Chapter Three
Chapter Three
I'm currently reading the book that I bought yesterday with Mike. It's just a cliche story, a secretary and a boss relationship. Hindi ko alam kung bakit ito nagustuhan ni Zach at ni-recommend sa akin.
Nabaling ang tingin ko sa panyong nakapatong sa table ko. It was the handkerchief that I picked up yesterday and I guess, ang lalaking nakabangga ko ang may-ari nito. Nang tignan ko nga iyon nang maigi ay may nakita akong red stain sa bandang ilalim, probably a ketchup. He ate something with a ketchup.
My phone vibrated kaya ako napatingin dito. Kinuha ko iyon at binuksan. I saw my mom's message, that's why my forehead creased.
From: Mom
We'll be back in a week, baby. Take care and you know that we love you.
I closed my phone when I read it. Lagi namang ganito ang senaryo namin. Kapag nagtetext si mom sa akin parang miss na miss niya ako pero 'pag nandito na sila ni dad parang wala lang ako sa kanilang dalawa. Tinatrato nila akong parang multo, na hindi nila nakikita.
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at tumayo para dalhin ang tray sa kusina na pinagkainan ko. Nang makarating ako sa kusina ay natigil sa pag-uusap ang limang maid na kaharap ko ngayon. I raised my eyebrow.
"Wala na po ba kayong gagawin?"
"W-Wala na po ma'am, Sav."
Tumango nalang ako sa isang nagsalita bago pumihit paakyat ulit ng hagdan, "Please clean up the plates. Thanks."
Nang makarating ako sa kwarto ko nakita ko si Bruno habang nakahiga sa kama ko. I smiled, beside from Zach, si Bruno lang ang maituturing kong mapagkakatiwalaan ko sa lahat. I mean, yes, there's Mike, Queny, and Mishka pero iba 'yung dalawa na lagi kong nakakasama.
"Hey Bruno, want some treats?"
When he heard the word 'treats', he started to wiggle his tail nonstop. Agad akong kumuha ng treats sa lagayan niya na nilagay ko rin naman sa lagayan niya. He started to eat kaya sumampa na ako sa kama ko.
I opened my cellphone and I saw my mom's message earlier. Dinelete ko na lang iyon at tinawagan si Zach. Nakailang ring iyon at hindi niya sinasagot.
Why he's not answering?
Madalang lang niyang hindi sagutin ang tawag ko at ang dahilan non ay 'pag inaasikaso niya si Lorry. Hapon ngayon kaya nagtataka ako. He's usually taking care of Lorry when it's night.
Maybe... may ginagawa siya?
Or baka nagtatrabaho.
Wala namang problema sa akin 'pag nagtatrabaho si Zach dahil 'yon naman talaga ang dapat niyang gawin 'di ba? He's an online editor at Bluere Publising Company. Naging online editor siya roon nang magkasakit si Lorry and no one's gonna take care of her 'pag may inaasikaso si Tita.
While me? I can't wait to work in India. I miss Mishka. Gusto ko na ulit siyang makita.
Kapag nasa India na siguro ako, baka mawalan ako ng oras kay Zach. It's nothing serious because I'm working for our future... right?
When I got bored, lumabas ako ng kwarto ko dahil naisipan kong magpahangin. Hindi talaga ako masaya kapag uuwi na sila Mom and Dad. Yes may part sa akin na masaya 'cause safe sila nakauwi pero ayokong pagdating nila rito ay sermon lang naman ang aabutin ko.
Dumiretso ako sa garden namin at umupo sa isang swing.
Tinitigan ko ang langit at hindi ko napigilang mamangha. Ang peaceful tignan ng mga stars habang nasa sentro nito ang buwan na nagbibigay liwanag sa gabi. Isa lang kase ang ilaw dito sa garden at dim pa ang kulay non kaya hindi sapat para makita ko ang mga ibang gamit sa paligid.
May narinig akong kaluskos sa katapat naming bahay kaya tumayo ako. Lumapit ako ng bahagya sa bakuran para makita iyon pero masyadong madilim.
Naalala kong wala nga palang tao sa katapat naming bahay dahil umalis sila and base from my maids, nag out of town ang may-ari nito.
Hindi ko close ang kahit na sino rito sa lugar na 'to dahil hindi naman ako pinapalabas nila Mom. Kung lalabas man ako ay dapat kasama ko si Zach or Mike. If ever na wala sila ay hindi ako pwedeng lumabas. Nakakulong lang ako rito. Totally insane.
"Ma'am Sav, pasok na po kayo."
"The heck?!"
Napahawak ako sa puso ko nang may humawak sa braso ko. I saw Wena kaya kinunutan ko siya ng noo. Isa siya sa batang katulong namin, "Papasok ako kung gusto ko."
