Chapter Twenty Nine
Chapter Twenty Nine
"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Naiinip na si Mishka panigurado."
I didn't even bother to look at Mike. Masyado akong naapektuhan sa sinabi sa akin ni Tita Miriam kagabi, parang wala tuloy ako sa sarili sa mga nakalipas na oras. Buti na nga lang ay hindi pumunta si Zach dahil hindi ko siya makakausap nang maayos for sure. Nagising nalang ako na nasa garage na namin ang sasakyan ko. Buti ay dinala pa rin ni Zach.
"Kayo nalang muna ang gumala. Mag-iisip lang ako."
"Sinong iisipin mo? Si Anglo? May girlfriend na 'yon, stupid."
Tinitigan ko lang nang masama si Mike dahil sa sinabi niya. Magulo na nga ang utak ko mas lalo niya lang ginugulo sa pagbanggit niya ng pangalan ng lalaking 'yon!
"Let's go. You need to unwind."
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Mike bago kumilos. We saw Mishka outside of our gate. Kumakaway pa ito sa amin habang papalapit kami sa kaniya pero nang makalapit ay sumimangot ito nang tapikin ni Mike ang braso niya.
"Kumusta naman ang pelikula ni Direk?"
"All good, 'wag ka na magtanong and besides, this is girl's bond! Bakit ka kasama?"
Mike just shrugged his shoulders before going to the driver seat, "Kung nasaan si Savitri, nandoon din ako. Baka may gawing katangahan na naman 'yang kaibigan mo."
I slightly slapped his shoulder because of that. Mas trip kong umupo sa backseat kaya si Mishka ang umupo sa tabi ni Mike. Hinahayaan ko lang silang dalawa na mag-usap habang tinitignan ko ang mga nadadaanan naming building sa labas.
Mishka started to play music on her phone dahil ayaw itong payagan ni Mike na i-connect ang phone niya sa bluetooth. I was shocked because it was Ocean Eyes by Billie Eilish. This is not our theme song, of course. Naaalala ko lang sa kantang 'yon si Anglo dahil tandang-tanda ko... ganoon ang mata niya nang iwan ko siya.
I've been watchin' you for some time
Can't stop starin' at those ocean eyes
Burning cities and napalm skies
Fifteen flares inside those ocean eyes
Your ocean eyes
No fair
You really know how to make me cry
When you gimme those ocean eyes
I'm scared
I've never fallen from quite this high
Fallin' into your ocean eyes
Those ocean eyes
"Ano ba 'yan? Are you broken hearted?"
I looked at Mike and I saw that he get Mishka's phone from her hand, "Hey! Ano ba? Ayan ang isang ginamit na music sa show ko!"
"Whatever. Palitan mo."
Binalik ko ang tingin ko sa labas at nagpasalamat dahil hindi natuloy ang tugtog. Baka maiyak lang ako sa harap nilang dalawa. I know, I don't have the rights to act like this because in the first place ay ako ang nang-iwan. Iniwan ko si Anglo when he needs me the most. I feel so awful.
Mishka looked at me and smiled. I think she knows that something is wrong with me. Siguro kung wala si Mishka ay si Queny ang kasama namin ngayon. What happened to us was so heartbreaking. I treated Queny as my sister, hindi ko alam na magagawa niya sa akin 'yon. Hindi ko pa naririnig ang paliwanag niya pero sa tingin ko ay maiintindihan ko naman.
She's like an older sister to me. I know her feelings for Mike was genuine. I don't know what happened. Kung bakit biglang naging si Zach. Like, why? When?
I think I should visit her.
"Hey, we're here."
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang magsalita si Mike pero bago ko pa mapunasan lahat ay nakita ko ng nakatingin siya sa akin. He just smiled at me and mouthed, "You'll be okay."
I looked behind me and saw that there are few guards around us. Okay, wala namang pinagbago. Lumingkis si Mishka sa braso ko at naglakad na kami papasok sa Mall. Nakasunod lang sa amin si Mike habang si Mishka ay pilit akong pinapapasok sa mga boutique para bumili ng gamit.
"I heard na babalik ka agad sa India, bakit hindi mo sulitin ang araw mo rito? Pag-iisipan ko rin kung sasama ako sa'yo since miss ko na sila Mom."
"Marami naman na kasi akong damit sa bahay. I don't need any of these, Yska."
Sumimangot lang si Mishka sa sinabi ko bago lumayo sa akin at tumingin ng mga damit. I decided to sit on the chair and I saw that Mike did the same.
"Are you okay?"
I looked at him. He looked so concern about me, "Oo naman. Bakit naman hindi?"
