Kabanata 1
Adelaide
NANG magmulat ako ng mga mata ay nasa isang lugar ako, maraming kama at may mga taong nakahiga roon kasama ng mga bantay nila at kurtina lamang ang naghahati sa bawat higaan.
"Uy ganda!"
Salubong saakin ng lalaking sa pagkakaalala ko ay tumulong saakin kagabi. Mas nakikita ko ngayon ang itsura niya kumpara kagabi. Matangkad siya at malaki ang pangangatawan, maputi at medyo namumula ang balat, makapal ang kilay, matangos ang ilong itim ang kulay ng buhok at asul ang mga mata.
He has defined jaw and some facial hair, siya palang ang nakikita kong ganito ka gwapo sa personal, kadalasan kasi ay sa tv lang. Muka siyang artista sa mga hollywood films na pinanonood namin kaya medyo natutulala ako.
Parang hindi siya taga pilipinas pero diretso ang pagtatagalog niya na may katigasan pa sa pagsasalita.
"Ayos ka na? Anong nararamdaman mo?"
Tanong niya sa baritonong boses, buo iyon---sabagay at nakapagtataka nga naman kung ang laki niyang tao ay napakatinis naman ng boses, hay nako Adelaide.
"U-Uhh okay nako."
Ngiti ko, saglit itong natigilan roon saka napakamot ng batok.
"Ang taas ng lagnat mo kagabi pero mabuti at bumaba kaagad, sabi ng nurse eh pwede ka na daw umuwi at magpahinga pag gising mo hehe."
Ngumuso itong hindi makatingin saakin.
"Artista ka ba?"
Tanong ko, napatingin siya saakin saka proud na proud na ngumiti, litaw na litaw tuloy ang malalim na dimples niya na lalong nagpagwapo sakaniya.
"Alam kong nakakagulat miss ganda---"
Pinutol ko iyon.
"Adelaide."
Sambit ko, he blinked.
"Adelaide...."
He smiled then looked at me, he cleared his throat.
"Nakakagulat mang isispin Adelaide, kasi diba nga napaka gwapo ko? pero hindi ako artista, sakatunayan eh may nagshooting dito noon, naging extra ako kaso tinaggal din ako kinabukasan, sa sobrang gwapo ko kasi akala nung mga tao eh ako daw yung bida."
Iling iling na sabi niyang nagpatawa saakin.
"Ang kapal pala ng muka mo."
Ngiti kong nagpasimangot sakaniya, nanlaki ang mata ko nang marealize ang sinabi at agad na tinakpan ang bunganga, ang sama naman non!
"Bakit parang mas masakit dahil ang inosente ng pagkakasabi noong ikaw?"
Nguso niya, napakamot ulo ako roon.
"Sorry sorry!"
Tarantang sabi ko.
"Hmp! Ayoko nga."
Arte niyang nagpakunot ng noo ko.
"Sorry na nga."
Nakangusong sabi ko, nakasimangot padin ito.
" Kiss muna."
Saad niya sabay pikit at nguso, natatawang iniharang ko ang palad ko sa labi niya.
"Seryoso nga."
Reklamo kong malakas na na nagpatawa sakaniya, pinagtinginan tuloy kami, nakakahiya!
"Syempre joke lang---pero kung gusto mo pwede din nating totohanin."
Ngisi niya sabay taas baba ng kilay, napasimangot ako doon.
"Ang landi mo naman."
Komento kong nagpatawa lang sakaniya, ang saya naman niya ata?
"Kakikilala palang natin bakit ka nanghihingi ng halik?"
Takang tanong ko, nagkibit balikat lang itong ginulo ang buhok ko.
"Gusto ko lang, nanghihina kasi ako, kailangan ko ng kisspirin."
Sambit niya, nagtatakang tinignan ko ito.
"Edi humingi ka doon sa nurse oh, pahinga ka muna."
Nag aalalang sambit ko na muli niyang ikinatawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Kailangan rin ata niyang patignan ang utak niya.
"Bakit ka ba tumatawa?"
Tanong ko, ngumisi lang siyang umiling.
"Nakakatawa ka eh."
Kibit balikat na sabi niya na nagpasimangot saakin.
"Ngumiti ka naman ganda, mas maganda ka kapag nakangiti."
