Chapter 17
Gulat na gulat ako dahil nakita ko si Brian na hinatid si Cyrah sa apartment. Gusto ko sanang lumabas para harapin ang lalaking iyon pero naisip ko si Cyrah. Ayaw ko ng gulo.
Bakit sila magkasama ng girlfriend ko? Tangina, gumaganti yata si gago. Alam kaya niya na kami ni Cyrah?
Ngumiti pa si Cyrah na parang kilig na kilig sa lokong 'yon! Bakit siya ganoon? Kamukha ko naman si Brian, ah! Ako na lang sana ang makakita ng ngiti niyang iyon.
Cyrah is for me. Only for me! Gagawin ko ang lahat para sa kanya, 'no! Kahit fictional character lang ako, marunong na akong magmahal!
Nang pumasok siya ay naroon pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Ginayuma ba siya ng lalaking 'yon? Nakakainis!
Sa sobrang saya niya eh hindi niya ako nakita sa may bintana. Ano 'yon, porket nakasama lang niya si Brian eh hindi niya na ako papansinin?!
"Hey," sabi ko sa kanya, bigla tuloy siyang nagulat dahil sa pagtawag ko.
"Oh, nandyan ka pala. Kanina ka pa ba dyan?" she asked me.
Bakit parang ayos lang sa kanya? Hindi ba siya aware na nakita ko sila ni Brian? Bakit hindi man lang siya takot sa akin?
"Oo. Kanina pa ako. Ayos ah, kasama mo si Brian," malumanay kong sabi pero naiinis na ako.
"Ah, oo. Nagkita kami sa shop kaya niyaya niya akong magkape. Sorry, hindi na kita na-text," sabi niya, binaba ang gamit sa dining table.
Hindi mo ako na-text o ayaw mo lang talaga na sabihin sa akin na magkasama kayong dalawa para hindi ko kayo mahuli?
"Baka naman sinadya mong hindi sabihin sa akin kasi alam mong magseselos ako?" I asked her.
Umupo siya sa dining at tiningnan ang ulam. Nang marinig ako ay agad niya akong tinitigan nang masama.
"Ano bang sinasabi mo? Hinatid niya lang ako kasi magdidilim na raw. That's it," naiirita siyang sabi sa akin.
"I'm offering you a lot of times na ako na ang maghahatid at sundo sa'yo, diba? Lagi mong sinasabi sa akin na hindi pwede," may inis na rin sa boses ko.
"Oo, kasi naroon si Shyna. Gusto mong makita niya tayong dalawa na magkasama? Alam mo naman na hindi pwede, e."
"The hell I care with that girl? Ang gusto ko lang naman ay ihatid at sundo ka. Anong pakialam niya, ha?" nasigaw na ako.
"Malalaman niyang totoo si Dixon sa kwento. You don't want that, right?" she told me.
Sa nangyayari ngayon, wala na akong pakialam kung malaman nila o hindi na naging tao na ako eh. Ang mas importante sa akin ngayon ay ang pagmamahalan namin ni Cyrah, iyon lang. Wala nang iba pa.
"Wala na akong pakialam kung malaman niya o ano. Ang ayaw ko lang, hinahatid o sinusundo ka ng iba. Si Brian pa talaga? Alam mo namang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Cyrah.
"Huwag mong sabihing nagseselos ka? Grabe naman! Kung alam mo lang sinabi ko sa kanya kanina. Nalungkot nga siya, e."
Ngumiti siya sa akin at pumunta na ako sa tabi niya. Inis pa rin ako sa kanilang dalawa pero gusto ko rin namang malaman kung anong pinag-usapan nila kanina.
"Hmm. Kwento mo nga," suplado ang tono ko.
"Akala ko ba galit ka sa amin? Bawal kong sabihin sa'yo 'yon! Para lang sa amin--"hindi ko na tinapos ang sinabi niya dahil hinalikan ko siya sa labi.
Gulat na gulat naman siya sa ginawa ko, ilang segundo pa bago niya ako hinalikan pabalik.
Nang humiwalay na ako sa halik ay tiningnan ko siyang masama.
"Ano? Sasabihin mo na ba kung anong pinag-usapan niyo?" suplado pa rin ang tono ko.
"Oo na, sasabihin ko na. Nangnanakaw ka pa ng halik, e!" pagrereklamo niya.
"Bakit? Ayaw mo ba?" matapang na tanong ko.
"Gusto, pero kasi--"
"Gusto mo pala, e! Tumahimik ka dyan at ituloy mo na ang kwento mo. Gusto ko na malaman kung anong sinabi ng lalaking 'yon at todo ngiti ka pa pag-uwi mo," inis kong sabi.
"Ah, wala naman siyang sinabi, ang sinabi niya lang ay gusto niya ako at--" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya.
"Tangina, gusto niyo ang isa't isa? Paano naman ako? Pinagpalit mo na ba ako sa kanya kasi totoong tao siya at ako naman ay fictional character lang?!" pagrereklamo ko. Hindi ko siya pinagsalita.
"Baliw ka ba? Hindi mo nga ako pinatapos, e. Patapusin mo muna ako para malaman mo kung anong sinagot ko!" inis na sagot niya sa akin.
Dahil sa nalaman ko, parang gusto kong malaman ang totoo na parang hindi eh. Ayaw kong masaktan. Kahit fictional character lang ako, nasasaktan ako lalo na kung tungkol kay Cyrah iyon at sa iba pang lalaki. Sa lahat ng lalaki, kamukha ko pa.
"Sige nga, continue," inis at takot ako pero gusto ko pa rin malaman.
"Sabi niya na gusto niya ako. Humihingi ulit siya ng chance sa amin," sabi ni Crah na natatawa at halata kong pinagseselos talaga ako.
"Ulit? Paanong ulit eh sila ni Shyna hindi ba? Naging kayo ba noon dati?" tanong ko.
"Hindi, iniwan niya ako sa ere eh. Si Shyna naman talaga ang una niyang pinili pero sumingit ako at umasa na magiging kami. No worries, kasalanan ko naman 'yon eh. Siya ang dahilan kung bakit kita nabuo. Siguro iyon na rin ang dahilan kung bakit kamukha mo siya. I thanked him for that," sabi niya sabay tawa pero alam ko na malungkot siya.
"Gago pala 'yon eh! Iniwan ka sa ere? Susuntukin ko 'yon kapag nagkita kami. Promise!" sabi ko pagkatapos ay tinaas ang aking kamay.
"Huwag na, kung hindi naman dahil sa kanya ay wala ka rito. Hindi kita mabubuo kung hindi niya ako sinaktan. Okay? At saka, hindi ko tinanggap yung gusto niyang mag-try ulit kami. I said I love someone else," sabi niya pagkatapos ay ngumiti.
"Did you say my name?" I asked her.
"No, but I am sure that I'm pertaining to you," she said then smiled at me.
Nawala ang selos ko, lumapit ako agad sa kanya at niyakap siya. Hinalikan ko siya sa noo. Pangako, mamahalin kita sa dulo kahit alam kong hindi ako totoo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top