Chapter 3


"Kung iyong mamarapatin na ako'y kausapin . . . maaari ba na ako'y 'yong pansinin . . ." Empi lowly sang as we waited for Archie. Lumabas kasi para daw kausapin ang lilipatan kong office.

"Kahit na hanggang doon lang . . . muling magbalik ang pagkakaibigan . . ." I joined his lyrics.

Tambay pa rin kami sa waiting area ng office ni Archie, at sa totoo lang, hindi ako nagalit o nagtampo noong sinabing hindi ako sa office niya magre-render ng OJT.

Ang dami niyang staff! At sobrang busy nilang lahat!

Si Ate Amy ang umiikot sa lobby para mag-check ng mga client. Siya rin ang naglalapag sa office table ng mga document. Sina Kuya Darwin at Ate Amber ang pabalik-balik sa office ni Archie kasi may kukunin sa ibang office at may dadalhin din pabalik. Si Ate Rose naman ang staff na sumasama sa wife ni Archie na kanina pa rin labas-masok sa office.

Kami lang ni Empi ang nakaupo. Mabuti pa nga si Empi, nabigyan na ng gagawin. Nagso-sort na siya ng mga case sa end table ng inuupuan naming couch. Gustuhin ko mang tumulong pero baka makagulo lang ako, lalo na ngayong hindi pala kami sa iisang office magwo-work.

"Mabait ba 'yong isang kuya mo, Em?" tanong ko nang maalala 'yon. "Tingin mo, mahihirapan akong mag-work sa kanya?"

"Haaay." Em sighed so obvious. "Kuya Nick and I are civil, pero nasa enemy line kasi siya ng ibang kapatid ko. Is he nice? He's nice sa chicks and pretty girls. May potential na ma-Pebby ka sa office niya, but I believe in your rejection skill. Hindi naman manyak si Kuya Nick, but he's good at controlling situations in his favor, and that poses as a threat para sa mga kapatid ko."

"Hala, what if ma-control niya 'ko?" nagdududa nang tanong ko kay Empi paglingon ko sa kanya. Pero ang natanggap ko lang ay bored na tingin.

"Your brain doesn't function like that, babe. Saka mas okay nang nandoon ka sa office ni Kuya Nick. Hindi ka madadaanan do'n ni Zach kasi nasa enemy line ka. I can risk you in Kuya's office than be with that fuck-ass. Saka si Kuya Archie ang nag-endorse sa 'yo. Humanda si Kuya Nick kapag nagloko siya."

Em was still not on good terms with Zach when it came to me. Vocal naman siya roon. I don't think galit siya personally kay Zach. Para kasing galit lang siya on my behalf, pero kung wala ako, mukhang okay naman sila.

"Thea."

Sabay pa kaming nagtaas ng ulo ni Empi patungo sa pintuan. Sumenyas si Archie na sumama ako sa kanya.

Pagtayo ko, ngumiti pa ako kay Em para palakasin ang loob ko.

"Go, Tey!" Sabay palo sa puwet ko kaya sinimangutan ko siya kahit natatawa pa.

Huminga ako nang malalim paglabas. Sinundan ko agad si Archie nang mauna siyang maglakad. We passed two doors, at pagdating sa pangatlong nakabukas na pinto, pumasok kami roong dalawa.

Parang mini sala sa loob at may isang secretary sa kanang gilid na may tinataktak na mga papel sa mesa. Sa may office table sa dulong gitna, naroon nakatayo sa kanto ng mesa ang tingin ko ay si Attorney Nick. Kapatid nga talaga siya ni Archie. Halos magkahawig sila, pero malinis ang pagkakaahit sa mukha niya at ang aliwalas ng mukha. Mas malinis din ang gupit, parang gupit ni Adon. Para siyang mas matandang version ni Adon! Mas mukha siyang mabait at masayahin kaysa kay Archie.

"Siya?" tanong ni Attorney Nick nang ituro ako.

"Yes. Ikaw na ang bahala." Archie tapped my shoulder before he left the office.

I smiled at Attorney Nick. "Good morning, Attorney. I'm Althea Solenne Salviejo po. Philosophy student."

Attorney Nick crossed his arms. Bumagsak ang magkabilang dulo ng mga labi niya at naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin.

"Attorney, sa office lang ako ni Boss Joel," paalam ng secretary kaya nalingunan ko siya. Ibinalik ko ang tingin kay Attorney Nick nang makalabas ng office ang secretary.

"Ano mo si Messiah?" tanong niya, and he sounded so curious.

"Classmate and friend po, Attorney."

"Si Zacharias?"

Hindi ako nakasagot. Nakagat ko ang dulo ng labi ko habang nakatitig sa kanya.

"Ayokong maging personal, darling, pero 'yon kasi ang rason kaya ka nandito sa office ko," paliwanag ni Attorney Nick kaya kinabahan ako. Nakutkot ko ang kaliwang hinlalaki ko habang nakatingin pa rin sa kanya. "Hindi ako tumatanggap ng OJT, kasi ang trainees, nasa opisina lagi ni Archie o kaya nasa ibang department. Pero papayag lang akong dito ka sa opisina ko kung sasagutin mo ang tanong ko. Now I need a clear answer. If friend mo si Messiah, ano ang connection mo doon sa kuya niya?"

