Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Four
It's been one week since I saw Mishka and Sylvaine kissing. Nang araw ding iyon ay mabilis akong tumakbo palayo at rinig na rinig ko ang pagtawag ni Mishka sa pangalan ko. Gulong-gulo ako. Anong nangyayari? Why did they kiss? Anong meron? I thought she likes Mike. I thought Sylvaine is in a relationship with Anglo. What's happening? What did I miss?
"Wena, what would you feel if ikaw ang nasa situation ko right now?"
Tinitigan ni Wena ang daliri niyang katatapos ko lang lagyan ng fake nails, "Ewan ko, ma'am. Siguro magagalit ako kasi bakit may paganon? Hehe joke lang."
Tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa sinabi niya. I don't know the truth. If that's the case, Sylvaine is cheating? At kay Mishka pa? Alam kaya 'to ni Mike? Hindi ko matawagan si Mike dahil nasa India siya ngayon at bukas naman ang alis ko dahil ayon ang flight na na-book sa akin nila Mom. Sabi sa akin ni Tita Mira ay si Mike na raw muna ang mag-aasikaso ng Savi kaso kailangan pa rin daw ang presence ko ron dahil kailangan ng approval ko ang design na sinubmit ng mga editor na kinuha ko.
"Wala ka bang napapansin sa kanila rito dati? Noong nasa India pa ako?"
Tumingin sa taas si Wena na tila nag-iisip, "Wala naman, ma'am. Close kasi talaga si ma'am Mishka at si ate Sylvaine, eh. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa pagiging manager slash director ni ma'am Mishka or meron pang iba."
Nagkibit balikat lang si Wena sa kaniyang sinabi. Hindi ko kinakausap si Mishka. I feel like I've been betrayed dahil sa nakita ko. Niloloko nilang dalawa si Anglo? I can see that Anglo really loves Sylvaine tapos gaganunin lang nila? Dapat ay masaya ako ngayon pero hindi. I can't be happy knowing na kapag nalaman 'to ni Anglo ay masasaktan lang siya.
Sabay kaming napalingon ni Wena nang marinig naming may kumakatok sa pintuan ko.
"Savy girl, talk to me naman."
Aish. Si Mishka.
"Kausapin mo na kaya, ma'am. Kawawa naman si ma'am Mishka, eh. Para malaman mo rin kung ano ba talaga 'yung nakita mo."
Tumango lang ako kay Wena bago bumuntong hininga. I heard from Wena that Anglo is looking for me the other day. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nagpakita sa kaniya. Natatakot akong makita siya. Hindi naman ako ang nag-cheat pero feel kong ako ang may mali.
Argh.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Tumayo si Wena at pinagbuksan si Mishka bago umalis ng kwarto ko. I looked at Mishka and I can see from her eyes that she's really tired.
"Savy..."
Lumapit sa akin si Mishka at hinayaan ko lang siyang umupo sa gilid ko. Alam kong may mall show ngayon si Bryan at Sylvaine kaya hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Dapat kasama siya dahil siya ang manager ng dalawa at ano nga ba sila?
Gosh! Sumasakit ang ulo ko kakaisip.
"Sav, I'm sorry."
I looked at her and frowned when I saw her pouting. I was irritated. Why is she apologizing to me? 'Di ba dapat kay Anglo dahil kay Anglo sila nagtataksil?
"Why are you saying sorry? Wala ka namang mali."
"I'm sorry kung tinago ko sayong girlfriend ko si Vaine knowing ikaw ang best friend ko."
Nanlaki ang mata ko dahil sa nakumpirma ko, "You're what?!"
She sighed heavily, "Vaine is my girlfriend, okay? Hindi si Anglo or Bryan. Bryan is her partner on screen and si Anglo naman ang rumored boyfriend niya outside showbiz para hindi kumalat sa media na may girlfriend siya and worst sa manager niya pa."
