Chapter 6

Paano mo nga ba masasabi kung gaano mo kagusto ang isang tao? O paano mo malalaman kung mahal mo na nga ba siya.

Uso yung kasabihan na love at first sight. Tapos sabi rin naman nila kaya daw mainlove ng tao sa loob ng 4 seconds.

Pero mahirap malaman, paano nga ba malaman? Gusto ko siya oo. Nagugustuhan ko na siya. Hindi ko mapigilan e. Kahit na nakakainis siya minsan, kahit di naman siya gwapo. Bakit?

Nabasa ko nga sa isang libro, minsan hindi mo madefine kung bakit gusto mo nga ang isang tao. Basta magigising ka na lang at voila! Gusto mo na pala siya. That is much cliché, lagi ko na lang nababasa sa mga romance book ang mga ganoong mga scenario. Maybe that happens to me. Falling inlove is not my plan. Another unexpected thing from Allen. Yay!

Natauhan ako nang magring ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Nanay. For once nawala rin sa isip ko yung tao nay un.

"Kamusta ka na diyan?"

"Ayos lang po, medyo madami na rin napupuntahan." Natigilan ako. Gusto ko sana sasabihin ko ang tungkol kay Allen. He bring me along to those places na ikukwento ko kay Nanay. I want to give credit. Pero huwag na lang, hindi ako sanay na magkwento masyado sa kanila, lalo na sa lalaki. Baka mapagkamalan pang jowa ko.

"Masaya Nanay, masayang gumala sobra."

"Ikaw gala ka ng gala mamaya mapaano ka diyan. Malapit lapit ka pa namang umalis." Inilayo ko saglit ang phone ko sa tainga ko at natulili sa bibig ng nanay ko. Hay, bakit ba masyado silang nakakarindi. I have nothing against it. Alam ko na ang sasabihin nila, na mag-ingat ako, baka mapaano ako or what. Hay. Alam ko naman kasi na napilitan lang sila na payagan ako.

"Lagi naman akong mag-iingat e. Saka saglit lang naman ako miss mo na ako kaagad."

"Ikaw talagang bata ka." Napangiti ako. Alam kong miss na miss din ako ng Nanay ko, sa ganda kong ito. Saka namimiss ko rin naman siya kahit laging pang-armalite ang kanyang bibig. Char.

"Sus miss mo lang ako Nanay e, wala ka kasing pinapagalitan."

"Naku Nanay, baka may jowa na yan diyan!"

Boses yung ng kapatid ko. This feeling of longing. Kahit panay pang-iinis lang ang sasabihin niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Kung dito pa lang mamimiss ko rin sila, paano kaya kapag nagpunta na ako ng Oman.

Baka umuwi ako ng de-oras. Char ulit.

Kailangan kong maging, matatag. Sacrifice. No pain no gain. Para sa pamilya ko at pangarap ko. Pansamantala lang naman ang pagpunta ko ng abroad.

"Basta mag-iingat ka diyan anak ha. Malapit lapit ka naman na din umuwi dito."

"Always Nanay. May salubong ka pa pag-uwi.

That ends the call. Napabuntong hininga ako at walang gana na humiga. Parang kalian nga lang. Isang linggo na ako dito sa Pampanga. Napakabilis ng oras. Wala pa naman ako masyadong napupuntahan.

I'll really miss it here, kung may chance pa na makabalik ako dito, talagang babalik at babalik ako. Nasa isip ko na rin na isama si Tita Maris sa listahan ng sasalubungan ko pagbalik ko galing abroad. Simple pa-thank you lang. I hope hindi nila ako malimutan, dahil ako, hinding hindi ko sila makakalimutan.

Mabilis akong bumangon at nag-ayos. Simpleng ponytail lang ang ginawa ko, saka inayos ko yung pagkakagusot ng damit. Maaga akong lumabas para hindi na nila ako tawagin. Nang malapit na ako sa bahay nila, nagulat ako nang nawala ang Montero doon. Teka, saan kaya nagpunta yung Allen nay un, hindi man lang ako sinabihan. Kaloka.

