Three: Weary Love
And even though you
don't mean to hurt me
you keep tearing me apart
-Mercy
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Kendric
What was that? Did she just refused to have a date with me and- is it really Lianna who told me to do whatever I want? At puntahan si Celine?
That's new. May problema kaya siya?
I found myself running towards my car and started the engine cause I had the urge to follow where she was going. Anong nangyari? Ang expectation ko ay itutulak niya ako papuntang sasakyan ko, gagawin akong driver at magiging bossy na siya sakin. Pipili siya ng restaurant na kakainan namin at makikipagdaldalan sa akin not even minding if I'm irritated. Di naman kaya may iba na siyang lalaking nakita?
Once I got out of the parking lot, she wasn't at the road anymore. Ang bilis naman yata niyang magpatakbo at agad siyang nawala?
I stopped the car at the side and sighed. Kinuha ko ulit ang phone ko at sinubukang tawagan si Celine, hoping she will pick it up but then again after a couple tries, hindi niya sinagot. Ibig sabihin ayaw niyang magpaistorbo, ayaw niya akong makita. Hinagis ko ang phone sa tabi at pumikit.
Fine. Just gonna do my first plan.
I picked my phone up again and tracked Lianna. Lucky for me who found her location immediately. Mukhang nakarating na siya sa pupuntahan niya dahil steady lang rin ang dot which represents herself on the gps screen. I shrugged and started to drive.
Just what the hell was she on about? Mukha namang walang mali sakanya, tinatarayan pa nga ako ng pasimple eh. Hay nako, mga babae talaga ang gulo.
After a short drive I finally reached her place and- huh? Bakit siya nasa ganitong lugar? Club? Bago yun ah. Ayaw niya kasi ng mga magugulong tao at paligid at kahit hindi pa ako pumapasok sa loob ay alam ko nang punong puno ng mga ganoon diyan sa lugar na yan.
Ah. May problema nga yata siya. Pero ano yun?
I got down the car and entered immediately. Sumalubong sa akin ang nakakabinging music galing sa speakers at pati na rin ang mga nagsasayawang tao habang may hawak na inumin, definitely, she won't be in this area.
Nakipagsiksikan ako sa mga tao at kung mamalasin ka pa nga naman, may humarang pang babae sa harap ko.
"Hey, wanna have some fun?" She asked seductively.
"No. Now get out of my way." Malamig kong sagot at tinabig siya. Gago ba yun? Masaya na ako kay Celine hindi na ako babalik sa pambababae.
Umakyat rin ako sa second floor kung saan nakalagay ang mga private rooms. May kurtina ang bawat table kaya hindi kayo makikita ng mga tao habang nagiinuman. And I'm quite sure she's here.
Lumapit ako sa first private table at binuksan iyon, may mga babaeng nagiinuman, nginitian pa ako pero agad kong sinarang muli ang kurtina. I walked at the second table and ugh naghahalikan pa ang nakita ko.
"Sorry." Sabi ko nalang nang magulat ko sila. Ang daming table dito! Eh paano kung makakita pa ako ng mas malala kapag nagpatuloy ako? Yung mga curious diyan, hoy virgin pa ko! Nakikipaglaro lang ako sa mga babae pero hindi ko dinadala sa kama. Oo nanonood ako ng p- basta! Yun nga, pero kahit ganun hindi ko ginagawa sa totoong buhay.
Umiling nalang ako at lumapit sa third private table.
Puta, ano ba itong pinaggagawa ko?
I reached the third curtain and held it pero hindi ko naituloy ang pagbukas.
I know that voice.
Lianna
"Alam mo kung ano yung masakit? Yung tingin niya sa akin, I know that for him... I'm nothing but a bad girl."
Lumagok ulit ako ng pangatlong shot sa pangalawang bote ng wine.
"L-lianna! Wag kang iinom ng marami! Ang bilis mo nanamang uminom and the fact that you just got here! For goodness sake control yourself!"
"Don't mind me."
"Ano bang nangyari? Explain it so that I can understand."
Naramdaman ko ang pag guhit ng wine sa sikmura ko. Masyadong matapang.
"He..." I paused for a second and swallowed.
"He just hates me... So much."
