Chapter Ten

Chapter Ten

Ayokong alalahanin kung bakit ako narito ngayon sa bahay nila Anglo. I don't know why I chose him. Hindi ko alam kung bakit siya ang tinawagan ko kaysa kay Mike pero alam ko namang hindi maganda ang mangyayari kapag kay Mike ako nagsabi.

Isang araw na akong narito kila Anglo pero kahit kailan ay hindi ako lumabas sa silid na ito. Dinadalhan niya lang ako ng pagkain kapag alam niyang kailangan ko na nito and he decided to ask me about this decision of mine and I chose to ignore him. Buti nalang hindi na siya nagpumilit pa.

Kailangan ko ng lumabas sa kwartong 'to. Kailangan kong maligo. Gosh, hindi talaga ako sanay na hindi naliligo sa isang araw.

I decided to eat the foods that Anglo brought a while ago. Hindi ako sanay kumain ng mga pagkain nila pero alam kong masasanay na ako dahil magtatagal ako rito.

That's the thing that I need to tell to Anglo.

I need to stay here. I don't know, I think for a few months? Or year?

Napailing ako sa naisip ko. It can't be. Hindi ako magtatagal dito ng taon. I just need to think. Kailangan kong huminga. I can't deal with my parents and with Zach knowing that he's been cheating on me for a while now yet wala akong kaalam-alam sa ginagawa niya.

Nang matapos akong kumain ay tumayo ako at sumilip sa bintana. I saw Anglo carrying a lot of woods. May gagawin kaya siya?

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. I saw him took a glance on me but he decided to continue what he's doing.

"Uhm... Anglo, can I-"

"Ayos ka na ba? Gusto mo na bang mag-usap?"

I bit my lip when he said that. Mali ngang hindi ko siya kinausap ng isang araw dahil lang sa problema ko. Ginulo ko siya nang gabing iyon kaya kailangan kong sabihin sa kaniya kung bakit ako ngayon narito.

I nod my head, "Yes. Sorry for disturbing you that night. I just... need help. I don't think my cousin could help me."

Tinigil niya ang pagsibak sa kahoy at taka akong tinitigan, "Pinsan mo? Ba't naman hindi ka niya tutulungan?"

I raised my eyebrow at him but I decided to remain calm. Ayokong sabihin sa kaniya pero kailangan ko. Gosh, bakit nga ba sa kaniya ako lumapit?

"It's just... It's complicated."

Tumango lang siya sa akin at tinuloy na muli ang ginagawa niya kanina. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na kailangan kong dito muna tumira pansamantala. I'm shy. Natatakot akong hindi ako pagbigyan sa gusto ko. Simula bata ako, lahat ng gusto ko nasusunod.

"A-Anglo, can you do me a favor?"

He looked at me, "Ano 'yon?"

"Can I stay here?"

He stopped arranging the woods on the table. His forehead creased when he looked at me, "Pwede naman kaso wala kaming mapapakain sa'yo. Alam mo namang-"

"No! Uh I mean... I can help! My things are with me kaya pwede ko kayong matulungan. Konti lang ang dala ko ritong pera but I can withdraw naman-" he immediately cut me off.

"Nakakahiya naman, Savitri-"

"No! I said no, ako ang nanggulo sa'yo kaya hayaan mo ako. I can give you all my money on my atm but please, let me stay here for a while. I don't want to go back in our house, Anglo. P-Please." I gasped when I said that. My hands are also shaking. I'm afraid of what would be Anglo's answer. I'm not used to rejection.

Ginulo niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. He smiled after doing that which sent shivers down my spine. I shook my head. Ano ba naman 'tong nararamdaman ko?

"Hindi ako tatanggi riyan, Savitri, dahil kailangan din namin 'yan sa pagpapatuloy sa'yo pero hindi namin kailangan ng malaking halaga."

"No. I can give you all my money. Wala sa akin 'yon, Anglo. Just help me."

"I'll help you, Savitri."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Anglo tungkol sa pagpapatuloy nila sa akin dito ay naisipan kong maligo na. Masyado na akong kinakati sa silid na iyon kahit na hindi naman iyon marumi. My skin is so sensitive that's why I can't stay to the place that I'm not used to stay.

I'm currently taking a bath at their backyard. Nasa labas din si Lily para bantayan ako at siya ang susunod na maliligo dahil may pasok siya at ihahatid ni Anglo.

"Ate, dito ka na sa amin titira?"

Natigil ako sa pagkuskos sa katawan ko nang magsalita si Lily. Nang dahil kay Zach kaya ako nandito ngayon. Ayokong harapin ang mga magulang ko. Nagtatampo ako sa kanila dahil hindi man lang nila ako hinahanap gayong may nang-kidnap sakin kahit na hindi naman masama ang intensiyon ni Anglo, "Pansamantala lang, Lily. Aalis din ako rito..."

"Dito ka nalang sa amin, ate, para dalawa na kayo ni ate Bella na ate ko."

I wore the towel that Anglo gave me and went out of their toilet. May kapatid pa ba si Anglo bukod kay Lily? "May ate ka pa?"

Iniling niya ang ulo niya bago binigay sa akin ang damit na isusuot ko, "Si ate Bella po ay ate ng kalaro kong si Stella." I just nodded from what she said and put on the clothes that's from their mother.

I offered to bathe her but she told me that she can do it because she is already an adult so I let her do what she wants. I smiled from that, masaya rin palang may kapatid kang mas bata sa'yo. Tingin ko ay sobrang saya ni Anglo sa pamilya niya kahit na ganito ang sitwasyon nila.

"Hey," Anglo greeted me. He looked at me from head to toe then he laughed. I raised my eyebrow at him. Anong problema niya at bakit niya ako tinatawanan?