Sambit pa niya, bahagyang nag init ang pisngi ko doon saka matamis na ngumiti, nakita ko pa ang ang pagtitig niya saakin.
"Salamat nga pala sa pagdala mo rito saakin kagabi."
Ngiti ko muli, nanatili lang siyang nakatitig na ikinainit lang lalo ng pisngi ko.
"H-Ha?"
He said, napakamot ulo ako doon.
"Ha?"
Sabi ko din.
"H-ha---ha--Hamburger, gusto mo bili kita?"
Saad niya sabay tawa uli at nguso.
"U-uh wag na, tinulungan mo na nga ako kagabi ehh."
Sambit ko saka sumilay ang isang matamis na ngiti saaking labi, nanlaki ang mata niyang bumulong bulong pa saka nag iwas ng tingin.
"Ayos lang hehe, taga rito ka ba sa Ibanez?"
Tanong niya, agad naman akong umiling.
"Uhh hindi, galing ako sa malayong lugar, kaso nung naghahanap ako ng mauupahan nanakaw saakin lahat ng gamit ko."
Saad ko, nangunot ang noo niya roon.
"Kaya ka ba nag iisa kagabi? kumain ka na ba?"
Luhh pa fall---narinig ko lang sa mga kasambahay noon, ekspresyon nila tuwing may nag aayang kumain sakanila. Sakto namang malakas na tumunog ang tiyan ko, medyo nahiya naman ako doon at napanguso.
"Tara, libre na kita."
Ngiti niya saka inalalayan ako pababa ng kama, medyo nanghihina padin ako, pero maayos naman na ang pakiramdam ko at pwede naman na akong lumabas sabi daw ng nurse.
"Magkano ba ang binayad mo dito sa ospital?"
Tanong ko habang naglalakad kami palabas, ang hirap lang niya kausapin dahil sa katangkadan niya, magkakastiff neck ata ako.
"Di na importante iyon, basta maayos ka na Laide."
Ngiti niya sabay kindat saakin, parang kinikilig ata ako.
"Pasensya ka na, naantala ko pa ata ang trabaho mo."
Sabi ko pagkasakay namin ng delivery truck, wala ng laman iyon.
"Hindi naman, saka tapos na akong magdeliver ng mga buko at pauwi nadin noong nakita kita."
Saad ni Ezekiel, iyon ang pagkakaalala kong sinabi niyang pangalan niya, Ezekiel Josiah Escalona.
"ANDITO na tayo."
Sambit niya nang makarating kami sa sinabi niyang carenderia na masarap ang pagkain. Ipinark pa niya ang truck sa lugar na wala siyang mahaharangan saka kami naglakad patungo sa nasabing lugar.
"Helo Aling puring, gumaganda tayo ahh."
Bati niya sa matandang nasa harapan.
"Oh Eseng iba nanaman yang kasama mo ah, baka mamaya ay masampal ka nanaman ha, siguruhin mo lang na hindi tulad iyan nung mga dinala mo noong nakaraan dito, mandiri ba naman porke sa karendirya mo dinala? excuse me, malinis at masarap ang pagkain ko."
Iritang sabi nito na nagpasimangot kay Eseng.
"Miss byutipul naman! hindi ko chicks mga yon, malay ko bang akala nila date iyon eh nag aaya lang naman akong kumain kasi gutom na ako. Wag na nga kayo magkwento baka iba isipin nitong si Laide mylabs eh."
Ngisi niyang nagpamula ng pisngi ko, mylabs? ang bilis naman ata, ang sabi ni lola ay dapat ligawan muna ako.
"Ayan dyan ka magaling! Whatever! umorder ka na nga! kung hindi ka lang nakakagoyo ng mga costumers kapag nandito kay ay matagal na kitang binan dito."
Inis na saad ni Aling puring na ikinangisi ni Ezekiel.
"Ganun talaga Ms byutipul, kapag sobrang pogi mo, nakakastress."
Iling iling na sambit ng binata at nakuha pang bumuntong hininga, nagtataka tuloy ako kung matino ba itong lalaking nasamahan ko.
"Oorder ka ba o ihahampas ko sayo itong sandok?"
Bwiset na sabi ng matanda, natawa doon si Ezekiel saka umorder na sawakas, nag order siya ng sisig samantalang ako ay mami lang dahil kahit gutom ay medyo wala pa akong ganang kumain.