Nanliit ang mata ko sa nalaman ko. So, palabas lang ang lahat ng sweetness nila ni Anglo? Hindi talaga sila? Eh, bakit kapag tinatanong ko kay Jelo si Sylvaine ay halatang masaya siya!
I thought they were cheating on Jelo. Oh my gosh! Alam kaya 'to ni Mike?
"I thought si Mike ang gusto mo?"
She scowled at what I said and then she hit me with a fan, "Aray! Ano ba?!"
"Kadiri ka, 'no? Anong Mike ka riyan? Bobo lang papatol don."
Akala ko ay nagkakamabutihan sila nang umuwi ako nang India? Hindi? Hindi naging sila? Dahil ba babae ang gusto ni Mishka?
"Alam ni Mike ang tungkol sa inyo?"
She nodded, "Yeah. Ikaw, si Anglo, tita Miriam, at si Mike lang."
So Tita Miriam knows about them. Pati 'yong post sa facebook ni Anglo... hindi rin 'yon totoo? Bakit natago sa akin 'to ni Mike? Hinayaan niyang masaktan ako sa relationship ng dalawa even if it's fake.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?"
Mishka held my hand and gave a slight smile, as if she didn't want me to be hurt by whatever she was about to say, "I want you to learn your lesson."
"A-Anong lesson?"
"You hurt Anglo, Savitri. So much. I was there when he needed you the most. He's always not in the mood with everything when you left him, and it got worse when his father died. Mike and I talked and napilitan siyang sabihin sa mother mo ang situation ni Anglo kaya sila pansamantalang tumira rito sa inyo. Sylvaine and I were already together that time, and we asked Anglo for help with our relationship, which he quickly accepted... that's why I owe him a lot."
It felt like my world crumbled when Mishka told me all of that. Was it really me that he needed during those times? He still thought of me even though I left him for a nonsense reason. I don't know if he can forgive me, but I want to be a better person for him.
"Do you think mapapatawad pa niya ako?"
Mishka smiled at me, "I think he already did, Sav. Ang problem mo is hindi mo siya mapipilit na kalimutan ang ginawa mo sa kaniya."
If I could turn back time, I wouldn't hurt Anglo. Hindi ako magpapadala sa sinabi sa akin ni Bella at hindi ko hahayaang mapunta siya sa ibang babae. When I left, I promised to myself that I'll stop thinking about him... but I just can't. Alam kong sobrang sandali lang kaming nagkasama ni Anglo pero parang sobrang tagal ko na siyang kilala.
Mishka left me since she's going to fetch Sylvaine. Hindi raw siya sumama sa mall show dahil gusto niya akong makausap about them. I really appreciate her effort and Sylvaine's kindness.
Minabuti kong bumaba na para makakain dahil kailangan ko ring ayusin ang mga dadalhin ko para bukas. Aayusin ko lang saglit ang Savi and babalik ako rito para makipag-ayos kay Anglo. Knowing na wala silang relasyon ni Sylvaine, gumaan ang pakiramdam ko.
"Hija, kumain ka na. Paborito mo ang niluto ko."
"Salamat po."
Ngumiti ako kay Aling Lorna at hinayaan siyang ipaghain ako. I scanned the whole dining area. Lahat ng maids naman ay atubili akong inaasikaso when in fact ay kaya ko namang gawin ang lahat ng 'yon. I told them that I can manage myself but they don't want me to do the things that I am not used to do.
"Aling Lorna, hindi po kayo sasabay? Kayo rin po, sumabay na kayo sa akin." I looked at those maids na naglilinis sa sala namin.
"Nako hija, kumain na kami. Anong oras din kasi kayong nag-usap ni Wena sa taas. Hindi pa rin kumakain ang isang 'yon pero inutusan kong pumunta sa palengke para mailuto ko ang paborito ni Mike."
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Paborito ni Mike? Nasa India 'yon, ah? "Para saan po 'yung kay Mike?"
