Chapter 12

"Sa company ka nalang natin mag intern."

Suggestion ni Tita Khallex sa akin habang kumakain kami. Dito ako ngayon sa bahay nina Papa umuwi dahil nagpa-alam si Xyrus na mawawala ng ilang araw, pero hindi sinabi kung saan pupunta.

"No pressure naman, darling. If you think hindi kapa ready matutunan kung paano patakbuhin ang company ng Papa mo, ayos lang." agad na bawi ni Tita. Natawa kaming parehas ni Papa sakanya..

She's like a kid sometimes! But she's lovely most of the time. Masaya ako at hindi siya katulad ng mga napapanood ko sa mga soap opera sa Television. She treated me like her own daughter. Para siyang si mama, noong maayos pa ang lagay niya. I suddenly miss my mother. Ang huling dalaw ko nong kasama ko pa si Xyrus.

"Anak, hindi naman sa minamadali kita pero parang ganoon na nga. You really need to study our business, ikaw lang naman ang magmamana noon." Sabi ni Papa habang naka tingin sa akin. Ngumuso lang ako sakanya at tumango.

"Okay po." I nodded my head. "Time na din po siguro para matutunan ko yung pasikot sikot sa company." nakangiting sagot ko sakanila.

Papa is so happy about my decision, si Tita Khallex naman ay nangako sa akin na gagawin ang lahat para matutunan ko ang mga kailangan kong matutunan to run our company smoothly. Binigyan ako ng brief ideas ni Tita Khallex at Papa about sa company, ilang villages ang meron kami at kung ano-ano pa.

Uminom ako ng tubig at itinaas muna ang kamay ko sa harapan nilang dalawa para mag tigil muna sila sa kaka bigay sa akin ng information. Masyado ng puno ang utak ko, umaapaw pa!

"Wish me luck, Xy!" I exclaimed and drop myself into the bed.

[You can do it, babe. Ikaw pa?] he said and look at me through the cam.

"Nasaan ka pala?" tanong ko sakanya. Kabisado ko na ang bawat sulok ng kwarto niya sa condo kaya alam kong wala siya sa condo unit niya.

[Sa bahay ni Mom. She wants me here,] He sighed heavily while playing his pencil with his fingers.

"May problema ba?" mabilis siyang umiling.

[I need to go, see you in three days babe.] he said and pouted his lips cutely.

"See you in three days, I guess." I whispered and he ended the call.

I already missed him, pero wala naman akong magagawa. Isa pa nag umpisa na ang internship ko, Bree and Mj chooses their own family company. Dapat kasama ako ni Bree kaso nga lang napunta ako dito, sa company ni Dad. I've been working my ass off her for almost a week at yung tatlong araw na dapat makikita ko si Xyrus hindi natupad.

"Miss Caguiat, paki ayos daw po ang mga 'to." iniabot sa akin ng isang babae ang sandamakmak na files. "Alphabetical order daw po," she said and left me.

I inhaled and exhaled sharply. The Finance manager was now getting on my nerves! Pasalamat siya at hindi ako namemersonal! Isusumbong ko 'to kay Tita Khallex!

"God! This is frustrating!" I hissed to myself.

"Ano ang nakaka frustrate, Miss Caguiat?" lumitaw sa likod ko ang pinakaiinisan kong tao ngayon. His arms was crossed over his chest at naka angat ang kilay nito sa akin.

"Wala po," peke akong ngumiti sakanya at inumpisahan ng i-arrange ang mga files na kayang kaya naman niya gawing mag-isa kung tutuusin! Pero dahil intern ako dito, hindi ko magawang magreklamo!

"Te? Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Ate.

"May galit po ba siya sa akin?" asar na tanong ko. They just laugh at me. May isang lalaki na lumapit sa akin at sumandal sa table na naka assign sa akin.

"Ganyan talaga si Mr.Lagman kapag may natitipuhan na babae, pinapahirapan. Hoping na yung pinapahirapan niya ma f-fall sakanya!" natatawang kwento sa akin ni Kuya na lumapit. 

What the fuck? So hopeless romantic pa pala ang letche na yun?! Gwapo naman siya pero... I have Xyrus with me. I am happy with him, kahit na sobrang busy niya ngayon. Tho, I understand him.

"You look exhausted. Pahinga ka muna." malambing na sabi ko kay Xyrus. Sinundo niya ako kanina kahit pagod na siya.

"Cuddle me?" I smiled at him. Nagpapa baby na naman ang bebe boy ko.

