Chapter Thirty One

Chapter Thirty One

"Sav, halika rito! Kumain ka." Tinuro sa akin ni Mike ang hawak niyang barbecue pero iniling ko na lang ang ulo ko dahil nawalan ako ng gana sa lahat. It's already six pm at dumidilim na rin ang langit. Mag-isa lang akong nakaupo sa gilid ng pool habang ang apat ay masayang naglalaro ng volleyball, si Mike at Zach naman ay nagluluto ng barbecue.

Nilingon ako saglit ni Zach bago kumuha ng barbecue at naglakad palapit sa akin. He placed the plate between us at tinignan ang apat sa harapan, "Kumain ka."

"Mamaya na. Busog pa ako, eh."

"Simula nang dumating ako, hindi ko nakitang kumain ka niyan." I looked at him and I saw him mouthed the barbecue. Napabuntong hininga na lang ako bago kumuha ng isa at kinagat 'yon.

"Do you have a problem? You can always tell me."

Hindi niya nga pala alam na isa sa kasama namin ngayon ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Ang alam niya lang ay si Anglo ang kaibigan ni Mike galing probinsya. Buti nga ay hindi na siya nagtanong pa tungkol sa kaniya.

"I'm fine naman. Stress lang ako sa work."

Lie.

Wala nga akong ginagawa rito eh, paano ako ma-sstress sa work sa lagay kong 'to? Ayoko ng nakikita ko. Nakakairitang makitang masayang naglalaro si Anglo at Sylvaine sa harapan ko. Kung hindi lang dahil kay Mishka ay paaalisin ko sila Sylvaine at Bryan. Like duh, hindi ko naman sila kilala. But yeah, I respect Mishka naman.

"Gusto mo bang tulungan kita? Sakto wala akong masyadong ginagawa sa company."

As far as I know, sa Bluere Publishing Company pa rin nagtatrabaho si Zach. Na-promote na kaya siya? Simula kasi nang makatapos kami ay doon na siya nagtatrabaho.

"I'm fine, Zach. Really." Ngumiti lang ako sa kaniya tanda na ayos lang talaga ako. Hindi naman kasi siya ang kailangan ko. Siya lang ang nandiyan ngayon kaya siya ang kinakausap ko. Hindi ko gusto ang ginawa niya sa akin pero nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya dahil inisip niya ang mangyayari sa akin nang mga oras na binantaan siya ni Queny.

Kumusta na kaya 'yon?

Should I visit her?

"Uh, Zach, how's Queny—"

"Sav, come here. Bantayan mo muna 'to. May sasabihin lang ako kay Zach."

Tumango lang ako sa sinabi ni Mike bago naglakad papunta sa grill. Pinanood kong seryosong nag-uusap si Mike at Zach sa garage namin. Binaliktad ko ang barbecue nang mapansin kong medyo nangingitim na ang gilid non, "Nice. Muntik masunog."

Kinuha ni Anglo ang towel sa isa naming sun lounger at pinunas iyon sa basa niyang buhok, "Susunduin ko si Lily at Mama."

Uh— okay?

Sa akin niya ba sinasabi 'yon?

"Gusto ko lang sabihin sa'yo."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit niya sa akin sinasabi 'to? Dapat kay Sylavaine! Hindi naman ako ang girlfriend niya.

"Okay. Take care."

Kinuha ko na ang mga lutong barbecue at nilagay 'yon sa pinggan. I noticed that Anglo took the barbecue that is burnt. Napangiwi ako nang kagatin niya 'yon. Pwede namang ako ang kumain non! Ngumiti lang siya sa akin bago ginulo ang buhok ko at pumasok sa loob ng Mansyon.

What was that? Ano na naman 'yon?! Lagi niyang ginugulo ang buhok ko!

Napalingon ako kay Sylvaine at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Tipid siyang ngumiti bago bumaling muli ng tingin kay Mishka at Bryan. She saw it! Oh my gosh! Baka kung anong isipin ni Sylvaine. I don't like her pero ayokong masaktan siya— pero mas gusto kong maghiwalay sila ni Anglo.

