Mapait Na Nakaraan
Mapait Na Nakaraan
Hanggang kailan ko maaalala—
ang pait ng nakaraan.
Nais kong makalimot
pero nararapat ba talaga?
Parang kahapon lang ang pangyayari
kung saan ako'y naiwan mag-isa.
Ako'y iniwanan ng pamilya
dahil sa isang trahedya.
Sinisisi ko ang aking sarili nang lubos.
Kung sana hindi ako nagpumilit
baka kasama ko pa sila.
Naaksidente ang aming sinakyan.
Nagpumilit kasi ako na ako ang magmamaneho
kaya kami nabangga sa isang puno.
Ako lang ang nakaligtas sa aksidente.
Sana namatay na lang din ako.
Gusto kong makawala sa karanasang iyon.
Ayaw ko nang maalala pa iyon.
Patawad aking ina, ama at kapatid.
Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.
Paano ako makakaalis sa nakaraan?
Paano ko mapapatawad ang aking sarili?
Ako'y hirap na hirap na.
Pait ng nakaraan, nais kong makalimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top