Tumabi lang ako sakanya at niyakap siya. I really missed his scent and his presence. Ang kakulitan niya, kahalayan niya, yung klase ng pag-aalaga niya sa akin. Lahat! Lahat ng meron siya na-missed ko. Kaya sinulit ko ang buong gabi na katabi ko siya.

Month's passed and I am already  4th year college habang si Xyrus naman ay busy sa pagre-review. I want to motivate him by staying by his side all day and all night. Ang kaso, kapag nasa tabi niya ako na di-distract siya. Mas inaatupag pa niya ang pang lalandi niya sa akin kaysa sa pag-aaral niya.

"Umabot kayo ng almost 2 years, pero hindi mo parin pinapakilala sa amin." nagtatambong sabi ni Bree sa akin. I hugged her waist sideways.

"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa inyo." nakayukong sabi ko sakanya. Hindi ako nahihiya na ipakilala sa kanila si Xyrus because he is an amazing man.

"Wala kayong label no? Kaya hindi mo maipakilala sa amin ni Mj!" she hissed at kinurot ang tagiliran ko. "I won't say it's okay. But I trust you okay? Andito lang ako if ever na... Alam mo na. Inuman tayo." she whispered para hindi marinig ng parents niya.

Birthday ng bunsong kapatid nila ngayon kaya sinama nila ako. Nagpa-alam ako kay Xyrus, na tatlong araw ako mawawala. Um-oo naman kaagad siya dahil wala naman siyang magagawa sa gusto ko. Nagpa-alam din ako kay Papa at Tita Khallex, gusto din nila na makilala sa Mj kaya after ng vacation na 'to baka dalhin ko silang dalawa sa bahay. Sinundo lang namin sina Mj bago kami dumeretso sa resort.

"Sino ba may sabing tumulong siya doon?!" singhal ng kakambal ni Bree. Nagulat pa ako dahil bigla nalang siyang nagalit.

"Let's go to our room?" aya sa akin ni Bree at kinaladkad na ako sa taas. Hindi man lang ako hinayaan na i-appreciate ang mansyon na pinasukan namin.

"So tell me about your guy," Bree smiled at me and pulled me towards the bed. Pinaupo niya ako at hinarap.

Umirap lang ako sakanya at umayos ng upo. The moment I opened my mouth, sumeryoso na siya at nakinig ng mabuti sa akin. Kinuwento ko lahat ng tungkol sa amin ni Xyrus, how we met, how this none labelled relationship of us started. How he comforts me, how he pampered and spoiled me with his love.

"Dalawang beses na niyang sinabi sa akin na ihaharao niya ako sa altar." I said while playing my fingers. Inalog alog ni Bree ang katawan ko habang tumatalon sa kama na parang bata.

"Gourl! Flower girl ako!" tili niya sa akin. Pabiro kong hinablot ang buhok niya.

"Tanga! Ano ka bata?" natatawang tanong ko sakanya. She flipped her hair and act cute in front of me.

"Baby face naman ako diba?" natatawang tanong niya sa akin. Inilayo ko ang mukha niya sa akin at sinimangutan siya.

Bumaba muna ako para makalayo kay Breeyana. I promised to call, Xyrus the moment na makarating kami dito. At hindi ko siya makakausap ng matino sa kwarto dahil sa kagagahan ni Breeyana. Sobrang ingay niya ngayon at ginugulo ako na mag kwento pa tungkol sa amin ni Xy. Nakasalubong ko pa si Mj na mukhang namangha din sa ganda ng mansyon.



"Ang laki neto! Saan yung kwarto niyo?" she ask habang abala ang mga mata nito na sa paglibot.

"Sa taas syempre. Left wing. Right wing kayo ni Brylle, katabi niyo yung kwarto ni Thrios. Pero wag kang mag-alala sound proof mga kwarto gourl!" pang-aalaska ko sakanya. Pero throat. Sound proof ang mga kwarto dahil na try namin kanina ni Bree. Tinignan niya ako ng masama kaya mabilis akong naglakad palayo sakanya.

I found myself walking towards the pool. May mga upuan sa gilid kaya doon ako pumwesto. I opened my messenger app and check if he's online. Luckily, online siya kaya agad akong nag request for video call.

"Hi!" I chirped and grinned at the camera. Binitawan niya ang high lighter na hawak niya at hinarap ang camera niya.

[Enjoying your vacation, Miss?] he ask while grinning and fixing his messy hair. May suot siyang salamin ngayon. Damn. Bumagay sa rough features niya.