"Ah, hindi niya ba nasabi sa'yo? Dalhin mo raw 'to ron dahil ito raw ang gusto niyang kainin."
I rolled my eyes. Pinagod pa talaga si Aling Lorna para sa cravings niya. Hindi ko rin alam kung sasabay sa akin si Tita Mira bukas. Ang alam ko kasi ay wala ng flight na same schedule sa akin kaya baka next week pa siya makasunod. Iniisip ko lang, bukod sa maids namin, sinong tatao sa Mansion?
Nagsimula na akong kumain habang nanonood ng video sa cellphone ko. Nakakatatlong subo pa lang ako nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko, "Sabay ako."
I glanced at Anglo as he scooped rice and viand onto his plate. What is he doing here? Bakit hindi siya sa kanila kumain? Hindi naman sa ayaw ko siyang kumain katabi ko pero bumibilis kasi ang tibok ng puso ko. Besides, Sylvaine has a mall show. Bakit wala siya ron even though fake boyfriend siya nito outside showbiz?
"Bakit dito ka kakain?"
Kumunot ang kaniyang noo at tinaasan ako ng kilay, "Sabi ni Mishka gusto mo raw akong kasabay."
Nanlaki ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Si Mishka? She's not helping me! Nagiging kabado lang ako kapag kaharap ko si Anglo. Tumango na lang ako sa kaniya at nagsimula na ulit kumain. Sobrang weird din dahil 'yung mga maids namin ay unti-unti kaming iniiwan.
I looked at him and he's busy watching videos on his phone. Should I talk to him? Parang walang saysay din ang ginawa ni Mishka kung hindi ko siya kakausapin kaso natatakot ako sa sasabihin niya. Ayos lang na paulit-ulit niya akong i-reject dahil sa ginawa ko pero hindi ko ata kakayanin kapag sinabi niyang may gusto na siyang iba.
I cleared my throat, "Jelo..."
He paused the video before looking at me, "Bakit?"
"C-Can we talk?"
Bumuntong hininga siya at uminom ng tubig. Tinitigan niya ako at inilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang baba, "Okay. Ano pag-uusapan natin?"
"Mahal pa rin kita."
He bit his lip and scratched his head. I don't know why, but that's the first thing that came out of my mouth. I want him to know that I still love him, "Kung mahal mo ako, bakit mo ako iniwan? Bakit mo sinabi sa akin ang mga 'yon?"
Hinawakan ko ang kaniyang kamay, "Kasalanan ko kung bakit naaksidente si Lily—"
"It wasn't your fault—"
"No, Jelo. It's partially my fault. Kung hindi kita niyaya nang araw na 'yon, sana nasundo mo siya nang maaga. Hindi sana nangyari 'yon. Bella talked to me and she said things na nakapagpa-drain sa utak ko. Plus the fact na nalaman ko kung bakit ako ginanon ni Zach. Hindi ko alam kung ano ba ang tama sa mali. Sinisisi ko ang sarili ko dahil naaksidente ang kapatid mo. I couldn't sleep thinking that if I hadn't forced you to go with me, the accident wouldn't have happened. Bella said that I didn't deserve you and that your life just got complicated when I came along. I felt at the time that it was true, which is why I said that. But believe me, ikaw ang mahal ko nang panahong 'yon and hindi si Zach."
Lumamlam ang kaniyang mata pagkatapos ko iyong sabihin. He held my cheek and wiped away the tears that were falling. I closed my eyes and felt his hand on my face. I miss this. I miss him.
"Please, I love you so much, Jelo. Hindi ko kayang wala ka. Hindi ko alam na mararamdaman ko 'to sa'yo and hindi kay Zach."
"Nasabi mo na ba sa kaniya ang tungkol sa atin?"
"Anong tungkol sa inyo?"
Sabay kaming napalingon ni Anglo sa pintuan at nakita namin si Zach na may hawak na bulaklak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top