Chapter 20
[Chapter 20]
May 2003
Naalimpungatan ako nang tumigil ang bus. Nagsimulang tumayo ang mga kasama kong pasehero, maging ang mag-ina na katabi ko ay bumaba rin. Umakyat ang ilang tindero bitbit ang kanilang mga panindang buko pie, tarts, chicharon, espasol at kung anu-ano pang pampasalubong.
Tinanggal ko ang earphones na nakasalpak sa aking tenga at pinatay ang Walkman. Maraming nagtatanong kung bakit mas gusto ko pa rin gamitin ang Walkman at bumili ng mga cassette tapes kahit ang uso na ngayon ay CD Player. Maging ang mga song album na ni-rerelease ngayon ay CD na lahat.
Iniunat ko ang aking kamay at likod, dumungaw ako sa bintana. Hindi man air-conditioned ang bus na ito, malamig at sariwa pa rin ang hangin dito sa Laguna.
Nang makababa na ang ilang pasahero, kinuha ko na rin ang aking backpack at bumaba para kumain. Kasalukuyan kaming nasa isang terminal ng bus para sa stop over dahil oras na ng tanghalian. Sumunod ako sa agos ng maraming tao papunta sa magkakatabing carinderia at food stall.
Kaliwa't kanan din ang mga nagtitinda ng mga pasalubong. Ngumingiti lang ako at umiiling sa tuwing inaalok ako. Hindi naman ako magtatagal sa Atimonan, dalawang araw lang ako nakapag-leave sa trabaho.
Nagtungo muna ako sa C.R para itali ayusin ang buhok kong medyo nanigas na dahil sa lakas ng hangin habang nasa byahe. Sinuklay ko sandali ang aking buhok, itinali iyon nang maayos at hinawi ko rin ang aking bangs. Ayoko sana magpalagay ng bangs kaso masyado mapilit si mama. Ito rin ang uso ngayon. Buti na lang humaba na ito kaya ang magkabilang hibla na lang ang nakalitaw sa aking mukha.
Inayos ko rin ang suot kong white sando na pinatungan ng denim jacket at ripped jeans. Tinitigan ko sandali ang aking sarili sa salamin. Madalas akong tumigil sa stop over na ito tuwing bumabyahe ako pauwi sa Atimonan.
Napatitig ako sa mahabang itim na kuwintas na suot ko ngayon. Gitara ang disenyo nito na regalo sa'kin ni Leo noong nakaraang Pasko.
Lumabas na ako sa C.R at tumingin ng mga pagkain sa magkakatabing food stall at carinderia. Bumili ako ng tortang talong, ketsup, kanin at Pop Cola. Maraming mga mesa ang nasa isang area ng terminal. Dumiretso ako doon at nagsimulang kumain.
May mga bus na dumarating at may mga umaalis. Sa bawat pagdating at pag-alis ng mga ito ay may mga pasaherong masayang sinasalubong ng kanilang mga pamilya. Habang ang ilan naman ay lumuluha habang kumakaway sa mga kamag-anak na umaalis.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa mapatingin ako sa colored TV na nasa gitna ng kainan. Halos lahat ay nakatingin din doon, LOTTO draw kanina ang pinapalabas kaya hindi ko iyon pinapansin hanggang sa ilapit ng security guard ang channel sa noontime show.
Napangiti ako nang makita sa TV si Leo kasama ang banda nila na Rosero. Tumutugtog sila sa stage habang kinakanta nila ang latest single nila na 'Adik'. Kasama ni Leo sa banda ang kaniyang papa na si Tito Ric at ang kaniyang tito na si Sir Ched.
Five years ago, nahihirapan si Leo magdesisyon kung haharapin niya ba ang papa niya o hindi nang umuwi ito sa Pilipinas. Matagal na itong nakatira sa California kasama ang mga magulang nito. Mula nang ma-disband ang Galaxy Storm, ipinasok si Tito Ric sa rehab para maging mabuti ang kalagayan nito.
Naiwan naman si Sir Ched dito sa Pilipinas at siyang nag-asikaso ng mga negosyo ng pamilya nila. Si Sir Ched din ang nagpaaral kay Leo sa college at magkasama rin silang tumugtog palagi sa mga gig noong nag-aaral pa lang kami sa kolehiyo.
Napalingon ako sa mga babaeng kinikilig habang sinasabayan ang bagong kanta ng bandang Rosero. Hindi ko maitatanggi na sumisikat na ngayon ang banda nila, kaliwa't kanan na rin ang mga TV shows, radio guesting at newspaper interview nila. Madalas din sila ma-feature sa mga sikat na magazine at halos sila rin ang front cover ng mga song hits ngayon.
Ilang sandali pa, tumunog ang cellphone ko, Nokia 3210. Napangiti ako nang ma-receive ko ang isang text.
Aries, sbhn mo km3 if nand2 k na. Sunduin k nmin. XD
Simula 'nung nauso ang cellphone, hindi naging mahirap sa'min na magkita-kita sa mga gig. Madalas kaming sumama ni Gian kay Leo pero nahirapan kami sa mga subjects noong 4th year hanggang 5th year na kami sa college kaya nag-desisyon kami na tumigil muna sa pagtugtog.
Nagpatuloy lang si Leo kasama si Sir Ched hanggang sa makasama na rin niya ang papa niya. Sa Makati na rin nakatira si Lolo Gil kasama si tito Ric. Silang tatlo na ngayon ang magkakasama. Buong akala ng lahat ay hindi magkakasundo si Lolo Gil at tito Ric pero laking gulat namin dahil mas close pa si tito Ric kay lolo Gil na parang anak niya ito.
Tunay nga na hindi dapat tayo nagbabase sa kwento ng ibang tao. Ayon sa kwento-kwento, masama ang ugali ni tito Ric pero ang totoo, malambing naman pala ito. Kaya rin siguro nahulog talaga sa kaniya ang mama ni Leo.
Nireplayan ko na ang text ng Okay at ibinalik ko na iyon sa bag saka nagpatuloy sa pagkain. Napatingin muli ako sa TV. Kakatapos lang ng performance nila at kinakausap na sila ngayon ng host. Magkakamukha silang tatlo. Ang kambal na Rosero at si Leo.
Bumalik na ako sa bus, sa tabi ng bintana. Sandali kong pinagmasdan ang cassette tape na may nakasulat sa case na Aries madalas ko iyon pakinggan. Halos walang araw ata ang lumipas na hindi ko iyon napapakinggan.
Nasgimula nang umandar ang bus. Isinuot ko na muli ang earphones sa aking magkabilang tenga at pinakinggan ulit ang laman ng cassette tape.
Chemical Engineering ang kinuhang kurso ni Leo na natapos niya ng anim na taon dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtugtog sa banda. Civil Engineering naman ang natapos ni Gian at ngayon ay nagtatrabaho na siya sa gobyerno.
Industrial Engineering naman ang kinuha ko. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang kompanya sa Makati. Sa Mapua University Manila kami nag-aral. Samantala, wala kaming masyadong balita kay Adrian. Bihira lang siya tumawag dahil mahal ang Overseas call at bukod doon ay naging abala na rin siguro siya sa kolehiyo at trabaho.
Ang sabi ni Gian, Architecture daw ang natapos ni Adrian. Si Gian lang ang nagiging tulay para malaman namin kung anong balita sa kaniya. At bihira lang din iyon mangyari dahil hindi na sila nakakapag-usap. Siguro dahil mahirap din sabayan ang magkaibang oras ng Pilipinas at Canada.
Napahinga na lang ako nang malalim habang pinagmamasdan ang malalawak na palayan. Ilang oras na lang makikita ko na ulit ang Atimonan. Nang maka-graduate kami ng High School, sa Manila na kami tumira ni mama at Axel.