"Nasaan ba ang pamilya mo?"
Tanong saakin nito habang kumakain, bigla ko nanaman tuloy naalala si lola, hindi ko maiwasang malungkot dahil namimiss ko na siya, tatawag ako pkapag nagkaroon ng pagkakataon.
"Uhh nasa malayo ang lola ko, umalis ako para magtrabaho, siya nalang ang pamilya ko. Maghahanap sana ako ng trabaho at matutuluyan dito pero pinapaalis lang ako."
Paliwanag ko, ayoko namang ikwento yung tunay na dahilan kaya ako umalis, ang bait bait niya saakin, ayokong magbago iyon.
"Doon ka nalang kaya saamin? may medyo maliit kaming bahay sa Hacienda, papayag naman si Nanay, pwede karing magtrabaho doon."
Sambit niya, nanlaki ang mga mata ko roon.
"Sigurado ka?"
Bakas ang kasiyahan sa boses na sambit ko.
"Oo nga! ikaw pa ba? malakas ka sakin."
Ngisi niya sabay kindat, bahagyang naginit ang mga pisngi ko roon.
"Pwede din kitang ilakad na magtrabaho doon, nangangailangan kami ng dagdag tauhan, kaibigan ko iyong anak ng may ari kaya siguradong matatanggap ka, may kalakihan rin ang kita, arawan ang sweldo doon."
Paliwanag niya, agad na nagningning ang mata ko roon at malapad akong napangiti. Madalas din naman akong kumilos sa mansyon kahit pa ayaw ni lola, mabilis din akong matuto at excited akong maranasang makapag trabaho, yung hindi katulad ng trabahong napasukan ko noong nakaraan.
Marangal naman iyon, yun nga lang ay delikado, ayokong umuwing laging nangangamba sa siguridad ko.
"Hala! mahahalikan kita sa saya Ezekiel!"
Tuwang tuwang sambit ko, nanlaki ang mata niya roon saka nakangising inilapit ang muka niya saakin na ikinatigil ko. Litaw na litaw ang dimples niya at ang mga nakahihipnotismong mga mata ay titig naman saakin.
"Asaan yung yung kiss ko?"
Ngisi niya, pakiramdam ko tuloy ay pulang pula ang muka kong inilayo sakaniya.
"Expression l-lang yon!"
Depensa kong ikinatawa niya.
"Ang cute mo."
Tatawa tawag komento niya.
"Hindi naman ako cute."
Irap ko, I saw how amusement danced into his eyes, saya mo?happy? happy? Kanina pa kasi siya parang baliw eh.
"Kaya mo din palang umirap."
Sambit niyang nagpakunot ng noo.
"Bakit?"
Tanong ko.
"I'm just amazed, kahit ata anong reaksyong gawin mo, maganda ka parin."
Kibit balikat na sabi niya, napanguso ako doon.
"Paano kapag hindi ako maganda?"
Tanong ko, Eseng smiled.
"Edi sa mata ko lang ikaw maganda."
Ngisi niya sabay kindat saakin, sinimangutan ko siya.
"Wag mo akong pag tripan, wala akong gaanong alam sa paligid pero wag mo akong utuin."
Sambit ko, madrama naman itong napahawak sa dibdib niya.
"Grabe naman iyan, hindi ba pwedeng nakikipag kaibigan lang?"
Ngiti niya.
"Ganito ka ba makipag kaibigan? Nag ooffer ka ng kiss saka nanghahawak ng kamay?"
Tanong ko nang mapansing kanina pa pala niya hawak ang kamay ko.
"Sayo lang Laide."
Isang nakakatunaw na ngiti ang sumilay sakaniyang mga labi, napahawak tuloy ako sa upuan.
"Sinabi mo na iyan sa iba ano? Napapanood ko sa tv yang ganiyang estilo."
Iling iling na sabi ko, Ezekiel exaggeratedly gasped.
"Paano mo nalaman?"
Kunwari pang gulat na sabi niya, natawa nalang ako, ganito ba kapag gwapo ang lalaki?
"Pero sayo lang naman ako nag ooffer ng halik, wag kang mag alala, VIP ka sa pila."
He said playfully, inungusan ko lamang siya.
