2

Gabi na at nagtitipon kami sa isang hapag at doon kumain. Pito kaming magkakasama ngayon, isa akong ganap na health researcher. Kaming pito ay nurse na nagreresearch sa isang barangay ano ang kanilang mga sakit dito.

"Unang punta natin dito, kami ni Callie at Beatrix ay napansin na common na sakit dito ay schistosomiasis." Iniwagayway ni Karina ang tinidor na may kamote ag agad niya itong kumain.

"Oo nga, dahil tinanong namin ang mga tao sa bawat bahay nila ay 'ganon ang sintomas." Damon said at kinuha ang papel na katabi sa kaniyang plato at tinignan iyon, interview niya yata 'yon sa mga tao.

Inayos ni Kevin ang kaniyang eyeglass at tinanong si Drake tungkol sa reports.

Ang busy talaga naming lahat, isa kasi itong isla ang pinuntahan namin. Isang famous destination ito, kaya dito kami nagbabakasyon noon kasama ang magulang ko.

Habang tahimik akong kumakain ay napansin 'kong dumaan si Axel na may dalang mga lutong alimango at isda, iyon yata ang ginawa nila kanina nung nagkita kami dahil may dala silang fishing rod.

"Ang pogi niya, sana dito muna tayo kahit one week lang." Bulong ni Beatrix sa'kin kaya napailing ako sa narinig.

"Tumahimik ka nga." Saway ko nito dahil tinitigan niya si Axel at pakiramdam ko ay matutunaw na ang lalaki.

Tinignan ko si Axel, ang moreno niya dahil yata dito na siya nakatira at bilad na bilad sa araw. Hindi din gaano kalaki ang katawan niya at kaliit, yung buhok niya ay hindi din gaano kataas pero matatakpan na ang mata niya. Napatingin ako sa mukha niya, he has an oval shape face with square jawline na makikita kapag umiigting ang kaniyang panga, with his brown eyes and medium-thick eyebrows, average red lips and slim nose.

Napailing ako sa aking iniisp. What the hell, Callie? Are you praising him? Shut it, Callie.

"Okay ka lang?" Ian asked me, nakita ko sa mukha nito ang pag-alala dahil kaharap lang kami. Napatingin ako sakaniya at tumaas ang kilay ko.

"Oo naman, bakit?" Kumunot ang noo ko.

"Namumula ka," ngumuso si Dylan at uminom ng tubig.

Nanlaki ang mata ko at napahawak sa aking pisngi. "What?!"

"Are you thinking of perverted things?" Karina teased at tinusok ang beywang ko.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Ano?!" Napatingin ako sa likod ni Ian kung saan nakatayo si Axel, nakangisi ito saakin at napailing. Mas lalo yata uminit ang mukha ko sa hiya.

"Ano ba kayo, huwag niyo nga ako pagtripan." Ngumuso ako at tinakpan ang mukha, mas lalo lang silang tumawa sa ginawa ko.

"You can try him, Cal."

Dahil sa sinabi nila hindi ko maiwasang isipin na ito na ba talaga?  I can set that child free and hook up with someone instead?

KINABUKASAN, ay maaga kaming nagising at naghanda para makakauwi. Handang handa na ako at nakatambay na sa labas. Sasakay na kami sa isang bangka. Hinati kami, kaming mga babae ang unang sasakay at sa huli ay yung mga lalaki dahil maliit lang ito at ang mga lalaki ay hinati din dahil mas madami sila kesa sa'min.

Pinaypay ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. Kahit maluwag ang tshirt ko at ang short ay mainit parin kapag nasa baybayin ka. ang hangin dito sa dagat, ay mainit din. Inayos ko ang aking sumbrero nang makita ko si Axel na paparating. Napaayos ako sa aking pagkakatayo at umiwas ng tingin na napansin 'kong tumingin ito sa'kin.

"Let's go. Ready na kayo?" Agad nitong tanong pagkalapit niya nakita 'kong isinuot nito ang kaniyang sunglasses.

Tahimik kaming tatlong babae at tumango, nakita niya yatang handa na kami ay dumeritso na ito sa bangka at inihanda iyon.

"Oh my, ang pogi ng maghahatid sa'tin!" Narinig ko ang tili ni Beatrix sa tabi at sinapak si Karina sa braso. Napailing ako sa kakulitan nila.

Sumakay kami sa bangka, unang sumakay si Karina nakita ko pang nahihirapan ito upang hindi mababasa pati na din si Beatrix. Napanguso ako at inuna ang maleta, buti nalang ay nakatsinelas ako at hindi na mahihirapan kapag mababasa lalo na't naka shorts lang ako, silang dalawa kasi ay nakasapatos na.

Tinanggap nila ang maleta at canvass kaya sasakay na sana ako pero nanlaki ang mata ko ng bumaba si Axel at nakita ko nabasa ang khaki shorts niya.

Aakyat na sana ako pero naramdaman ko ang kamay nito na nakapulupot sa aking beywang. Napasinghap ako sa gulat at tinignan siya. "Ako na, Axel."

Tumingin ito saakin at ngumuso. "If makakaya mo." Nakita ko pano ito nagpigil ng ngiti habang inaangat ako sa tubig. Nang-aasar ba 'tong lalaking 'to?