"Baka may mangyari sa inyo riyan, Ma'am-"
"Walang mangyayari. Napapalibutan ng guards ang bahay so please leave me alone. I wanna stay here."
Ngumiti lang ito sa akin at umalis na sa harapan ko. Ayokong-ayoko talaga kapag pinipilit nila ang gusto nila dahil lang sinabi ng magulang ko. Like hello? Wala ba akong karapatan para lumabas man lang kahit saglit?
I decided to go inside because it's already midnight. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang guard kaya tumaas ang kilay ko, "I can open the door myself."
Hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya dahil mabilis akong pumasok at umakyat papunta sa kwarto ko. I already saw Bruno outside my door and he's currently sleeping on my doormat.
I smiled.
Mabilis kong binuhat si Bruno at naalimpungatan pa nga ata siya because I felt that he wagged his tail.
Ipinatong ko naman siya sa kama ko at pinagpatuloy nito ang naudlot niyang pagtulog. I immediately picked up my phone and dialed Zach's number. Nakatatlong ring pa ito bago niya sagutin.
"Hey Sav, why still awake?"
"Can't sleep. I already bought the book that you suggested to me."
"How's it? Maganda ba?"
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa naging tanong niya, "Uhh-- yes somehow, but you know that I'm into crimes, Zachy, that's why I don't know why you suggested to me this one."
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsasalita si Zach. Hindi niya naman binaba ang tawag at patuloy pa rin ito kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya.
"Hey! Zach!"
Nakailang beses pa akong tawag sa pangalan niya pero hindi siya sumasagot.
Akmang papatayin ko na iyon nang may narinig akong nagsalita.
"You already told her?"
"I'm trying but please can you give me more time? You know that I loved her--"
"Basically! You loved her which is past. Tell her about us."
"No! I'm just waiting please Ys--- shit!"
Nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko nang patayin ni Zach ang tawag. What's happening? That was Zach and... hindi ko kilala kung sino ang kausap niya but I know that it's a girl.
I know that he's taking care of Lorry pero hindi ko mapigilang mag-isip. Bakit may kasama siyang babae sa kwarto niya? Or is it his cousin? Maybe.
Yes yes, Savitri. 'Wag mong paghinalaan si Zach. Engaged na kayo. Nothing to worry about.
Humiga na lamang ako sa kama ko at pinagmasdan ang bear na binigay sa akin ni Zach noong first anniversary namin. There are a lots of media that time dahil iyon din ang taon kung kailan ni-release nila Mom ang isang brand ng shoes na bagong gawa nila.
Maraming may alam na I'm engaged with Zach kaya kahit maraming lalaki ang gustong lumapit sa akin at magpakilala ay hindi na nagtangka pa ang mga ito.
That's okay. Alam ko naman sa sarili ko na never kong maipagpapalit si Zach. Siya lang ang gusto ko.
And I know that the feeling's mutual.
I was about to sleep when someone knocked at my door. I opened my lampshade at mabilis akong tumayo upang buksan ang pintuan ko.
"Why-- Mike? What are you doing here?"
Binuksan ko pa nang mas maluwag ang pintuan ko and I saw Queny behind him, "Queny!"
"My gosh! Savi, I miss you!"
I hugged her tight and nakita kong salubong ang kilay ni Mike kaya dinilaan ko ito. Nang maka-get over na ako, ako na mismo ang kumalas sa pagyayakapan namin ni Queny, "It's already midnight. Ba't kayo napapunta rito?"
"Tita and Tito are here and Mike decided to bring me too."
"Huh?" Napalingon ako kay Mike at taka ko siyang tinitigan, "Nandito sila Tita? Bakit anong meron?"
He just shrugged his shoulders at iniwan kaming dalawa ni Queny sa kwarto ko. She handed me a paperbag that's why I smiled. Alam ko na sa sarili kong pasalubong ito galing Taiwan.
"Get dressed."
"What?"
Lumingon sa akin si Queny nang mabuksan niya ang closet ko, "Tita told me that you should get dressed and I don't know why."
"Get dressed, eh, gabi na? What's wrong? May pupuntahan ba tayo? Hindi ba pwedeng bukas na lang inaantok na rin kase ako Queny--"
"Savitri!"
Natigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Bruno started to bark and wags his tail.
"Tita Mira..."
Tumayo ako at niyakap siya. She's my auntie and siya ang mother ni Mike. Taka ko siyang tinitigan na para bang tinatanong kung ano ang meron dahil nandito silang lahat sa bahay namin.
"Get dressed, Savitri. Your parents are coming home tonight."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top