Kabanata 2

Adelaide

WELCOME TO LA MUERTE, pagbasa ko sa nakasulat sa bungad ng bayan, pagpasok pa lamang ay kapansin pansin na ang linis ng kalsada, madaming mga puno at masarap ang simoy ng hangin. Ang mga bahay ay karamihang gawa sa kahoy, nang makadaan naman kami sa bayan ay napakalinis kahit madaming tao.

Organized ang mga stalls at hindi nakaharang sa daanan, mukang desiplinado ang mga tao sa lugar na ito. Napaka ganda at peaceful ng lugar, hindi ganoon kausok, nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang lugar.

"Ang ganda naman rito, siguro magugustuhan dito ni Lola."

Sambit ko, kung pwede nga lang ay sumunod siya saakin, pero alam kong hindi niya maiwanan ng negosyo niya dahil bukod saakin, sa personal doctor at sakaniyang lawyer ay wala na talaga itong ibang pinagkakatiwalaan.

"Next time dalhin mo siya rito."

Ngiti ni Eseng habang patuloy sa pagmamaneho, napatango naman ako roon.

"Sige sasabihin ko iyan sakaniya."

Ngiti ko.

Mahigpit saaking bilin ni Lola na huwag basta gamitin ang apilyidong Aldama. Hindi ko alam kung gaano ba siya kayaman, pero natatakot daw siya na baka may gawing masama saakin kapalit ng pera.

Ang alam ko ay sikat na sikat talaga ang ALD malls, ito ang pinaka sikat at pinakamaraming malls na mayroon sa bansa. Nakakamangha dahil nagsimula lamang si lola sa isang libo. Sumubok siya ng sumubok hanggang sa lumago ito ng lumago, lagi kong naiisip na sana ay maging katulad niya ako balang araw.

Hindi siya madaling magtiwala pero napaka buti ng puso niyang handang tumulong sa mga kapos palad.

Naitext ko nadin si lola kanina gamit ang phone ni Ezekiel, ikibwento ko sakaniya ang nangyaring pagnanakaw saakin maliban doon sa pagtatrabsho ko sa beer house at ang mga nangyari pa kasunon non.

Gusto niya ngang magpadala saakin pero tumanggi ako dahil ayoko ng maabala pa sya. Ang sabi ko ay gusto kong mag ipon para sa bagong phone, yung hindi na takaw sa mata ng mga magnanakaw.

Dinilete ko din ang number niya at ang usapan namin. Sinabi saakin iyon ni lola kanina, kahit naman sinabi kong mapagkakatiwalaan ang kasama ko ay ayaw niyang may nakaalam na konektado ako sakaniya para narin sa kaligtasan ko.

NAKARATING na kami sa nasabing hacienda, napakalaki ng lupain at sobrang ganda ng tanawin. Tanaw na tanaw ko din ang maraming puno ng niyog at mangga, sa likod nito ay isang burol na nagpamangha saakin.

"Eseng!"

Sigaw ng ilang trabahador na nadaraanan namin habang dahan dahang nagmamaneho si Eseng papasok.

"uy magandang umaga!"

Bati ni Ezekiel pabalik.

"Birthday mamaya ni lolo Max, dumalo ka ha."

Sambit ng isang matangkad at may kapayatang lalaki roon.

"Inuman nanaman? Pass ako dyan, baka tuluyan na akong tustahin ni nanay!"

Natawa sila doon.

"Minsan lang ehh."

Reklamo ng kausap, nailing doon si Ezekiel.

"Minsan langh? eh tubig niyo na emperador tapos juice niyo red horse! kaya wala kayong abs ehh."

Natatawang sambit nito saka muling pinaandar ang truck papasok ng Hacienda.

"Eseng chicks nanaman!"

Sigaw mula sa labas, sumama ang muka nito roon na nagpatawa saakin.

"Ang dami mo sigurong iniuuwing babae dito ano?"

Tanong ko, nanlaki ang mata nitong umiling.

"Ikaw palang ulit, di naman ako nag uuwi ng babae dito gaano."

Nguso niya.

"Eh bakit sinasabi nila?"

Ngisi ko, nagkibit balikat ito room.

"Eh sila ang bumibisita saakin, ipinagluluto ako tapos lilinisin daw ang bahay namin, nag iigib din sila minsan ng tubig, ewan ko ba sa mga iyon, ang hirap talaga pag sobrang gwapo mo."

Iling iling na sabi niyang nagpanganga saakin.

"Seryoso? ano sila manliligaw mo? pinapaasa mo siguro ano?"

Naniningkit ang matang sabi ko.