Gosh, ang worst ng ugali ko!

"Uy si ma'am, kinikilig." Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Wena na parang tangang ngumingiti sa akin.

Anong kinikilig?!

Kinikilig nga ako pero mali 'to. Sobrang mali.

"Shut up, Wena. Gosh."

Mahina kong sinabunutan ang ulo ko at pumasok na rin sa loob. Bahala si Wena sa barbecue na 'yon! Chismosa talaga grr.

Niyakap ko ang sarili ko nang makapasok sa loob dahil ramdam ko ang lamig ng aircon. Hindi nga pala ako nakakuha ng towel dahil kay Wena. Masyado niyang ginugulo ang utak ko. Ginulo na nga ni Anglo, dumagdag pa siya! Aakyat na sana ako papuntang kwarto ko nang biglang bumukas ang pintuan ng bathroom sa sala.

Anglo came out looking very fresh while just wearing a towel. I looked at him from head to toe. Hindi mapigilang hindi mamangha.

"Sasama ka ba?"

Tila bumalik ako sa reyalidad dahil sa tanong niya. The water is dripping from his chest while he's carefully wiping his wet hair with another towel. I don't know what to say. Dapat ba akong sumama?

My gosh! What's happening to me? Hindi dapat ako sumama dahil si Sylvaine ang girlfriend niya. Siya ang dapat na kasama nito. Tinignan ko ang orasan sa sala namin and I saw that it's ten to seven.

"Shouldn't Sylvaine be the one you take with you there?"

He looked outside of our house at rinig na rinig pa rin ang ingay galing sa labas. Baka nag-iinom pa rin sila. As far as I know, may nainom din 'tong lalaking 'to.

"I'm not sure if she can. I think she's wasted."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mukha namang okay pa si Sylvaine nang makita ko siya bago ako pumasok? I really don't get Anglo. Bakit ako ang niyayaya niya? Dapat may respeto siya kay Sylvaine since I am his ex-girlfriend— hindi pala ako sure if naging kami nga ba.

I just found myself sitting beside him while he's driving his car. Nakokonsensiya ako sa ginagawa namin kay Sylvaine. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama sa kaniya. I want alone time with him. Gusto ko siyang makausap about sa amin. Kung bakit ganoon ang rason na sinabi niya kay Tita Miriam.

Nawala ako sa sarili dahil sa sinabi sa akin ni Tita Miriam nong araw na 'yon. Basta tungkol kay Anglo ay napapraning na ako.

I connected my phone sa car stereo niya dahil nabibingi ako sa katahimikan. He's not talking, lalo na ako! I don't know what to say. I want to initiate the conversation but I don't know kung saan ako magsisimula.

"You good?"

Lumingon ako sa kaniya dahil bigla siyang nagsalita. Saglit siyang lumingon sa akin bago binalik ang tingin sa daan. Tumango na lang ako dahil tingin ko nakita niya naman 'yon sa peripheral vision niya, "Oo naman. Bakit mo natanong?"

"You don't look okay."

"It's because of you."

"Because of me?"

I feel like he wanted to stop the car so we could talk but he couldn't because we were on the highway. He keeps on looking at me so I patted his hand and mouthed the road para hindi kami mabangga. Gosh, bakit ang dali ko namang sabihin na ginugulo niya ang sistema ng utak ko?!

"I really don't get you, Anglo. W-Why are you doing this? Bakit ako ang sinama mo at hindi si Sylvaine? Bakit parang iba ang pagtrato mo sa akin kaysa sa kaniya? It looks like... you care about me."

"We'll talk about this later. We're here."

Hininto niya ang sasakyan at tumigil 'yon sa subdivision. It's like all my memories of this place came back. He brought me here para ibahin ang itsura ko. Dito niya ako pinakilala bilang pinsan niyang si Christina. Kapag naaalala ko ang bagay na 'yon ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ano kayang pumasok sa isip ni Anglo para sabihing pinsan niya ako? Hindi naman ako mukhang bata.

