Chapter 15

Dahil nga may trabaho na si Dixon ay naisipan ko na puntahan siya doon sa The 1985. Hindi ko sinabi na pupunta ako dahil gusto ko siyang masorpresa. Maaga kasi ang uwi ko ngayon mula sa trabaho kaya naisipan ko na dumaan muna roon bago umuwi. Siguro, sabay na rin kaming uuwi. Gusto kong hintayin siya mag-out sa work.

Masaya akong pumasok sa restaurant area ng nasabing bar. Ang daming tao kahit maaga pa lang.

Nang makita ko ang isang waiter ay agad kong tinanong kung nakita ba niya si Dixon.

"Nasaan po si..Dixon?"

"Ah, may kausap na customer roon," tinuro niya ito at agad akong ngumiti.

"Salamat!"

Nakita ko ngang may kausap si Dixon na babae. Noong papalapit na ako ay parang pamilyar ang boses na iyon.

"Saglit lang naman, Dixon! I mean.. Can we just go back to what we really are?" sabi noong babae na medyo lasing na.

"Hindi na pwede. May girlfriend na ako at hindi kita gusto. Okay Shyna?" sagot naman ni Dixon sa kanya.

"Kahit kailan ba hindi mo ako ginusto?" she asked.

Nakatayo lang ako malapit sa kanila. Hindi naman nila ako kita dahil marami rin ang tao. Buti na lang.

Hindi na nakasagot si Dixon dahil agad siyang hinalikan ni Shyna sa labi. Alam kong si Shyna ang may kasalanan 'non pero hindi ko maiwasan ang magselos.

Akala ko ay masosorpresa ko siya, siya pala ang sosorpresa sa akin. Ang sakit sa dibdib kahit alam kong hindi niya ginusto ang ginawa sa kanya ni Shyna.

Hindi ako nakatulog dahil sa nakita ko. Kahit pa sabihin na pagod ako sa trabaho ay lumilipad pa rin ang isip ko dahil sa nakita.

Pinili ko na lang magsulat sa may dining area noong bagong kwento ko. Iniisip kong dahil inlove ako, baka hindi ko na lang patayin ang bida 'non. Wow, first time!

Inaantok na ako nang biglang may kumaluskos sa may pinto ng apartment. Agad kong pinuntahan 'yon, si Dixon siguro.

Hindi na ako nagulat nang makita si Dixon. Ngumiti siya sa akin at hahalikan sana ako pero umuwas agad ako sa kanya.

Laking gulat naman niya na hindi ko siya pinayagang makahalik sa akin. Agad niyang nilapag ang kanyang gamit sa sofa at pinuntahan ako sa dining table.

"Bakit? May ginawa ba akong masama?" Aba, may balak pa yata siyang magsinungaling ah?!

"Wala," maikling sagot ko pagkatapos ay bumalik na sa aking ginagawa.

Agad siyang pumunta sa akin. Binabasa ang mukha ko, clueless pa rin kung bakit ganoon ako umasta sa kanya.

"Galit ka ba?" He asked.

"Hindi ah. Kumain ka na ba?" I asked back.

Sa totoo lang, inis na inis ako sa kanya ngayon at gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Alam ko kasing hindi naman niya 'yon gusto, pero nagseselos pa rin ako!

Ano na Dixon? Sabihin mo na sa akin ngayon ang ginawa sayo ni Shyna. Sana naman, i-kwento mo kasi masakit sa puso eh.

"Hindi ako gutom. Kumain na ako sa restaurant kanina bago ko umuwi. Bakit gising ka pa?" he asked again.

Gising ako dahil gusto kitang awayin pero putangina, bakit hindi ko magawa?!

"Wala. Busy ako sa sinusulat ko, e. Hindi pa nga ako nakain. Nakalimutan ko kasi," sagot ko, hindi ko pa rin siya nililingon ngayon.

"Halika. Kumain tayo kung gusto mo--" hindi na natapos ang sasabihin niya dahil sumagot kaagad ako.

"Ask Shyna kung gusto ka niyang sabayan sa pagkain. Ako, okay na ako," ngumiti ako sarcastically.

Hindi ko na tuloy napigilan na hindi sabihin sa kanya 'yon. Tangina naman kasi, bakit ka ba nagseselos Cyrah?!

"Shyna? What about her?" nagkukunwari pa rin siyang inosente.

"Shyna? What about her?" ginaya ko ang sinabi niya sa nakakainis na tono.

"Hey. Are you there awhile ago? Bakit alam mong--" hindi ko na siya pinatapos.

"Hell,yes! Ano? Masarap ba ang mga labi ni Shyna kaya binalikan mo?! Akala ko ba, iiwasan mo siya at hindi kayo magkikita roon?!" sumabog na ako dahil hindi na kaya ng damdamin ko ang lahat.

Fuck. Hindi dapat ako nagseselos e. Hindi ko dapat sinasabi 'to kasi fictional character ko lang naman siya. Nababaliw na siguro talaga ako.

"Hindi ko ginusto na halikan niya ako. Bigla na lang niya akong hinalikan, hindi ko napigilan. Don't worry because I didn't kissed her back," malumanay niyang sabi.

"Ilang beses na 'yon? Ilang beses mo na siyang nakikita roon?" I asked him.

"Yung pagkikita, apat na. Yung halik..dalawa."

Doon mas lalong sumakit ang puso ko. Dalawang beses na pero hindi man lang niya sinabi sa akin? How could he do that?!

"Dalawa na pala, e. Bakit ngayon ko lang nalaman?! Sana man lang sinabi mo para aware ako sa nangyayari sayo!Kung hindi pa ako pumunta roon eh hindi ko pa malalaman!" sigaw ko sa kanya, wala kong pakialam kung magising ko si Aira.

"Simple, I don't want you to be like that. Ayaw kong makita na galit ka sa akin. Hindi ko kaya 'yon," mahina na sabi niya pero sapat na para marinig ko.

"Sa tingin mo, hindi ako galit ngayon? Parehas lang 'yon e! Pinatagal mo lang!" sigaw ko ulit.

Nakatingin lang siya sa akin ngayon. He really feels sorry for what he has done. Alam ko naman iyon, it's just..

"If you want, aalis na ako sa trabaho ko para hindi na kami magkita ni Shyna," sabi niya na nakatingin pa rin sa akin.

Ganoon ba niya ako kamahal na kaya niyang ipagpalit ang trabaho niya for me? It was a dream for him, ang mabuhay nang normal.

"You'll do that? Really?" hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon niya.

"Yep, if that will make you happy. I'll do it, ayaw ko lang na nag-aaway tayong dalawa. Okay?" he assured me.

Sinara ko na ang aking laptop at tinuon ko na ang tingin ko sa kanya. I smiled at him, nabura lahat ng worries ko kanina.

"I love you. I'm sorry if I didn't tell you that."

"Sabihin mo na sa akin next time, okay? I love you. Sorry rin na nagselos ako." I kissed him on his lips.











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top