Well, sino nga ba ako para sabihan niya pa diba? Besides kahit wala man siya ngayon, kaya ko naman na lumibot na mag-isa, medyo alam ko naman na yung mga lugar na pupuntahan ko. Pumasok ako sa bahay para magpaalam kay Tita Maris at magpaalam na lalabas pero natigilan ako nang makita si Olivia na nakaupo sa salas nila. Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan habang nakatingin pa rin sa kanya. Sa layo ng tingin niya ang lalim lalim nang kanyang iniisip, ni hindi man lang ako napansin na nasa malapit. Anong ginagawa niya dito?

Hello Olivia, that will do.

Lalapit na ako sa kanya para batiin siya nang bigla siyang humarap sa akin. I smiled awkwardly. I instantly don't know how to react. Para akong nahuli na kanina pa nakatingin sa kanya. Ang talim niyang makatingin, para niya akong kinikilatis. I can't read her stares hindi ko alam kung gusto ba niya yung presence ko o hindi.

Did she remember me by the way? Ang sama kasi nung first meet up naming dahil nag-away lang silang dalawa na Allen noon.

"Lara, right?" She did.

Tumango ako at pinaupo ako sa tabi niya.

"Kamusta, dito ka pa rin pala nakatira."

"Oo naman, pinatuloy ako ni Tita Maris dito." Natuwa ako sa kanya. Medyo nawala na rin ang awkwardness at naging kumportable na rin ako sa kanya. Ako dapat yung magsasabi ng kamusta, naunahan pa niya ako.

I know that she is not feeling well pero nagawa pa rin niya ako kamustahin. Ang bait niya, kung tutuusin ako dapat ang kumamusta sa kanya, as I remember noong isang araw na nameet ko siya. I know she is not well. Maybe it is about her boyfriend. I want to ask her about that, pero hindi naman kami close masyado.

"Mabuti naman, sobrang bait nga ni Tita, hindi ko alam kung paano ako makakaraos kung hindi dahil sa kanya." She smiled bitterly at parang nagpipigil ng iyak.

"Kung ano man ang struggle mo, malalampasan mo din yan."

Tumango siya. "I know and I will." Huminga siya nang malalim. "Shit always happen Lara, Langya tama nga sila, that boy is no good to me."

I don't know what to say. Mamamaya maoffend ko pa siya kapag magsalita ako.

"That's fine, hindi naman maiiwasan ang mga ganyan. Mistakes makes as stronger and wiser." I silently praying, hoping na wala akong sinabi na masama. My lips maybe vulgar sometimes. Nakahinga ako nang maluwag nang tumango siya sa akin.

"Halos ibigay ko na sa kanya lahat, muntik na nga tong virginity ko. Lintik na yan." Aniya. Pinilit ko ang sarili na matawa, naalala ko sa kanya si Kim Chiu sa bakit hindi ka crush ng crush mo. On how she release does lines ganoon na ganoon din ang pagkasabi niya, gigil na gigil. Pero mabuti at hindi niya naibigay. Gusto ko pang magsalita, pero in this situation, mas gugustuhin ko na lang na makinig. I know what she needs to do. Ang kailangan niya kasama, yung makakinig sa kanya without judgement.

"Mabuti na lang talaga. Pinagtanggol ko pa siya sa pamilya ko, kaibigan ko, alam mo yun. You and me against the world. Putanginang yan. Kasi akala ko mahal ako." Nanlaki ang mata ko sa lutong ng mura niya. Grabe hindi halata ang pagkamuhi niya. Sabagay ganyan naman lagi ang scenario ng mga babaeng naloko, galit na galit sa lalaki

"Mangagamit, Manloloko. Mamatay na lahat ng mga katulad nila. Sila dapat yung mga pinapadala sa one way to mars e, o kaya mga pinapain sa mga terorista. Mga lintik. Mga Putangina."

"It's ok Olivia. Go Ilabas mo lang yan" I tapped her shoulders.

"Putangina mo Marcos, Pamahal-mahal ka pa. Mamatay ka nang hayop ka!" Bulyaw niya at hinampas-hampas ang mga throw pillow doon. "Putanginang, Gagong hayop na yun. Mamatay na siya! Makahanap siya ng katapat niyang lintik ka! Ipakain ka na sa mga pating. Huhuhu."

Mukhang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko kanina, baka kung magpatuloy pa siya ibalibag na niya yung mga vase ni Tita Maris dito. Pero, nalulungkot ako sa kanya, I can feel her agony, kahit hindi pa niya naikwento ang lahat nang nangyari. Pinunasan niya muna yung kanyang luha saka siya humarap uli sa akin. Mabuti at naging kalmado

"Feel better?"

