Chapter Nine
Hindi ko alam kung paano ko nakausap si Zach nang maayos nang marinig ko ang pag-uusapan nila ng babae niya. Is that even his mistress? Matagal na kami and worst is we're engaged. How can he do that?
I felt betrayed.
Hindi ko kilala ang babae but I wanna know so that I can see her personally. Ano ang nagustuhan sa kaniya ni Zach na wala sa akin?
Matagal na niya ba akong niloloko?
I shook my head because of the thought that comes in my mind. It can't be, maayos kami last week before Anglo kidnapped me. Yung ibang months na kasama ko siya ay alam kong sincere siya sa nararamdaman niya sa akin but now... I really don't know.
I want to know who's the girl.
"Babe, hindi mo ba talaga sasabihin kila Tita na nandito ka?"
Lumingon ako kay Zach at nakita ko siyang nagbabasa pa rin sa laptop niya. He's working and he's busy kaya malaya akong pakialaman ang mga gamit niya pero hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang bagay na gusto kong mahanap.
It's in his phone, I'm sure of that.
But I don't know kung paano ko makukuha ang cellphone niya gayong nasa tabi niya ito.
"We already talked about this, Zach. Walang dapat makaalam na nandito ako."
"Hmmm..."
Pinagpatuloy niya na ang ginagawa niya at hinayaan akong gawin ang gusto ko. I can't stay here knowing that he's cheating on me. Gusto ko siyang saktan, gantihan sa ginawa niya sa akin but I'm not that kind of woman. I want to leave here as soon as possible pero hindi ko alam kung paano ako aalis.
I can't call Mike right now. Kaibigan niya si Zach at baka hindi siya maniwala sa akin kapag sinabi kong may babae si Zach. But I am his cousin, right? Siguro sa akin naman maniniwala si Mike.
"Do you want something? Gusto kong lumabas," saglit siyang lumingon sa akin at tumango, "Saan ka ba pupunta? Convenience store? Gusto mo samahan na kita?"
Akmang tatayo siya sa pagkakaupo niya nang lumapit ako sa kaniya at bigla siyang pinaupo, "N-No! Stay here, kaya kong mag-isa. Anong gusto mo?"
"O-Okay... Pasta will do. Are you sure that you don't want me to go with you?"
"Y-Yeah. Saglit lang naman ako and besides, it's already midnight. Walang media ngayon, I think?"
He told me to take care of myself bago ako lumabas ng condo niya. I sighed. Ngayon na lumabas ang luhang pinipigilan ko simula nang nasa condo ako ni Zach. I looked at my ring. The day that he proposed to me was so memorable. Lahat ng malapit sa akin ay nandoon at ako lang pala ang walang alam na yayayain ako ni Zach na magpakasal.
"Hey, where are we going ba? Masyado ng gabi-"
"Shh... let's just stroll for a while, babe."
Tumango lang ako kay Zach at hinayaan siyang dalhin ako sa lugar na sinasabi niyang gusto kong mapuntahan. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa mataas na hagdan ng isang resort na pinuntahan namin nang araw na 'yon.
Nang makalahati namin ang hagdan ay binitawan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin, "Bakit ka tumigil? Let's continue to walk na-"
"Put this. 'Wag mong tatanggalin 'yan hanggang hindi ko sinasabi."
He handed me a handkerchief and I raised my eyebrow at him, "What for? Ano na namang pakulo to, Zachary?"
"Just put that thing, Savy."
He chuckled kaya napangiti nalang ako at sinunod ang gusto niya. I put the handkerchief on my eyes and we started to walk again. Inalalayan niya ako hanggang makaakyat kami and I can't help myself but to feel so loved that time.
"Malapit na tayo, Savy, just wait."
"Alright. Are we going to eat our midnight snack here? Bakit kailangang naka-piring-"
"Shh..."
He placed his finger on my lips telling me to shut up. Dahan-dahan niyang inalis ang piring sa mga mata ko at kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil hindi ko makita ang nasa harapan namin.
"W-What is this?"
I saw him smiling while handing a bouquet of flowers. Sa likod niya ay mayroong malalaking letrang nakalagay na will you marry me. I wandered my eyes around the place. Nagkalat ang mga petals sa daraanan ko at may mga fairy lights na nakasabit sa puno.
I'm so grateful that day kaya mabilis akong tumakbo kay Zach at niyakap siya. He hugged me tight kaya mas lalong lumakas ang paghikbi ko. Adhar never did this. I mean, the surprise. He never surprise me with the things that I want. Kaya rin ako nakipaghiwalay kay Adhar ay dahil don. He never puts an effort towards me.
And I think that's sad.
Hinawakan ni Zach ang dalawang kamay ko bago lumuhod. Inilabas niya ang singsing sa likod ng pantalon niya at nakangiting ipinakita iyon sa akin, "Will you marry me, Savitri?"
"Zach, you know that I love you pero baka hindi pumayag sila Mom-"
"We're not against with Zach, Savitri. It's okay."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Mom sa likuran ko habang nakangiti sa amin, "M-Mom..."