Second year high school na si Axel. Proud na proud si mama sa kaniya dahil bukod sa palagi siyang nasa Top ng klase, varsity din siya ng basketball sa school. Abala naman si mama sa pananahi ng mga gown. Mayroon na siyang tatlong branch ng tindahan sa Metro Manila.
Kasama na rin namin si Mayor Simon na tinatawag kong papa ngayon. Nasa Australia na si Chelsea kasama ang iba pa niyang anak kung kaya't nagsama na sila ni mama. Akala ko ay hindi rin kami magkakasundo noon ni Mayor Simon. Medyo nakakailang 'nung mga unang buwan dahil hindi ako sanay bigkasin ang ulit ang salitang papa.
Ngunit sa paglipas ng ilang taon, naging magaan na rin ang loob ko sa kaniya. Hindi siya masyado nagsasalita pero palagi niya kaming nilulutuan ng baon ni Axel. Siya rin ang nagturo ng basketball kay Axel. Tinutulungan niya rin ako noon sa mga exams at project ko lalo na noong malapit na ako grumaduate.
Retired na siya ngayon, tinutulungan na lang niya si mama sa negosyo nito. Parang nakikita ko sa kaniya si lolo Gil, mahinahon na taong-bahay. Naalala ko pa kung paano nagpaalam ng maayos sa'ki si Mayor Simon.
Second year college pa lang ako noon. Nakatira na kami sa Manila. Kasama pa ni Mayor Simon si Chelsea. Naglilinis kami ni mama ng bahay nang dumating sila.
Maliit lang ang apartment na tinitirhan namin. Nasa second floor kami dahil may sari-sari store sa baba ang may ari ng bahay. Agad kong bumili ng softdrinks at tinapay sa tindahan. Pagdating ko doon, nag-uusap silang tatlo.
Nagkatinginan kami ni Chelsea, nauna siyang ngumiti sa'kin saka tumayo at sumunod sa'kin sa kusina. Pinupunasan ko ngayon ang mga platong hinugusan ko kanina. "Aries" wika niya saka tumayo sa tabi ko.
"Napanood namin 'yung debate niyo last week. Ang galing mo 'don" ngiti ko, ngumiti rin siya. Political Science ang kurso niya sa UP. Nagkaroon ng event last week na kailangan naming puntahan dahil ni-require kami ng professor namin sa Constitution.
Nakita namin doon si Chelsea kasama ang mga kaklase niya. Lumaban sila sa debate tungkol sa Charter Change.
"Tumutugtog pa rin kayo?" tumango ako sa sinabi niya. Tinulungan niya rin ako sa pagpupunas ng mga plato. "Oo, punta ka rin minsan sa gimik bar" tumango siya saka ngumiti. "Of course. Malapit na rin matapos ang sem. I'll be there"
Sabay kaming napalingon kay mama at mayor Simon. Nag-uusap sila na parang mga dalaga at binata na nahihiya sa isa't isa. "Aries, can I ask a favor?"
Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa papa niya. "Can you take care of him? Baka sumunod na rin ako sa Australia after two years. He wants to stay here. I don't know why pero I think he really wants to be with your mom"
Ngumiti ako nang kaunti saka tumango sa kaniya at tiningnan ang mga magulang namin. "Ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti nang ganiyan si mama"
"Same with my dad" saad niya saka kami mabilis na tumalikod nang mapatingin sila sa'min. Hindi na tuloy namin mapigilan ni Chelsea matawa nang palihim.
Muling tumigil ang bus para magbaba ng mga pasahero sa isang bayan. Tumagal ng ilang minuto dahil maraming bagahe ang isang pamilya na kinuha pa ng konduktor sa gilid ng bus. Tumunog ulit ang phone ko, nag-text si Axel.
Ate, tinatanong ni mama kung saan tayo sa Saturday?
Napangiti ako. Nagbibinata na si Axel kaya hindi na siya malambing. Minsan lang din siya mag-text. Palagi namin siyang nilalambing ni mama pero wala naman siyang reaksyon. Inaasar din siya ni mama palagi dahil maraming nagkakagusto sa kaniya sa school.
Matangkad si Axel at masasabi kong may hitsura talaga siya. Madalas din siya makatanggap ng offer na maging model. Laman din siya ng mga school newspaper dahil sa galing niya maglaro ng basketball. Bago ako grumaduate, lumipat kami ng bahay dahil palaging may dumadating na mga estudyanteng babae sa labas bitbit ang kanilang mga love letters at regalo para kay Axel.
Syempre para sa baby boy namin. Saan mo gusto kumain?
Natatawa ako. Naiisip ko na agad ang mukha ni Axel. Ayaw na ayaw niya na bina-baby pa rin namin siya ni mama. Birthday na niya sa sabado.
Hindi na niya ako nireplayan. Siguradong nairita siya dahil tinawag ko siyang baby boy. Tinext ko na lang si mama na tanungin si Axel kung saang restaurant niya gusto kumain. Maraming alam na kainan din naman si papa Simon na siguradong magugustuhan ni Axel.
Makalipas ang isang oras. Narating ko na ang Atimonan. Ngumiti ako sa mag-ina na katabi ko. Makakatulog na ng maayos ang anak niya na agad umupo sa pwesto ko. Pagbaba ko ng bus, nilanghap ko ang pamilyar at sariwang hangin ng bayang kinalakihan ko.
Alas-dos na ng hapon pero marami pa ring tao sa bayan. Mas dumami ang mga tindahan at sasakyan. Buhay na buhay din ang palengke. May mga foreigners na bumibili ng mga sariwang seafoods.
Tiningnan ko ang cellphone kung may reply na. Tinext ko na siya kanina na nandito na ako sa bayan ng Atimonan. Tumigil ako sa isang bakery, ito ang dating tindahan ng halo-halo na paborito naming kainan noon. Lumaki na ang business nila at ginawa na rin nilang bakery ito.
Ilang sandali pa, biglang nag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot ang tawag niya.
"Saan ka, Aries?"
"Dito sa bakery. 'Yung dating halo-halo store"
"Sige. Sige. Hintayin mo kami diyan"
Umupo ako sandali sa bakanteng upuan sa gilid ng bakery. Narito pa rin ang mahabang mesa sa gilid at tatlont upuan na bakal na sobrang taas.
Hindi nagtagal, may tumigil na van sa tapat ng bakery. "Aries!" ngiti nilang dalawa sa'kin.
Agad bumaba si Joyce sa passenger seat at yumakap sa'kin. Gulat ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. "Joyce, buntis ka?"
Ngumiti si Joyce saka humawak sa kaniyang tiyan na medyo halata na ang umbok nito. "Three months" tugon niya habang magkahawak kamay kami. Hindi pa rin ako makapagsalita. Ipinarada na ni Gian ng maayos ang van sa tapat ng bakery saka mabilis na bumaba roon at yumakap sa'kin.
"Hoy, kamatis! Magkaka-baby na kayo?!" hindi pa rin ako makapaniwala. Kinasal pa lang sila 'nung January. "Honeymoon baby namin" ngisi ni Gian saka umakbay kay Joyce at hinawakan nito ang tiyan ng asawa.
Napahawak na lang ako sa aking noo, "Matinik ka talagang kamatis ka" saad ko, balak ko sana siyang kurutin sa tagiliran pero agad siyang nakaiwas at lumapit sa kabilang tabi ni Joyce. "Hindi kasi makatiis 'tong asawa ko sa kamandag ko e" hirit niya, binatukan naman siya ni Joyce.
"Yung laway mo" puna nito saka pinunasan ang gilid ng labi ni Gian. Napailing na lang ako habang nakangiti, hanggang ngayon hindi pa rin talaga namin akalain na magkakatuluyan ang dalawang ito.
