Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Two
"Bakit ka nakatulala riyan?"
I looked at Mike while he's busy scanning the papers that Mishka gave him a while ago. Iyon yata ang mga papeles na ibinigay sa kaniya sa hospital kung nasaan si Queny. He's planning to visit her. Hindi ko alam kung para saan pa. Queny clearly cheated on him while they're still together. Hindi ko masabing nag-cheat sa akin si Zach pero parang ganon na nga.
"Tingin mo, nag-cheat sa akin si Zach?"
Tinignan niya muna ako saglit bago inirapan, "Hindi. Galit ako sa kaniya dahil natago niya 'yon for how many months? Year? Mad at myself too. Hindi ko man lang napansin na niloloko na ako ni Queny."
Napabuntong hininga na lang ako. Zach didn't cheat on me? Pero 'yung pagtago niya sa akin non? Hindi ba 'yon pasok sa cheating? Paano ang ginawa ko sa kaniya? Nag-cheat ako kay Zach. Hindi niyo naman ako masisisi 'di ba? Kung sinabi lang sa akin ni Zach na ganon ang plano ni Queny edi sana... kami pa. But, hindi ko makikilala si Anglo kung hindi dahil sa nangyari na 'yon.
"I heard what happened last night."
Nabaling ulit ang atensiyon ko sa kaniya. Nang magising ako ay balak kong kausapin sana muli si Anglo kaya dumiretso ako sa bahay nila sa likod namin pero sabi ni Tita Miriam ay nasa shoot na raw si Anglo at susunduin si Sylvaine para sa guest appearance nila ni Bryan sa isang tv show.
"Wala lang 'yon."
"Hindi wala 'yon, Sav. I know that you still love him pero may trabaho kang iniwan sa India. Please, kausapin mo munang mabuti si Zach bago mo intindihin ang inyo ni Anglo. Kung meron pa talagang inyo. Hehe."
"You're so mean!"
Binato ko siya ng manipis na libro na mabilis niya namang inilagan. Iniwan ko siyang tawa nang tawa sa office niya. Kairita. Naging kami naman talaga ni Anglo. Argh.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pajama ko nang maramdaman kong nag-vibrate 'yon. It was mom.
From: Mom
Sav, when are you planning to go back? Naayos na namin 'yung kaunting changes na ginawa ni Naya. Savi needs you already. Let me know when so that your dad can book a flight na. Love you, take care always.
I smiled after reading it. This is what I want before. I am so happy that finally... na-eexperience ko na 'yung love and care na gusto kong maramdaman dati sa kanila. But I don't know how to explain it, parang may kulang? Masaya ako pero hindi ako kuntento.
Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nadatnan kong nag-uusap si Wena at Mishka sa kusina. Si Tita Miriam naman ay kausap si Lily sa lamesa pero mabilis itong nag-angat ng tingin nang makita ako.
"Oh hija, nagluto nang agahan si Wena. Kumain ka na muna."
I smiled, "Nag-coffee na po ako sa office ni Mike bigay ni Aling Lorna. Kain lang po kayo riyan." I looked at Lily pero nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay inirapan niya ako. I just bit my lip. I get it, it was my fault anyway kung bakit siya galit sa akin.
"Savy girl!"
Hinila ni Mishka ang buhok ko kaya taka ko siyang tinignan, "Problema mo?"
"Kya tum mere saath chaloge?"
"Pinagsasasabi mo riyan? 'Wag kang mag ganiyan dito."
Ngumuso lang ito sa akin bago lumingkis sa braso ko, "So, sama ka nga sa akin? Huhu please. Sasama nga sila Tita Miriam and Lily mamaya sa akin, eh."
Tinignan ko ang malaking orasan namin. Alas diyes na ng umaga. Balak ko sanang ayusin ang ilang papeles na pinadala rito ni Naya dahil may mga bago raw na design na kailangan ng approval ko. I need to check it one by one kaya paniguradong matatagalan ako. Kapag sumama ako kay Mishka ay gagahulin ako sa oras.
"Saan ba? Kape lang?"
"Moorkh! Guest ang alaga ko ngayon sa tv show 'di ba? Katatapos lang nang film nila ni Bryan pero may nakapila pa ring mga advertisment sa dalawa. After non, kain tayo. My treat!"
Tita Miriam told me na susunduin ni Anglo si Sylvaine mamaya. Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi? As far as I know, sa kwarto ni Mishka natulog si Sylvaine. After that scenario, I immediately went to my room and cuddled with Bruno all night.
If pupunta ako, there's a big chance na makita ko si Anglo. Imposibleng wala siya ron dahil girlfriend niya ang guest. Kung pupunta ako ron, parang sinaktan ko lang ang sarili ko.
"I think I'll pass. May gagawin din—"
"So kill joy, Sav. Sumama ka na!"
Ngumiti lang ako rito bago tinapik ang kaniyang balikat, "Next time na lang. Anong oras ba? I will watch na lang."
"Ganon? Hmp, sige na nga. AK07, 3 pm. Nood ka ha?"