"Anglo is here, baka makita—"
"What—"
"What? Shaun? Nasaan kayo? Sige, kasama ko ang kaibigan ko. We're on our way."
Sabay kaming napalingon kay Mishka nang bigla siyang lumapit sa amin at hinila palabas ng store. Anong sabi ni Mike? Nandito raw si Anglo? Hindi ko nga siya nakita sa Mansyon ngayong umaga pero bakit sa dami ng lugar ay nandito rin siya?
"Where are we going, Yska? Akala ko bibili ka pa ng damit—"
"Nandito raw si Shaun kasama si Sylvaine at Bry. We should hang out with them."
I looked at Mike like I'm pleading him to do something. I can't see Anglo. Not today! Hindi ako ready! Umiling lang sa akin si Mike na tila parang wala siyang magagawa sa desisyon ni Mishka. Isipin palang na makikita ko ngayon si Anglo kasama ang girlfriend niya ay parang dinudurog na ako. I want him to be happy. With me. Not with someone else.
Pumasok kami sa isang restaurant at siya ang nakita ko kaagad. I knew him so well. Likod palang niya ay alam na alam ko na.
Magkatabi si Sylvaine at Bryan habang nasa harapan nila si Anglo. Bakit niya hinahayaang magkatabi ang dalawa? He's the boyfriend! Hindi porket na love team ang dalawa ay hahayaan niya ng gawin ng Bryan na 'to ang dapat na siya ang gumagawa, 'di ba?
Sylvaine waved at us and Mishka was the one who greeted her back. Lumapit dito si Mishka at humalik sa pisngi bago tinapik ang balikat ni Bryan, "Nandito pala kayo. Bakit table for four lang 'to? Let's go to the VIP area."
Tumayo ang dalawang lalaki habang si Sylvaine ay lumingkis naman sa braso ni Mishka. Nauna na silang maglakad habang kaming apat ay nasa likuran lang.
"Hey, you're the girl yesterday. Savitri, right?"
I looked beside me and saw Bryan. He's smiling at me. I don't know. Feel ko naman mabait siya pero ayoko sa kaniya. I think he's ruining something. Alam kong love team lang sila ni Sylvaine pero feel ko ay may gusto siya sa babae. Kung tutuusin nga ay maganda 'yon pero ayoko ng masaktan si Anglo.
"Uh, yeah. Sorry nga pala for what happened."
Nilingon ko ang pisngi niyang may pasa kahapon at medyo hindi 'yon halata dahil siguro tinakpan ng concealer. I looked at Anglo, he's talking to Mike. Iniling ko nalang ang ulo ko. Hindi ko siya kayang layuan ngayon. Lalo na ngayong kakain kami sa isang lamesa.
"Ayos lang 'yon. Protective lang talaga si Kuya Shaun sa lahat."
Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Protective sa lahat? Ayos lang 'yon kay Sylvaine? Kung ako ang girlfriend nito ay baka nasapak ko na siya!
Ngumiti nalang ako kay Bryan at nauna maglakad sa kaniya. Ayoko ng kausap ngayon. Si Mishka naman ay kausap si Sylvaine. I shouldn't interfere lalo na at hindi ko rin gusto si Sylvaine. Argh, wala naman siyang ginawang masama sa akin pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I'm so jealous of her.
"So, everyone. Lunch is on me. Order na kayo ng gusto niyo."
Bahagya akong umirap dahil sa sinabi ni Bryan. Pabibo talaga, "No! Lunch is on me, guys. Successful ang movie and sobra akong nagpapasalamat sa dalawang alaga ko dahil nagawa nila nang maayos ang role nila." Mishka smiled at Sylvaine and Bryan.
Tinignan ko ang menu pero wala ron ang gusto ko. I'm craving for something. Ano nga ba ulit 'yon?
Sardinas?
'Yon nga ata. 'Yung kinain ko kila Anglo. I am craving for that. I don't know why. Gusto ko lang ulit matikman. Tumayo ako sa pagkakaupo ko kaya ang atensiyon nila ay napunta sa akin, "Saan punta mo?"
"I-I'll just buy something. Babalik din ako agad."
"I'll go—"
"Samahan na kita."
Mike was about to stand up when Anglo suddenly intervened. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman niya ako kailangang samahan! Bibili lang ako ng sardinas. I looked at Sylvaine and I saw that she's looking at us. She's clueless sa kung ano ang nangyayari.
"I'm fine. I just need to—"
"I said sasamahan kita."
"O-Okay."
I grabbed my purse and tapped Mike's back. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari basta ang alam ko ay nakasunod lang siya sa akin. Alam ko ring may nakasunod sa aming guards kaya kampante akong walang mangyayaring masama.