Tumango siya. "That works a little ok na rin. Salamat."

"Olivia sino ba yang kakaway mo!" Pareho kaming napalingon nang bumungad sa amin galit nag alit na si Tita Maris, bitbit ang kanyang mahiwagang foldable na payong. Naalala ko tuloy yung unang tagpo namin, mas malala lang ang pagkagalit nang kanyang mukha ngayon.

"It's nothing Tita. I am just releasing the anger. Alam mo naman ang pinagdadaanan ko." Saad ni Olivia habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. Kumalma na si Tita Maris at ibinaba ang kanyang kawak na folding na payong.

"Ako itong kabadong-kabado sa'yo iha. Akala ko pa naman may kaaway ka."

Humagalpak ng tawa si Olivia, mula sa kanina pang papgpigil sa pagtawa. Gaya ni Olivia, nagpipigil din ako, ayoko naman din na matawa at baka maoffend ko si Tita Maris. Alam kong worried lang siya kay Oliva.

"Sa susunod doon ka sa court magsisigaw. Batang to.. O siya kumain na kayo."

Agad kaming sumunod kay Tita Maris at habang natatawa tawa pa rin si Olivia.

"Olivia."

"Oli na lang ang itawag mo sa akin. Masyadong nakakatanda kapag Olivia."

Tumigil na sa pagtawa si Olivia at sabay kaming naupo sa lamesa. Nakahanda na lahat ng pagkain at agad akong natakam sa tapa na luto ni Tita. Sabi kasi ni Allen, sariling timpla niya ito.

"Hinahanap mo si Allen?"

"Hala, hindi a." Natigilan ako nang marealize ang sinabi. Nabanggit lang siya ng isip ko.Ang then that happens. Napatingin ako sa kanila at makahulugang tingin ang tumambad sa aming dalaw Oh please!

"Lara, si Allen nga pala may pinuntahan saglit babalik din.Akala ko pa naman din kasi isasama ka." Saad ni Tita Maris habang kumakain kami. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Should I say "thank you."

"Sus kunyari ka pa Lara, pwede mo naman kasi kaming tanungin." Singit ni Olivia habang naghihiwa ng mga tapa. Habang si Tita Maris natatawa tawa pa din. I know I am red as tomato here. Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa.

"Lara, part ka na nang Family. Medyo conservative kami kaya pinatuloy ka naming sa isang kwarto."

Well thanks.

Nakahinga ako nang maluwag nang bumaling si Tita Maris kay Olivia.

"Mabuti at bumalik ka na sa inyo Oli."

Tumango si Oli pagkatapos makainom ng tubig. "Opo, mabuti at tinanggap ako nila Papa. Laking pasasalamat ko, lalo na sa inyo Tita Maris. Kung hindi dahil sa inyo baka saan na ako pulutin."

"Maliit na bagay yun Oli, hindi kita kayang pabayaan, parang anak ko na kayong dalawa ni Allen, kahit hindi kayo galing sa matres ko no." Kahit na medyo warfreak si Tita Maris, napakasincere niyang tao, I know she cares for everyone. Kahit ako na hindi niya kilala. Sana all may Tita Maris.

"Basta, super thank you Tita Maris, kasi hindi ako alam paano ako makakaraos without your help." Napangiti si Tita Maris.

"Oli, anak. Ang mahalaga you already learn your lesson at bumalik ka sa pamilya mo. Sana maging maayos ka."

"Sana nga po Tita."

"Basta Via, sa susunod maging wais ka na sa mga lalaking yan. Pero huwag ka ulit matakot magmahal. Huwag mo kong tularan." Agad akong nacurious. Oo nga pala, walang ipinapakilala si Tita Maris na anak o asawa niya. Sila lang dalawang ni Allen. Masyado akong nahihiya to ask further details about them.

"Alam mo kasi Lara." Panimula niya na siyang kininabigla ko. Am I that transparent, para makita nila agad na curious ako tungkol sa love life niya. "May mga boyfriend din naman ako noong araw, kaso panay mga manloloko. Ako naman, nadala. Kaya ito tumandang dalaga." Natatawa pa niyang sabi, "Pero masaya na ko na si Oli at Allen ang naging babies ko."