December 1996. Nakataklob lang ako ng unan habang patuloy pa ring umiiyak. Hindi na kami nakapasok ni Gian sa paaralan nang malaman naming nakaalis na si Adrian papuntang Canada. Mag-isa lang ako sa bahay dahil binabantayan ni mama si lolo Gil habang nasa school pa si Axel. Nakasuot na ako ng uniform pero hindi ko kayang pumasok ngayon.
Napatigil ako sa pag-iyak nang bumukas ang pinto. "Ma..." hindi ko natuluyan ang sasabihin ko nang makita kong si Leo pala ang pumasok sa kwarto ko.
Hindi siya naka-school uniform. Alam naman namin na hindi siya papasok ngayon dahil nagising na si lolo Gil. Isinubsob ko na lang ulit ang mukha ko sa unan ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang aking paghikbi. Ang sikip ng dibdib ko at namamaga na rin ang mga mata ko.
"Aries... Ngayon ang project presentation niyo sa English" paalala niya. Hindi ako kumibo, mamayang ala-una pa naman ang English subject namin.
"A-alam mo na?" tanong ko habang nakasubsob pa rin ako sa unan. Ang sakit malaman na iniwan na kami ni Adrian. Hindi sumagot si Leo, narinig ko ang paghakbang niya papalapit.
"Kapag hindi ka pumasok ngayon, hindi kayo pagbibigyan ni Sir---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil lumingon ako sa kaniya. Napansin kong may sugat ang labi niya, parang nasuntok ito.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko, hinawakan niya ang sugat sa labi niya saka napatingin sa sahig. "Pumasok ka na muna---"
"A-alam mo na ba na umalis na si Adrian?" tanong ko. Tumango siya. Ngayon ko lang napansin na namamaga rin ang mga mata niya, senyales na umiyak din siya kanina. Pero kumpara sa'kin, mas magaling magtago si Leo kapag umiiyak siya.
Sandali kaming natahimik. Nakaupo lang ako sa kama habang nakatayo naman siya. Ni hindi niya rin magawang tumingin sa'kin. Nakatitig lang ako sa bag ko. Hindi ko talaga kayang pumasok ngayon, pero kailangan dahil zero ang makukuha ng grupo namin kapag hindi kami nakapag-present.
"B-bakit hindi man lang siya nagsabi? Hindi pa siya nagpaalam nang maayos. Kagabi... Kaya pala gano'n siya magsalita. 'Diba walang iwanan? Bakit siya nang-iwan?!" tuluyan nang bumagsak ulit ang mga luha ko. Isinubsob ko muli ang mukha ko sa unan na ngayon ang basang-basa na.
"Hindi ko man lang siya nakausap nang maayos. Hindi ko nasabi sa kaniya 'yung mga gusto kong sabihin. Hindi ko nasabi sa kaniya na okay lang kahit inaasar niya ako palagi. Hindi naman ako nagagalit talaga, kunwari lang akong naiinis kasi hindi ko masakyan minsan 'yung mga korni niyang jokes. Pero kahit korni at ang jologs ng mga s-sinasabi niya okay lang 'yon sa'kin"
"Okay lang din sa'kin kahit palagi niya akong ginugulo dito. K-kahit pakialaman niya ang mga gamit ko. Kahit pa kulitin niya ako na turuan siya gumawa ng kanta. Hindi pa ako natututo mag-roller skates, ang sabi niya tuturuan niya ako. Hindi rin ako galit kahit tinakbuhan niya ako dahil akala ko siya si falling star. Hindi naman talaga ako nagalit o nainis ng totoo sa kaniya kahit kailan"
"Ibibigay ko na sa kaniya 'yung huling piraso ng hotdog at itlog na luto ni lola Amor. Bakit kasi hindi niya kinakain? At kahit pa mas favorite siya ni Axel kaysa sa'kin. Okay lang, hindi naman ako nagseselos. Hindi rin ako nagagalit kahit hindi niya na-gegets agad 'yung assignment. Hindi naman talaga ako nagagalit kahit pa palagi siyang naghihiram ng reviewer at tumatabi sa'kin bago mag-exam"
"Akala niya siguro naiinis ako o naiirita sa kaniya pero hindi naman talaga. Palagi ko silang sinusuway ni Gian sa kakulitan nila pero hindi naman talaga ako galit" hindi na ako makahinga ng maayos. Hindi na rin maawat ang mga luha ko sa pagbagsak.
"Hindi ko rin nasabi sa kaniya na nakita ko na 'yung bituin na natatakpan ng ulap. At kahit pa maraming mga bituin na mas makinang, nakikita ko pa rin 'yon"
Hindi ko na napansin ang oras. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pagkatapos ko umiyak at maglabas ng sama ng loob. Napatingin ako sa wall clock, alas-dos na ng hapon. Tapos na ang English class namin.
Malabo ang aking paningin. Ang bigat at ang sakit din ng ulo ko. Napatingin ako sa electric fan na bukas ngayon at nakatutok sa'kin. May kumot ding nakapatong sa katawan ko. Nakalagay din sa study table ko ang isang plato na naglalaman ng pagkain at sa tabi nito ay isang basong tubig.
Nandito na ba si mama?
Narinig ko ang sunod-sunod na hakbang sa hagdan. Agad akong tumalikod paharap sa bintana. Ayoko munang harapin si mama. Baka hindi ko ulit mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Narinig ko ang pag-usog ng silya.
Ilang sandali pa, may tumugtog na gitara. Pinapatugtog niya ngayon ang Farewell Love. Sa tingin ko ay wala pa si mama. Hindi pa rin umaalis si Leo dito.
Nakatalikod ako sa kaniya. Nakatitig ako ngayon sa nakasarang bintana ng kwarto ko. Habang patuloy ang pagpatak ng luha ko kasabay ng musikang tinutugtog niya.
Nang matapos siya tumugtog. Muling naghari ang katahimikan bago siya nagsalita, "Aries... Gusto kita" hindi ako kumibo. Nanatili lang akong tulala sa bintana. Makulimlim ang langit ngayon kaya hindi masyadong tumatagos ang liwanag sa jalousie.
"Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman 'to. Gustuhin ko man pigilan, pero hindi ko na kaya" patuloy niya, hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman. Parang namanhid na ang buong katawan ko dahil sa pag-iyak kanina. Siguro ay naubos na ang lahat ng lakas ko.
"I-inaamin ko na kapatid talaga ang turing ko sayo simula nang maging magkaibigan tayo. Kayong tatlo, kapatid talaga ang turing ko sa inyo. Pero hindi ko talaga alam kung bakit biglang nagbago lahat. 'Nung una akala ko ay dahil hindi lang ako sanay na iniiwasan mo ako sa 'di ko malamang dahilan"
"Hanggang sa nalaman ko na may gusto sayo si Adrian. Nabasa ko ang mga love letter ni Falling Star. Nakaipit 'yon sa libro niya. Pero nalaman natin na si Ben pala. Ang totoo niyan, hindi ko rin siya magawang tanungin ng diretso tungkol doon. Naniwala na lang din ako na si Ben nga si Falling Star"
Narinig kong ibinalik niya ang gitara sa gilid. "Doon ko naramdaman na may gusto na ako sayo kasi masaya ako na hindi naman pala si Adrian si Falling Star. Wala naman pala siyang gusto sayo. Pero bakit gano'n? Bakit parang nakita ko sa mga mata mo na dismayado ka dahil hindi naman pala siya ang inaasahan mong Falling Star"
"Aries... Matagal na kitang kilala. Hindi ka madaling umiyak. 'Nung mga bata pa tayo, umiyak na kaming tatlo sa takot pero ikaw hindi. Alam kong sa oras na bumagsak ang mga luha mo, totoo talagang mahalaga sayo ang bagay na iniiyakan mo"
"Nakausap ko si Adrian kagabi. Tumakas daw siya kay lola Amor, gusto niyang makita si lolo. Sinabi din niya sa'kin na aalis na siya. 'Nung October pa pala niya nakuha ang visa niya. Matagal na siyang pine-petition ng mga magulang niya. Ang sabi niya sa'kin ayaw niya talaga umalis pero ayaw din naman niyang masayang ang pinaghirapan ng mga magulang niya makarating lang siya doon. Hindi niya rin magawang sabihin sa'tin dahil ayaw niyang malungkot tayo, lalo ka na"
"Aries, alam kong alam mo kung ano talaga ang tinitibok ng puso mo. Hindi lang siguro malinaw sayo pero alam mo sa sarili mo ang sagot"
"Hindi ko rin alam kung bakit ngayon ko sinasabi sayo 'to kahit alam kong tulog ka. Natutulog ka man o hindi, pipiliin ko pa ring sabihin sayo 'to nang hindi ko nakikita ang reaksyon mo"
Nanatili pa rin akong tulala habang patuloy ang pagbagsak ng luha ko. Bakit ba nagsabay-sabay ang mga pangyayaring ito na para bang binagsakan ako ngayon ng malaking asteroids mula sa kalawakan.