"What's funny?"

"Bagay pala sa'yo yung daster ni Mama."

Tinitigan ko ang suot ko at wala naman akong nakikitang mali. Maganda naman ang suot ko kaya bakit niya ako tinatawanan? Mukha ba akong tanga dahil sa suot ko? Inirapan ko na lamang siya at pumasok sa bahay nila. Naabutan kong nagluluto ang Nanay niya kay lumapit ako rito.

"Hello po, do you want me to help?" I still tried to offer that even though I can't do it. Ayoko namang maging pabigat sa kanila. Kahit na magbibigay ako ng pera palit ng pagtira ko rito ay nakakahiya pa rin naman.

"Nako hija, hindi na. Alam ko namang hindi mo kaya at nahihiya ako dahil sa ginawa ni Anglo sa'yo-"

"No, it's fine. Tutulong po ako sa paraang kaya ko which is I can lend you some money." Ngumiti lang ito sa akin at pinagpatuloy ang pagluluto niya. Nakatingin lang ako habang nagluluto ang nanay ni Anglo nang pumasok siya dala-dala ang mga kahoy na sinibak niya kanina.

"'Ma, saan ko 'to ilalagay? Sa likod nalang ba?"

"Oo, Jelo. Magluluto na ako ng bananaque pagtapos nating kumain."

Dumiretso si Anglo sa likod ng bahay habang sinusundan ko siya ng tingin. So that is his nickname. Jelo. Bagay naman, parang pang bata lang tignan.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at sinundan si Anglo. I saw him arranging the chairs of the table. Inisa-isa niya ring ilagay ang mga pinggan sa lamesa bago ako tinignan, "Oh? Wala ka na bang kailangan?" I shook my head. Tinulungan ko siyang ayusin yung mga utensils at siya naman ay sa mga baso.

"Alas nuwebe na. Aalis ako mamayang hapon para magtrabaho kay Mang Lito. Ikaw na muna rito sa bahay-"

"Samahan mo ako."

"Saan?" Kinunutan niya ako ng noo at lumabi.

"I'll withdraw. Kapag naubos na, I'll just call my cousin." Tumango lang siya sa akin at sinabing magpapalit siya ng damit. I sighed. I miss my parents but I don't want to go back to our house. Kapag nandoon ako sa bahay na iyon ay hindi ako makahinga. Parang lahat ng galaw ko ay pinapanood nila.

Lumabas siya ng kwarto niya na maayos na ang suot at may dala-dalang isang sumbrero, "Oh, suot mo." Isinuot niya ang sumbrero sa ulo ko at tawa-tawang tinalikuran ako.

"What's your problem?! Pwede mo namang ibigay sa akin nang maayos!"

Isinuot ko na lang ang sumbrero na binigay niya bago kunin ang purse ko sa kwarto ko at sinundan siya. Nang makalayo kami sa bahay nila ay napansin ko ang ilang malalaking bahay. Mukhang subdivision ito at nasa likuran ang bahay nila. Marami na akong nakikitang mga tao kaya lumapit ako kay Anglo.

Saglit siyang lumingon sa akin bago hinawakan ang kamay ko, "Kilala ko ang mga 'yan. Mababait naman sila pero mas okay na malapit ka sa akin."

Naglakad kami habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Nakikita ko pang binabati niya ang iilang mga nakakasalubong namin. Hindi ko masyadong makita ang dinadaanan namin dahil sa sumbrero na suot ko at buhok na humaharang sa mata ko.

"Nahihirapan ka ba sa sumbrero? Hindi ka kase nila pwedeng makita. Baka may makakilala sa'yo-"

"Jelo! Punta ka ba mamaya?"

Sabay kaming lumingon sa nagsalita at nakita ko ang isang matandang lalaking naglalakad na papunta sa direksiyon namin. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Anglo kaya napalingon ako sa kaniya, "Oo, Mang Lito. Punta nalang ako kapag hapon."

So, ito pala ang sinasabi niya sa akin kanina na aalis siya. Siguro ay may trabaho siya ng ganoong oras. Tumango lang ang matanda sa kaniya bago ako binalingan ng tingin, "Oh? Sino 'tong kasama mo?"

"Uh... pinsan ko galing Maynila."

Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa sinabi niya. Pinsan ah.

"May kapatid pala si Noel?"

Nakita kong nanlaki ang mata ni Anglo pero kalaunan ay bigla siyang tumawa, "Hehehe, pinsan ko 'to kay Mama, Mang Lito. Anak ni Tita Cecil, nagbabakasyon lang dito."

"Ganoon? Akala ko nasa elementarya palang 'yon. Ang bilis na lumaki ni Christina."

Nagpaalam na si Anglo at nagpatuloy kami sa paglalakad. I looked at him at kita kong parang may malalim siyang iniisip. Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan siya, "Are you okay?"

"H-Hindi. Nakakainis hinarang pa tayo ni Mang Lito. I forgot that Christina is only twelve years old."

I laughed from what he said dahil nakalimutan niya pa talaga ang edad ng pinsan niya. Nang mapansin kong seryoso siyang nakatingin sa akin ay tumigil ako sa pagtawa.

"S-Sorry..."

"Mahihirapan ka kung magpapanggap ka..."

Binitawan niya ang kamay ko at nilagay niya ang dalawang kamay sa batok niya. Ngayon ko lang iyon naisip. Hindi naman pwedeng magpanggap akong bata para lang hindi nila ako makilala but... do I have a choice?

Humarap siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. I pushed him slightly, "What are you doing?"

"Kailangan mong magpagupit. Kukulayan din kita para hindi ka nila makilala. Sabihin nalang nating, boyfriend mo ako at umalis ka ng bahay niyo para makipagtanan sa akin."

"W-What?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top