Chapter Thirty

Chapter Thirty

Hindi ko mapigilang mapangiti tuwing naaalala ko ang nangyari nong araw na 'yon. It's like I am winning in life. Alam kong mali 'tong nararamdaman ko pero hindi ko kayang kalimutan ang sinabi niyang 'yon.

I am that beautiful. I heard it correctly. Hindi pwedeng magkamali ako. Kung girlfriend niya si Sylvaine, 'di ba dapat kay Sylvaine lang siya magagandahan? Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Para baliwin ako? If that is his purpose, sobrang nagtagumpay siya roon.

"Blooming ka, Savy. Nadiligan ka?"

"Stupid. Shut up, Yska."

I know, para na akong tanga dahil sa kakangiti ko. Pagkauwi nga namin noong araw na 'yon ay sinukat ko agad ang damit na binili niya sa akin. Sakto naman at sobrang bagay. Hindi ko lang alam ang sasabihin nila Mom kapag nakita nilang ganon ang sinusuot ko. Pero sa tingin ko, matututo muna ako mawalan ng pake.

Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ni Mishka habang siya ay pumipirma ng ilang papeles sa isa niyang lamesa. I want to talk to her about Anglo, of course. I want to ask her about him. Kung papaano nagkakilala ang dalawa.

"Yska, is it true that Shaun and Sylvaine are dating?"

Saglit siyang lumingon sa akin bago binalik ang tingin sa ginagawa, "Yeah? Bakit mo natanong?"

"Naalala mo ba? I told you about someone. Someone who kidnapped me."

Tila nakuha ko ang atensiyon niya dahil sa sinabi ko. Maya-maya ay naglakad na siya papunta sa akin at umupo sa harap ko, "What about... him?"

"He's Shaun. Please, don't tell this to anyone. Sa staffs mo, kahit kanino. Lalo na kay Sylvaine." Napahawak siya sa kaniyang bibig nang sabihin ko 'yon. Kahit ako ay ganiyan din ang magiging reaksiyon kung ako ang nasa sitwasyon niya.

I can't imagine Anglo being with someone. Especially Sylvaine. Isipin pa lang na ginagawa nila ang mga bagay na ginawa namin dati ay nanghihina na agad ako. Ayokong isipin pero hindi ko mapigilan. He's been on my mind since the day I left him. I thought it's better to left him... for good? I guess? Pero parang ako ang naging mas miserable ang buhay.

"The fuck? Are you sure?" Nanlalaki pa ang mata niyang tinanong 'yon sa akin pero tanging tango lang ang naging sagot ko, "Siya ba 'yung sinabi mo sa aking pinagpalit mo rin kay Zach?" I nodded with that again.

"Ay gaga ka! I don't think Shaun would do that. He's nice—"

"But he already did, Yska. We've been together for two months at hindi ako nagsisising minahal ko siya— well, mahal ko pa rin naman siya until now."

Hinawakan ni Mishka ang kamay ko nang sabihin ko 'yon. Ngayong narinig ko mismo sa kaniya na may namamagitan sa dalawa ay mas lalong hindi ko na alam ang gagawin ko. I think Anglo's happy with her. Sino ba naman ako para sirain ang magandang samahan nila ngayon?

"Gosh, girl. I don't know what to say, napalapit na rin sa akin si Shaun and I can say na he's really nice kaya naiintindihan kita kung bakit mo siya nagustuhan. Do you have any plans right now?"

I looked at her then I shook my head, "My plan was to ruin them but I think, ang selfish ko naman kung sisirain ko ang relasyon nilang dalawa dahil lang sa mahal ko pa siya."

Mishka hugged me after I said that. Hindi ko mapigilang malungkot. Si Anglo lang ang may kayang pawiin ang lungkot na nararamdaman ko but he's the reason too why I am sad.

"You know what, I talked to Zach when you left. I asked him kung bakit niya 'yon nagawa and that's when I realize na he truly loves you, Savitri. That girl Queny or let's say Queny Ysabelle threatened him na sasaktan ka niya kapag hindi siya nito pinagbigyan. He also told me na kaya lang nito naging boyfriend si Mike ay para mapalapit kay Zach. Ay teka—" humarap sa akin si Mishka at tinitigan ako nang matalim, "Kawawa pala si Mike, 'no? As far as I know, sobrang mahal niya ang baliw na 'yon."

Yeah.

Sobrang mahal talaga ni Mike si Queny. Hindi ko alam na may second name pa pala siya. Si Mike nga ay hindi alam eh, ako pa kaya. To be honest, sobrang naaawa talaga ako kay Mike. Hindi lang kasi ako ang nasaktan dito. Nasaktan din ang pinsan ko.

He was the one who helped me too when I'm at Anglo's house. Hindi ko alam na sobrang seryoso na pala ng paghahanap niya kay Queny ng mga oras na 'yon. I can't understand, bakit nagawa ni Queny 'yon sa amin? Obsess ba talaga siya kay Zach?