Nang nakaangat na ako at nakasakay na bangka ay tinignan ako ni Beatrix at Karina. "Magkakilala kayo?"

Umiling ako dahil hindi naman talaga. Kilala ko lang siya sa pangalan. Napahawak kami sa bangka ng biglang gumalaw dahil sumakay na ito.

"Aalis na tayo." Aniya sa mababang boses, napatingin ako sakaniya at nakita 'kong nakatingin ito sakin kaya napaiwas ako. Napakagat ako sa aking labi, damn. Bakit ba siya ganiyan?

Habang nagstart na ang engine ay napakapit ako ng maigi sa aking maleta. Nakakatakot talaga kapag sumasakay nito, kahit lagi akong nakakasakay nito ay hindi parin ako sanay. Mahihiluhin parin ako.

Nakita 'kong nag pipicture sina Beatrix at Karina kaya nakikisali ako.

"Ano 'yan?" Biglang tanong ni Axel sa aking canvass.

Napahinto sina Beatrix at Karina at tumingin sa tinuro ni Axel. Napahawak ako sa aking gawa at ngumuso. "Nakita mo naman 'to."

Umigting ang kaniyang panga at tinignan ako sa mukha. I felt my blood rushes through my face, umiinit ito dahil sa tingin niya.

"Patingin," seryoso nitong pagkasabi.

"Ipakita mo kasi, napakahiyain mo." Ani Karina at kinuha ang canvass, hindi naman ito kalakihan. Tama tama lang ang size, pero hindi ko ito mapapasok sa maleta.

Pipigilin ko na sana si Karina pero huli na dahil hawak na niya ito at tinitignan ng maigi. Napanguso ako at tumingin sa malayo at tinatanaw ang mala-asul na dagat.

"Nawala kasi 'yang si Callie dito noon, buti at nandiyan ang batang lalaki kundi mababaliw 'to." Hinaluan pa ni Bestrix ng biro ang kwento at tinignan ako na natatawa.

"Pwede akin nalang 'to?" Biglang tanong ni Axel at hinimas ang gawa ko.

Nanlaki ang mata ko at kinuha sakaniya. "No, akin to. Tsaka ilalagay ko 'to sa art gallery ko." Tinignan ko siya ng masama pero nakatingin lang ito sa hawak ko.

Napailing ako at inilagay sa baba ang canvass.

"Oh? Ilalagay mo?" Gulat ang mukha ni Beatrix at tinignan ako na may pagtataka.

Ngumiti ako, I crossed my arms. "Well, kasali na ako sa grupo sa artist dito sa pinas."

I'm really proud of my works, pinadala ko mga gawa ko at isinasali sa contest kahit malaking halaga ang nawala basta ay sinisikap ko na magiging sucsesful artist. I'm a nurse and also part time artist sa mall. It's my passion to take good care of the people and also to share my arts and to inspire them.

"Wow, dapat i-celebrate natin 'yan." Karina clapped her hands at halata sa kanilang dalawa na excited ito dahil sa kanilang mukha.

Bigla kaming tumilapon nang biglang tumigil ang bangka, sira yata ang makina.

"Ano nangyari?" Nag-alalang tanong ni Beatrix, she's already panicking.

"Aayusin ko muna 'to. Madali lang 'to, may nagbara lang." Axel said in a baritone voice, napatingin ako sakaniya at nakita 'kong umiigting ang panga niya at namumula na ang pisngi at ilong. He's already burned dahil sa araw.

Napahiyaw kami ng marinig na namin ang ingay sa makina. Thank, God. Kamusta na kaya ang mga lalaki doon na naiwan?

"May panyo ka, Callie?" Bumulong saakin si Karina.

Kumunot ang noo ko at inalala na may dala akong panyo sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at natigilan. Panyo 'to sa batang lalaki. Iba pala ang nakuha kong panyo. Ilalagay ko sana uli sa aking bulsa pero huli na dahil hinila ni Karina ang aking braso at iniharap sa mukha ni Axel.

"Pampunas mo daw." Tumatawa pa si Karina.

Nakita 'kong natigilan si Axel at tinignan ang panyo, napakagat ako sa aking labi. Shit, yung panyong inaalagaan ko. Kinabahan ako dahil nakatitig lang ito sa panyo na nasa kamay ko. Napabuga ako ng hangin nang kinuha niya iyon at pinunasan sa kaniyang noo.

Kinalas ko ang aking kamay sa pagkakahawak ni Karina at tinignan ito ng masama, nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito at natigilan.

"Bakit, Callie? Pinupush ka lang namin dahil alam 'kong tatanda ka ng walang kasama dahil patay na patay ka 'don sa bata." Ngumuso si Karina ay hinawakan ang kamay ko.

Binawa ko iyon at tumagilid at tumitig sa dagat. Yung bagay na iniingatan ko ng ilang taon. Ang sakit, nawala lang ng parang bula.

"Callie, don't tell me yung panyo na binigay ay sa batang lalaki 'yon?" Narinig ko ang pagsinghap ni Karina kaya tumingin lang ako sakaniya at sa dagat uli.

Nakita 'kong nakatulog na si Beatrix kaya tumahimik ang bangka. Nawalan ako ng gana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top