Hindi sumagot si Kath at uminom rin, pero hindi siya nag order ng wine na kasing tapang nitong akin. She's used to wines pero ngayon hindi daw muna siya iinom ng marami para maiuwi niya ako dahil alam niyang literal akong maglalasing. Guess who knows me when I'm hurt.
"He's too stupid."
"I think I'm just as cruel." Agad kong sagot. Oo alam kong kaya ganito ang tingin niya sakin ay dahil sumosobra na rin ako. "Ang tanga ko para umiyak eh ako rin naman ang dahilan nito."
"Ipagtatanggol mo pa eh."
I didn't answer. Oo nga naman, pinagtanggol ko pa.
"Ang ganda mo naman. Ang daming lalaki diyan. Ang daming nanliligaw sayo. Yaman at itsura lang naman ang lamang niya sa iba eh. Hindi mo ba puwedeng kausapin ang parents mo tungkol diyan?"
I hope I could.
"I love him, Katherine." Napasinghap agad ako pagkasabi noon. "I don't want somebody else."
"Ayun tayo eh."
Natawa nalang ako ng ibagsak niya sa table ang shot glass niya. Oo nga may point siya pero-
Bigla akong napalingon sa kurtinang nakaharang nang bigla itong magbukas.
Wait. What the?? am I dreami-?
Umupo siya sa tabi ko nang hindi manlang kami nililingon at naglagay ng wine sa shot glass ko saka niya nilagok iyon.
"Kendric?! Why are you here?" Kath asked in shock and my mouth hung open. Is he a fucking lunatic??!
"What are you doing??" I almost died keeping my face normal. "Since when did you got here? D-did you hear a-any-"
"Haaah." Pagpapakawala niya ng hininga nang malunok ang wine. Saka siya tumingin sa amin. "I just got here." Cool niyang sagot.
"Oh... My..."
"Let's go Kath." Tila nawala ang kaunting lasing na meron ako. I suddenly got sober the moment I stood up at kinuha ang bag ko.
"Why were you leaving so early?" He sounded like he's teasing me.
"Well. I don't want you around me." Umirap ako at padabog na lumayas habang si Kath ay nakasunod sa likod ko. We got down the stairs pero nasa gitna palang kami ng hagdan ay may humatak sa braso ko.
"Lianna..." Magrarant dapat ako kaso nahuli ako ng seryoso niyang mga mata. "Is there a problem?"
Problem?
May narinig ba siya? May nahalata ba siya? Halata bang naiyak ako?
I changed my expression and glanced at him in disgust, wearing my bitchy look.
"What are you talking about? Are you stupid? Bakit ko naman hahayaang magkaproblema ako?" I stated then left him alone.
I walked directly to the parking lot since nauna nang lumabas si Kath kanina pa. Ang lamig lamig pa ng hangin ngayon. Nang makalabas ako ng club at sumalubong ang tahimik na gabi, bumagal na rin ang paglalakad ko. I hope he's not here anymore. Ayokong makita niya akong mahina, malungkot. Nawalan ako ng ganang maglakad, huminga.
How dare he ask me something like that? Kung bang sinabi kong oo, may problema ako, anong gagawin niya? May maitutulong ba siya? Wala naman eh. Pag ba sinabi kong siya ang problema ko, siya ang dahilan kung bakit malungkot ako, siya ang dahilan kung bakit naiiyak ako kung bakit naglalasing ako. Anong gagawin niya? Makakaya niya bang iwan si Celine for me? No. He can't do that just for me.
"What the-!" Naramdaman ko ang mabilis na paghila ng isang tao sa wrist ko, nakasimangot at puno ng pagtataka ang mukha niya habang diretso ang tingin sa akin. At naagaw naman ang atensyon ko ng sasakyan na dumaan palayo sa amin.
Muntik na pala akong masagasaan.
"Ano ba?" Pagpupumiglas ko sa pagkakahawak ni Kendric. Bakit ba kung kailan ayoko siyang makita saka niya ako sinusundan?
"Anong ano ba?" Tanong niya pabalik at binitawan na ako. "Muntik ka nang mabangga buti nalang sinundan kita. Ano bang problema?"