Mishka decided to hang out at our house. Gusto niya raw ako malibang pansamantala at kalimutan si Anglo pero hindi niya alam na sa amin ngayon nakatira si Anglo. She told me na mag-swimming daw kami para lumamig daw ang ulo ko. I'm not mad naman. Gusto ko na ngang pakawalan si Anglo pero bakit niya pa kasi sinabing maganda ako?! He also bought a top for me!

What was that for, 'di ba?

"Where's Mikey? Tawagin mo nga at yayain. Kailangan din mag-unwind nung tukmol na 'yon."

Tumawa na lang ako sa sinabi niya bago umakyat papuntang kwarto ni Mike. I'm carrying my towel on my right shoulder while holding a barbecue stick on my right hand. Si Mike na lang ang paglulutuin namin para magkasilbi naman siya sa girl's bond namin ni Mishka.

I knocked twice at his door pero walang sumasagot kaya minabuti kong buksan na lang ang pintuan niya at tumambad sa akin ang malinis niyang kwarto. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at nang nakumpirma kong wala siya sa loob ay sinarado ko na muli ang pintuan niya bago tumalikod.

"Oh my gosh!"

Napahawak ako sa aking dibdib nang makita ko si Anglo sa harapan ko. Anong ginagawa niya rito?! Bakit siya nandito? Hapon ngayon, ah? He's suppose to pick up Sylvaine!

"What are you doing here?!"

"What do you mean what am I doing here? Baka nakakalimutan mong dito kami nakatira?"

Iniling ko ang ulo ko at tinaasan na lamang siya ng kilay, "What I mean is, anong ginagawa mo sa harapan ko?"

Tinuro niya ang pintuan ni Mike gamit ang nguso niya. Just the simple act of him makes me giggle. Ayos pa ba ako sa lagay na 'to? Am I not overreacting to what I am thinking? Aish, "May pinapakuha pinsan mo sa loob."

Tumango lang ako sa sinabi niya at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan. Ahhh, nakakahiya! Iniisip ko pa naman ay baka sinusundan niya ako. Kainis naman kasi, eh. Hapon ngayon kaya kampante akong wala siya rito sa Mansion. Bakit hindi niya nga ba kasama ngayon si Sylvaine?

Nang makababa ako ng hagdan ay naabutan kong nag-uusap si Mike at Mishka sa gilid ng pool. Napasimangot ako. Nandito pala 'tong kumag na 'to, umakyat pa ako ng kwarto niya. Grr.

Nang makita ako ni Mike ay tumaas ang kilay niya, "Oh, saan ka galing?"

"Sa kwarto mo!"

Humalakhak siya nang sigawan ko siya kaya kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?! Siguro alam niyang pupunta ako sa kwarto niya kaya pinasunod niya si Anglo para maging awkward ang lahat! Nakakainis talaga 'tong tao na 'to!

Padabog kong binigay kay Mike ang barbecue stick bago lumusong sa tubig. The moment I felt the cold water from the pool, my nerves calmed down. Nang umahon ako, nakita ko si Anglo na matalim na nakatingin sa akin. He's now wearing a hawaiian short habang may dalang bola sa kanan niyang kamay.

"Shaun, hagis mo rito!"

Ibinigay naman ni Anglo kay Mishka ang bola at naglaro sila ni Mike sa gilid habang nagtatawanan dahil natamaan niya sa mukha si Mike nang ini-spike ito ni Mishka. Nakitawa na rin ako dahil kitang-kita sa mukha ni Mike ang inis.

"Maldita ka talaga, 'no? Itong sa'yo."

Mabilis na binato ni Mike si Mishka ng bola pero naiwasan niya 'to kaya mas lalong natawa si Mishka. Umahon si Mike sa tubig habang iritable ang itsura kaya nag-appear kami ni Mishka.

"Did you see his face? Asar na asar siya sa akin."

Sinabi niya sa akin na susundan niya si Mike para amuhin dahil sobra pa naman magtampo ang lalaking 'yon, "Goodluck!"

"Yeah," kumaway na lamang sa akin si Mishka at sumunod kay Mike sa loob.

I just realized that Anglo and I were the only ones left at the pool. I slowly turned to him and saw him feeling the cold water from the pool because I saw that his eyes are closed. Kahit medyo malayo ako sa kaniya ay halatang-halata pa rin ang kagwapuhan niya. Kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya eh.

His hair is a little bit longer than before. Wala kaya siyang balak pagupitan 'yon? Well, bagay naman sa kaniya at mas nagmumukha siyang mature.

"Are you done?"

Umawang ng bahagya ang labi ko nang magsalita siya. Binuksan niya ang isa niyang mata habang ang isa ay nakasara pa rin, "H-Ha?"

