2.3 | Unrequited: Twist of Fate
Reminders:
↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.
↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.
↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.
↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.
╔═══════════════════════╗
Unrequited: Twist of Fate
written by Rheasourus
Genre: Teen Fiction
Language: Filipino-English
╚═══════════════════════╝
i. Book Cover
Wow! Napakaganda na ng cover mo. It is very clear. Malinis na siya unlike sa mga previous covers mo. It's great. The texts are on point. The color scheme is very pleasing to the eyes. Nandoon din yung mga important points. I like the image that you used. Swak na swak siya sa kwento.
ii. Book Title
Walang changes when it comes sa title. Alam mo na naman yung opinion ko dito. May halong Fantasy ang kwento at kitang-kita naman 'yon sa prologue mo. Ngayon, hindi ko alam kung bagay ba talaga yung title sa mismong kwento. Napakamisleading kasi niya. Yung tipong akala ng mambabasa, Romance yung kwento tapos pagkabasa niya ng prologue, Fantasy pala siya. I suggest na maglagay ka ng kaunting Fantasy sa title. Mas mabuti ng ang title ang iadjust mo kaysa naman ang plot. Maganda ang plot. You just have to pick the right title na magha-hug sa kwento.
It's a bit challenging lalo na at madaming pasikot-sikot ang kwento. Tignan mo lang kung ano ba talaga ang focus ng kwento. Yung lovestory ba ni Ravi, yung transformation niya or yung magic. Then, doon mo paikutin ang title mo.
iii. Story Description
Another amazing improvement. Sobrang ganda ng description mo. You put the right details. Wala na akong masabi. It's really good.
iv. Prologue
So you named your prologue as introduksyon. Once again, napakaganda. Naipakita mo na agad yung Fantasy part ng kwento. And with that, hindi magugulat yung mga readers sa sudden change of genre. Great job! Wala talaga akong masabi. Mas nangingibabaw yung kasiyahan ko (lmao). Nakakaproud lang kahit alam kong wala naman akong masyadong naitulong sa'yo noon hahaha!
v. Characterization
Walang problema dito. Nakakaproud si Bella! Finally, conyo na siya! Hahaha! Kidding aside, your characters are fun. Relatable din sila. Just keep maintaining them.
vi. Writing Style
→ Dialogues and Narration
Unang-una sa lahat, malinis ang mga linyahan nila. Wala akong nakitang problema when it comes sa dialogue tag. Realistic naman sila.
When it comes sa narration, maayos din. Napakadetalyado. Ginagamit mo naman yung mga senses mo. I could imagine the scenes. Ang isang problema ko lang ay minsan, nakakabored ng tapusin yung isang chapter. Masyadong maraming salita.
Also, pakitanggal yung mga 'ChoUr.' Nakakasira sila sa reading experience.
→ Language
Kapag 1-10, iniispell out sila. Second place, rank one, grade nine.
Kina-capitalize din yung mga araw and brands. Monday, Science, Greenwich.
Other than those, wala na. Pulido yung bawat kabanata. Balance din ang paggamit sa dalawang lenggwahe. Hindi harsh ang transition.
→ Grammar
No problem with this one. Sa tingin ko hindi ko na kailangang sabihin na basahin kahit isang beses lang ang buong chapter bago ipublish. Ipagpatulog mo lang yung ginagawa mo.
♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡
Hi, Rhea! Welcome back, hahaha! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Medyo walang kwenta yung critic ko. Nakakaoverwhelm kasi hahaha! Ang daming nagbago sa gawa mo. You really did take your time revising it. Walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang ideyang nag-improve ka. Great job! May God bless you. Keep writing!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top