"Hi, Kuya!"

I saw Lily running towards Anglo. Lumingon ako sa likuran niya at nakita kong nakatayo si Bella kasama si Tita Miriam. She's holding her tummy while looking at us. Wait, buntis ba siya?

Nawala ang atensiyon ko kay Bella nang buhatin ni Anglo si Lily. Lily was surprised when she saw me. Ngumiti ako sa kaniya pero halata ang galit sa kaniyang mukha ng tarayan niya ako. Oh, close naman kami dati? Anong nagawa ko? Bumulong siya kay Anglo habang masama pa ring nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko nang tumawa si Anglo.

"Okay kami, Lily. Huwag ka magalit."

Bumaba si Lily sa pagkakabuhat sa kaniya ni Anglo at pumunta na sa sasakyan. Sumakay na rin si tita Miriam kaya minabuti ko na ring sumakay. We waited for Anglo and Bella to finish talking for about 10 minutes. Binuksan ni Anglo ang pintuan sa gawi ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Gusto ka raw niyang kausapin."

Hindi ko alam kung bakit pero bumaba pa rin ako ng sasakyan. Bella's smiling at me kaya mas lalo akong na-weirduhan. She's the reason why I broke up with Anglo. I got scared. Sa lahat ng sinabi niya sa akin. That I don't deserve someone like him. Someone like Anglo. I know, hindi dapat ako nagpadala sa mga sinabi niya sa akin noon pero, ako na rin 'yung kusang sumuko dahil sobrang durog ako.

"Uh, why do you want to talk to me?"

"So, nagkabalikan na pala kayo? I'm so glad!"

Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti sa akin. Her smile is genuine, hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin but I think she has a problem, "Sorry but we are not together. May girlfriend si Anglo."

Kumunot ang noo niya, "Oh kailan pa?"

Ako naman ang kumunot ang noo dahil sa sinabi niya, "Si Sylvaine?"

Tinitigan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Her facial expression change, "Uh, gusto ko lang namang humingi ng tawad sa'yo kaya pinasabi ko kay Anglo na gusto kitang kausapin. I know, I was wrong to tell you those pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong magselos noon. Alam mo namang gusto ko siya 'di ba? And it hurts me to see Lily na nagkaganon dahil nawalan si Anglo sa kaniya ng oras. I wish I could turn back time para hindi ko 'yon masabi sa'yo. I think that pushed you to broke up with him—"

"It's fine. M-Maybe may part doon na nagtulak sa akin para makipaghiwalay sa kaniya but it is still my decision. Hindi ka kasali doon."

That's not what I want to say. Gusto ko siyang sisihin dahil isa siya sa naging rason kung bakit ako nakipaghiwalay kay Anglo pero sa nakikita ko ngayon, she's not in a good state. She's pregnant, that's for sure. Pero sino naman ang ama?

"I'm so sorry, Savitri. I wish you could forgive me. After Anglo told me na sobra siyang nasaktan sa ginawa mo, nagsisi akong sabihin sa'yo ang lahat ng 'yon. Sinabi niya sa akin na ikaw lang ang may kayang makapagpawala ng sakit na nararamdaman niya. Nasasaktan akong makitang nasasaktan siya dati dahil mahal ko siya pero mas nasasaktan ako dahil ako ang dahilan... kung bakit siya nagkaganon. I told him na baka ka nakipaghiwalay dahil sa sinabi ko sa'yo. He was so mad at me, Savitri. For two months, hindi niya ako pinansin. Nagkaayos lang kami nang mawala si Tito Noel."

I don't know how to react. Bakit niya sinasabi sa akin ang lahat ng 'to? It looks like she's guilty from what she did to me back then. Aaminin ko, our relationship wasn't perfect. May kami habang hindi kami ayos ni Zach. Nag-cheat din ako kay Zach, I know walang taong deserve ang lokohin, but I'll never forget that I loved Anglo. I love him. I still love him.