"Yep. Look, ang ganda dito!" inilipat ko ang camera sa back cam at inilibot ang phone ko sa paligid. "I want to stay here..." I whispered.

[Really? Mas gusto mo na diyan kaysa sa kwarto ko?] his brows shot up. I bit my lower lip, and giggled.

"You know how much I love your room." I playfully winked to him. Aww! There's my man. Blushing again.

[Yeah? Kwarto ko lang? Paano naman ako?] nagtatampong tanong niya sa akin.

I wanted to say 'Mas mahal kita kaysa sa kwarto mo'.

"I love your performance." I wrinkled my nose. Sumimangot ang gwapo niyang mukha kaya natawa ako.

[Sayang wala ka dito. Wala akong good luck kiss?] he pouted his lips. Sumandal siya sa swivel chair niya at pinagdiskitahan ang salamin na suot suot niya kanina.

"I know what you're thinking, Xy." siningkitan ko siya ng mata. He raised both of his hands on the air while chuckling sexily!

[Mag t-take na ako ng Exam tapos wala ka dito.] malungkot na sabi nito sa akin.

"Don't be sad. Alam ko naman na maipapasa mo yang exam," kampanteng sagot ko sakanya. 

[Sabi mo e,] he said playfully.

Nag-usap pa kami ng ilang oras bago ko pinatay ang tawag dahil mag re-review pa siya, sinabihan ko na din siya ng good luck dahil mag-take na siya bukas ng exam. The exam will last 2 days, and I am positive that he will top the Architecture Licensure Exams.

The next day, hindi bumaba si Mj dahil may sakit daw. Kaya hinayaan nalang namin, habang ako naman ay hindi ma enjoy ang view ng resort ngayon dahil sa kaba. Mas kinakabahan pa ako kaysa sa mag t-take ng exam. We already talk kanina before mag start and exam.

"Hindi naman ikaw ang nagte-test. Bakit mukha kang natatae dyan?" singhal sa akin ni Bree. Inirapan ko lang siya at nagdasal ng mataimtim.

Sana lang pakinggan ako ni Lord. Kampon pa naman ako ng kadiliman. Choz.

Pinilit kong kinalma ang sarili ko at inenjoy nalang ang bakasyon slash birthday celebration ni Thrios.

"Want to drink?" Bree softly ask. Umiling ako sakanya pero kinuha ko parin ang isang baso ng red wine. Pampakalma sa mga ugat ko.

"Hindi pa rin ba siya tumatawag? Or text?" As if on cue biglang nag popped ang name niya sa screen ng phone ko. I saw how Bree smirked at me. "Go, talk to him. I won't mind. Just pretend nalang na wala ako dito." she said and gracefully sipped her wine.

"How's the exam?!" salubong ko sakanya kaya natawa siya. He was unbuttoning his polo.

[Fine. Medyo mahirap pero inaral ko naman kaya sakto lang.] he answered like it was just nothing. Nakahinga ako ng malalim, tho may second day pa.

"Kumain ka na ba? Nakapag pahinga kana?" sunod sunod na tanong ko sakanya. He looked at me, amused.

[Tunog asawa, ayos.] he playfully clicked his tongue.

"Seryoso kasi."

[Kumain ako bago ako umuwi, kasama si mommy. Ikaw ba?] he ask and looked at me worriedly.

"Kakatapos lang. Nag chi-chill lang kami ni Bree, ngayon." I informed. Pinakita ko sakanya ang baso na hawak ko.

[Yung kaya mo lang ah? Wag papasobra.] paalala niya sa akin. I nodded my head like a good girl.

"Tunog tatay ka ah? Ayos." I mocked. Sinamaan niya ako ng tingin. Bree bit the inside of her cheeks, para hindi tumawa ng malakas.

[Tatay ng magiging anak mo.] he smoothly answered to me.

"Hakdog." pang-aasar ko sakanya.

[Tino mo talaga kausap, Pearl.] iritadong sagot niya sa akin na tinawanan ko lang. Masyadong pikon.

"Gusto mo naman akong kausap." sagot ko pabalik sakanya. He scoffed and pouted his lips again after. We just talked about random things, kinamusta niya din ang araw ko at ganon din ako sakanya. Nauna nang umakyat sa akin si Bree at naiwan ako dito sa may sala, kausap parin si Xyrus.

[Sleep now, My future Mrs.Perez.] malambing ang boses niya. Kita ko na din ang pagpikit ng mga mata niya. He's so handsome.

"Good night, Architect Perez." I teased and kissed the screen of my phone.

Kaluguran daka...

____________________________________________

trans: Mahal kita...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top