Binalewala Ako


Binalewala Ako

Grabe ka na kung ngumiti,
walang bahid na lungkot sa'yong mga mata.
Kung tumawa ka rin ay tunay,
kita na ang saya sa'yong mukha.

Ngunit tila nakalimot ka ata.
Napasobrahan ka sa sayang nadarama
at 'di naisip ang matinding kapalit,
ako na tinatawag na kalungkutan.

Binabalewa mo na lang ako basta
at nagpapakalunod sa saya.
Humanda ka kapag natapos ka na riyan
dahil sa akin ka naman malulunod.

Pinili mong magpakasaya ng lubos,
ngayon tiisin mo naman ang sakit
na dulot ng matinding kalungkutan.
Huwag mo kasi akong binabalewala.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top