Chapter 11

Ilang araw na rin ang nakakalipas nang maging okay na ulit kami ni Dixon. Wala naman na sa akin iyon. Pinayagan ko na rin siyang makipag-kaibigan kay Shyna dahil friends lang naman raw, hindi niya liligawan.

Isang gabi, nakita kong lasing na naman siya. Pumasok siya sa kwarto ko na pagewang-gewang.

"Cyrah, I'm home!" masaya niyang sabi.

Namumula siya sa sobrang kalasingan. Sinisinok pa. Malakas ba siyang uminom sa story ko? Hindi ko na maalala.

"Oh, saan ka na naman galing niyan? Ikaw ah, napapadalas na ang labas niyo ni Shyna ngayon," sabi ko, habang may binabasang libro.

"Just having fun, Cyrah," nakangiti niyang sabi.

Nagiging bad influence na si Shyna sa kanya, I can see it. Sa tingin ko, kailangan ko siyang pigilan kasi hindi naman siya ganap na tao.

"Sige, humiga ka muna at pupunasan ulit kita ng towel. Kaya mo bang magtanggal ng damit?" I asked.

"Yes, Ma'am!" masigla niyang sabi nang makahiga na sa kama ko.

Umalis na ako sa kama at pumunta sa kitchen sink para kuhanan siya ng malamig na tubig at nilagay iyon sa basin.

Laking gulat ko na lang nang makita na tulog na siya at hindi man lang tinanggal ang damit niya.

"Tss. Kaya raw niyang magtanggal ng damit. Oo, kaya nga niya.. Kaya niyang matulog!" bulong ko pagkatapos ay pumunta na ako sa kama.

Pinunasan ko na ang mukha at braso niya. Napangiti ako kasi ibang-iba ang itsura niya kapag hindi lasing. Ewan ko, ang cute niya kasi ngayon habang natutulog.

"Cyrah, can you love me?" sabi niya, nakapikit pa rin sa akin ngayon pero nakahawak siya sa mga kamay ko.

Naestatwa ako dahil sa tanong niya. Iyan na naman siya sa mga lasing moments niya. Utang na loob Dixon, huwag mo na akong hahalikan.

"Hmm. Cyrah,I'm waiting! Can you love me?" he asked again, nakatingin na siya sa akin ngayon.

"No," maikli kong sabi.

Ayaw kong mainlove sa kanya. Fictional character lang siya, e. Baka mamaya ay bumalik siya sa kwento ko tapos iiwan niya na ako rito. No way!

"Why not? I'm handsome! You made me, Cyrah! Dapat mahal mo ako kasi ikaw gumawa sa akin e," sabi niya.

"Mahal naman kita, hindi lang gaya ng iba kong characters. Mas mahal ko si Lacson," pagsisinungaling ko.

"Lacson is nothing compared to me! Wala namang binatbat iyon eh, buti na lang at pinatay mo siya. I hate him," inis niyang sabi.

Actually, tama siya. Iba talaga ang feeling ko noong sinulat ko ang story niya. Inspired kasi iyon sa lihim kong pagtingin kay Brian, e.

"Oh, sige na. Itulog mo na lang 'yan. Okay? Ibabalik ko na 'tong basin sa sink. Sleep well," sabi ko.

Nang makabalik ay nakita kong tulog na siya. Dahil sikip kami last time ay sa kutson na lang sana ako matutulog.

"Sleep beside me, Cyrah. Please?" mahina niyang sabi, nakapikit siya nang sinabi niya iyon.

"Huwag na, hindi-"

"Please?" he asked me again.

Nakita ko na lang ang sarili ko sa tabi ni Dixon. Umisod siya at pinilit kaming magkasyang dalawa.

Nang magising ako ay nilutuan ko na agad siya. Kailangan ko siyang pagsilbihan bago ko sabihin na bawas-bawasan ang pakikipagkita kay Shyna.

Nang magising na siya ay masaya akong nag-alok ng pagkain. He stared at me at parang tinitingnan kung anong mali.

"May kasalanan ka ba sa akin? Bakit ang bait mo naman yata masyado?" he asked.

"Wala. Maganda lang ang gising ko. Gusto lang kitang lutuan. Masama ba iyon?" sagot ko.

"Hindi naman. May kasalanan ba ako sayo?" he asked again, parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Wala nga. Kumain ka na lang muna dyan at may pag-uusapan tayo mamaya," sagot ko at kumuha na rin akong plato ko para sabayan siya sa pagkain.

Sana lang talaga ay pumayag siya sa gusto ko. Hindi naman siya titigil sa pakikipag-kaibigan ni Shyna, babawasan niya lang.

"I see, kaya mo ako pinakain ng ganito kasi may  pag-uusapan tayo. What's it?" sabi niya na nakatingin sa akin noong makaupo na ako.

"Hindi naman, gusto lang kitang kausapin tungkol sa isang bagay," nahihiya kong sabi.

"Ano iyon?" he asked again.

"Bawas-bawasan mo sana ang pakikipagkita kay Shyna. Hindi ka naman titigil, babawasan mo lang. Okay lang ba sayo?" sabi ko.

"Bakit ko babawasan? May nangyari ba? May sinumbong ba siyang ginawa ko kagabi?" tanong niya.

"Wala. Lagi ka na lang kasing lasing. Nakakasama na sayo, e."

"Then, I won't. Okay na iyon, I'm just having fun lang naman. Saka, hindi ko hahayaan na malaman niyang hindi ako tao. Our secret is safe. Okay?" sagot niya.

"Hindi naman iyon ang concern ko, ayaw ko lang na uuwi ka sa akin na sobrang lasing na," malungkot kong sabi.

"Bakit? May ginagawa ba akong masama kapag lasing na ako? Tell me para maiwasan ko na next time," he said then smiled.

Dixon naman kasi, nahuhulog na ako e. Kapag lasing ka, lagi kang sweet pero kapag hindi ka lasing, parang wala lang ako sayo. Gulong-gulo na ako e.

"Wala naman. Sige na, kumain ka na. Mag-iingat ka na lang sa bawat paglabas mo with her. Ibang klase ang babaeng 'yan e," malungkot pa rin ako.

"Nawawalan na ba ako ng time para sa author ko? Nagseselos ka ba kay Shyna?" he asked.

Agad na namula ang mukha ko kaya agad akong yumuko para hindi niya makita. Fuck. Am I blushing?

"No," maikli kong sagot, hindi pa rin makatingin sa kanya.

"Cyrah, I may be friends with her but you'll always be my top priority. Don't get jealous because you have all of me. Sayo ako Cyrah. Sayo lang," he told me pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.

Ramdam kong nakatingin siya sa akin  ngayon. I don't want to look back dahil kinikilig ako sa sinabi niya.

Yes, I have all of you dahil ako ang may gawa sayo. That's it, nothing more and nothing less. Bakit ka ba kasi dumating sa buhay ko Dixon? Now, I'm really confused.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top