtatalik kayo?" Bumaba ang tingin ni Joy sa magkadikit na katawan ni Zeb at Gemma. "Ibig sabihin nakapasok ang ari mo sa ari niya?"

Umawang ang bibig ni Zeb at Gemma, kapwa nabigla sa tanong ni Joy.

"Hindi mo ba siya ginamitan ng puwersa? Para kasing nasasaktan siya. Kawawa naman. Masama ang ang mangghasa, Zeb. Baka makulong ka. Kawawa ka naman."

"Oh my God! He didn't rape me, stupid!" bulyaw ni Gemma kay Joy na ikinangiwi niya.

"Bakit ka galit? Nagtatanong lang. Nag-aalala lang ako."

Si Zeb ay malakas na humalakhak. "Oh god! You are so adorable, Joy! I don't rape her. She loves it."

Tumango si Joy. "Mabuti. Sige, ingat sa pagtatalik." Muli niyang isinara ang pinto. Si Zeb ay tawa nang tawa.

"Shut up! Fuck me, Zeb!" bulyaw naman ni Gemma.

Napatili si Joy nang biglang may kumalabog sa loob. Ganyan pala ang pagtatalik. Napakaingay.

Muli siyang naglakad patungo sa pinto sa dulo pero napatigil din nang biglang bumukas iyon. Si David ang sumulpot doon. Nakatapis ito ng puting tuwalya at basa ang katawan. Mukhang kakaligo lang.

"What are you doing here?" nakakunot-noo nitong tanong at humakbang palapit sa kanya.

"Pumasok ako sa pinto tapos biglang sumara. Hindi na ako makalabas. May multo yata rito. Kasi umihi ako, bigla na lang parang may ipuipo ang inidoro. Tapos pagpasok ko rito sumara ang pinto tapos iyong ilaw nagpatay-sindi."

Ngumiwi si David at ikiniskis ang dulo ng daliri sa sentido. Masungit talaga. Parang naaburido. "It's automatic light sensor. Walang multo."

"Automatic light sensor?"

Nagbuntonghininga ito. "I'll show you around. I'll try to explain to you everything as much as I can para naman hindi ka ignorante masyado."

Kumalabog na naman si Gemma at Zeb. "Fuck! Rub my clit, Zeb. Please . . . my clit. Rub my clit." Boses iyon ni Gemma.

"Rub my clit. Clit," mahinang usal ni Joy. "Ano ang clit?" curious niyang tanong kay David.

Umawang ang labi nito na para bang nakagugulat ang tanong niya.

"Oh, Jesus! Iyong mga makabagong bagay lang ang kaya kong ipaliwanag sa 'yo, Joy, and not the human anatomy."

"Human anatomy pala 'yon. Parang hindi pa yata namin napapag-aralan." Matamis na ngumiti si Joy. "Itatanong ko na lang kay Teacher Geline."

Si David ay napailing na lang.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top