Pero kahit naman ganito siya ay nararamdaman kong mabuti siyang tao, pwedeng pwede niya akong pagsamantalan kagabi dahil wala namang tao roon katulad ng ginawa nung lalaki na humarang saakin, idagdag pang hinang hina ako.
Pero hindi niya ginawa, dinala niya ako sa hospital at inilibre pa ako ng pagkain at ngayon ay handa niya akong patuluyin sakanila at ilakad ako sa trabaho, kahit kakikilala niya palang saakin.
Masaya akong makatagpo ng taong may mabuting puso katulad ni Lola Lydia na handang tumulong sa nangangailangan kahit pa hindi niya ito lubos na kakilala.
Kahit napakalandi niya ay masasabi kong maginoo naman ito, muka ring nagbibiro lang talaga siya kanina pa. Masaya ako dahil nakalimutan ko ang mga bumabagabag sa loob ko kahit papaano.
Thank you lord for sending angels to me at times I needed the most. Maraming salamat dahil hanggang ngayon ay hindi niyo ako pinababayaan at patuloy niyo akong ginagabayan upang malampasan ang bawat pagsubok na ibinabato ng buhay saakin.
"So ano sasama ka saakin?"
Ngiti niya, tumango naman agad ako.
"Oo naman, wala naman akong ibang mapupuntahan eh."
Sambit ko, napahawak niya sakaniyang baba.
"Eh paano kung sindikato pala ako? rapist pala? murderer?"
Tanong niya, nagkibit balikat ako doon.
"Edi patay na ako."
Kalmadong sabi kong nagpasimangot sakaniya.
"Laide naman."
Napakamot ulo ito.
"Kung masama kang tao, pinagsamantalahan mo na sana ako kagabi noong may pagkakataon ka. Kita mo nga ikaw ang nagbayad sa ospital at sa pagkain ko, hindi ka naman mukang mayaman, pero yung perang para dapat saiyo, itinulong mo pa saakin."
Ngumiti ako sakaniya ng matamis.
"And I like that to you Ezekiel."
Dagdag kong ikinaatras niya.
"L-Laide nemen, strict eng perents ke."
He said and even hugged himself, nagtatakang tinignan ko siya.
"Nakagat mo ba dila mo?"
Tanong ko, natawa siya doon.
"So you like me?"
Pacool na sabi niya na ikinatango ko.
"Oo naman, mabuti kang kaibigan, mabuti kang tao."
Ngiti kong ikinabusangot niya.
"Bakit?"
Tanong ko habang nakatingala sakaniya, muka kasing sumama ang loob niya sa sinabi ko.
"Hmp! paasa!"
Arte niya saka nauna na, ngunit umatras uli para hawakan ang kamay ko, napanganga ako roon.
MULI kaming sumakay sa truck, nagtungo si Ezekiel sa driver's seat---malamang at ako naman ay nasa tabi niya.
"Saan ba ang La Muerte?"
Tanong ko habang nagmamaneho siya, medyo kinakabahan ako sa sasakyan dahil ngayon lang ako nakasakay sa truck.
"Sa kabilang bayan lang iyon, trenta minuto ang biyahe bago natin marating yung bayan tayong mahigit kinse minuto papuntang Hacienda Juarez."
Sagot niyang nagpatango tango saakin.
"Mango and Coconut farm ang meron ang Hacienda, malaki ang kita ng kompanya ng mga juarez dahil sikat na sikat ang mga produkto, nangangailangan sila ngayon ng tao. May opening din sa Ancestral house sa mga may gustong mag apply ng katulong, mababait naman ang mga Juarez, hindi katulad ng ibang employeer na kinakaltasan ag mga empleyado at nagmamalupit pa."
Paliwanag niya, napatango tango ako doon.
"Sige salamat."
Ngiti ko, nanlaki ang mata niya doong nag iwas ng tingin.
"Wag kang bastang ngngiti pag nagdadrive ako, nakakagulat eh, baka mabangga pa tayo."
Sambit niya, natawa ako doon.
"Mapagbiro ka talaga."
Iling iling na sabi ko.
Sakto namang tumunog ang cellphone niya, nanay ang nakasulat doon.
"Pwedeng pakisagot?"
Tanong niya habang tutok ang mata sa kalsada, agad ko namang sinagot iyon saka iniloud speaker.
"ESENG!"
Isang matinis na sigaw ang narinig ko.
