I
✧ • vivian • ✧
tahimik lang kami habang nasa
sasakyan papunta sa bahay
namin. kulang na lang magkaroon
ng tunog ng mga kuliglig sa
sobrang awkward dito.
maayos naman kami kanina, 'di
ko lang alam kung ba't bigla siyang
tumahimik ngayon.
kahit katabi ko siya, nakatingin
lang siya sa labas ng bintana at
mukhang malayo ang iniisip.
iwinaksi ko na lang sa aking isipan
'yon. baka dahil sa nagugutom na
rin siya kaya siya ganiyan.
tiningnan ko siya muli, do'n pa rin
siya nakatingin. may gusto akong
sabihin sa kaniya, kaso natatakot
ako dahil baka magalit siya sa akin
at hindi na ako patawarin.
❝ 'wag na lang siguro. isa pa, ayaw
ko ring ma-❞
biglang tumigil ang sasakyan,
tumingin ako sa aming bintana tsaka
ko lang napag-alamang nasa bahay
na pala kami. naunang bumaba si
eury sa akin, pagkababa ko ay nakita
kong nakatayo siya sa harapan ng
gate, hinihintay ako.
nang makababa ako'y tumawag
sa loob upang pagbuksan kami.
• • •
❝ kung nagugutom ka, pumunta ka
na lang sa kusina. pupunta muna
ako sa taas dahil may hahanapin pa
ako,❞ bilin ko kay eury, tumango
naman siya tsaka ako naglakad sa
hagdan papunta sa taas.
nang makarating ako sa taas ay
kaagad akong nagpalit ng damit at
inayos ang aking sarili. pagkatapos
ay lumabas na ako ng aking kwarto.
akmang bababa na ako nang may
maalala ako. tiningnan ko ang
pintuan na iyon at napaisip.
❝ paano kaya siya nakulong?
hindi kaya . . .❞
kaagad akong pumasok sa kwarto
nila, mabuti na lang at may kopya
ako ng susi nila kaya nabuksan ko.
pagkapasok ko ro'n ay tumambad
sa akin ang magulo nilang kwarto.
hindi naman kasi sila marunong
maglinis, kaya pati ako nasasama
at ako ang napipilitang maglinis
ng mga kalat nila.
inilibot ko muna ang tingin ko sa
kwarto nila at napatingin sa kama,
hindi ko maiwasang mapakagat sa
aking kuko at manginig. agad kong
inialis ang tingin doon at binuksan
ang drawer na naglalaman ng mga
importanteng bagay, mabuti na
lang at pati ang susi nito ay
napakopya ko rin bago nila itago.
nang mabuksan ko ito'y tumambad
sa akin ang iba't ibang papeles.
ngunit wala ro'n ang pakay ko.
nagsubok pa akong maghanap
ngunit wala talaga.
bigla akong kinabahan kaya nilock
ko ito at umalis ng kwarto na iyon,
baka kung ano pa mangyari sa akin
'pag nagtagal ako ro'n.
naglalakad lang ako sa hallway ng
bahay nang biglang nagpatay
sindi ang ilaw. tinamaan ako nang
matinding kaba at nang tuluyang
mamatay ang ilaw ay hindi ko
maiwasang mapatakbo at
mapasigaw.
❝ manang! manang yung ilaw po!❞
sigaw ko, umaasang maririnig
nila. ngunit mukhang walang
nakarinig. masyado kasing
maingay sa baba, nagpapatugtog
kasi sila nang napagkalakas na
mga kanta.
sa sobrang dilim ng paligid ay
napaluhod ako sa sobrang takot,
naalala ko na naman ang mga
nangyari no'ng na iyon. sinubukan
kong ibaling sa iba't ibang direksyon
ang mata ko ngunit umuulit-ulit
lang ang imahe na iyon.
ipinikit ko nang mariin ang aking
mata. ngunit biglang may tumawag
sa akin.
❝ vivian.❞
✧ • ✧ • ✧
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
⊢✧ lemon tea :
bukas ko na lang ipopost
yung last chapter at epilogue.
nagloko kasi habang kina-copy
paste. (ಥ﹏ಥ)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top