"Tita naman, pag narinig ni Kuya Allen yan" Pagtutol ni Oli

"You two are always my babies Oli." Aniya at kumindat pa siya sa pamangkin.

"Huwag kang mag-alala Lara, matino yang si Allen. Kapag yan ay nagloko, makakatikim yang bata na yan sa akin."

I shrugged. I felt an instant awkwardness. Mas gusto ko na lang iharap sa akin ang pagkain. Please, stop linking Allen with me. Ayos na e. Balik na naman sa akin ang hotseat.

"Your blushing Lara dear. Huwag masyadong halata." Matawa-tawa pang sabi ni Olivia.

Lupa. Lamunin niyo na ako please, hindi ko na kaya ang dalawang magtita.

"Kumain na tayo Oli. Hindi na kumportable si Lara." Natatawa ring saad ni Tita Maris. Ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng aking pisngi. Sobrang nakakahiya. Pero mabuti na rin at pinatigil na rin ni Tita Maris si Oli.

Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pag nagtagal pa ito. I'll be red as a tomato all the time

"Ako na diyan Lara." Pag-awat sa akin ni Olivia nang simulant ko nang ligpitin ang mga plato.

"Ok lang Oli. Ginagawa ko naman na to." Napakunot lang ang noo ni Oli at kinuha rin ang mga ilang pinagkainan.

"You are our guest, so no." Hindi na rin nagpapigil si Oli. Nagsimula akong maglakad lakad sa bahay hanggang sa matanaw ko ang kanilang garden. Pumasok ko doon sa may flower arch, habang pinagmamasdan ang mga magagandang arrangement ng mga halaman doon. Napakadaming niyang roses na nakaarrange pa according to colors tapos napapaligiran ng mga batong magaganda. Marami ding mga ibang halaman gaya ng San Franciso, saka yung parang buko na maliit. Mayroon pa siyang mga rebulto ng mga angels at mini fountain. Kinuhanan ko pa ang mga ibang flowers at scenery sa garden ni Tita. Pang IG, saka remembrance na din.

Hanggang sa maisipan kong maupo sa may bench doon habang nililibot ko ang tingin dito. Ang galing talaga ni Tita Maris mag-ayos ayos ng mga bagay bagay.

"Kape ka muna , para kumalma ka nang konti." Napatigin ako sa kape na inilapag ni Oli. sa harapan ko.

"Kape talaga?" Tumango sa akin si Via.

"Chill ka lang kasi sis. Masyado ka namang affected e. Hahaha." Aniya at sumipsip ng kape. "Ok lang naman na umamin ka, atin atin lang naman." Dugtong pa niya sabay kindat.

"Wala talaga. We're strangers. Natagpuan niya ako sa SM Pampanga." Tumango tango lang siya at sumipsip ng kape. Napatingin ako sa kape na timpla niya. Foamy pa ito at amoy na amoy ko ang masarap na aroma nito. Agad koi tong tinikman. Infairness masarap siya magtimpla.

"Ayos ba?"

"Oo naman, pwede nang maging barista ng Starbucks." Sabi ko.

"Nah. I'll build my own coffee shop. Tatalunin ko ang Starbucks." She confidently said. Yung tipong siguradong sigurado siya na mangyayari ito. Wala naman masama mangarap, besides masarap naman siyang magtimpla ng kape.

"I hope sana nandoon ka sa soft opening ko." Dagdag pa niya. Napangiti ako sa kanya.

"Naks!"

"It will happen Lara. Makikita mo. Tapos kayo na talaga ni Kuya Allen nun." Kinunutan ko siya ng noo. Talagang isisingit niya pa si Allen ha.

"Hay nako mas magkakatotoo pa ang coffee shop mo." Napairap lang si Oli sa sinabi ko at inilapag ang naubos na kape sa mesa.

"Kunyari ka pa."

Napailing na lang ako sa kanya at hindi pinansin ang mapanuri niyang tingin.

"Alam mo hawig kayo ng ex ni Allen." Muntik ko nang maibuga ang kape na iniinom ko. Yung iba, tumulo na sa bibig ko. Pinunasan ko muna saka ako humarap sa kanya. Galing niya talaga mang-asar. Papatulan ko na to.

"Seryoso ka diyan."