"Hindi dapat kita pigilan sa taong gugustuhin mo. Wala akong karapatan na guluhin ang nararamdaman mo. At ngayon, kung sasaluhin mo si Falling Star, 'wag ka mag-alala. Okay lang ako. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko rin ikaw nagawang saluhin noon"
Ipinikit ko na lang nang dahan-dahan ang aking mga mata. Matagal ko nang gusto marinig sa kaniya ang mga salitang gusto niya rin ako. Pero bakit ngayon hindi ko alam kung bakit wala na akong nararamdaman para sa bituin na matagal ko nang pinapangarap at tinatanaw noon sa langit.
Lumipas ang Pasko at Bagong Taon. Nag-perform kami 'nung Christmas party pero malaki talaga ang kulang dahil wala na si Adrian. Si Joyce pansamantala ang pumalit kay Adrian bilang drummer. Ngunit umalis na rin siya bago mag-pasko dahil binalik na siya ng papa niyang congressman sa Manila.
Nakasama ulit namin siya nang minsan namin siyang makita sa isang gig. Criminology ang kursong kinuha niya. Para pa rin silang aso't pusa ni Gian, pero kahit gano'n ramdam namin ang pag-aalala ni Gian sa kaniya lalo nan ang maging aktibista siya.
Wala siyang narinig na anumang masasakit na salita kay Gian. Kapag wala itong matuluyan, pinapatuloy siya ni Gian sa apartment na pag-aari nila sa Manila. Walang kamalay-malay si tita Gina na hindi pala pinapaupahan ni Gian ang apartment nila.
Hanggang sa nagkamabutihan sila bago kami grumaduate. Dadalhin dapat si Joyce ng papa niya sa New York para ilayo sa pagiging aktibo nito sa mga rally. Pero hindi sumama si Joyce, hindi dahil sa ayaw niya sa Amerika, kundi dahil kailangan siya ni Gian.
Hindi na kami nakakasama sa mga gig noong taong iyon dahil kailangan naming mag-aral, thesis at mag-OJT. Labis na ikinalungkot ni Gian ang pag-alis sa banda kaya ilang linggo siyang tinamid pumasok. Pinapili kasi siya ni tita Gina kung pagbabanda ba o pag-aaral. Hindi rin niya kayang iwan ang pag-aaral dahil malapit na rin kami makatapos.
Sinamahan siya ni Joyce at doon nagsimula na mapagtanto nila na pwede pala magkabalikan ang magka-M.U lang noon 'nung elementary palang kami.
"Nag-reply si Chelsea sa e-mail ko last month. Hindi siya makakapunta ngayon. May pamasahe naman 'yon, wala lang sigurong time. Tinuloy niya pala mag-law sa Australia" saad ni Gian habang nagmamaneho. Van ang dala nila na pag-aari pa ng construction company ng kakilala niya.
"Bakit kayo magkausap sa email?" sit ani Joyce dahilan para gulat na mapatingin sa kaniya si Gian. Natawa na lang ako dahil nakataas ang kilay ngayon ni Joyce, maikli pa rin ang buhok niya. Isa na siyang ganap na pulis.
"T-tinanong ko lang naman. Syempre gusto ko kompleto tayong lahat" paliwanag ni Gian, napalunok pa siya sa kaba. Napailing na lang ako habang natatawa sa kanilang dalawa. Hindi ko akalaing may magpapatiklop pala sa pagiging bungangero at walang hiya ni Gian.
Napatingin ako sa bintana ng van, nadaanan namin ngayon ang bahay nila Gwen. Excited na akong makita sila ni Jessica. Nagkita pa lang kami 'nung Marso pero na-miss ko na rin agad sila.
Kakabalik lang ng klase matapos ang mahabang Christmas at New Year vacation. January 1997, year of the ox. Ang sabi nila, magiging maganda raw ang taon na 'to para sa mga Aries dahil parehong malakas ang energy ng ox at ram.
"Aries, totoo bang nag-migrate na si Adrian?" tanong ni Gwen, kumakain kami ngayon sa canteen. Katabi ko si Jessica at kasama rin namin si MJ na boyfriend niya.
Tumango lang ako. Sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Adrian hindi ko mapigilang matahimik. Kapag hinahanap din siya ng mga taong kakilala namin, hindi ko rin alam ang aking isasagot. Mula nang umalis siya hindi na kami tulad ng dati.
Naging malungkot din si Gian dahil hindi naman nakakasabay talaga si Leo sa mga jokes at hirit niya. Si Leo ang pinakatahimik sa'ming apat, medyo magkalapit ang ugali namin ni Leo kaya sina Gian at Adrian talaga ang magkasundo sa lahat ng kalokohan at ingay.
Palagi kong hinihintay na mag-ring ang telepono at sa tuwing tumutunog ito, ako ang unang sumasagot niyon. Pero lumipas ang ilang linggo, hindi pa rin tumatawag si Adrian. Nabalitaan ko kay Gian na tumawag si Adrian sa kaniya noong isang gabi para mangamusta at magtanong kung ano ang aaralin niya dahil kailangan niyang kompletuhin ang mga ipapasang project at assignment para sa third quarter.
Hindi ba dapat ako ang tinatanong niya sa bagay na 'yon? Bakit kay Gian siya tumawag? Iyon ang laging gumugulo sa isipan ko kaya mas lalo akong naiinis sa ginagawa niya.
Hindi ko siya matawagan dahil hindi ko naman alam ang number niya. Sinubukan kong itanong kay lola Amor pero naghihintay lang din sila ng tawag mula kay Adrian at sa mga magulang nito. Mas lalo akong nainis 'nung nakausap ni Axel si Adrian sa telepono.
Ayon kay Axel, nilulutuan siya ni lola Amor ng merienda nang mag-ring ang telepono. Pag-uwi ko ng bahay, nakita ko sa kwarto nila mama at Axel ang tatlong kahon na naglalaman ng laruan. Nakilala ko ang mga iyon, mahilig mangolekta si Adrian ng mga laruan ng power rangers lalo na 'nung mga bata pa kami.
Christmas eve, sinadya kong pumunta sa bahay nila lola Amor at tumambay doon hanggang tumawag si Adrian. Alam kong tatawag siya sa lolo't lola niya dahil Pasko ngayon. Nakumbinse ko si mama na sa bahay na lang nila lola Amor kami mag-Noche Buena.
Tinutulungan namin ngayon si lola Amor sa paggawa ng macaroni salad. Masayang nagkwekwentuhan sina mama at lola Amor. Habang nanonood naman ng TV sina lolo Ruben at Axel. Ilang sandali pa, biglang nag-ring ang telepono.