Tumango lang ako sa kaniya bago umakyat ng kwarto ko. Naabutan ko bang sinusundan ako ng tingin ni Lily pero pinagsawalang bahala ko na lang 'yon. I decided to take a bath first bago simulan ang pinapagawa sa akin ni Naya. Nang sumilip ako sa baba ay boses lang ni Wena at Aling Lorna ang naririnig ko. Umalis na siguro si Mishka kasama si Mike.
I immediately called Naya.
"Namaste, mahodaya!"
"Hey Naya, uhm, I am currently revising the design. I need two designers for the two shoes that needs to be revise asap. Uuwi ako next week para makausap sila. But now, hanapan mo muna ako ng dalawa sa department niyo."
"Okay ma'am! Anything else?"
"Nandiyan ba sila Mom?"
"Yes, ma'am. They're asking if what day so that they can book the flight for you."
"Huwag na. Ako na—"
"Ate Sasa..."
Bumukas ang pintuan ng opisina ko at nakita ko si Lily sa labas habang nakasilip sa akin. Hindi ko na masyadong marinig ang sinasabi ni Naya dahil ang atensiyon ko ay na kay Lily lang.
"Wait, Naya. I'll just call you later."
Pinatay ko na ang tawag habang nakatingin pa rin kay Lily. Bahagya niyang inilabas ang kaniyang katawan kaya tanging mata at kaunting buhok niya na lang ang kita ko.
"Yes, Lily?"
"S-Sorry po..."
Inayos ko muna ang nagkalat na papeles sa lamesa ko bago tumayo at lumapit kay Lily. I opened the door and I saw that she's holding a small teddy bear with her. Kagat-kagat niya ang kaniyang labi habang nakatingin sa kaniyang mga paa.
"Why are you saying sorry? May nagawa ka ba? If meron, ayos lang 'yon."
"Pagalitan po ako kuya Jelo. Aaway daw kita."
I smiled upon hearing what she said. Pinagalitan pala ni Anglo ang kapatid niya. Ayos lang naman since kasalanan ko and bata pa naman si Lily.
"Okay na 'yon, Lily. Nasaktan ko rin naman ang kuya mo kaya ayos lang magalit ka sa akin."
Umiling-iling siya sa akin at ramdam ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat tanda na humihikbi siya. I caressed her hair before I hugged her. We became close when I temporarily live at their house. Sobrang okay namin until that accident happened. Aaminin ko, kasalanan ko talaga ang nangyari dahil pinilit ko si Anglo na umalis kahit kailangan niyang sunduin si Lily.
"B-Bad po ako. Huhu. Sorry po, ate."
Tumingin ito sa akin bago lumabi. Niyakap ko lang ito nang mahigpit at paulit-ulit na sinabing wala siyang kasalanan sa lahat ng nangyari dahil in the first place, nakatakda na ang lahat nang 'yon para mangyari. Nakatakda ring maghiwalay kami. Ni Anglo.
Lily and I are okay now. At least, okay na kami ng kapatid niya. Kahit hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa amin ay minabuti muna niyang ipaintindi kay Lily ang pagtrato nito sa akin. Kahit na alam kong wala namang kasalanan ang bata. Lily was reflecting the action that she observed when I left her brother.
Kasama ko si Lily, Wena, and Aling Lorna sa sala habang hinihintay matapos ang noon time show sa AK07. Si Tita Miriam ay susunod na lang daw dahil aasikasuhin pa raw nito ang pang hapunan nila mamaya. She's insisting pa nga na roon na lang kami kumain ni Mike but I refused. Feel ko ay pupunta si Sylvaine sa kanila. It's just not... right.
"Ma'am, anong flavor ba gusto mo? Barbecue or Cheese?"
"Cheese." I answered Wena without even looking at her since I am busy combing Lily's hair. Sabay kaming napalingong lahat nang marinig naming lahat ang intro nang Guest with Aleyja. I don't know her but as far as I know, isang sikat na host itong Aleyja na 'to. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng tv kaya wala akong idea.
"Good afternoon, everyone, and welcome to 'Guest with Aleyja'! I'm Aleyja, and I am so excited to brighten up your midday with fascinating stories and wonderful guests. Whether you're taking a break from work or just enjoying a leisurely lunch, we've got an incredible show lined up for you. So sit back, relax, and get ready for some heartwarming conversations and a lot of fun!"
Pinakita sa tv ang live audience na sabay-sabay na naghihiyawan pagkatapos iyon sabihin ng host. Inilapag ni Wena ang french fries sa harap namin ni Lily and I just mouther her thank you since we are focusing on the television. Naramdaman ko ring nanonood silang dalawa sa likuran namin.
"Alam ko namang hinihintay niyo na ang pagkakataong ito after ma-release ang kanilang movie na pinamagatang 'Roses and Flame'. Let's make this afternoon unforgettable together— let's welcome, Sylvaine and Bryan!"
Sabay na naglakad si Sylvaine at Bryan sa stage habang inaalalayan siya ng lalaking makaupo sa mahabang sofa sa gitna habang si Aleyja ay nasa gilid nila. They are both smiling and waving to their fans na may dala-dalang malaking banner na may nakalagay na #TeamSylBry.