"Hindi ko sila pinapaasa, minsan nga may tinanong lang ako, kinabukasan bumisita na sa bahay."

Naalala ko tuloy iyong movie ni Andrew E na pinanood ng mga kasambahay noon, natawa lang ako nang maalala ko.

"Porke gwapo bibisita na agad? Paano nalang kung rapist ka? or murderer? edi patay na?"

Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Parang ikaw lang naman ang lalaki sa mundo sa kwento mo, kahit ata ikaw lang ang lalaki sa mundo, para saakin hindi ko na sasayangin ang oras ko, mahirap kaya makipag agawan, tapos magkakasakitan pa kayo."

Saad ko, Ezekiel chuckled.

"Paano kung ako ang lumapit saiyo?"

Tanong niya, hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon, syempre lalayo ako kapag nakita kong pinag aagawan siya tapos saakin siya lalapit, kasi ayokong madamay sa gulo.

"Paano nalang kapag nagka girlfriend ka? hindi kaya magalit yon kapag may ganoon lagi?"

Tanong ko nalang, ngumiti siya saakin, naitikom ko ang bibig ko sa ngiting iyon, pakiramdam ko kasi ay mapapanganga ako at matutulala. Hindi ako nagtataka kung babae na mismo ang nanliligaw sakaniya.

"Magagalit ka ba?"

Tanong niya.

"Ha? Bakit ako magagalit?"

Nagtatakang tanong ko, Ezekiel just grinned then pinched my nose as he parked the delivery truck.

"Wow"

Sambit ko habang inaalalayan ako ni Ezekiel pababa ng truck.

"Ito yung Ancestral house ng mga Juarez, ipinark ko lang itong truck. Yung katabing bahay naman ay yung bahay namin, care taker kasi si Nanay niyang Ancestral house."

Ezekeil told me, my mouth formed an 'o' and nodded my head.

"Ang laki naman ng bahay nila, so diyan nakatira yung may ari ng Hacienda?"

Tanong ko.

"Hindi, doon sila sa ibabaw ng puno ng niyog."

Pamimilosopo nito, napasimangot ako doon na nagpatawa sakaniya.

"Tara doon na tayo sa bahay, ipapakilala kita kay Nanay at Ate."

Ngiti niya saka hinawakan ang kamay ko, nangunot ang noo ko roon, bakit ba kanina pa siya hawak ng hawak sa kamay ng may kamay?

"S-Sigurado ka ba? Okay lang?"

Tanong ko ulit, napakamot uli siya doon.

"Oo nga saka inihanda na ni nanay yung magiging kwarto mo---pero parang panget kasi sa kwartong yon, kung gusto mo share nalang ta---"

Pinutol ko ang sasabihin niyang alam ko na kung saan papunta.

"Okay na ako doon sa panget."

Kibit balikat na sabi ko, napanguso siya doon saka iginiya na ako papasok sa gate na gawa sa kahoy. Sa harap ng bahay ay may magandang hardin sila, ang bahay naman ay hindi kalakihan at hindi rin kaliitan. Dalawang palapag iyon, ang unang palapag ay sementado at ang pangalawa naman ay gawa sa kahoy, mukang may kalumaan narin, pero malinis at maayos pa naman.

"Eseng andyan na pala kayo."

Nakabusangot na saad ng isang babae, may katandaan na ang itsura nito at mukang masungit kaya medyo naiintimidate ako.

"Wala kami dito ate Rosing, panaginip mo lang to."

Pamimilosopo ni Eseng, mukang naasar doon ang babaeng tinawag niyang Ate Rosing at tinanggal ang tsinelas.

"Tigilan mo ako Eseng, mainit ang ulo ko, baka gusto kong itarak ko to sa lalamunan mo?"

Inis na sabi nito.

"Lagi namang mainit ang ulo mo Ate Rosing, daig mo pa bulkan, chill ka lang, dika magkakalove life niyan."

Ngisi ni Eseng, nanlaki naman ang mata at butas ng ilong ni Ate Rosing at akmang babatuhin na ng tsinelas si Eseng.

"Chill lang ate bakya yang tinelas mo baka magbrain hemorage ako niyan, may bisita tayo oh."

Ngisi ni Ezekiel, ngumiti naman ako sa babae.

"ah, hello po, magandang umaga."

Ngiti ko, masungit ako nitong tinitigan mula ulo hanggang paa.

"Walang maganda sa umaga ko, titira ka dito? magbabayad ka ng upa?"

Tanong niya.

"Ate naman, wala siyang matutuluyan saka nangako na akong hindi siya magbabayad, pumayag nadin si Nanay."