"It's fine, Savitri."
I looked again at Zach and I smiled at him, "Yes, Zach. I'll marry you."
He inserted the ring on my finger before he kissed me. Nakarinig ako ng hiyawan ng mga tao at doon ko lang nalaman na nandoon din pala sila Mike at Tita Mira kasama ang mga magulang ni Zach.
I really can't forget that day because those people who are close to me already witnessed how Zach proposed to me. Hindi ko alam kung magagawa pa ba iyon ng ibang lalaki kapag naghiwalay kami ni Zach. Hindi ko kayang hiwalayan si Zach, I love him but I don't want to be martyr.
Nang makarating ako sa convenience store ay konti lamang ang tao kaya nakapili agad ako ng bibilhin ko. No one can't recognize me since I'm wearing a hoodie and a mask. Sana nga walang makakita sa akin.
Nagmadali akong lumabas nang makuha ko na ang sukli ko. Nakakatakot kase ang titig ng babaeng nasa loob kaya mas maiging umalis na ako ron. I checked the time on my wristwatch and I noticed that my watch isn't working. Siguro mag-aalas dose palang?
Nang makabalik ako sa condo ni Zach ay nakita ko siyang tulog na habang nakanganga pa. I sighed. Nagawa ba talaga akong lokohin ni Zach? Totoo kaya ang mga narinig ko?
I placed the paper bag on the top of his table and I searched for his phone. Hindi na iyon nakalagay sa table niya kaya hindi ko alam kung saan iyon hahanapin. I heard a vibrate near his lampshade and I saw his phone beside it. Mabilis kong kinuha ang phone niya at binuksan.
"May password?"
The last time I checked his phone ay wala pa itong password. Bakit ngayon ay mayroon na? I tried to type my birthday but it's error. I was about to give up when I remember the day that he proposed to me. Nang ma-itype ko iyon ay bumukas ang kaniyang phone kaya napangiti ako.
At least, his password is the day of our engagement.
I looked for the messages and I saw the top message of all. The name is Ysa.
Ysa?
Who's Ysa?
I read all of her messages. Madalang lang sagutin ni Zach ang mga 'yon at hindi ko alam kung bakit. So, I therefore conclude that this girl Ysa is his mistress.
From: Ysa
Zachary, when should we meet again?
From: Ysa
Anong balita sa inyo ni Savitri? Hiwalay na ba kayo?
From: Ysa
Why aren't you replying to my messages? Reply to me asap!
From: Ysa
Yesterday was so great, Zach. You're monster in bed.
Nabitawan ko ang phone ni Zach at nakalikha iyon nang malakas na tunog. I looked at Zach at gumalaw siya kaya mabilis kong inilapag ang phone niya sa tabi ng lampshade at tumakbo papunta sa kama, "Savy, nakabalik ka na pala? Come here let's eat."
Pinigilan ko ang sarili kong 'wag umiyak nang malakas. I don't want him to hear it. I don't want him to comfort me with his lies. I trusted Zach with all my heart. I gave my body to him. Paano niya nagawa ito sa akin?
"Savy, let's eat-"
"Matutulog na ako, Zach."
Pinigilan kong hindi mautal nang sabihin ko iyon. I covered my mouth para hindi niya marinig ang pag-iyak ko. This time, I'll try to choose myself. I will leave his condo today. Hihintayin ko nalang na makatulog siya ulit para makaalis ako rito.
Naramdaman kong lumubog ang kama tanda ng may humiga sa tabi ko. Zach encircled his arms on my waist at mas inilapit pa ako sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko at tina-try na tanggalin ang kamay niya sa pagkakapulot nito sa bewang ko, "'Wag kang magulo, Sav. Let's sleep. I love you."
Nang marinig kong lumalalim na ang paghinga niya ay dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa bewang ko. I looked at him while he's peacefully sleeping on his bed. I'll never forget this man even though he hurts me.
"I will always love you, Zach."
Tinanggal ko ang singsing sa daliri ko at pinatong iyon sa table niya. Kinuha ko ang wallet ko bago lumabas ng unit niya. Habang naglalakad ako papalayo ay bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko kayang iwan si Zach pero iyon ang dapat kong gawin.
Siguro kung ibang babae ang nasa sitwasyon ko ngayon ay hahanapin ang babae at sasaktan iyon. Hindi ko kaya 'yon. Kahit na sinaktan ako ni Zach ay hindi ko kayang saktan ang taong mahal niya.
I'm so stupid.
I never know that I'm stupid when it comes to him.
I was about to dial Mike's number when I saw someone's number. Mabilis kong nilagay ang phone ko sa tainga ko at hinintay ang taong iyon na sagutin ang tawag ko.
"Sino 'to? Antok pa ako mamaya ka-"
"This is Savitri."
Namayani ang katahimikan sa kabilang linya pero nagsalita rin naman agad siya, "Oh, Savitri? Ayos na ba? Malinis na ba ang pangalan ng tatay-"
"Can you help me, Anglo? Please."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top