"Um . . ." Ang bigat ng paglunok ko. "Gh-in-ost niya po kasi ako after naming mag-sex."

Biglang tumaas ang magkabilang kilay niya at dahan-dahang tumango na parang naintindihan na niya ang sagot sa tanong niya. Umamba siyang may sasabihin pero binawi niya. Tinitigan pa niya akong mabuti, pero mas mukha siyang natutuwa kaysa kaninang nagtatanong siya.

"Hindi ko alam kung saan ako bibilib. But I like your honesty, darling. That explains everything clearly. Kunin mo na ang mga gamit mo, lumipat ka na rito sa opisina ko."

Lumapad ang ngiti ko at nag-bow. "Thank you, Attorney!"

Masaya akong lumabas at bumalik sa office ni Archie. Excited akong lumapit kay Empi at kinuha ang shoulder bag ko sa tabi niya.

"Anyareh?" tanong agad niya.

"Doon na raw ako sa office ni Attorney Nick," balita ko bago isinukbit ang bag sa balikat ko. Humarap ako kay Archie saka nag-bow. "Thank you po ulit!"

Hindi ko alam ang purpose ng pag-alam ni Attorney Nick sa connection ko kay Zach, pero masaya akong tinanggap niya ako sa office niya. Feeling ko, isa lang din ang secretary niya compared sa office ni Archie.

Pagbalik ko sa office ni Attorney Nick, may bitbit na siyang laptop bag at inabutan ako ng halos dalawang ream na mga papel. Niyakap ko agad 'yon at nalilito pang sumunod sa kanya palabas na naman.

"Attorney, ano po'ng gagawin ko rito?" tanong ko agad, kasi baka ipapa-photocopy pala.

"Hawakan mo lang. Ang 10:30 ko, sa Branch 108. That's Pasay," sabi ni Attorney habang sinasabayan ko siyang maglakad papuntang hagdanan. "Ang presiding judge, si Judge Arthur Tan."

"Judge Arthur Tan . . ." mahinang ulit ko. "Noted po."

"Ang prosecutor, si Racquel Cuerdo. Assistant prosec si Dolor Ednaco."

"Racquel Cuerdo . . . Dolor Ednaco. Noted po, Attorney."

Nakababa na kami sa lobby nang saglit siyang huminto sa parang cashier na area.

"Paki-follow-up kay Dante ng provi ko, ha? Wala na 'kong kopya sa office ko," sabi niya at nagpatuloy na naman kami sa paglalakad palabas ng building.

"Attorney, sasama po ba ako?" tanong ko kasi nasa parking lot na kami.

"Trainee ka, di ba?"

Mabilis akong tumango. "Opo, Attorney."

"Then you'll train under me." Huminto siya sa tapat ng pinto ng passenger seat. Asul na sasakyan ang hinintuan namin. Binuksan niya 'yon at itinuro ng daliri ang loob. "Sakay."

"Okay po." Sumakay naman agad ako sa passenger seat. Pagsara niya ng pinto, binuksan niya naman ang pinto sa back seat at doon inilagay ang dala niyang bag. Inayos ko sa kandungan ko ang makakapal na bungkos ng papel at itinabi sa kanang gilid ang shoulder bag.

Sinusundan ko ng tingin si Attorney Nick hanggang makasakay siya sa driver's seat. Pag-seat belt niya, nag-seat belt na rin ako.

"Attorney, hindi po ba tayo hahanapin sa itaas?" tanong ko agad.

"Alam nila ang schedule ko today." Binuhay na niya ang makina ng kotse. "And you, wala ka sa plano. Wala kang gagawin sa itaas kaya sasama ka sa 'kin."

Umandar na ang sasakyan kaya mukhang aalis na nga talaga si Attorney kasama ako.

"Okay lang po bang mag-phone kahit OJT ako ngayon?" tanong ko.

"Kapag ganitong walang ginagawa, puwede ang phone. Mamaya sa sala, huwag kang magbubukas niyan. And better kung naka-silent."

"Saang sala po?"

"Sa court."

"Ah, okay po." Mabilis kong kinuha sa bag ang phone ko para i-text si Empi.


Em aalis daw kami ni Attorney Nick.


GAGA KA
BAKET KAYO AALIS???


Pupunta raw kami sa court


RIGHT NOW?????


Uu nakaalis na kami


Ay potah
pag dinala ka sa hotel bayagan mo ha


Parang di naman kami pupunta ni atty sa hotel🥺


Better to be safe than sorry
wag kang papabudol jan ha
ngayon mo paandarin yung tigas ng ulo mo


Baka di na tayo sabay maglunch🥺


Sarili mo isipin mo wag yung lunch! gaga to talaga!


Chat ako mamaya kung saan na kami


Pag walang signal dun magtext ka na lang


Owkie🥹





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top