"Welcome to the show, Sylvaine and Bryan! It's such a pleasure to have you here."
"Thank you, Aleyja. It's great to be here." Sylvaine said while still waving to their fans. Ang lahat naman ay parang hinihintay na magsalita si Bryan kaya napakamot ito sa kaniyang ulo.
Napangiwi na lang ako. Corny talaga.
"Thank you, Mama Ally! Same here!"
Ngumiti lang ang host dito, " Congratulations on the massive success of Roses and Flame. How does it feel to see it resonate with so many people around the world?"
Bryan smiled, "It's been absolutely amazing. The response and the views, damn, it was very rewarding." Mahinang tinapik ni Sylvaine and hita ni Bryan dahil sa pagsabi nito ng damn. Ewan ko ba sa lalaking 'yan. Pinalaking pabibo siguro ng magulang niya.
"Uh, we put so much heart into this project, so seeing it connect with the audiences is incredible. Hindi naman namin magagawa ang lahat ng 'yon without the help of our director slash manager." Sylvaine smiled at pinakita sa screen ang mukha ni Mishka na ngayon ay namumula.
Hindi si Mishka o si Mike na katabi niya ang napansin ko. Kung hindi si Anglo na bahagyang nakangiti sa likuran nilang dalawa. So, he's there.
Of course! Girlfriend niya ang guest, dapat lang na nandoon siya!
"I can imagine! Sobrang dami kasing magandang nangyari sa movie niyong dalawa. Lalo na 'yung sinampal mo si Bryan after mong malaman na ginastos niya 'yung budget niyo para sa anniversary niyo. And it turns out, binili niya pala 'yon para sa gamot mo, right?"
"Yes yes. Hahaha. That was hella fun."
"So, ano ba 'yung naging inspiration behind the movie? Paano niyo nagawa 'yung mabibigat na scene? May pinagdadaanan ba kayo sa totoong buhay? Nakaka-relate?"
Lahat ng audience ay naghiyawan nang itanong 'yon ng host. Nagkatitigan ang dalawa habang tumatawa. They are both afraid to speak. Mukhang hindi napaghandaan.
"Hindi naman, Mama Ally. Sylvaine and I practiced well the lines kaya siguro naging better 'yung results nang movie. Of course, we both have different inspiration pero let's just be thankful na dahil sa inspiration na 'yon ay maganda ang kinalabasan ng Roses and Flame."
Nagpalakpakan naman ang mga live audience maging ang host dahil sa sagot ni Bryan. Bryan held Sylvaine hand kaya bahagya akong nagulat. Ayos lang naman dahil love team silang dalawa and para lang sa fan service ang ginawa ni Bryan, but how about Anglo's feelings?
"So sweet. So kayong dalawa ba, are you two in a relationship already?"
Bryan smiled. Halata sa mukha ni Sylvaine ang nerbyos kahit nakangiti ito sa screen. Ang fucked up. Bakit kailangan pa iyong itanong? Alam naman siguro nilang lahat na may boyfriend si Sylvaine outside showbiz.
"Actually, we're not in—"
"Uh, I am in a relationship at the moment. But yeah, not with Bryan." Ngumiti si Sylvaine sa camera pero halata pa ring kinakabahan ito. Tila nagulat naman si Bryan dahil sa naging sagot niya.
"Oh oh... Mukhang aamin na si Ma'am Sylvaine, ah? Sabagay, ang tagal na rin nila ni Kuya Shaun."
Tinignan ko si Wena na busy-ing kumakain ng frencg fries. Hindi ko mapigilang mairita dahil sa sinabi niya. Bakit pa niya kailangang umamin ngayon? Maraming next time! Argh.
"Wow. We didn't expect na may non-showbiz boyfriend ka, Sylvaine."
"It's not like that. Uh, I respect our love team. My love team with Bry. I am so thankful sa fans naming dalawa but I know na alam niyong may buhay kaming pareho outside showbiz. So yeah, I am in a relationship but not with Bry."
Muling hinawakan ni Bryan ang kamay ni Sylvaine at may binulong dito. Kahit na sinabi iyon ni Sylvaine ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga live audience dahil sa biglang paglapit ni Bryan. Miski ako ay nagulat. Bryan is so good. He knows how to handle the situation. I admire him because of that.
"So, nanonood ba siya ngayon?" Tila nanunukso pa ang host dahil sa pagtanong kay Sylvaine.
"Mama Ally, I think—"
"Yes, Aleyja. Nanonood siya at nandito siya." Lumingon si Sylvaine sa isang direksiyon at sinundan iyon ng camera man. Ipinakita sa screen si Anglo habang litong-lito itong nakatingin sa tao. Bahagya lang itong ngumiti at nagbaba ng tingin.
Tila mas lalo akong nawalan ng pag-asa dahil sa pag ngiti niya. He didn't deny it, so it's basically true. Hindi ko napansing may tumulo na pa lang luha sa kamay ko. Napansin ko lang 'yon nang maramdaman kong pinunasan ni Lily ang pisngi ko. I looked at her and smiled, "Thank you, Lily."
She smiled at me before she speak, "Love ka ni kuya po."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top