"Bakit mo sinasabi sa akin 'to ngayon? Anglo and I are okay, I guess? What happened in the past is already in the past. Forgive yourself also, Bella."

Tumango siya sa sinabi ko at ngumiti. I can really sense that she's not okay. We're not close so I'm not going to ask what's bothering her. I bid her goodbye before going in to the car. Tinitigan ako ni Anglo bago buksan ang makina ng sasakyan.

Nakarating kami sa Mansion pasado alas nuwebe na ng gabi. Medyo humina na rin ang ingay na nanggagaling sa pool that's why I conclude that they're done drinking. Dumiretso na si Tita Miriam at Lily papunta sa pinagawang bahay ni Anglo sa likod ng bahay namin at naiwan kaming dalawa sa sasakyan.

He was about to leave the car when I held his hand. Nilingon niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya bago ako tinitigan sa mata, "Bakit?"

"Can we talk?"

"Kailangan kong asikasuhin 'yung—"

"Kahit five minutes lang. P-Please."

He sighed heavily before facing me. I'm really nervous, I just want us to be okay. Alam kong wala na akong pag-asa sa kaniya pero bakit ganoon? Nararamdaman kong meron pa rin kahit konti. Konti lang.

"Okay. Ano ba 'yon? Sabihin mo na agad dahil kailangan ko pang ayusin 'yung mga gagamitin ko bukas."

I looked at him, bumuntong hininga muna ako bago binuksan ang bibig ko, "Bakit hindi mo sinabi sa aking wala na si Tito Noel?"

"Dahil wala na tayo non—"

"You could've at least inform me, Jelo. Tatay mo 'yon. Napalapit na rin ang loob ko ron. I was hurt by knowing the fact na he died without any idea about it. Para akong trinaydor."

He looked outside before placing his one hand on the steering wheel, "I'm sorry. Nasaktan ako sa ginawa mo sa akin kaya minabuti kong hindi ipaalam sa'yo dahil ayaw kitang makita. Am I selfish because of that? No. You hurt me, Savitri. What do you expect?"

"Another thing, bakit sinabi mo kay Tita Miriam na ikaw ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay? Bakit 'yon ang sinabi mo? Bakit hindi mo sinabing iniwan—"

"Damn, Savitri! Bakit ko sasabihin kay mama na ikaw ang dahilan? Para kamuhian ka niya? I would never say that because I love you. I care for you. Ayokong may isiping masama si mama sa'yo kaya mas mabuti pang ako na lang ang isipin niyang masama. Are you happy?"

He looked frustrated after saying all of that. Tears started to fell on my eyes. My hands are shaking, this what I want. I want answers pero bakit ganoon? Nasasaktan akong isiping ako pa rin ang iniisip niya nang iwan ko siya.

"I-I'm sorry, Anglo. I still love—"

Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at nagmadali maglakad. I followed him hanggang makarating kami sa loob ng Mansion. It's very quiet na tanging pagsigaw ko lang ang maririnig.

"Anglo, please! Listen to me. I still love you—"

"Tumigil ka na, Avi. Please."

Hindi ko siya maabutan dahil nanginginig ang tuhod ko but I still follow him hanggang makarating kami sa kitchen.

"Jelo—"

"Oh, Shaun?"

Tumigil si Anglo sa paglalakad kaya napatigil din ako. I saw Sylvaine holding a glass of tequila, halata sa mukha niyang lasing na lasing na siya, "W-Why ngayon ka lang?" Sylvaine caressed his cheeks while looking at him with sleepy eyes.

"Vaine, lasing ka na—"

Sylvaine lost consciousness that's why she fell on Anglo's arms. Mabilis naman siyang naalalayan ni Anglo at binuhat upang makaakyat sa hagdan.

"P-Please, let's talk, Anglo." Mahina na ang boses ko nang sabihin ko 'yon dahil sa pagod na nararamdaman ko. I looked at their direction and I saw that Anglo stopped from walking. He looked at me and smiled.

"Tama na, Savitri."

With that, I burst into tears.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top