Agad akong tumayo at balak ko sanang sagutin iyon ngunit naunahan ako ni lolo Ruben dahil nasa tabi niya lang ito. "Oh, Adrian! Merry Christmas din apo!" ngiti ni lolo Ruben. Pa-simple akong umupo sa sofa sa tabi niya.
Nakatingin ako sa kaniya habang hawak ko pa ang isang sachet ng mayonnaise. "Ayos lang kami dito apo. Heto, naghanda ng macaroni salad ang lola mo. Nandito rin pala sila Aries" saad ni lolo Ruben pero hindi niya pa napapansin na nasa tabi na niya ako.
Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap, tawa ng tawa si lolo Ruben. Nakausap din nito ang anak niya na mama ni Adrian. Lumapit din si lola Amor sa telepono. "Pakausap nga ako sa apo ko" saad ni lola Amor, ibinigay ni lolo Ruben ang telepono sa kaniya.
"Malamig ba diyan apo? Magsuot ka ng jacket. Masarap ba magluto ang mama mo? Sinong mas magaling sa'ming dalawa" tawa rin ng tawa si lola Amor. Lumipas na ang halos kalahating oras, kausap niya pa rin ito hanggang sa biglang naputol ang linya.
"Hello? Adrian, apo" paulit-ulit na saad ni lola Amor. Kinuha na ni lolo Ruben ang telepono. "Wala na siguro silang pantawag. 'Diba nabanggit ni Adrian na 30 mins overseas call lang ang binibiling card ng mama niya. May pagka-kuripot talaga 'yang anak mo" wika ni lolo Ruben, hinawakan naman ni lola Amor ang balikat ng asawa.
"Intindihin na lang natin, dumagdag na si Adrian sa gastos nila doon. Buti nga nag-iipon 'yung apo natin para makatawag sa'tin" saad ni lola Amor, napahinga na lang din ako ng malalim saka bumalik sa kusina kasunod ni lola Amor.
Buong gabi ko inisip 'yon hanggang sa matapos ang Noche Buena at bumalik na kami nila mama at Axel sa bahay. Hindi ako makatulog. Ang bigat ng dibdib ko. Ginawa ko ang lahat para mapapayag si mama na mag-pasko kami sa bahay nila lola Amor pero hindi ko pa rin nakausap sa telepono si Adrian.
Kinabukasan, tanghali na nang magising ako. Tulog pa sina mama at Axel. Mukhang napuyat din sila kagabi. Bumaba ako sa kusina at ininit ko ang tiring spaghetti kagabi.
Kinain ko iyon at binuksan ang TV. Nilipat ko ang channel sa MTV. Ilang sandali pa, nag-ring ang telepono. Tumayo ako at sinagot iyon.
"Hello?" panimula ko pero walang sumagot mula sa kabilang linya. "Hello?" ulit ko pero wala pa rin.
"Baka wrong number po kayo" ibababa ko na sana ang telepono pero napatigil ako nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.
"Aries..." naistatwa ako sa gulat. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong plato na puno ng spaghetti.
"Merry Christmas"
"Merry Christmas din"
"Kamusta?" patuloy niya, napapikit ako sandali at agad kong nilapag ang plato sa ibabaw ng TV. Naalala ko na 30 minutes lang pala ang nabibiling overseas call card ni Adrian.
"O-okay naman... Ikaw?" matagal ko nang pinaghandaang ang araw na 'to kung saan makakausap ko siya ulit. Hinanda ko na ang mga sasabihin ko. Gusto ko siyang awayin kung bakit ngayon lang siya tumawag pero sa mga oras na ito, hindi ko alam kung bakit biglang umurong ang dila ko.
"Okay lang din. Noche Buena din namin ngayon"
Napakagat ako sa aking ibabang labi, parang kailan lang. Madalas din kami mag-usap sa telepono pero palagi niya akong kinukulit sa reviewer ko.
"A-anong oras na diyan?" napahawak ako sa aking lalamunan. Hindi ito ang oras para mautal at kabahan ako ng ganito.
"Hatinggabi na" sagot niya, naririnig ko ang kantahan at tawanan mula sa kabilang linya. Ngayon ang Christmas eve sa kanila.
Hindi ako sanay na ganito, 'yung wala kaming mapag-usapang dalawa. Parang may makapal na ulap na bumabalot at pilit na humaharang sa mga tanong na gusto kong itanong sa kaniya.
"Nandito 'yung ibang katrabaho nila mama, nag-iinuman sila. Wine daw para sosyal tapos pinapaakyat na nila ako sa kwarto kasi bawal pa raw ako uminom" saad niya saka siya tumawa sandali. Tila gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang tawa niya. Na-mimiss ko na siya.
"Huhulaan ko, may videoke diyan 'no?" tanong ko, tumawa siya.
"Paano mo nalaman?" hindi ko man siya nakikita ngayon pero na-iimagine ko ang gulat niyang mukha na sinabayan ng tawa.
"Ganiyan din naman tayo dito, nag-aagawan pa nga kayo ni Gian sa mic" ngiti ko, tumawa ulit siya sandali.
"Namimiss ko na kayo" tumango ako sa sinabi niya kahit hindi naman niya ako nakikita. "Namimiss na rin kita" patuloy niya dahilan para mapatigil ako. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko.
"Aries... Sorry kung hindi ako nagpaalam. Hindi ko talaga kayang sabihin sa inyo na aalis na ako. Ayokong malungkot kayo---"
"Pero mas nalungkot kami kasi bigla ka na lang nawala" maging ako ay nabigla sa sinabi ko. Parang tinutusok ngayon ang puso ko.
Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo. "Ayoko makitang umiiyak kayo. Hindi naman na tayo iyakin 'diba" sinubukan niyang tumawa pero bakas sa boses niya na naluluha na siya.
Alam ko naman na wala siyang magagawa. Hindi niya pwedeng sayangin ang pagkakataon na ma-petition sa Canada. Matagal nang hindi nakakauwi ang mga magulang niya para makakuha ng citizenship. At ngayon, matagumpay na nilang nakuha si Adrian.
"Aries... Sorry din kung hindi na ako makakatawag" parang tumigil ang pintig ng puso ko nang sabihin niya iyon. Kung anu-anong bagay ang tumakbo sa isip ko.
"Alam mo na siguro kung bakit... Kapag naririnig ko ang boses mo, handa na akong umalis dito at bumalik diyan. Pero..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil napatigil siya, alam kong pinipigilan niya lang din ang sarili niya na 'wag umiyak tulad 'nung niyakap niya ako.
Hindi na rin maawat ang mga luha ko sa pagbasak. "O-okay lang... hindi naman talaga ako nagagalit sayo. Naiinis siguro Oo pero hindi ko kayang magalit sayo. K-kung ganito talaga, kung anong mas makakabuti. Okay lang sa'kin" tinakpan ko ang bibig ko upag hindi niya marinig ang aking paghikbi.
Narinig kong tinawag siya ng mama niya, sinagot niya iyon ng 'Sandali lang'
Alam ko rin na malabong makauwi siya agad ng Pilipinas. Kailangan niya mag-stay sa Canada ng ilang taon bago siya maging citizen doon. Alam kong malabong makausap ko siya nang madalas dahil magiging abala na rin kami sa college. Alam kong mahirap umasa gabi-gabi at araw-araw sa mga tawag niya. Hindi ko rin kayang tumawag sa kaniya dahil wala pa akong pera.
"P-palagi kang mag-iingat ha"
"I-ikaw din..."
Tinawag ulit siya ng mama niya. Parang hinahabol namin ang oras. Ang natitirang segudo na kapag natapos na ay hindi na maibabalik pa.
"Good night, Aries"
"Good night, Adrian"
Napatulala ako sa bahay nina Gian at Joyce. Dito na sila nakatira ngayon sa Atimonan pero hindi sa barrio kung saan kami lumaki noon. Nakatira kasi doon ang mama niya. Nakakuha sila ng lupa sa kabilang barrio at doon sila nagpagawa ng bahay. Si Adrian daw ang gumuhit ng bahay nila. Bagay na laging pinagmamalaki ni Gian dahil nakatipid siya.