"Walang halong biro Lara."Nakipagtapatan pa siya ng tingin sa akin. Ako na rin ang umiwas.

"Akala ko ba wala siyang pinakikilala?" Nagtataka kong sabi. Umayos si Via ng upo at humalukipkip.

"Wala nga, dahil hindi rin niya hinaharap noon. Until such time nahuli ko sila sa Marquee mall, napaamin ko. He can't deny at nakita ko pa silang magkaholding hands o." Natawa ako, talagang pinaghawak niya rin ang parehong palad. Tumango ako at nagsalita siya uli.

"Ako lang ang nakakaalam nun. Saka wala akong karapatan na isiwalat dito yun. Kasi it should be Allen, na magpakilala sa girlfriend niya hindi ako."

Tumango ako. "Tama nga naman."

"Huwag mo kong pinaglololoko diyan Oli."

"Hay nako Lara, kung may picture lang ako, ipapakita ko pa sayo. I think that is why Allen is fond of you.

Napakunot ang noo ko. I don't care if it is obvious that I don't agree. Hindi naman kasi talaga totoo ang mga sinasabi niya. "Hindi no, naasar lagi sa akin yun."

I am a bit disappointed, kung totoo man ang sinasabi ni Via, I'll hate Allen for that. Kung may isang tao na magugustuhan ako dapat hindi dahil nakikita lang nila ako sa isang tao. If they like me, because I am Lara, the way I am.

"Allen is always like that, he does not show his real emotions. Madalas mahirap basahin." Tumango tango lang ako sa kanya.

"He's a nice guy don't worry, you will not end like me."

"Wala naman akong planong jowain si Allen no."

'What?" Bulalas ni Oli. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang sinabi. What I did just say?

"Huwag mo nang masyadong isipin yun." I denied.

Napangisi siya. I don't like what she is thinking. Nako, please lang.

"Fine you will not make Allen as your jowa. Pero ok ka na sa akin, you seems nice naman."

Napalingon ako sa kanya. Seems nice, parang napipilitan lang. Saka mabait naman ako a. Hindi ba yun halata. Sa ganda ko na to ha.

"Sige na mabait ka na Lara."

Aba talagang napipilitan lang. Magsasalita pa sana ako nang makitang may paparating na sasakyan, ang Montero ni Allen. Pareho pa kaming napalingon.

"Uy happy si gurl!" Sinamaan ko ng tingin si Via.

"You are blushing Lara. It is fine."

Pinilit kong kumalma habang alam kong papalapit si Allen. Huwag sanang gumawa o magsabi nang kung ano ano itong si Oli. If in case, magpapalamon ako sa lupa. Aba huwag niya akong paikialaman. Lovelife niya ang dapat niyang asikasuhin.

Wala na nga pala siyang lovelife.

"Saan ka galing Kuya?"

"Somewhere. Ikaw bakit ka nandito."

"Wala dumalaw lang." Oli crossed her arms at tinapatan ang mapanuring tingin ni Allen. Maya maya nasa akin na ang atensyon niya. I immediately got intimidated in his gaze. He stare at me like I did something illegal.

"Lara, we are going to Clark now."

I blinked. Pakiramdam ko namali ako ng rinig. "Seryoso ka diyan?" Hindi siya kumibo sa akin at bumaling ulit kay Oli. She's right, talagang mahirap basahin si Allen, malay ko bang biglang mag-aaya siyang pumunta ng Clark.

"Sama ka Olivia?"

"Nope, ayokong maging third wheel. Baka mabitter pa ko" Nakapamewang pa si Oli. Napailing lang lang siya at tumingin uli sa akin

"Lara I want you to pack your things now."

"As in now."

Sinamaan niya ako ng tingin. Ay seryoso nga siya.

Sumama sa akin si Allen papunta sa kwarto ko.

"Go girl! Handa na akong maging tita" Kumaway kaway pa si Oli sa amin at ginawaran pa kami ng ngiting nakakaloka. Na dahil doon, mas lalo naging awkward ang pakiramdam ko.

Paano ko kakausapin Allen? O kakausapin ko ba?

Ayokong tumingin sa kanya. Namumula ako. Namumula. Nakakahiya.

"Ayos ka lang Lara."

"Oo naman."

