Lima
Limang beses. Limang beses ka nagbuntong-hininga. Tila ba may nais kang sabihin sa akin ngunit hindi mo alam kung paano mo ito sisimulan. Kinakabahan na ako sa nais mong ipahiwatig.
Limang segundo. Limang segundo mo 'kong nginitian. Sa pag-ngiti mo pa lamang ay napawi na lahat ang mga agam-agam 'ko.
Limang minuto. Limang minuto ang lumipas ngunit tila ba ako'y nabingi sa mga salitang binitawan mo habang nakatitig lamang ako sa iyong likuran. Sa iyong likuran na papalayo sa akin, umaasa ako na lilingunin mo pa ako. Ngunit hindi ka na lumingon pa. Nagpatuloy ka lamang sa iyong paglalakad. Iniwan mo na ko nang tuluyan, mahal.
Limang araw. Limang araw akong nagkulong sa kwarto. Hinahayaan ko lang ang luha ko sa pagtulo dahil wala ka na, wala ng pupunas nito.
Limang buwan. Limang buwan na ang lumipas mula noong tuluyan ka ng tumakas. Tumakas sa lahat ng iyong pangako, iniwan mong wasak ang aking puso. Pira-piraso't, hindi ko mabuo.
Limang taon. Limang taon na akong umaasa na mabubuo ko muli ang aking puso at aking sarili. Ngunit kahit wala ka na sa piling ko, malakas pa rin ang iyong epekto. Limang taon pero bitbit ko pa rin ang sakit na dinulot mo. Limang taon, ngunit hindi ako makatakas sa nakaraan.
Limang dekada...
Limang dekada, umaasang nawa'y malimot ko na. Malimot ang lahat ng ala-ala, ang mga sakit na dinulot mo sa tuwina.
Limang dekada? Bumubuhos pa rin lahat ng ala-ala, ika'y mahal ko at ako'y mahal mo pa.
Ngunit matapos ang limang dekada, ikaw ay masaya, masaya na sa piling nang iba at ako'y naiwang mag-isa.
----
Shana:
Ika-23 ng Agosto ng ito'y aking isulat. Naisulat ko lang naman ito dahil sa sobrang kainipan sa loob ng klase. 1pm to 3pm ang klase namin, nainip ako at naisipan kong magsulat. At pinagsulat ko rin yung dalawa kong kaibigan, pati sila dinamay ko pa. Hahaha!
Limang araw at Limang buwan, kay Efraim ko pinasulat ang nilalaman nun. Tapos sa Limang dekada naman ay kay April ko pinasulat. Kaya ayan nabuo ang akda na ito.
Maka-akda eh noh? Chosss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top