"Anong gusto mong kainin? Aries" tanong ni Joyce, tinulungan ako ni Gian sad ala kong bag. "Busog pa ko. Kumain ako kanina sa stop over"
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Modern at malaki ang bahay na may limang kwarto. Ma garden din sa likod kung saan nalaman ko na mahilig pala magtanim ng bulaklak si Joyce na sobrang layo sa personality niya.
"Sayang, bakit niyo kasi binenta 'yung bahay niyo dito?" tanong sa'kin ni Gian. Alam ko napaliwanag ko na 'yon sa kaniya dati, hindi siguro siya nakikinig.
"Wala na kasi kami pambayad sa tuition. Mag-hihighschool na rin noon si Axel. Ayaw naman ni mama umutang kay papa" sagot ko, napangiti si Gian nang tawagin kong papa si mayor Simon. Hindi na rin ako sanay na tawaging mayor Simon ang step father ko na dati ay kabaliktaran. Hindi ko kasi siya kayang tawaging papa naman noon. Sadyang ang bilis talaga magbagi ng mundo.
Binuksan ni Joyce ang TV nila. Saktong pinapalabas ngayon sa MTV ang music video ng Rosero. "Aries, nakita mo na 'to?" hinagis sa'kin ni Gian ang isang magazine. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na sina Leo, tito Ric at Sir Ched ang front cover ng latest issue.
Alam kong dapat sanay na ako na makita sila sa mga magazine at newspaper pero nagugulat pa rin ako kapag napapasakamay ko na mismo ang mga iyon. "Iba talaga ang lolo Leo natin" tawa ni Gian saka binuksan ang ref nila.
Sinagot naman ni Joyce ang telepono nila nang mag-ring ito. Naupo ako sa malambot nilang gray sofa habang binabasa ang nakasulat sa magazine. Nagbunga na ngayon lahat ng paghihirap ni Leo sa larangan ng musika.
Febaruay 1997, araw ng JS Prom. Wala dapat kaming ganito pero gustong makiuso ng batch namin sa ibang school. Si Chelsea ang naglakad ng proposal para matuloy ito.
Si mama ang gumawa ng gown na susuotin ko. Siya rin ang nag-make up at nag-ayos sa'kin. Nag-tricycle lang kami papunta sa school. Nakipagtawaran pa si mama sa driver dahil sinisingil kami nito ng mahal. Sa huli, wala ring nagawa si mama kundi ang magbayad ng fifty pesos.
Pastel pink dress ang suot ko ngayon na may burdang roses na tinahi ni mama. May suot din akong silver crown. Hindi ako masyado makalakad dahil sa laki at haba ng suot ng palda. Bukod doon ay hindi rin ako sanay magsuot ng heels. Karamihan sa'min ay mga dress lang din ang suot dahil hndi namin kayang bumili ng gown.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsayaw sa gitna ng 'Macarena by Los Del Rio' nang biglang nagbago ang kanta. Napalitan ito ng mabagal at kanta. Napatigil kami nina Gwen at Jessica, wala naman kaming JS Prom last year kaya wala kaming ideya kung anong dapat gawin sa mga oras na ito.
Inaya ni MJ si Jessica sumayaw. Inaya rin si Gwen ng isa pang kaklase namin. Nagulat ako nang makita ko si Leo, hindi na kami masyado nag-uusap mula nang umamin siya sa'kin. Hindi ko rin siyang kayang harapin. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na hindi ko siya kayang saluhin.
Inilahad niya ang kaniyang palad sa tapat ko. Ang totoo, 'nung nalaman ko na magkakaroon kami ng JS Prom. Nanghinayang ako dahil wala na dito si Adrian.
Tumango ako kay Leo at humawak sa kamay niya. Sumayaw kami ng dahan-dahan kasabay ng kantang 'Because You Loved Me by Celine Dion'
"Salamat" iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Akala ko hindi na niya ako papansinin. Alam kong alam niya na gising ako 'nung nagtapat siya sa'kin.
"Sandali lang 'to. Alam niyo namang hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay" saad niya, napangiti na lang ako at tumango. Kung minsan, natutuwa rin ako dahil natututo na siyang magbiro. Napatingin kami kay Gian, malungkot siya ngayon habang kasayaw ang isa naming kaklaseng babae. Mula 'nung bumalik na sa Manila si Joyce mas lalong nadagdagan ang lungkot niya.
Tinitigan ko ulit si Leo, katulad ng kantang sinasayaw namin ngayon. Nagpapasalamat ako dahil naging sandalan ko rin siya. Marami akong natutunang bagay mula sa kaniya. Na tulad ng hindi ko dapat sayangin ang nararamdaman ng isang taong gusto ko rin dahil baka dumating ang araw na mawala na ang nararamdaman ng taong 'yon para sa'kin.
Tumingin siya sa'kin at ngumiti, "Mas okay nga na ganito tayo. Mas masaya ako na magkaibigan pa rin tayo" ngumiti ako sa sinabi niya. Kung marunong makontento ang isang taong tulad ko, hindi ko na sana hinangad na maging higit pa sa kaibigan ang relasyon naming dalawa.
Pero kahit papaano, masaya pa rin ako dahil pareho na naming alam kung hanggang saan lang talaga ang kaya naming ibigay para sa isa't isa.
Naging mabilis ang pag-usad ng mga araw. Halos masira ang mga make up at suot naming graduation toga habang kinakanta namin ang graduation song. Kinunan kami ng picture ni tita Gina, pina-develop iyon ni Gian at pinadala kay Adrian.
Natanggap din namin ang graduation picture niya. "Iuwi mo na 'yan, Aries" saad ni Gian, hindi ko namalayan na halos hindi ko pala mabitawan ang litrato ni Adrian na kakakuha lang namin sa Post office.
Kaming dalawa lang ang pumunta sa bayan habang gumagawa ng kanta sina Leo at Sir Ched sa gimik bar. Wala na kaming pasok ngayon kaya naiinip na rin kami sa bahay.
Napangiti ako sa aking sarili dahil matatago ko ang picture ni Adrian. Tinanggap siya sa International School na pinasukan niya sa Canada pero kailangan nga lang niya humabol sa klase. Ibinulsa ko na iyon at binalik kay Gian ang sobre.
"Tingnan mo 'yang ngiting 'yan. Kinikilabutan ako sa inyo" puna ni Gian dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya. Naglalakad kami ngayon pabalik sa gimik bar dahil sabay-sabay kaming tatlo uuwi mamaya.
"A-anong pinagsasabi mo diyan" bigla akong kinabahan. May ideya ba si Gian sa nangyari sa'ming tatlo?
Huminga siya ng malalim, nadaanan namin ngayon ang sinehan. "Kayong tatlo, kahit ano pang tago niyo sa'kin. Naaamoy ko pa rin. Malakas pang-amoy ko 'no" saad niya, hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya.
"Matagal ko nang napapansin si Adrian, palagi siyang nakatingin sayo. Lagi ka rin niya dinadalhan ng gatas sa tapat ng bahay niyo" patuloy niya, nagtataka akong napatingin sa kaniya. Umasim naman ang mukha ni Gian. "Hindi mo alam 'no? 'Yung mama mo palagi ang nakakakuha 'non sa gate niyo. Minsan si Axel. Palibhasa, hindi ka kasi nagigising ng maaga. Mapapanis na lang 'yung mga bote ng gatas sa labas ng bahay niyo dahil masyado kang manhid" napatulala ako sa sinabi niya, para akong biglang tinamaa ng libo-libong bala.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ngunit sinabayan na niya ang mabagal kong lakad. Hindi ko akalain na dinadalhan pala ako ni Adrian ng gatas araw-araw. "Naaawa tuloy ako sa kidlat na 'yon. Hindi mo nga talaga siya napapansin"
Hindi ako nakapagsalita. Parang bigla akong nabalot ng lungkot at panghihinayang dahil sa kinuwento ni Gian. "Palaging nakatingin sayo si Adrian kahit pa palagi kang nakatingin kay Leo. Buti na lang hindi kita type. Ayoko na makigulo sa inyong tatlo 'no" napatulala na lang ako habang naglalakad kami. Nahalata rin pala ni Gian na may gusto ako noon kay Leo.