I can't say if I am fine. I am not ok! Nangangatal pa ang tuhod ko, kainis. Bakit may ganoong effect pa.

Bakit naman kasi pag gusto mo ang tao, may pagnito pa. Pamula-mula, panginig-nginig, pahiya hiya. Nakakaloka.

Tahimik kaming dalawa nang makapasok sa kwarto ko. Hindi ko sinara ang pinto. Medyo paranoid lang at ang awkward talaga. Nakailang buntong hininga na ako at alam kong pansin na niya ito. Iniisip ko na lang na wala siya dito at patuloy na inaayos ko ang mga ilang gamit sa bag.

"Shit! Huwag mong galawin yan!"

Bulalas ko nang makitang aabutin niya ang journal. Mabilis koi tong inagaw sa kanya at sinukbit sa bag. Hindi niya pwedeng makita ang laman nito dahil bawat page na ngayon nang journal ko may pangalan niya!

"Tara na." Sabi ko at pinilit na patatagin ang boses.

Kumaway-kaway sa amin si Olivia at Tita Maris. Ngumiti lang ako sa kanila mula sa bintana. Kumaway din naman ako ng konti.

"Ingat kayong dalawa, bilin ko ha."

"Basta handa naman na akong maging tita guys!"

Talaga naman! Isa pa at lalagyan ko na nag duct tape ang bibig ni Lauren.

"Lara?"

"Bakit?"

"Ayos ka lang? If you are sick, pwede naman tayong hindi tumuloy."

"G Tayo siyempre!" I sounded jolly. Tinignan ko ang sarili sa may side mirror. Ang putla ko! Kaya pala ako napagkamalan na may sakit. Nilabas ko yung tint ko at naglagay sa labi at konti sa cheeks.

That look better.

I saw Allen glimpse. Bigla akong naconcious sa ginawa. Don't judge me, ayaw ko lang magmukhang may sakit.

Well better not put any meaning on those stares. Mahirap maging assumera nowadays. I took a deep breath habang nakatingin sa dinadaanan namin. As much as I wanted to take a nap, nakakahiya kay Allen kung tutulugan ko siya sa daan.

I'll endure the silence in a one hour drive.

"Lara." Napalingon ako sa kanya. Kanina pa siya Lara ng Lara bakit kaya hindi na lang niya sabihin ang dapat niyang sabihin? Hinarap ko siya at sinikap na hindi ipahalata ang namumuong pagka-irita.

"Hmm."

"I-"

"What?"

Tumikhim siya at tumingin sa akin saglit at pinokus uli ang sarili sa daan.

"I am sure you'll enjoy this trip Lara." He sounded tensed. Pakiramdam ko may nais pa siyang sabihin.

Hay, mahirap maging assumera.

Allen and I stopped in a hotel somewhere here in clark. I am so amazed in the vicinity. Everything looks modern in this place, parang nasa ibang bansa. Despite of modernization of this place they still haven't forgot the greens kaya mas lalong gumanda ang lugar.

We stopped in a hotel, mukhang sosyal. The curtains looks so elegant ang it has chandeliers in the lobby. I am sure mahal dito at dito pa niya ako dinala.

Wala akong pangcontribution. Hindi Malaki ang budget ko.

Binibit ko ang aking bag para minsanang baba na lang sa sasakyan ni Allen. Madalas akong hirap bumaba dahil ang taas ang kahakbangan ng sasakyan niya, tapos kaliit ko pa.

Agad kong binuksan ang pinto at napatili nang mamali ako ng apak, dahil doon malapit na akong mahulog sa sahig.

I closed my eyes for incoming impact, pero napadilat ako nang may sumalo sa akin at nakita ako ang isang bag ko sa sahig. Agad akong inayos ni Allen sa tapat niya

"Be thankful I was here to catch you."

I met his gaze. His brown eyes seems to shine, looking at me like a precious possession. I stared at him at the same way, same intensity. Parang kaming may staring game na dalawa, no one,s wanted to break it.

Si Allen siya yung tipo na hindi ko naman talaga gugustuhin. I never thought liking him, akala ko isa lang siyang epic kong alaala sa first day ko dito sa Pampanga. Ngayon I am conscious ab aka mahulog na talaga ako sa kanya. Hindi ko na maiiwasan.

I remember what he said earlier that he was there to catch me. In this case, is he willing to catch me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top