Chapter 16

Masaya ako na maayos pa rin kami ni Dixon hanggang ngayon. Bumawi rin siya sa akin this week, kahit ako na lang ang nagta-trabaho sa aming dalawa ay natulong naman siya sa gawaing bahay kaya ayos na rin 'yon.

Pinakita rin niya ang mga texts sa kanya ni Shyna.  Bumili rin kami ng bagong sim card para matigil na talaga ang kahibangan ng babaeng 'yon.

From: Dixon
Pauwi ka na, kamahalan? 😂♥️

To: Dixon
Yup, why? May dadaanan lang akong shop. Do you want something?

From: Dixon
I want you. 😁

Napangiti naman ako at kinilig dahil sa nabasa ko. Hindi na ako naka-reply dahil pumasok na ako sa shop. May binili lang akong work materials, ubos na kasi.

Nang babayaran ko na ang mga 'yon ay may nakita akong isang pamilyar na mukha. Tiningnan ko ulit siya para malaman kung siya nga 'yon.

Si Brian nga. Mag-isa lang siya ngayon at nagbabayad rin sa kabilang counter. Nakita yata niya akong tumingin sa kanya kaya tumingin rin siya sa akin.

"Cyrah, right?" he asked to confirm.

"Yes," I answered then smiled.

"Glad to see you again. Kamusta ka?" sabi niya.

Ngayon ay umalis na kaming dalawa sa counter dahil may mga kasunod pa kami. Nakakahiya naman kung doon pa kami mag-kamustahan.

Lumabas na kami ng shop. Niyaya niya ako sa isang coffee shop near there para makapag-usap. Pumayag naman ako.

Nang maka-upo ay sinabi niya sa akin na siya na ang o-order para sa amin. Pumayag naman kaagad ako dahil na rin pagod ako sa work.

Nang maka-order na ay nagsimula na kaming mag-kwentuhan. Nakangiti siya sa akin na para bang okay lang ang lahat.

"So, what's up? It's been awhile. Ang dami nang nangyari," he told me.

"Yeah. Marami na nga," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nahiya ako nang maalala kung ano talaga ang kwento namin.

After ni Bobby, nakilala ko si Brian sa isang gathering. Kasama ko noon sina Amantha at Shyna. Wala pa akong problema sa ugali ni Shyna noon.

He asked me if single si Shyna. I answered him na hindi na, kaya kinuha niya ang number ko at sinabing i-update ko raw siya kapag single na ang kaibigan ko at liligawan raw niya kaagad.

Sadly, ako ang napalapit kay Brian at hindi si Shyna. He's sweet to me, everyday ay kinakamusta niya ako. Halos hindi na nga namin pinag-uusapan si Shyna kaya akala ko ay okay na kami.

Until one day, hindi na niya ako nire-replyan. Minsan, nag-rereply naman siya pero one word lang. Sabi niya sa akin noon, busy raw siya kaya hindi niya ako mai-chat.

Nalaman ko na lang na sila na ni Shyna dahil pinost nila sa Facebook na relationship status. My world broke that time. Bumalik na naman ako sa zero.

Gusto ko siyang sampalin o saktan in any form noon pero sinarili ko lang yung sakit kasi una pa lang naman, si Shyna na yung pinili niya. I was the second choice.

Natuwa lang siya sa akin kasi ako yung nandoon para sa kanya, noong available na si Shyna ay iniwan na niya ako sa ere. Siguro nga, nabuhay ako sa mundo para ma-ghost at hindi bigyan ng label.

Dahil roon, naisulat ko ang Dixon's Tragedy. Hindi ko naman akalain na magiging totoo si Dixon,e.Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ngayon.

"You okay?" he asked me.

Ngumiti ako pabalik nang ma-realize na may sinasabi pala siya sa akin. Hala! Kanina pa kaya niya ako kini-kwentuhan?

"Sorry, may iniisip lang. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Shit, I'm not paying attention!

"Sabi ko, wala na kami ni Shyna. I broke up with her because of third party. Actually, kamukha ko nga siya. Natatawa na lang ako kay Shyna eh. Magpapalit na lang, sa kamukha ko pa!" sabi niya habang natatawa pagkatapos ay humigop ng kanyang kape.

I'm sure that it's Dixon. Maybe yun yung time na umuwi siya sa apartment ko at sugatan ang mukha.

"Oh, hindi ko na kinakausap si Shyna, e. Busy na kami parehas kaya wala akong alam na wala na kayo," pagsisinungaling ko sa kanya.

"If I can turn back time, sana ikaw na lang talaga ang pinili ko. Mali na siya ang nagustuhan ko. Nandoon ka na eh, you're ready to--" I stopped him.

"Kalimutan na natin 'yon, Brian. It's all in the past. Saka, moved on na ako sa panggo-ghost mo sa akin 'no!" sabi ko sabay tawa.

"Hoy, hindi 'no! Naging busy lang talaga ako sa mga trabaho ko kaya hindi kita nare-replyan noon!" depensa pa niya.

Palusot ka pang hayop ka. Buti na lang at writer ako kaya doon ko na-release ang lahat ng galit ko sayo. Kung alam mo lang, gusto na kitang pugutan ng ulo.

"Busy sa pag-reply kay Shyna 'no? Naku, aminin mo na! Okay naman na ako, e. Ngayon nga, tinatawanan ko na lang 'yon kapag naiisip ko," sabi ko sabay tawa ulit.

"Hay, sorry talaga. Hindi ko alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa akin noon. Tangina, ang sama kong tao," umamin na siya.

"Ayos lang. Si Shyna naman talaga ang pinili mo una pa lang. Siniksik ko lang ang sarili ko noon sayo kaya ako talaga ang may kasalanan," sabi ko sabay inom ng kape ko.

"Can I ask you one thing?"

"What is it? Go lang," sabi ko, iniinom pa rin ang kape ko.

"Do we still have a chance of being together? I promise that I won't waste it this time!"

Halos nabuga ko ang kape ko nang marinig ko ang tanong niya. Hindi ko alam kung trip na naman ba ako nito dahil wala na naman siyang choice.

Ang landi mo naman, Brian. Hindi mo ba kayang mag-isa? Move on rin kapag may time! Gagawin mo pa akong rebound e.

"Wala na. I love someone else, Brian. I'm sorry," I smiled but that was fake.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top