Chapter Thirty Three

Chapter Thirty Three

Kasama ko ngayon si Zach sa Mall. He insisted anyway. Ayoko nga siyang isama dahil sobrang awkward non sa part ko. He told me na tinawagan niya raw ang parents ko nang mag-swimming kaming lahat sa Mansion. Sinabi niyang nasaktan niya ako emotionally dahil kay Queny pero hindi naman niya raw 'yon intensiyong gawin dahil ayaw niyang saktan ako nito. My mom called me earlier and she told me na kausapin ko raw si Zach since he's really determine to win me back.

Pero alam ko naman sa sarili ko kung sino ang panalo.

Hindi siya.

Si Anglo ang gusto ko.

"Uh, Sav, do you want this? Naalala kong gusto mo 'yung mga ganitong shade." He showed me a lipstick. Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay para tignan. I smiled. He really knows me. Alam niyang gusto ko ang nude color ng lipstick. Ibinalik ko iyon sa lagayan at nag-ikot muli.

"Bakit mo binalik? Pwede naman nating bilhin—"

"Zach, I can buy it for myself naman. It's just... marami pa akong lippies as of now. Perfume ang gusto kong bilhin today, eh."

"Oh, okay." He just shrugged his shoulder at sinabayan akong maglakad. Kung katulad pa nang dati ay hahayaan ko siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Ayoko na kasing bigyan pa ng meaning ang mga action na ginagawa ko kapag kasama ko siya. Ayokong bigyan niya ng malisya ang pagiging mabait ko.

Nginingitian ko ang ilang mga sales lady na bumabati sa akin sa iba't ibang boutique. Hindi naman sobrang sikat pero kilala kasi ang pamilya namin dahil sa mga naipundar ng mga magulang ko. Whenever there's a new brand that they launch, guest agad sila sa tv show. As far as I know, naging guest na sila ni Aleyja.

Naramdaman kong dahan-dahang inilalapit ni Zach ang kaniyang kamay sa kamay ko kaya hinarap ko na siya agad. Halata naman sa mukha niya ang gulat.

"Zach, please stop. I just want us to be friends na lang—"

"Savy, I still love you. I know that you still have a feelings for me... kahit kaunti. I know I hurt you. That's why I want to make it up with you. Just give me a chance, please."

Tumingin ako sa paligid namin at nakita kong nakangiti pa rin ang ilang tao. Ang akala ata nila ay sweet kaming nag-uusap ni Zach. Argh. Ngumiti na lang ako sa kanila pabalik at hinila si Zach palayo.

"Gosh, Zachary. 'Wag dito. I just want to buy a perfume. Hindi naman kita pinilit na sumama kaya please, don't ruin my day."

His eyes dimmed. Yumuko siya at hinawakan ang isa kong kamay, "I'm sorry. Tara na, bili na tayo."

Umiling ako at inalis ang kamay ko na hawak niya. Nawalan na ako ng gana, "Umuwi na lang tayo. Magpapasama na lang ako kay Mike next time."

"But we're already here. We can just buy it now, right?"

Argh. Bakit hindi ba niya maintindihang hindi ko siya gustong kasama?

"Zach, ano ba? Manhid ka ba? Ayaw kitang kasama. Not now. Ayoko na. I'm trying na maging magkaibigan tayo pero pinipilit mo pa rin ang gusto mo."

Naglakad ako papuntang parking lot at hinanap kung nasan ang sasakyan niya. Kung ayaw niya akong iuwi, mapipilitan talaga akong tawagan si Mike para sunduin ako right now! Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin.

"Sav, I don't get it. Bakit? May naging iba ka ba dati? Bakit ang dali mo akong kalimutan?"

Hindi ko siya pinansin at mas lalo pang binilisan ang paglalakad. Ayokong gumawa ng eksena rito, gusto ko lang namang bumili ng perfume! Bakit ko pa kasi hinayaang sumama 'tong lalaking 'to?

"Meron. Kaya shut up."

Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko pero hindi ko iyon pinansin at pumasok na lang bigla sa kotse niya. Kaasar. Tinignan ko siya mula sa labas at kitang-kita pa rin ang pagkatulala niya. Ibinaba ko ang window sa parte ko at kinunutan siya ng noo, "Zach, ano ba? Bring me home na!"

Tila natauhan naman ito sa pagkakatulala kaya naglakad na palapit sa akin. Binuksan niya ang pintuan at mabilis siyang umupo sa driver's seat. Tahimik kaming nakatingin sa labas. Wala ni isang gustong magsalita.

"Zach, let's go—"

"Sino, Savitri?"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong niya. Tinitigan niya akong mabuti at hinawakan ang kamay ko. Oh my gosh! Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Anglo dahil ayoko ng gulo! I don't want him to know that Anglo once kidnapped me. Mabuti naman ang intensiyon ni Anglo pero I know na hindi niya iyon maiintindihan dahil fiancé ko siya nang mga oras na 'yon.

