Chapter Two

Chapter Two

Tinitigan ko ang picture namin ni Mishka. Siya lang ang kaibigan ko. I mean, may mga naging kaibigan naman ako sa previous schools na pinasukan ko pero iba si Mishka. Siya lang 'yong taong nakakaintindi sa akin but we separate our ways when we moved here last 2016.

I heard a knock at my door kaya nabaling doon ang atensiyon ko. Ibinalik ko ang picture frame sa table ko at pumunta sa pintuan.

I saw my maid holding a tray... again. I sighed for the third time. Sinabi ko na kanina sa kaniya na ayoko pang kumain pero kada isang oras ang nakalipas ay babalik siya dito at dala-dala pa rin ang tray na hawak niya kanina.

"Ya, I already told you na ayoko pa kumain-"

"Masama ang nagpapalipas ng pagkain, hija."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero kalaunan ay kinuha ko pa rin ang tray sa kamay niya. I motioned her to leave my door para ma-lock ko na at agad niya naman iyong sinunod.

She's our mayordoma here in our house. I think she's 45 something? Matagal ko na rin siyang kilala at lahat nang mga sinasabi niya sa akin ay malaman. She's even one of the trusted person that I know. Simula bata pa lang ata ako ay katulong na siya sa amin.

Tinitigan ko ang tray na dinala niya at puro iyon pagkain na paborito ko. Wala pa rin akong ganang kumain kahit paborito ko na ang nakahain sa harapan ko.

Humiga ako sa kama ko at napalingon ako sa table ko kung saan nandoon yung papel na may lamang threat na para sa akin. Sanay na ako sa ganoon. Halos linggo-linggo ata ay may natatanggap akong gano'n pero at the end lahat sila nakukulong dahil sa impluwensiya ng magulang ko.

I can't blame them, really. Marami nang napapatay ang magulang ko dahil sa pagtangkang pagpatay sa akin at sa kanila. I tried to stop them from their wrong doings pero sino ba naman ako para sundin nila?

I opened my phone and I saw a lot of messages. Yung iba ay galing sa mga friends ko when I'm in college but I don't know if tama bang tawagin ko silang friends because I know they just befriended me as a reason of my family's influence.

I am so bored and I don't know what to do, bawal naman si Zach dahil alam kong busy siya ngayon kay Lorry para alagaan and I'm not that obsess with him para ayain siya magkita ngayon.

I typed my cousin's number at agad nilagay ang phone sa tainga. Ring lang ito nang ring kaya nag-umpisa akong mairita. I was about to end the call when he answered it.

"Hey, why did you call? Problem?"

I rolled my eyes kahit alam kong hindi niya iyon nakikita, "I'm so bored here. I want to buy stuff. Can you go with me?"

Ilang segundo din siyang hindi nagsalita kaya akala ko napatay ko but it's still ongoing, "Mike?"

"Uh yes yes, nagpaalam lang ako kay Queny. I'll be there in a min."

He ended the call kaya pumunta ako sa closet ko para maghanap ng damit. I'm close with his girlfriend, Queny, but she's in Taiwan right now kaya hindi na ako nag-abalang tawagan pa siya para samahan ako.

I immediately went to the bathroom and took a bath. Nang matapos ako ay tinitigan kong muli ang damit na kinuha ko kanina sa closet ko. It's a skirt and I pair it with a tank top and flannel. Mabilis ko itong sinuot dahil alam kong any moment ay maririnig ko na ang sasakyan ni Mike.

I dialed Zach's number para magpaalam dito at nakakatatlong ring palang nang sagutin niya ito.

"Hi babe, how are you?"

"I miss you agad... but I called you because I'll go to the mall together with Mike. Is that okay?"

"Hmm, yes babe. Ano pala gagawin niyo doon?"

"I'll buy stuff for me and do you want something ba?"

"No Sav, take care okay? I love you."

"I love you more, Zachy."

I'm the one who ended the call. Ganoon naman talaga ang gusto niya dati palang. Ayaw niyang siya ang unang nagbababa ng tawag dahil tingin niya ay disrespectful iyon for me. But I think that's pretty okay if you're in a hurry thou.

I heard a car engine outside of my window kaya sumilip ako para kumpirmahin kung si Mike ba iyon. Agad kong kinuha ang bag sa table ko at bumaba ng hagdan namin.

Nakasalubong ko pa si Aling Lorna sa sala na mabilis namang tumango nang daanan ko siya. I didn't bother to look at her or tell her where I'm heading. She knows that when I'm dressed up, Zach is there or Mike is waiting for me.

Agad kong nakita si Mike sa labas ng gate namin. Ibinaba niya ang shades na suot niya kaya kumunot ang noo ko, "What's with the shades? Wala namang araw?"

"Tss. Get in the car. Susunduin ko pa si Queny."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Uuwi na siya?"

"Yes, kaya bilisan mo bumili ng gamit mo."

I smiled with that. Mas gusto ko kasing kasama si Queny kesa sa kaniya kapag namamasyal kami. I mean yes, girls talk and stuff, 'pag si Mike ang kasama ko ay hindi siya nagsasalita at hinihintay lang akong mabili lahat nang gusto ko.