"Kaya nga may bro code kami para maiwasan sana 'yung ganito. Sana lang maging okay na rin ang lahat balang araw" dagdag niya. Napahinga na lang ako ng malalaim. Natatanaw na namin ngayon sa malayo ang Gimik bar.
"Sorry. Nasira ko ang pagkakaibigan natin" saad ko, tumingin sa'kin si Gian. Nagulat ako nang bigla niya akong sinagi. "Hindi naman kita sinisisi e. Hindi naman natin makokontrol ang damdamin natin. Sa katunayan nga, mas okay sa'kin na ang babaeng nagustuhan nilang dalawa ay tulad mo. Paano na lang kung katulad 'yon ni Beatrice na iba-iba ng syota" natawa ako sa sinabi niya.
"Hindi ko sinasabing maganda ka. Baka lumaki ang ulo mo. Ang akin lang, mas okay na magtiyaga na lang sila sa tulad mo kaysa sa ibang hindi ko kilala" banat ni Gian dahilan para mapakunot ang noo ko. Kukurutin ko sana siya sa tagiliran pero agad siyang tumakbo papalayo habang inaasar ako.
6 pm na nang makarating kami sa school. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko ang banner na nakasulat sa gate. High School Reunion Batch '97
Pagbaba namin ng van, rinig na rinig na agad namin ang malakas na tugtugan sa field. May set up silang mini stage at naroon din ang malaking tarpaulin na nagsasabing Welcome Class '97
"7 years ago pa lang naman ah, kung anu-ano talagang pakulo nito ni MJ" reklamo ni Gian, humawak si Joyce sa braso niya at sabay-sabay kaming pumasok sa gate. Kumaway kami kay manong guard na hanggang ngayon ay narito pa rin.
Bohemian ang theme ng Reunion party. Suot ko ang yellow orange na floral dress at nakalugay lang ang buhok ko. Nagkasundo naman kami ni Joyce na 'wag nang maglagay ng mga alahas at bulaklak sa tenga dahil masyadong korni iyon para sa'ming dalawa.
Blue floral dress naman ang suot niya, halata na rin ang umbok sa kaniyang tiyan. Blue floral polo na terno sa asawa niya. Napansin ni Joyce ang keychain sa suot kong small sling bag. "Mahilig ka talaga sa cassette tape" saad niya saka tiningnan iyon ng mabuti, naalala ko pa na halos pitong taon na rin ang tanda ng keychain na iyon.
"ALV?" tanong ni Joyce nang mabasa niya ang initials na naka-engrave sa keychain. "Alavyu ba 'yan?" patuloy niya dahilan para matawa ako sa sinabi niya. "Ang korni ha" dagdag pa niya. Napukaw ang atensyon namin nang makita namin ang design ng party.
Maraming ilaw sa paligid na iba't iba ang kulay. May disco ball din sa gitna, napangiti kami ni Gian nang makita namin si Leo na ngayon ay kumakanta sa stage kasama sina tito Ric at Sir Ched.
Nakahabol sila ngayon sa Reunion party. Kasalukuyan nilang kinakanta ang 'Adik' na kanina lang ay napanood ko sa noontime show.
Sandali ko siyang tinitigan. Naalala ko pa kung paano niya kami pilitin noon ni Gian na magpatuloy Sa banda. Pero hindi talaga namin kaya, ako lang ang inaasahan ni mama. Nabenta na rin namin ang bahay namin dito sa Atimonan para lang mabayaran ang tuition fee ko. Ayoko namang masayang lahat iyon. Samantala, malaki na rin ang naisakrispisyo ni tita Gina mapag-aral lang si Gian sa Manila.
Sumasali rin si Adrian sa mga indie bands sa Canada pero hindi na rin niya natutukan iyon nang mabuti nang mag-kolehiyo na siya. Sa aming apat, si Leo ang hindi bumitaw sa pangarap niyang makagawa ng kanta at maiparinig iyon sa buong mundo. Nang dahil sa kaniyang pagtitiyaga, kahit pa nadagdagan pa siya ng isang taon sa college nang maging irregular siya. Matagumpay na rin naman ang banda nila ngayon.
Napangiti sa'kin si tito Ric at Sir Ched. Kumaway pa sila habang tumugtog. Magkakasama lang kami noong December. Nag-rent ng swimming pool si Sir Ric at doon kami lahat nag-celebrate ng Pasko.
"Aries!" nagulat ako nang biglang may yumakap sa'kin mula sa likuran. Napasigaw din ako nagtatatalon kaming tatlo sa tuwa. Narito na rin sina Gwen at Jessica.
"Kanina pa ako nag-tetext sayo!" saad ni Jessica. Isa na siyang nurse ngayon.
"Namiss ka namin, Aries!" wika ni Gwen sabay yakap ulit sa'kin. Teacher na siya.
"Kakakita lang natin e" saad ko pero halos daganan nila ako sa higpit ng yakap nila sa'kin.
Pareho na rin silang successful ngayon. Si Jessica ikakasal na sila ni MJ next year.
Narito na rin ang iba naming mga kaklase dahilan para mas lalong umingay. Nakisabay din ang lahat sa mga kanta nila Leo.
Kaliwa't kanan ang kamustahan. Nagsigawan din ang lahat nang dumating si Ben, sundalo na ito ngayon at desente tingnan. Kasama niya rin ang asawa niya at ang tatlo nilang anak.
Ang ilan sa'min ay may mga asawa na habang karamihan naman ay may kani-kaniyang trabaho. Halos limampu sa buong batch namin mula section 1 hanggang section 10 ay nasa ibang bansa ngayon kung kaya't hindi sila nakarating dito.
Dumating din si Mr. Conrado dahilan para mas lalong maging maingay ang lahat. Matanda na siya pero siya pa rin ang Principal. Lumapit sa'min si Leo nang matapos silang kumanta, halos hindi namin siya makausap ni Gian nang maayos dahil nagpapapicture sa kaniya ang mga kaklase namin.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin ang pag-papapicture sa kaniya. Inabutan siya ni Gian ng soda. "Congrats, lolo Leo. Number one ang kanta niyo ngayon!" bati ni Gian, ngumiti naman si Leo. Hindi pa rin siya sanay na pinapaulanan siya ng papuri ng mga tao lalo na ni Gian.
"Congrats!" bati ko sa kaniya, ngumiti siya. "Sabi ko sayo sabay ka na lang sa'min sa van. Makakaabot naman kami ngayong gabi"
Kinukulit kasi nila ako ni Gian noong nakaraang linggo na 'wag na akong bumyahe mag-isa. "Gusto kong ako ang unang makakatapak sa mansyon ni Kamatis. Doon ka rin ba matutulog mamaya?" tanong ko.
Tumingin siya ka Gian, "Pwede ba?" tanong niya. Ngumiti naman si Gian, "Oo naman! I-rereserve ko na 'yung isang kwarto namin doon na para sa magiging baby boy namin. Kailangan mabasbasan mo ang kwarto niya para maging magaling na musikero rin siya tulad mo" saad ni Gian dahilan para matawa kami. Hanggang ngayon parang wala pa rin siyang pinagbago.