Kamot ulong saad ni Ezekiel.

"Uhh ano okay lang, kapag nakahanap na ako---"

Pinutol ni Ezekiel ang sasabihin ko.

"Bisita kita Laide, hindi mo kailangang magbayad saka matagal naman ng walang gumagamit ng kwartong iyon."

Ngiti niya, nakagat ko ang labi kong tinitigan lamang siya.

"Basta siguruhin niyang magdadagdag siya sa pagkain at tubig, ayoko ng palamunin lalo na at hindi ka naman pala asawa nitong si Eseng."

Irap ni ate Rosing, ngumiti naman ako sakaniya at tumango.

"Ate---"

Hinawakan ko ang braso ni Ezekiel at ngumiti.

"Ganoon po talaga ang balak ko, huwag po kayo mag alala, maalam din naman po ako sa gawaing bahay."

Ngiti ko, nagtaas ito ng isang kilay.

"Ikaw ba may gusto ka dito kay Eseng? Ayoko ng sakit sa ulo, baka naman isa ka manliligaw nito at balak mong pikutin siya? ano magdadagdag uli kayo ng pabigat sa bahay na to?"

Tanong niyang agad ko namang ikinailing.

"Hindi ho! kailangan ko lang po talaga ng trabaho at matutuluyan, yun lang po talaga."

Ngiti ko, umirap ito sa hangin, matalim padin ang titig, kinakabahan tuloy ako, paano kung ganito rin ang nanay ni Ezekiel? hindi naman nila siguro ako pahihirapan ng sobra diba? magpapakabait naman ako eh.

"Aba siguruhin mo ayoko ng malalandi sa bahay na ito, pumasok na nga kayo at kanina pa kayo hinihintay ni nanay."

Iritang sabi niya, I glanced at her palms then drew the lines on my palm. Namimiss ko ng gumuhit, sa tuwing nakakakita kasi ako ng mangyayari sa hinaharap ay hindi mapakali ang kamay ko.

"Okay ka lang?"

Tanong saakin ni Ezekiel, ngumiti lamang ako sakaniya at nagsimula ng maglakad.

"Ah, ate Rosing."

Pag tawag ko sa atensiyon nito, sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Mag iingat po kayo, baka madapa kayo."

Ngiti ko, mataray lamang niya akong tinitigan.

"Pasensya ka na kay Ate, wag mo nalang pansinin, ganun lang talaga iyon mula pa noong bata ako, lagi atang may dalaw----"

Naputol ang sasabihin niya nang makarinig kami ng galabog sa labas, nang tignan namin iyon ay nakita namin si Ate na nakasalampak na sa lupa, hawak hawak ang balakang niya. Naitikom ko ang bibig samantalang si Ezekiel ay malakas na natawa. Mukang narinig iyon ni ate at halos patayin na si Ezekiel sa klase ng tingin na ibinabaling saamin.

Nangisi lang ang kasama kong hinila na ako papasok ng bahay nila.

"Grabe tinawanan mo? edi lalong nagalit sayo?"

Tanong ko, Ezekiel shrugged.

"Gaganda din mood non kapag nakahawak at nakaamoy na ng pera, yung kulay blue yung happy pill niya eh, minsan natatakot na ako kasi feeling ko gusto na niya akong ibenta, kaya nga nagsisipag ako mag trabaho, takot ko lang noh."

Saad niyang nagpatawa saakin.

"Grabe, hindi naman siguro."

Ngiti ko, ngumuso lamang ito.

"Eseng, ito na ba iyong Adelaide?"

Ngiti ng isang babae, malayo sa panenermon nito sa phone ay, napaka bait ng aura nito ngayon na nakangiti saakin.

"Magadang umaga ho, sorry po biglaan."

Magalang at malumanay na sabi ko saka nagmano, nangiti naman doon ang nanay ni Ezekiel.

"Naku kay gandang bata, nagulat ako nakapagtatagalog, akala ko naman foreigner noong nakita ko."

Natatawang sabi niya napangiti ako doon.

"Ah sabi nga ho nila, pero dito po ako lumaki."

Ngiti ko.

"Ayy parang si Eseng ko pala."

Ngiti niya, hindi kamuka ni Ezekiel ang nanay niya, mukang ang tatay niya ang kamuka niya.

"Oh siya tuloy ka Laide."

Parang nakahinga ako ng maluwag dahil mukang hindi naman masungit ang nanay ni Ezekiel.

"Sigurado ka bang hindi ka kasintahan nitong si Eseng at hindi ka niya nabuntis?"

Tanong niya, napakamot ulo ako roon.