"The hell you care?!" I ran my fingers through my hair at nagpamewang. Napatigil ako dahil sa titig niya like he's trying to figure out something from me.
"Kendric could you please leave me alone? Bakit ba tuwing ayaw kitang makita doon ka sumusulpot? This is what you wanted right? Walang Lianna na nanggugulo sayo? Why do you still keep on following me?!"
He just stared at napatikom ako ng bibig. Hindi ko sinasadyang masabi lahat ng iyon. Nadulas lang ako.. shit. Sa lahat naman ng taong makakaharap ko habang naglalabas ng sama ng loob eh yung taong dahilan pa kung bakit ako namomroblema.
I think I'm losing control.
"Not until you tell me the reason why you're being like that." He answered.
"Being like what?"
"Marami... Lutang, nagclub, uminom, iniwan ako sa ere, hindi ako pinilit magdate. Ano pa b- uy!"
Sinubukan niya akong lapitan ulit dahil nakalayo na ako habang nagsasalita siya kaso may dumaan ulit na sasakyan kaya hindi siya nakatawid.
"Yan. Hahabol pa eh." Bulong ni Kath bago kami pumasok sa sarili naming mga sasakyan. Kanina pa kasi siya nakacrossed arms na nanonood sa aming dalawa at hinihintay nalang ako. Sumakay na kami sa magkatabi naming kotse.
Binuksan ko ang bintana ng kotse ko para makausap si Kath at ganun din siya.
"Let's go to my house." Sabi ko na tinanguan niya. Kahit naman maabutan ako ni kuya sa bahay na nakikipaginuman imbis na kasama ko si Kendric, hindi siya magagalit.
Nanatiling nakatayo si Kendric doon sa isang gilid at hinihintay ang pagdaan ng sasakyan ko. Why won't he leave?
Sa sobrang inis ay di ko na napigilang paandarin ang kotse at idirediretso papunta sa kinatatayuan niya. Sa sobrang gulat ay napasandal siya sa pader at pumikit dahil akala niya babanggain ko siya pero nang makaabot ako sa harap niya ay pinreno ko ang sasakyan.
*Vroooom* *vrooom*
Bihira akong magmura pero tangina mo Kendric. Wala na akong ibang masabi kundi punyeta ka.
He still stood there silently as I start to back off my car. Then we finally made our way out of the parking lot. Leaving him behind.
Tumunog ang phone ko na naka bluetooth sa stereo nitong sasakyan. Pinindot ko ang stereo screen kung saan si Kath ay tumatawag.
[Lianna! That's crazy!!] Her shriek covered the whole car.
"I know." Natatawa kong sagot. Nakasunod siya sa likod ko ngayon.
"Let's talk later." Sabi ko pagkaraan ng ilang segundo.
[Okay bestie~]
Pinatay ko na ang call at binilisan ang pagdadrive. Nang makarating kami ng bahay ay pinasok agad namin ang sasakyan sa loob at inutusan ko ang guards na huwag magpapasok ng kahit na sino pwera lang kay kuya. Mahirap na, baka hanggang dito makita ko pa pagmumukha nung lecheng yun.
Umakyat kami sa isa sa mga guest rooms at binuksan ang ilaw at aircon.
"Fffffiiiiiinallyyyy!" I chanted as I lay down the bed. Humiga na rin si Kath.
She scoffed and stared at me. "What's with that 'ffiiiiinnaaalllyyyy'? Bata ka rin minsan nuh?"
"Just around you guys."
"Ano kayang ugali mo sa harap ng kuya mo?"
Natahimik ako at hinablot yung isang unan sa gilid saka ko niyakap. Ano nga ba?
"Kuya knows my pain. Everything. Hindi ko nga alam kung paano eh. Alam mo yun? Like last time, diretso ako ng kwarto pag uwi, nagkulong sa banyo ko, then the next thing I know pinipilit na niya akong lumabas. Alam niyang umiiyak ako."
"Baka nahalata ka niya.."
"Ang galing nga eh. Feeling ko siya ang dad ko- siya rin yata mom ko"
"I didn't know that side of him. I thought he's just a playboy." Naaamaze niyang sabi.