"Tapos ka na bang titigan ako, Savitri?"

"I-I'm not checking you out!"

He smirked at me at nagsalita muna bago lumusong muli sa tubig, "Yeah, tell that to the marines."

Napapikit ako nang tumama sa mukha ko tubig nang lumangoy siya. Napagpasyahan kong umahon na muna dahil medyo nilalamig ako. Malapit na kasi mag-December kaya ganoon. I think I'll celebrate Christmas alone again. Auntie Mira is always inviting me to spend Christmas with them but it's still embarrassing. Mom and Dad are now in India, sanay naman na ako na hindi ko sila madalas kasama tuwing pasko pero nalulungkot pa rin ako.

"Anong iniisip mo?"

I looked at Anglo at nakita ko siyang papalapit na sa akin. Minabuti kong hindi na lang magsalita bago nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga.

"May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa akin."

I smiled before I started talking, "Hindi ko lang alam ang gagawin ko sa Christmas. Nasa India kasi sila Mom ngayon, for sure mag-isa na naman ako. Well, nandiyan naman sila Aling Lorna pero pauuwiin ko kasi sila sa Pasko hanggang New Year."

I saw him nodding in my peripheral vision, "Nandito naman kami. Pwede kitang samahan."

Doon ako napalingon sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Hindi pwede. He has Sylvaine already. As much as I want to get his attention, hindi na pwede. Ayokong sirain ang buhay niya. Masaya na siya. Ayokong kunin pa sa kaniya ang kasiyahan na 'yon.

"Nah, one or two weeks babalik na ako sa India—"

"Ang bilis naman?"

"Yeah, walang mag-aasikaso ng Savi eh. Nagbakasyon lang naman talaga ako rito." I looked at him and I saw him looking at the sky. Tumingin din ako roon at nakitang sobrang liwanag ng langit. I think it's already 3 in the afternoon. Bakit parang ang tagal naman bumalik nila Mishka?

"Ayoko kasing maalala ang magulang mo," taka kong tinignan muli si Anglo dahil bigla na lamang siyang nagsalita.

"Huh?"

"Kaya Anglo Del Rosario lang ang sinabi kong pangalan ko. Ayokong maalala ang mga magulang mo kaya simula nang mangyari 'yon kay Papa, hindi ko na ginamit ang Shaun dahil sila ang nagpangalan sa akin non. Sabi sa akin ni mama, matagal na silang magkaibigan ng parents mo kaya simula nang pinanganak ako, kilala na nila ako."

It must be hard for him. Ang sabi sa akin ni Mom ay tinanggal lang ang tatay niya sa trabaho pero sino kaya ang gumawa non kay Tito Noel? Sino ang nagpahirap sa kaniya? Bakit nila nagawa 'yon kay Tito Noel?

"Your parents and I are already good. Nagtatrabaho ako sa inyo sa umaga, sinusundo si Sylvaine sa hapon, at nagtatrabaho rin sa gabi kaya madalang lang talaga akong nandito—"

I cut him off, "Anong trabaho mo sa gabi?"

"Model."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Really? Oh my gosh! Bagay na bagay naman sa kaniya dahil sa katawan at features niya pero hindi ko akalain na kaya niya 'yon. Ang taas na pala ng ex ko.

"Really? Saan naman?"

"Wala naman, maliit na kompanya lang 'yon pero si Sylvaine ang nagpasok sa akin."

Tumango na lang ako sa sinabi niya at nilaro ang tubig gamit ang paa ko. Sobrang laki na pala ng impluwensiya ni Sylvaine sa buhay niya. Maganda 'yon. She gave Anglo an opportunity to shine, to show off his looks.

"Can I ask you something?"

Tumango lang siya sa akin bago kumuha ng barbecue sa table. Inalok niya naman ako nito at kumagat agad ako pagkakuha ko, "Okay ba kayo ni Tita Miriam?"

Saglit siyang natigil sa pagkain dahil sa tanong ko pero bahagya naman siyang tumango, "Yeah, medyo."

"Bakit medyo?"

"Kasi—"

"Omg! Nandito na ang bebe ko!"

Sabay kaming napalingon ni Anglo nang makita naming tumatakbo si Mishka papunta sa gate at nang buksan niya 'yon ay tumambad sa akin si Sylvaine, Bryan, at Zach. Wait, why Zach's here?

Mishka immediately hugged Bryan and Sylvaine. Nakita ko pa siyang tinarayan si Zach pero pinapasok niya pa rin ito. I saw Anglo walking towards her.

Sylvaine is smiling while extending her hands to Anglo. I saw them hugging each other kaya minabuti kong binaling ang atensiyon sa barbecue na hawak ko.

Dahil medyo malapit sila sa akin ay narinig ko pa ang pagsabi ni Sylvaine ng I miss you kay Anglo.

I smiled bitterly.

Yeah, there's nothing left for me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top