Chapter 10

Ilang araw na ang nakalipas nang malaman ni Cyrah ang ginawa kong kalokohan sa kanya. Sa akin naman, ayos lang na hindi niya ako kausapin. Kasalanan ko naman kasi iyon, e. Tanggap ko.

Narito na agad si Aira sa apartment dahil half day lang siya sa school. Hindi naman kami close kaya wala kaming pakialamanan rito sa bahay pero minsan ay naiisip ko kung ano bang tingin niya sa akin? Para na lang kasi akong kabuti na dumating sa buhay nila ng ate niya e.

Nakaupo ako sa sofa nang biglang dumating ang isang lalaki. Hindi ko siya kilala, nabigla rin siya na nakita niya ako sa loob ng apartment.

May boyfriend ba si Cyrah? Ang pagkakaalam ko kasi ay wala. Kung ito man iyon, hindi sila bagay ng author ko. Ang pangit niya, mas bagay pa kami ni Cyrah kung tutuusin.

"Basty," mahinang sabi ni Aira.

Basty? Her ex-boyfriend? Narinig ko na iyon sa kanila ng ate niya noong isang araw eh. Bakit narito ang tukmol na iyan? I heard may girlfriend na siyang bago kaya iniwan niya si Aira kahit five years na sila. What an asshole.

"Wow! Kaya ba ayos lang sa iyo na hindi kita kinakausap eh dahil rito sa lalaking ito? Ayos ah," mayabang na sabi agad nung Basty.

The nerve of this guy. Siya na nga itong nang-iwan at nanloko kay Aira eh ang lakas pang mambintang! Ang kapal ng mukha ng mukha na magalit, e. Lumipat sana ang etits mo sa mukha para matuto ka.

"Basty, is not what you think it is. I will--" hindi na natapos ni Aira ang sasabihin niya dahil sinuntok na agad ako ni Basty sa may sofa.

"What the fuck? Pare, hindi ko gusto ang ex-girlfriend mo. Okay?! Girlfriend ko ang ate niya, si Cyrah! Dito ako nakatira!" sigaw ko pa sa kanya para itigil na niya ang pagsuntok sa akin.

"Magsisinungaling pa kayo ni Aira eh kitang-kita ko na kayong dalawa. Kilala ko si Ate Cyrah, she has no boyfriend kaya alam kong niloloko niyo lang ako!" sigaw naman ni Basty at sinuntok ulit ako.

Sa rami ng suntok niya sa akin, hindi ako nakaganti. Hindi ko nga alam kung bakit tumama iyon sa akin eh hindi naman ako nasaktan noon kay Brian. May magic yata 'tong si Basty eh, baka nagkatotoo yung etits niya sa mukha at ngayon ay natubo na kaya may power na siya.

"Huwag na huwag ko na makikita ang mukha mo rito, ha?! Sinasabi ko sa'yo, hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin," galit na sabi niya pagkatapos ay binato sa akin ang dala niyang roses at chocolates bago umalis.

Hell, that was a fight. Puro sugat ang gwapo kong mukha! Bakit kaya tumama sa akin iyon? Confident pa naman ako na hindi kaya umupo lang ako kahit galit na galit na siya sa akin. Haynaku, kapag nakita ko siya ulit ay kahit wala pa siyang sinasabi ay tatanggalan ko na agad siya ng buhay! Humanda siya sa akin.

"Shit! I'll call ate, okay? Hold on, Dixon! Sorry talaga, hindi ko naman alam na pupunta siya sa akin ngayon," sabi ni Aira pagkatapos ng lahat ng tinamo ko.

"Huwag na. Nasa work siya, busy. Ayaw ko naman na magulo ko siya sa trabaho dahil sa inaway lang ako ni Basty. This is nothing, gagamutin ko na lang ang sarili ko. Don't ever call her," seryoso kong sabi.

"No! Mapapagalitan niya ako kapag nalaman niyang dahil sa akin 'yan. Ayaw kong malagot kaya sabihin na lang natin agad. Please?" pagmamakaawa pa sa akin ni Aira.

"Hmm. No. I can manage. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa ate mo kung ano talaga ang nangyari. Wala kang kasalanan, kasalanan 'to ni Basty lahat. Okay? Chill ka lang dyan," sabi ko pagkatapos ay pumunta sa refrigerator para kumuha ng yelo at ilagay iyon sa tuwalya.

Dahil inis pa rin ako kay Basty ay nagpalamig muna ako sa labas. Si Aira, shocked pa rin sa nangyari kanina. Gusto niya akong tulungan sa mga sugat ko pero I refused.

 Iisipin ko na lang na kabayaran 'to sa pakikipagkita ko kay Shyna noong isang gabi. Hindi kasi ako sinaktan ni Cyrah noon, e. Umiyak lang siya sa harapan ko, ewan kung bakit. Akala ko nga ay sasampalin niya ako o papaalisin rito pero umiyak lang siya tapos nagtalukbong ng kumot. After noon, hindi na niya ako pinansin.

After an hour, nakita ko na lang siyang tumatakbo sa akin. Ginagamot ko pa rin ng yelo ang mga sugat ko sa mukha. Seryoso akong tumingin sa kanya pagkatapos alalang-alala naman ang mukha niya na tiningnan agad ang mga sugat ko.

"Aira told me about it. Akala ko ba ay hindi katatamaan dahil hindi ka pa ganap na tao? Hindi ka naman napuruhan kay Brian, ah. Bakit pagdating kay Basty eh hindi mo naiwasan?" tanong niya sa akin.

"Sinabi ko na kay Aira na huwag sabihin sa iyo, sinabi pa rin pala. Well, hindi ko rin alam. Kanina ko pa rin iniisip kung bakit hindi ko naiwasan. Sugat-sugat tuloy ang mukha ko," sabi ko.

"Hindi na lang sana ako pumasok, nandito sana ako para protektahan ka. I think it's my duty, I'm the one who created you," malungkot ang tono ng boses niya.

"Damn, right! Alam ko na kung bakit natamaan ako kanina, Cyrah. It is because my creator is not around to protect me. Diba sabi ko sa'yo noong unang gabi na nagkakailala tayo, kung nasaan ka ay naroon ako," masaya kong sabi sa kanya.

"Hmm, ganoon ba iyon? So, ano? Bubuntot ka na sa akin parati?"she said then chuckled.

"Maybe. Hayaan mo na, kaya ko na 'to. Ginawa mo lang naman ako pero hindi mo naman ako baby," sabi ko pa.

Hindi siya sumagot, nagulat yata sa sinabi ko. May masama ba sa sinabi ko? Anak naman ang tinutukoy ko ah, meron pa bang ibang meaning 'yon?! Tumingin tuloy ako sa kanya ulit, kaso hindi niya ako tiningnan pabalik eh. May dumi yata siya sa mukha kaya nahiya.

"Halika na sa loob, gagamutin ko na 'yang sugat mo. Hindi 'yan pwedeng basta yelo lang."

"Talaga? Gagamutin mo ang sugat ko?" tanong ko sa kanya, hindi ako makapaniwala, e.

"Oo. Ayaw mo ba?" mataray na tanong niya sa akin.

"Gusto ko, syempre! Pero may tanong lang ako, bati na ba tayo Cyrah?" kinakabahan ako pero tinanong ko pa rin siya.

"Maybe," she answered back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top