Akmang papasok na ako sa kotse ni Mike nang makita ko ang kotse sa likuran niya. I folded my arms at pinababa ang driver namin sa loob, "Ano po iyon ma'am Savitri?"

"I'm okay. I don't need a guard while I'm enjoying outside, okay?"

"Pero magagalit po ang—"

"Ako na ang bahala kay mom, just... don't follow me. I'm safe with Mike."

Hindi ko na hinintay ang susunod pa nitong sasabihin at agad akong sumakay sa kotse ni Mike. I put on my seatbelt at taka ko siyang tinignan nang 'di niya binubuksan ang makina.

"Let's go?"

Ngumisi muna siya bago ito buksan kaya kinunutan ko siya ng noo, "Anong problema mo?"

"Galit na galit ka talaga sa mga guard mo 'no?"

Umismid ako dahil sa sinabi niya, "Natural. Wala na silang ginawa kundi ang sundan ako kahit saan."

"But it's Tita—"

"Stop talking, Mike. Just drive."

Bumungisngis lang ito dahil sa sinabi ko na hindi ko na inabala pang pansinin. I roamed my eyes around his car. Malinis. Buti naman at walang kung anu-ano akong nakikita.

"Need to clean. Susunduin ko si Queny mamaya, eh. Baka may gawin din—"

"Ang halay mo."

Ngumiti lang siya sa sinabi ko pero ako ay ganoon pa rin ang mukha. Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa mall. Everyone looked at us when I stepped my feet on the ground. Ganito ang ayaw ni mom kaya hindi niya ako hinahayaang lumabas ng walang kasama.

I'm a Khan. Yes, I get it. I always get it.

Ako lang ang anak nila kaya alam kong pinoprotektahan lang nila ako pero... hindi ito ang gusto ko. Gusto kong mabuhay katulad nang mga ibang babae ngayon. They can go wherever na walang kasamang guard.

Bata palang ako ay sinasabi na sa akin ni mom na hindi dapat ako kumaibigan ng mga tao. She said that they might betray me which is fifty percent fact.

"Lapit ka rito. Baka may biglang kumuha sa'yo diyan."

"Dami namang tao rito, Mike."

"That's my point. Baka sa dami ng tao bigla kang mawala sa paningin ko."

I just mimicked what he said at lumapit na nga sa kaniya. Kahit saan ako lumingon meron akong nakikitang flash ng camera. I'm not a celebrity pero kilala ako sa industriya. Hindi dahil sa galing ko kundi dahil anak ako ni Emma at Viraj Khan.

They are known because of their skills in business. They are making shoes at sila rin ang gumagawa ng mga brand nito na sa isang araw palang ilabas ay siguradong ubos na agad.

We have a business in India at isang taon nalang ang hihintayin ko para ako ang mamahala roon. They named "Savi" the brand that's the most expensive among all at iyon ang hahawakan ko sa India.

"When ang uwi nila Tita?"

I looked at Mike, "Next month? I'm not sure pa."

He just nodded from what I said at nagpatuloy kami sa paglalakad. Huminto ako nang maalala kong may bibilin pala akong libro.

"Mike, I need to buy a book."

"But I'm hungry, Sav. Let's eat first—"

"You go ahead. I'll just buy it then kita nalang tayo doon. Alam mo naman na ang gusto ko, ha?"

I didn't bother to wait what he's going to say at nagmadali na ako papasok ng bookstore. Nilibot ko ang paningin ko sa loob at konti lang ang tao na nakapagpangiti sa akin. This is peace. At least, there's no media.

Agad kong hinanap ang librong sinabi sa akin ni Zach last week. He told me that it's a good book that's why I wanna give it a try. Kapag hindi ko nagustuhan, batukan ko na lang si Zach.

I'm busy scanning the title of the books when I bumped into someone. Lahat ng dala niya ay nahulog kaya nanlaki ang mata ko. Mabilis ko siyang tinulungan at agad iyong inabot sa kaniya, "I'm sorry. It's my fault anyway—"

"Ayos lang."

Natigil ako sa pagsasalita nang mag-angat siya ng tingin. Ang kapal ng kilay niya.

"Uh, makikiraan."

"Oh, I'm sorry again."

Nilagpasan niya na ako at kumunot ang noo ko dahil sa inasal ko. What was that? Natulala ba ako sa kaniya? Napansin niya kaya iyon?

Just so... weird.

"Uh miss?"

Pumihit ako paharap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, "Yes?"

"Mag-iingat ka."

He turned his back on me at mabilis umalis ng book store. Hindi ko man lang siya natawag dahil sa sinabi niya sa akin. What did he just say? Mag-iingat ako saan?

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Mike na magmadali na raw ako dahil lumalamig na raw ang inorder niya sa akin.

Nang makita ko ang librong hinahanap ko ay agad akong dumiretso papunta sa counter nang may maapakan ako. I looked at it and I saw a handkerchief.

Pinulot ko iyon at tinitigan.

There's a name on it.

Anglo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top