"Dadating din pala si Adrian. Tumawag siya sa'kin kani---" napatigil si Gian nang kurutin siya ni Joyce. Halos walang kurap kaming nakatingin sa kanilang dalawa. "Bakit mo sinabi? Kamatis ka talaga! Surprise 'yon e sabi ni Adrian" bulong ni Joyce sa asawa niya.
Sa pagkakataong iyon ay bigla akong kinabahan. Ang buong akala ko ay hindi siya makakapunta ngayon dahil hindi rin naman gano'n kadali umuwi kahit pa nakuha na niya ang citizenship sa Canada.
Umakyat sa stage ang sikat na trio singers na alumni din ng paaralang ito. Hindi namin sila ka-batch pero kilala ko sila. Sina Zara, Mae at Shane na freshmen noong sumali rin sa Battle of the Band contest. Sila ang first runner up na siya ring nakapag-record noon sa Manila nang hindi matuloy ang banda namin.
Napasigaw ang lahat nang kantahin nila ang pinakasikat nilang kanta na 'Bayle'.
Naglakad ako papunta sa catering table para humingi ng tubig. "Aries, okay ka lang?" tanong ni Gwen, namamanhid ang mga kamay ko, pinagpapawisan sa kaba at nasasabik sa ideyang dadating ngayon si Adrian.
"Aries, okay ka lang?" tanong ni Gwen dahilan para matauhan ako. Tumango ako saka ininom ang tubig na inabot sa'kin ng waiter. Ilang sandali pa, narinig kong nagsigawan ang mga kaklase ko. Sumisigaw sila ng malakas kapag may dumadating na kaklase namin para salubungin ito.
"Adrian!" sigaw nila at agad na sinunggaban ang lalaking nakasuot ng mint green polo shirt at white short. Sinalubong din siya nina Leo at Gian para yakapin.
Sa pagkakataong iyon ay hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi na maawat sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Pitong taon. Halos pitong taon ang lumipas mula nang huli ko siyang makita.
Sa gitna ng maraming tao ay nagtama ang aming mga mata. Tila tumigil ang takbo ng paligid. Tanging siya at ang musikang tumutugtog ngayon ang aking naririnig. Dahan-dahan siyang binitawan ng mga kaklase namin.
Hanggang sa namalayan ko na lang na naglalakad na siya papalapit nang hindi man lang niya inaalis ang kaniyang paningin sa akin. Kasabay ng dahan-dahan niyang paglapit ay ang liriko ng kantang 'Bayle' na sa bawat paggalaw, pintig ng puso ay nangingibabaw.
Tumigil siya sa tapat ko saka kinuha ang baso ng tubig na hawak ko at inilapag iyon sa mesa. Nakangiti siya sa'kin ngayon. Mas tumangkad at pumuti siya. "Hindi pa naman siguro huli na ngayon ko lang din mararanasan ang JS prom" ngiti niya saka inilahad ang palad niya sa tapat ko.
Natawa ako sa sinabi niya, sa dami ng pwedeng sabihin iyon pa ang unang pumasok sa isip niya. Humawak ako sa kamay niya at sumayaw kami sa mabagal na indak ng musika.
"Umalis ka nang walang paaalam at ngayon naman dadating ka dito nang walang pasabi" saad ko, hinawakan niya nang mas mahigpit ang baywang ko at inilapit ako sa kaniya. "Yan ba natutunan mo sa abroad?" suway ko sa kaniya dahilan para matawa siya.
"Sorry. Namiss lang talaga kita" wika niya saka yumakap sa'kin. Hanggang ngayon wala pa rin siyang pinagbago. Palagi niya akong ginugulat sa mga kilos niya. "Ito pa rin ang paborito mong pabango?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa'kin at sumasayaw kami ng dahan-dahan.
Mabuti na lang dahil madilim ang paligid at mga makukulay na ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa amin. "Johnson's blue baby cologne" patuloy niya. Hindi ko alam kung natawa ako sa sinabi o dahil sa natawa ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ito pa rin ang paborito kong amoy.
"Alam mo rin pala..." niyakap ko na rin siya. Naalala ko 'yung cassette tape na may pangalang Aries na palagi kong pinapakinggan. Binigay iyon sa'kin ni Axel 'nung birthday ko bago kami bumyahe papuntang Manila dahil doon na ako mag-aaral ng kolehiyo.
Ang sabi niya, pinapabigay daw 'yon ni Adrian bago ito umalis pero kailangan daw sa birthday ko mismo matatanggap iyon. Bata pa noon si Axel kaya madali siyang napasunod ni Adrian. Ngayon alam ko na kung bakit sinunod iyon nang mabuti nang kapatid ko dahil binigay sa kaniya ni Adrian lahat ng laruan niya.
"Narinig mo 'yung laman ng cassette tape?" tanong niya habang hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa'kin. Tumango ako, hindi ko rin siya mapigilang amuyin. Kahit pa paborito ko rin ang amoy katinko niya noon dahil palagi siyang pinapahiran ni lola Amor.
"Akala ko hindi ikaw si Falling Star. Nakakainis ka talaga!" tumawa siya sa sinabi ko. "Ako talaga 'yon, inagaw lang sa'kin ni Ben 'yung pen name. 'Yung una mong natanggap na matinong pick up line, akin 'yon. 'Yung mga kasunod na kakornihan at kabaduyan, kay Ben na 'yon" tawa niya
"Salamat dahil bumalik ka, Falling Star" bulong ko sa kaniya, saka niyakap ako nang mas mahigpit.
Napatigil lang kami nang matapos ang kanta. Umakyat sa stage si MJ, "Bilang pagtatapos, muli nating balikan ang champion sa battle of the bands year 1996. Let's all give it up to Leo and Aries band!" magkahalong pagkagulat at tuwa ang naging reaksyon naming apat habang pinapalakpakan kami ng mga kaklase namin.
Hindi kami makapaniwala na naaalala pa nila ang banda namin noon. Umakyat na kami sa stage, mabuti na lang dahil kompleto ang band instruments doon. Pumwesto ako sa gitna, nasa magkabilang gilid ko naman sina Leo at Gian habang nasa likod, sa drumset naman si Adrian.
"Ang tagal na naming hindi nakakatugtog pero para sa inyo 'to" panimula ni Gian, isa-isa ko silang tiningnan.
Si Leo na successful na ngayon sa larangan ng musika.
Si Gian na may magandang trabaho at asawa na.
At si Adrian, hindi ko alam kung anong kakaharapin namin pero masaya ako na magsisimula na kami ngayon.
Tulad ng dating gawi, palagi kaming nag-uusap sa stage mismo kung ano ba ang kakantahin namin. Hindi kami makapag-desisyon kaya tumawa ang mga kaklase namin. Nagtalo pa silang tatlo kung ano ba sa mga kanta namin ang bagay sa Reunion party.
"Walang iwanan" saad ko, napatigil silang tatlo saka ngumiti. Alam kong alam nila ang kantang 'yon na matagal na rin namin binuo. Ang kantang sumisimbolo sa tatag naming magkakaibigan. Na lumipas man ang panahon, maglaho man ang isa sandali, hindi pa rin kami matitibag ng kahit anong pagsubok.
Sinimulan na naming patugtugin ang kanta. Sa huling pagkakataon, sabay-sabay naming binalikan ang pagmamahal namin sa musika. Mula pagkabata at hanggang ngayon, alam kong haharapin namin ang lahat ng pagsubok sa buhay nang magkakasama.
***********************
#LeoAndAries
Note: Pakinggan niyo ang original song na ito, "Bayle" by Ema and Monika at "Adik" by Josh. Please like, comment and subscribe to their youtube channel. Maraming salamat my sunshines!
Gusto niyo bang malaman ang laman ng cassette tape. Abangan sa Epilogue ng kwentong ito.
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
Bayle by Ema and Monika
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
Adik by Josh
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top