Wait.
Masama? Ano namang masama ang gagawin sa akin ni Anglo?
"Ano pala ang bibilhin mo?"
I looked at him. I don't know how to say it. Masyado atang weird kung sasabihin ko sa kaniyang ang gusto kong kainin ay sardinas.
"I want to eat sardines. Meron ba rito non?"
Kumunot ang noo niya pagkatapos ko iyong sabihin. Tinitigan niya ako na para bang iniisip niyang naglilihi ako. I just want it. Nakakain ko lang 'yon kapag siya ang kasama ko kaya siguro ako nag-crave bigla.
"It's fine. Ako nalang ang hahanap. You can go back na—"
"Meron ata sa supermarket. Let's just find it."
Tumango lang ako sa sinabi niya at hinayaan siyang maunang maglakad. Hindi ko naman kabisado 'tong Mall na 'to. Ang last pa na punta ko rito ay ang pagbili ko ng librong ni-recommend sa akin ni Zach— wait. Oh my gosh! Dito ko unang nakita si Anglo! Sa bookstore. He was the one who left the handkerchief with a red stain. Still probably a ketchup. I slightly smiled.
"Why are you smiling?"
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakakunot ang noo kaya nawala ang ngiti ko. Ang epal naman nito. Kailangan ba talagang tanungin ako kung bakit ako ngumingiti?
"None of your business."
Inirapan ko lang siya at naghanap na ng sardinas sa super market. I'm so confused. Bakit parang ang dami? Iba-iba ang kulay. Iba-iba rin ang tatak. Ligo, Mega, Atami? Ano doon ang kinain ko nang araw na 'yon?
Kinuha ni Anglo ang kulay green na Mega tsaka naglakad papalayo sa akin at pumila sa counter. Ayon ba ang kinain ko non? Teka, bakit isa lang ang binili niya?
Dahil wala namang pila ay mabilis niyang nabayaran 'yon. Siya ang nagbayad. Argh, alam ko namang mura 'yon pero it's the thought that counts! Sinundan ko lang siyang maglakad nang bigla siyang tumigil sa tapat ng Forever 21. Taka ko siyang tinignan dahil nakatingin siya sa loob. Halos pang babae naman ang damit, kanino niya ibibigay? Kay Sylvaine?
"Bibili ka para kay Syl—"
"Teka, bilhan ko lang si Lily."
Pumasok siya sa loob at dumiretso sa pang batang section. May barbie outfit pala ang Forever 21 ngayon, ang akala ko pa naman ay para kay Sylvaine ang bibilhin niya. Buti nalang.
"Do you think she'll like this?"
I looked at him and I saw that he's holding a pink dress. Ang plain. It's just a pink dress. Wala man lang kahit anong design ang napili niya. May taste ba talaga 'tong taong 'to?
"That's so plain. This would do."
Kinuha ko ang isang off shoulder top na color pink na may nakalagay na barbie sa harapan. Teka nga, ilang taon na ba si Lily? As far as I know, she's eight when I'm still living with them.
"Eh? Masyadong revealing. She's only 10, Avi."
"What's wrong about this? Off shoulder lang naman 'to. Hindi na siya baby, Anglo."
Tinaasan niya lang ako ng kilay bago kinuha sa kamay ko ang napili kong damit. Tignan mo, kukunin naman pala ang pinili ko gusto pang makipagtalo! Hindi na ako sumunod sa kaniya dahil tumingin-tingin din ako ng damit. Magaganda naman. Type ko 'yung ibang clothes pero hindi naman ako nagsusuot ng ganon. Mom would never allow me to wear them.
Kinuha ko ang isang white top na backless ang likod bago pumunta sa harap ng salamin to check if it fits me. Ang ganda pero sayang 'to kapag binili ko dahil hindi ko naman masusuot kapag nandito sila Mom.
"You want that?"
"Ay palaka!"
Taka akong tinignan ni Anglo nang humarap ako sa kaniya. Sulpot naman nang sulpot 'tong gwapong 'to!
He asked me again, "You want that?"
Umiling nalang ako dahil hindi ko rin naman masusuot. I still have a scar on my back when I accidentally fell on the slide when I was a kid. Tanga ko ba naman kasi. I thought mayroong mat sa gilid kaya ako tumalon. Hindi pala accidentally, tumalon talaga ako.
"May sugat ako sa likod, hindi rin babagay sa'kin. Mom wouldn't allow me to wear that din."
Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kong damit bago ako tinalikuran, "Lahat naman bagay sa'yo. You're that beautiful."
I don't know if I heard it correctly pero hindi ko na mapipigilan ang kilig ko!
You're driving me crazy again, Anglo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top