"Yes he was. Pero buti pa siya, wala pang nahahanap na partner para sa kanya. He's still free."
"Seriously?? Akala ko soon to be engaged na rin siya!"
"Tch. He's single." I rolled my eyes. Kakagigil! Mas matanda siya sa akin eh!! Dapat mauna siyang ma engage!
"Eh ikaw? Kailan ka ma e-engage?" I asked. Nanatili siyang tahimik at parang biglang nalungkot.
"Why?" Agad kong tanong at umupo.
Nakakapagtaka ang biglaan niyang pagiiba ng emosyon kahit ang tinanong ko lang naman ay tungkol sa engagement niya. Ang alam ko rin kasi, hindi niya gusto ang fiance niya cause she love someone else.
"Ayoko na... Ang hirap."
She looked down at kinabahan ako dahil doon. Parang may mali, masyado siyang down, masyadong mabigat. Bakit?
I examined her and to my surprise there's a-
"Ano ito? Where did you get this?!" Itinaas ko ang braso niya at itinaas ang sleeve nito. May mga pasa at sugat.
"Lianna-! P-please lower your voice."
"No! Why aren't you telling me anything?!"
"I should not."
Sunod sunod ang pag iling ko kasabay ng halo halong emosyon. No.
"Ano pa?" Hindi ko maiwasan ang paglamig ng boses ko dahil sa inis. Ayaw na ayaw ko sa lahat yung sasaktan lahat ng taong nasa paligid ko. This world is full of insecure backstabbers and idiots to find loyal friends. That's why I'm lucky to have some, masama ako pero alam ko kung hanggang saan. At pag lang naman mahagip ng magaganda kong mga mata ang mukha ng lalaking gumawa niyan kay Kath baka kinabukasan maubos ang pera niya kakaplastic surgery.
"He... He's controlling me. Blackmailing me. He's using me."
"For what?"
"For me to love him back. He's using... H-hiro's life."
I sighed heavily. Hiro, of course.
Hiro, her boyfriend. But they can't be together for so long since she's going to be engaged soon. Celine is just like Hiro.
"Anong... Anong pakiramdam ng may mahal kang iba pero... m-may pumipigil rin sayo?"
Agad akong tinitigan ni Kath as she shake her head.
"No Lianna, you're not like Floyd. You and him are different from each other-"
"But we have the same goal. How am I any different kung..."
Tumulo ang luha ko. Ang hirap nitong pakiramdam na ito. Enjoy na enjoy akong pahirapan si Kendric then suddenly one day, I'll figure out that my best friend is in the same situation? How pathetic.
Pinunas ko ang luha ko at tiningnan si Kath saka ngumiti.
"Let's not talk about me. This is about you. Rerespetuhin ko ang desisyon mong itago ito pero siguraduhin mong gagawa ka ng paraan para tumigil si Floyd sa pananakit sayo. If not, I'll do my part. I can pull him down in a snap if I want to, kahit pa mayaman siya. If that'll make you feel better not only for you but also for Hiro."
"Thank you." Lumapit siya at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang likod niya.
"Ang kapal ng mukhang kalabaw na yun. Tanggalin ko sungay niya eh."
"I'll tell you when to do that." Natatawa niyang sagot. "I think I should go now. Sorry di na kita masasamahang uminom"
"It's okay. I'll not drink anymore. Dahil sa problema mo nawala yung lungkot ko. Napalitan ng galit eh. Maghihintay ako ng go signal ha."
"Oo na! Ikaw talaga!" We both walked going outside hanggang makarating kami sa garahe. She rode her car and we waved goodbye. Nagulat ako ng aksidenteng magslide down pababa ang sleeve niya kaya tinuro ko agad iyon. Nang maayos na niya ay bumusina siya hanggang sa makaalis na siya ng bahay.
Kaya pala napapansin ko parang lagi siyang naka long sleeve at minsan naman ay naka jacket.
Napataas ang kilay ko. Ayus-ayusin lang nung Floyd na yun. Kung hindi baka ipatiwarik ko siya sa tapat ng bahay nila Celine. Oo nakonsensya ako pero hindi ibig sabihin nun nawala na ang inis ko sa babaeng yun. Mga salot sila sa buhay.
ווווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top