Chapter 12
Sa totoo niyan, alam ko naman ang ginagawa ko. I just act like I don't. I'm falling inlove with my author. Sadly, hindi ko kayang sabihin iyon na walang alak kaya lagi akong umiinom para dagdag ng lakas ng loob.
Hindi kami pwedeng magmahalan. This is all temporary, mawawala rin ang lahat ng ito kaya hindi ko pwedeng pairalin ang feelings ko.
Narito ako para patayin siya. Kapag nawala na siya, magiging ganap na tao na ako. That's the rule, I have to kill thy author. Isa lang ang mabubuhay sa amin, hindi ako sure kung gugustuhin ko pang mangyari iyon dahil inlove na ako sa kanya ngayon.
Kaya nga pinipilit ko ang sarili ko na lumayo at sumama lagi kay Shyna ngayong mga nakaraang araw, gusto ko kasing kalimutan si Cyrah at ang feelings na nabubuo ko para sa kanya.
Lihim ko ring nilalandi si Shyna, wala na raw kasi sila ni Brian, e. Ka-text ko siya ngayon, wala kasi silang pasok sa office.
To: Shyna
Good morning, my lady! Ingat ka today. Wavyu. ♥️
From: Shyna
Wavyutoo.♥️ Wala naman akong pasok, dito lang ako sa bahay. Okay lang kung hindi ako mag-ingat. Hihi.
To: Shyna
Ingat ka pa rin kasi papakasalan pa kita, e.😘
From: Shyna
Kasal agad? Hindi pa nga tayo. Haha. Ligawan mo muna kaya ako. 😂
To: Shyna
Hindi pa ba ligaw sa'yo to? Ilang araw na nga kitang nilalandi, e.♥️😂
Nag-usap pa kaming dalawa. Sinabi niya sa akin na gusto niya na akong makasama, hindi ko alam ang sasabihin ko.
Noong una, may gusto ako sa kanya eh. Kaso, nadevelop ako kay Cyrah. Ginagamit ko na lang tuloy siya.
Kailangan kong magpaalam kay Cyrah at sabihin sa kanya na magsasama na kami ni Shyna. This is one of my ways para mawala ang feelings ko para sa author ko.
Nakaupo siya sa dining area habang may tina-type sa kanyang laptop. Nagsusulat na naman yata siya ng papatayin, e.
Lumapit ako sa kanya, umupo ako roon habang nakatingin sa laptop ng screen. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Bakit? Anong kailangan mo?" she asked me.
Ikaw. Ikaw ang kailangan ko, Cyrah pero hindi tayo pwede eh. Sana ramdam mong mahal kita kahit di ko sinasabi.
"Wala naman. May bago ka na naman bang papatayin? Papalitan mo na agad ako?" I asked.
"Yeah, sana lang ay hindi siya mabuhay katulad mo," she chuckled.
Of course not, hindi na sila mabubuhay katulad ko. Ayaw ko nga na may kaagaw ako sa author ko.
"Tama na 'yan. Bigyan mo na lang ako ng time, author. Pwede ba?" sabi ko.
Natigil naman siya, nagulat yata sa nasabi ko. Medyo cheesy ang pagkakasabi ko 'non ah? Sana'y di siya nakahalata.
"I know you are going to tell me something. I know you very well. Ano iyon?" nagtataka pa rin siguro siya sa pagtitig ko sa kanya.
"Cyrah, ano kasi.."
Hindi kita kayang saktan Cyrah. Ayaw ko gawin 'to, pero kailangan e. Mahal kita, ha?
"What? Dalian mo, nageusulat ako e. Kailangan mo ba ng load pang-text kay Shyna?" irita na siya sa akin.
I don't want that look. Naiinis ako sa sarili ko na naiinis siya sa akin. Paano pa kaya yung galit? Baka umiyak na lang ako nang tahimik.
"No, not that. But it is about her, though. Pwede mo bang patayin muna ang laptop mo at mag-focus ka muna sa akin?" hiling ko sa kanya.
"Sure," sinara niya muna ang laptop niya pagkatapos ay tumingin nang seryoso sa akin. "Ano iyon?"
"Cyrah, Shyna and I are planning to live together," I said on a serious tone.
Halatang hindi niya ine-expect na 'yon ang sasabihin ko. Hindi naman talaga iyon ang sasabihin ko, e.
"What?! How come na 'yon ang desisyon niyo? Are you in a relationship?" may inis na tono niyang sagot sa akin.
"Nilalandi ko siya, nilalandi niya ako but we're--" naputol ang sasabihin ko dahil sumagot ulit siya.
"You promised me, Dixon! Sabi mo, hindi mo na siya liligawan kaya pumayag ako sa gusto mong maging malapit kayo sa isa't isa!" nasigaw na siya.
Buti na lang at nasa school si Aira, pwede kaming mag-bangayan ngayon.
"Promises made to be broken, I guess. I'm falling inlove with--"
"Bullshit! Anong nangyari sayo, Dixon? Nangako ka na eh, sabi mo hindi mo gagawin! Tanginang pagmamahal 'yan!" sigaw ulit niya.
Ngayon ay nakatayo na siya, nasakit na yata ang ulo niya dahil sa sinabi ko. I'm sorry, Cyrah. I love you. I need to kill you. Hindi ko magagawa 'yon kung mahal na kita.
"Sorry. Bibisita pa rin naman ako rito kung--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko.
"Fuck you! I won't let you go back here. Oras na umalis ka sa apartment ko ay hindi ka na babalik. Iba ang plano natin, alam mo 'yan. Ikukuha kita ng apartment pero hindi ko sinabing kay Shyna!"
"Ano bang paki mo sa mga desisyon ko? Ito nararamdaman ko, e. Let me feel this! Hindi naman porket ikaw ang gumawa sa akin, may karapatan ka na ibahin ang mga gusto ko!" napakagat ako sa labi ko noong sinabi ko iyon.
Hindi ko gusto mga sinasabi ko. Fuck this situation! Ang hirap, ang hirap na hindi tayo pwede!
"Ah, I get it. Alam ko na. Totoo naman, I agree with that. Ako lang ang gumawa sayo pero wala akong karapatan. Siguro si Shyna, meron?" malungkot ang mga mata niya pero seryoso siya at galit.
"Yes," maikli kong sagot.
"Well,kapag lumabas ka dyan sa pinto eh huwag na huwag ka nang babalik dito. I hope you'll live well with her," sabi niya pagkatapos ay seryosong pumasok sa kwarto niya.
Wala akong nagawa, niligpit ko na ang mga gamit ko. Nagpasundo ako kay Shyna malapit sa The 1985.
Habang nasa byahe, iniisip ko pa rin si Cyrah. Gusto kong pawiin ang lungkot niya pero hindi naman pwede. Una sa lahat, ako may gawa noon eh. Wala akong karapatan sa kanya. Tama nga sigurong lumayo na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top