Ang akala ko ay may iba na siya kaya ayos lang sa akin ang hindi kami maghiwalay personally but crap, wrong move. Dapat pala ay matagal ko nang nilinaw na wala na kami.

I looked at him and smiled. Ayokong pahabain pa ang usapang ito, "Wala. I don't want to talk about the past, Zach. Wala akong naging iba. Wala."

Tila nakahinga naman ito nang maluwag dahil sa sinabi ko. He also smiled at me before letting go of my hand. Oh my... Dapat pala sinabi kong meron akong gustong iba! Baka umasa na naman 'to. Napapikit na lang ako.

Damn, Savitri.




BUTI na lang at tinawagan si Zach ni Edwin, ang editor ng inaayos niyang novel na ibinigay sa kaniya ng manager nila. Kung hindi pa siya tinawagan ni Edwin ay hindi niya ako lulubayan. Umakyat agad ako sa kwarto ko pagkarating namin at kinuha ang leash ni Bruno. I decided to walk him around our backyard lang.

"Bruno, what do you think? Should I give your dad a second chance or mag focus na lang ako sa taong gusto ko?"

He barked at me kaya napairap na lang. Parang sinasabi niyang bigyan ko pa ulit ng chance si Zach dahil ito ang tatay niya. Bruno is a golden retriever, we bought him on our third anniversary. Kaya si Zach ang tinuturing niyang fur dad. Umupo ako sa isang swing at pinagmasdan ang bahay na ipinatayo ni Anglo malapit sa amin. It's simple. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila.

Nakita kong lumabas ng pintuan si Mishka at sumunod naman dito si Sylvaine. Kahit sa malayo ay alam kong iritable ang mukha ni Mishka. Naglalakad na sila ngayon papunta sa akin and feel ko nagtatalo sila. What's the commotion kaya? Nakita ko namang sumunod lumabas si Anglo habang nagsusuot ng damit.

Oh my gosh...

Did they do it?

"Anong meron?"

Tinitigan ako ni Mishka, "Ayan. Ang pasaway nila ni Bryan."

"W-What?! Anong Bryan?"

Nilagpasan na ako ni Mishka kaya sumunod naman si Sylvaine sa kaniya. Okay? House ko 'to tapos ganon-ganon lang ang gagawin sa akin nang babaeng 'yon? I decided to bring Bruno with me. Gusto kong kausapin si Anglo. Makulit na kung makulit. Siya talaga ang gusto ko. I really don't know what's happening to me. Alam ko sa sarili kong si Anglo ang gusto ko. Siya lang.

"Uh, hi!"

Tinitigan lang niya ako at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. I pouted. Busy kasi siyang mag-trim ng halaman sa labas ng bahay nila. Tagaktak na rin ang pawis niya. After nilang mag-ano ni Sylvaine, gagawin niya 'to. Nagpapagod siya lalo.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Wala. Pumunta lang ako para kausapin si Lily. Bye!"

Dumiretso akong pumasok sa bahay nila habang nakapikit. Ano ba naman 'yung sinabi ko? Para kausapin si Lily? Eh, hindi ko nga alam kung nasaan si Lily!

"Savitri, ano ba—"

"Ate Sasa!"

Tumakbo si Lily papunta sa akin at niyakap ang bewang ko. Tinitigan ko si Anglo at inirapan. He just smirked at me bago ginulo ang buhok ko. Lumabas siyang muli at hinila ako ni Lily papunta sa sala nila. Doon, nadatnan kong nagluluto si Tita Miriam ng bananaque. Nagulat pa nga ito nang makita ako pero kalaunan ay inalok ako ng niluluto niya.

"Ate Sasa, pasukan ko na po next week. Magkaklase kami ni Stella."

Oh. Kapatid ni Henry at Bella? Buti naman at magkaibigan pa rin sila after ng accident. Sabagay, bata pa naman sila para pagtuunan pa 'yon ng pansin.

"Oo, Savitri. Pupunta nga kami ngayong tatlo kila Bella para dalhin 'tong mga niluto ko."

Tumango lang ako sa sinabi ni Tita Miriam. Kung hindi ko lang alam na girlfriend ni Anglo si Sylvaine ay iisipin kong siya ang ama ng anak ni Bella. If hindi siya, sino kaya? Ang alam ko ay si Anglo ang ang gusto ni Bella. Kung ano pa nga ang sinabi niya sa akin para iwan ko si Anglo, eh, and yes, nagtagumpay naman siya.

"Gusto mo sumama, ate Sasa?"

"Uh, no, Lily. Next time na lang siguro."