"Ay hindi ho talaga tita---"

"Nanay Deliah nalang, magkakasama rin lang naman tayo sa iisang bubong."

Ngiti nito, napangiti din ako doon.

"Hindi po niya ako kasintahan nanay Deliah at hin po ako buntis. Iniligtas po niya ako kagabi at malaki po ang pasasalamat ko, wala lang po talaga akong matutuluyan tapos inalok po ako ni Ezekiel."

Paliwanag ko.

"Inalok ka niya?"

Gulat na sabi nitong nagpatango saakin.

"Uhh opo."

Ngiti ko, napangisi siya doong tinignan ang nakangusong si Ezekiel sa tabi.

"Ganun ba?"

She chuckled.

"Sigurado ka bang hindi ka pa nabubundol nitong anak ko? sure?"

Muli niyang tanong, agad naman akong nailing.

"Nay!"

Saway ni Ezekiel, inirapan lang sya ng ina.

"Ang hina mo naman, akala ko ba malakas ka sa chicks?"

kantyaw niyang nagpanganga kay Eseng, samantalang ako ay nanatiling nagtataka, dahil hindi ako maka catch up sa pinag uusapan nila.

"Nay naman, akala ko ba bawal?"

Ezekiel asked confused, Nanay Deliah just rolled her eyes on him.

"Bakit hindi naman kung sino lang si Laide ah?"

Ngisi nito saka umangkla na sa braso ko.

"Tara na hija? ihahatid kita sa magiging kwarto mo. Nakwento saakin ni Eseng na, nanakaw daw ang bag mo, sa ngayon mga damit muna ni Eseng ang isuot mo, yung mga napagliitan na niya. Yung mga napagliitan kasi ni Rosing ay ibinenta niya sa ukay ukay kaya wala na dito."

Sambit nitong nagpangiti saakin..

"Nakakahiya naman ho, marami pong salamat! Dibale ho at pag may trabaho na po ako ay babawi po ako sainyo saka tutulong nadin po ako, nakakahiya ho kasi kung titira ako dito ng libre."

Ngiti ko.

"Naku wag mo isipin iyon nak at pamilya na tayo rito, wag kang mahiya. Kapag may kailangan ka naman ay sabihin mo lang saakin."

Ngiti niya, she's as warm as Ezekiel.

"Maraming salamat po talaga, napakabuti ninyo!"

Muling pasasalamat ko.

"Pero wala ka ba talagang gusto kay Eseng? baka kasi bigla kang mapaaway dyan eh."

Nakamot ulo ito.

"Wala ho talaga, kakikilala ko lang po sakaniya, hindi naman ho muka ang tinitignan ko sa isang lalaki."

Ngiti ko dito.

"Mabuti naman. Pagpasensyahan mo na muna iyang mga anak ko. Si Rosing ay may kasungitan pero hindi ka naman niya gaanong papansinin, Yang si Eseng naman ay mapag laro talaga pero hindi naman iyan babaero, muka lang, hindi ko siya pinalaking mapaglaro sa damdamin ng iba, sadyang mapagbiro lang. Iyon nga lang ay binibigyang kahulugan ng mga babae ang kilos niya, sadyang mabait kasi iyan at matulungin."

Patuloy na pagkukwento niya hanggang makarating kami sa kwarto ko. Simple lang iyon at malinis. May maliit na kama, aparador at salamin, mayroon din siyang lamesa na nagpangiti saakin.

"Walang kutson kasi biglaan ang dating mi, medyo kapos din kasi kami. Pasensya ka na at kurtina lang din itong harang ng mga kwarto, huwag kang mag alala at wala namang gagapang saiyo dito."

Sambit ni Nanay, natawa ako roon.

"Okay lang po, buti nga ho at may kwarto pa ehh. Maraming salamat ho ulit."

Saad ko.

"Oh siya't baka pagod ka, medyo may sinat ka pa nga, magpahinga ka muna at may gagawin ako, padafalhan kita ng gamot mamaya."

Nang umalis siya ay nanatili padin akong nakangisi, masaya akong makakilala ng mga bagong kaibigan at makakasundo, napaka bait nila para hayaan akong manuluyan sa bahay nila.

Inayos ko ang kurtina para walang makakita sa loob ng silid ko.

Napatingin ako saaking repleksiyon.

I have a brown curly hair, nicely shaped eye brows, almond shaped eyes, straight edged nose, heart shaped face, plump lips and silver eyes.

Maputi ang balat at mayroon din akong mga pekas na hindi naman ganun karami.

May katangkaran din ako, nagkalaman nadin ako hindi tulad noong gumising ako na sobrang payat talaga.