"Nay naman nalunok niyo nanaman ba iyong sound system ni mayor?"
Ngisi ni Eseng.
"Ano iyong sinasabi ni ate mo Rosing ha?! na yung dadalhin mong babae dito nabuntis mo?!"
Nanlaki ang mata ko roon at bahagyang namula saka tumingin kay Ezekiel.
"Nanay naman ang sabi ko magdadala ako ng kaibigang babae na walang matutuluyan diba? bakit niyo nirewrite? alam ba ni author yan? Alam kong gwapo ako at maraming sumusubok pumikot saakin kaya nga ingat na ingat ako. Nabuntis agad? excited naman kayo masyado, darating din tayo diyan, traffic lang."
Sambit niya, lalong uminit ang pisngi ko roon na kinalabit si Eseng at nilakihan siya ng mga mata, nginisian lang niya ako.
"Ang damo mong sinabi, Nako siguruhin mo lang Eseng! Hindi kita pinalaki para dumisgrasya lang!"
Galit na sigaw muli nitong nagpangiwi kay Ezekiel.
"Oho nay, takot ko lang mabugahan niyo ng apoy, ihanda niyo nalang ho ang kwarto ni Adelaide, gusto niya raw hong magtrabaho sa Hacienda eh, kailangan lang ng matutuluyan eh kesa naman hayaan ko lang diba."
Saad ni Ezekiel.
"Oh siya sige, umayos ka ha wag kang haharot harot kahit kanino lang, ikaw talagang bata ka. Mag iingat kayo dyan, wag kang magpatakbo ng mabilis."
Huling sambit niya, namiss ko tuloy si lola.
"Huy anong sinasabi nilang nabuntis mo ako?"
Kunot noong sabi ko nang maalala iyon.
"Eh ni hindi ko nga alam kung paano gumawa ng bata!"
Iritang sabi ko, natigilan siya doon saka natawa.
"Gusto mo turuan kita?"
Ngisi niya, blangko ko lamang siyang tinignan.
"Bakit asawa ba kita? Kahit sino siguro nilalandi mo kaya akala ng nanay mo nakabuntis ka na."
Iling iling na sabi ko.
"Grabe, friendly lang naman ako, oo lapitin ako ng mga namimikot at nanggagayuma pero hindi naman ako dumidisgrasya, hindi ako bumubundol ng kung sino sino lang."
Ngisi niya, napasimangot lang ako.
"H-Hindi ko yang kailangang malaman."
Nahihiyang sabi ko na ikinatawa nanaman niya, kanina pa talaga to tawa ng tawa!
"Pero sigurado ka ba? patutuluyin mo ako sainyo? hindi ba nakakahiya? mag hahanap nalang ako ng uupahan ko kaya?"
Tanong ko, umiling naman ito saakin.
"Wag na, sayang yung ibabayad mo sa upa, saka tatlo lang naman kami sa bahay, may isa pang bakanteng kwarto doon."
Ngiti niya, napangiti din ako doon.
"Salamat talaga, pangako babawi talaga ako."
Sambit kong ikinatango lamang niya.
"Saka ayaw mo yun palagi kang busog kapag tumira ka saamin."
Saad niyang ikinapagtaka ko.
"Bakit naman?"
Tanong ko, umiling iling itong ngumisi.
"Itinitanong pa ba iyan?"
He tsked, itinaas nito ang t shirt gamit ang isang kamay habang ang isa ay nasa manibela, nanlaki ang mata ko nang makakita ng pandesal saka agad na pumikit.
"Andito na yung ulam oh!"
Sambit niya, parang ako tuloy ang nahihiya sa pinaggagagawa niya.
"Ezekiel, ibaba mo nga iyang damit mo."
Saway ko habang nakapikit.
"Bakit ka nakapikit? nakakasilaw diba?"
Muli niyang pang aasar, mas napasimangot ako doon.
"Hindi, takot kasi ako sa ipis, eh may ganyan din yung mga ipis na nakikita ko sa bahay."
Sambit ko, I heard him exaggeratedly gasped, I just sighed.
Diyos ko, ano ba itong napasukan ko? pwede bang bumaba nalang? para kasing baliw itong lalaking ito eh baka mahawa ako. Gusto ko pa pong bumalik kay lola na matino ang takbo ng utak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top