Ang awkward naman siguro kung sasama ako sa kanila papunta ron. I mean, Bella and I are okay now pero hindi pa rin talaga mawawala ang awkwardness sa aming dalawa. I don't know if it's just me pero ayon ang na-fefeel ko.

"Baka hindi ako makasama, 'ma. May shoot ako mamaya."

"Oh, akala ko ba bukas pa ang shoot mo?" Ibinaba ni Anglo ang bitbit niyang timba sa harapan namin. Hindi ko alam kung bakit niya inilagay iyon dahil iyon lang naman ang mga halaman na pinutol niya kanina.

"Ngayon na lang daw para hindi na ako pumasok bukas. Ihahatid ko rin kasi si Sylvaine sa kanila."

Heh.

Sylvaine na naman. Of course, Sav! Girlfriend niya si Sylvaine kaya natural lang na ihatid at sunduin niya 'to. Tumango lang si Tita Miriam sa kaniya at nagpatuloy na sa pagluluto. Tinignan ako ni Anglo at ngumiti muna bago umakyat.

Oh my gosh.

What was that?

Sa simpleng pagngiti niya lang ay nababaliw na naman ako. Tila naghuhurumentado ang puso ko sa bilis nito ngayon. Ang fucked up. Mahal ko pa talaga siya.

"Tita, mahal po talaga ni Anglo si Sylvaine 'no?"

Tinulungan kong magbalat ng saging si Lily at inilagay din 'yon sa lagayan. Humarap sa akin si Tita Miriam at ngumiti, "Ah, oo. Napamahal na rin kasi sa kaniya 'yon dahil lagi niyang kasama si Mishka."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Simula nga pala nang umalis ako ay lagi sa Mansion si Mishka dahil pinabantayan ko rin si Mike sa kaniya and I think doon nagkakilala ang tatlo. Alaga ni Mishka si Sylvaine kaya hindi malabong magustuhan ni Anglo si Sylvaine.

And besides, who wouldn't? I think Sylvaine is lovable. Kahit na sinong makasama niya ay mabilis niyang makakasundo. Kaya nga sobrang dami nilant fans ni Bryan kahit shunga shunga ang lalaking 'yon. Buhat-buhat niya ang love team nilang dalawa. Hindi ko rin maiwasang mapaisip minsan, hindi kaya nagseselos si Jelo?

It's already 5 in the afternoon that's why I decided to go home already. Mahigit tatlong oras na rin ako kila Anglo pero simula nang umakyat siya ay hindi pa rin siya bumababa. My plan failed again. I want to talk to him pero umakyat naman siya. Parang nilalayuan niya talaga ako.

"Bye po, tita, Lily. Bisita na lang po ako sa susunod."

"Ingat ka, hija."

"Bye bye, ate Sasa!"

Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa at binuhat na si Bruno hanggang makatawid kami sa Mansion. Naabutan kong tahimik ang sala. Hindi ko alam kung nasaan si Aling Lorna at Wena. May nakita akong ibang maids na naglilinis ng pool na tinanguan ko lang. Hindi ko rin kasi sila close.

Nandito pa kaya si Sylvaine?

Halos tatlong oras din ako kila Jelo, siguro naman ay nakauwi na siya. Pinakawalan ko si Bruno sa second floor bago dumiretso sa kwarto ni Mishka. Napakunot ang noo ko nang mapansing naka-lock 'yon. Nagla-lock lang naman ang babaeng 'yon kapag magkaaway kaming dalawa o iritable siya kay Mike. I want to watch a movie.

Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang spare key ng kwarto ni Mishka. Baka kasi tulog siya. Gigisingin ko para manood kami.

"Mish?"

Naabutan kong tahimik ang kwarto niya pero may naririnig akong boses galing sa balcony. I don't know but I decided to take a step slowly. Ayokong marinig ng kung sino man na nandito ako.

"Hey, please. It's been five hours and you're still mad sa akin. I stayed na nga lang sa room mo for two hours then hinayaan kita rito mag-isa to think. Now, hindi mo pa rin ako kinakausap."

Oh, si Sylvaine? Nandito pa rin pala siya?

"What do you want me to say? Anong gusto mong maramdaman ko sa sinabi mo sa tv?"

"Gosh, Yska. Ikaw naman ang tinutukoy ko ron, eh. Kay Kuya Shaun lang tinutok ng camera man kasi 'di ba nga siya ang rumored boyfriend ko outside showbiz? You want to hide our relationship kasi, kung hindi mo sinabing itago natin pwede ko namang sabihin sa lahat na I am in a relationship. Not with anyone, but with you."

I can see their shadow kaya lumabas ako sa kinakatayuan ko at nakita kong naghahalikan silang dalawa.

"What the fuck?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top