Makurba ang katawan ko, hindi kalakihan ang dibdib pero nabiyayaan naman sa pwetan.

Ang sabi ng mga tao noon sa mansyon ay dapat matuwa ako, hindi ko maintindihan kung bakit. Taba lang naman iyon, anong dapat ikatuwa ko doon? hindi ko naman nakikita kasi nasa likuran ko.

Nagpalit ako ng damit, ito yung damit ko kagabi, ibinalik ko lang noong nagpasya na kaming lumabas ng ospital kanina.

Binuksan ko ang aparador at nakitang mga damit nga iyon ni Eseng na mukang maliit na nga sakaniya, pero maluwag padin saakin. Pinili ko iyong damit na may naka print na "Never Give Up"

Gusto ko kasi ng mensaheng hatid niya. Tinernohan ko iyon ng isang maiksing shorts na may number sa gilid. Hindi ko alam kung bakit karamihan ng lumang shorts niya ay may butas sa gitna. Hihiram siguro ako ng panahi mamaya para ayusin.

Nahiga ako sa kama na may saping banig para sana magpahinga, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nang magising ako ay Ala Una na pala, napahikab ako at tumayo para lumabas at maghanap ng gagawin.

Ngunit paghawi ko ng kurtina ay sumalubong saakin si Ezekiel na nakasandal sa dingding at may hawak na nakarolyong kutson.

"Kanina ka pa dyan?"

Tanong ko, bumaba ang tingin nito sa suot ko.

"Medyo."

Pigil ang ngiting sabi niya.

"Pfft----sorry."

Kinagat niya ang labing umiling.

"Hindi ba bagay?"

Tanong ko.

"Bagay naman, never give up, usong uso yan noon."

Natatawang sambit niyang nagpailing lang saakin.

"Bakit hindi ka na pumasok kanina?"

Tanong ko, nakapamulsa itong umiling, mas gwapo sya kapag ganitong hindi sya parang may sapi at gwapong gwapo sa sarili niya.

Pero gwapo naman siya kahit ganoon , sino ako para husgahan siya? hindi naman iyon nakakainis, nakakatuwa din na ganoon minsan. Siguro ay naninibago lang dahil bukod sa lola ko ay mga kasambahay ay teacher ko lang naman ang kasama ko sa loob ng dalawang taon.

"Ayokong pumasok ng walang permiso mo."

Sambit niya.

"ahh..."

Nakagat ko ang labi saka ngumiti.

"Salamat."

Nahihiyang saad ko, nakakatuwa naman, malaking bagay na iyon para saakin.

"Eto nga pala kutson."

Nguso niya, nangunot ang noo ko doon.

"Akala ko ba ay wala? saka okay lang naman ako sa banig."

Komento ko, nahihiya narin kasi ako.

"Mas gusto ko sa banig kaya saiyo na to."

Seryosong sabi niya, napakamot ulo ako doon, sinong mas gugustuhin ang banig sa kutson? sinungaling.

"Okay lang talaga ako Ezekiel."

Muling pagtanggi ko.

"Sige bilhin mo nalang."

Ngisi niya, nangunot ang noo ko roon.

"Wala akong pera Ezekiel."

Kunot noong sabi ko, yumuko naman itong itinagilid ang muka at inilapit saakin saka itinuro ang pisngi niya.

"Kapag hinalikan mo ako sa pisngi saiyo na iyang kutson, hindi ko naman na gagamitin iyan."

Pangugulit pa niya, napanguso akong napatitig lang sa muka niya.

"Gwapo ba?"

Ngisi niya.

"Kiss mo na Laide, masakit na ang leeg ko."

Napabuntong hininga lang ako doon saka inilapit na ang muka para halikan ang pisngi niya.

"Eseng halika nga rito sandali may iuutos ako!"

Nang biglang sumigaw si nanay Delia sa labas, nanlaki ang mata kong bahagyang tumahip ang puso nang humarap si Eseng saakin.

Nanlaki ang mga mata niyang napatuwid ng tayo. Muntik ko na siyang mahalikan sa labi, buti nalamang at sa gilid lamang tumama.

"A-A-Ah s-s-sige! punta lang ako kay nanay!"

Tarantang sabi niya at halos matapilok pa sa pag lalakad. Nakagat ko ang labing natulala lamang, patuloy sa mabilis na pagtibok ng puso.

Kalaunan ay napangiti saka kinuha ang kutson at ipinasok saaking silid.

"Si Ezekiel talaga."

Iling iling na sabi ko at sa di malamang dahilan ay abot tenga ang ngiti ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top