Special Chapter # 3

#JustTheStrings

Being married to Saint would always be the best thing that could ever happen to me. He's the love of my life. He's my soulmate. He's definitely the one I wanted to spend the rest of my life with. Kahit na kasal na kami, kahit na naka-tingin na ako sa singsing na sinuot niya sa daliri ko, still... it felt surreal.

Saint kissed my knuckle. "Thinking about something?" he asked. I nodded and then smiled at him. "Everything's going to be fine," he said, caressing my knuckle.

"Paano ka nakaka-sigurado?" I asked.

He showed me a smile. "Because we're together," he replied and then pressed a light kiss on my forehead.

"You're so optimistic that it's kind of scaring me," I told him. Simula kasi nung maging maayos ulit kami, parang biglang sobrang positive na ulit ni Saint. Masaya ako na ganito siya pero may parte sa loob ko na hindi sanay. Lalo na at nung panahon na hindi kami maayos, parang ang bigat-bigat ng pagkatao niya.

Tapos ngayon... para na siyang ball of sunshine.

Nakaka-panibago lang talaga.

He grinned. "Mary, I will always be this happy, so long as you're with me. So get used to it, alright?"

I nodded. "Okay."

"Why? Aren't you happy?"

"Hala. Syempre naman masaya ako."

"Really?" he prodded.

I nodded. "Masaya ako na maayos na ulit tayo. Masaya ako na kasal na tayo."

"But?" he asked. I sighed. He really knew me well. Kahit na wala pa akong sinasabi, ramdam niya na agad na may iba akong nararamdaman. I wasn't sure if this was a good thing. Alam ko na dahil kasal na kaming dalawa, dapat wala na kaming tinatago sa isa't-isa. Pero mahirap din naman na sinasabi namin lahat. Hindi ako sanay. Hindi pa. Mas sanay pa rin ako na kinikimkim ko lahat. O kaya naman ay dinadaan sa ibang paraan gaya ng painting o photography...

Opening up to Saint would take a lot of getting used to.

"The future scares me," I admitted. "Everything about the future scares me."

He pressed my hand. "I'm with you," he said, staring into my eyes. "There's no need to be afraid, Mary. I won't leave you."

I smiled at the assurance that he gave me. Alam ko naman na hindi ako iiwan ni Saint. He already proved that he loves me... at ako rin naman, mahal na mahal ko siya. Siguro, natatakot lang ako dahil bigla na kaming dalawa na lang. Tapos malayo pa kami sa pamilya namin. Surely, my fear was warranted.

"We'll be fine," he cooed.

I looked at him and there was a promise in his eyes. Na nandito lang siya palagi. Na hindi niya ako papabayaan. And I knew that he'd do good on his promise.

Kasi kung may isang tao na ipagkakatiwala ko ang buhay ko, sigurado ako na kay Saint iyon.

"I know," I replied and smiled at him.

He pulled up the layer and smiled. "I'll wake you up when you need to eat," sabi niya. Hinalikan niya ulit ako sa noo bago ako pumikit.

This would be a long flight.

* * *

I had traveled plenty of times, but the jetlag would never escape me. Nang makarating kami ni Saint sa Gold Coast, hilung-hilo pa rin ako.

"If I didn't know better, I'd think that you're pregnant." Hinampas ko siya tapos tawa lang siya nang tawa. "Unless, of course you got pregnant via my dreams."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Saint!"

"What? We're married!"

"At feeling mo license iyon para sabihin sa akin iyang mga naiisip mo?"

He nodded and then grinned. "Yeah. It kinda feels liberating, Mary."

"Ewan ko sa 'yo," I said and then pushed the trolley at sinubukan na iwan siya. Pero sino ba ang niloloko ko? His legs were longer than me so his strides were longer, too. At kahit na tumakbo pa ako, aabutan niya ako. Basketball player kaya siya. At napanood ko na siya na buong araw tumatakbo sa court pero parang wala lang sa kanya.

When Saint caught up with me, kinuha niya iyong trolley at siya ang nagtulak. His other arm was wrapped around me. Hinalikan niya rin iyong gilid ng ulo ko. "Love you," he said. Napa-tingin ako sa kanya ng naka-kunot ang noo. "What?" he asked.

I shrugged. "Wala lang... your I love you is out of nowhere," I replied.

"I just want it out in the open—how much I love you and how I promise to take care of you."

"Kapag ganyan ka, pakiramdam ko talaga may ginawa kang hindi maganda..." I carefully said, eyeing him. Alam ko na sweet si Saint—he always had his way with words and he knew how to completely sweep me off of my feet.

Hindi nga lang sweep yata, e. With his words, he had the capability to make me fly. Ganoon ka-sweet si Saint, hindi ko nga alam kung normal pa iyon, e.

"What? Of course not!" he defensively said. "Is it so wrong to be sweet to my beautiful wife?"

Since we're just here for vacation, wala kaming masyadong dala ni Saint. Iyong ibang mga gamit namin ay pinadala na namin sa Cali. Iyong sa furnitures at ibang gamit naman sa bahay, sabi ni Saint ay pagdating na raw namin doon asikasuhin. Tinanong niya kasi ako kung gusto ko ba na ako ang mamili ng mga gamit namin. Syempre naman. And besides, I still didn't know what I'd be doing there. Gusto ko na nandoon ako para suportahan si Saint, but I still wanted to do my own thing.

Sabi nga ni Papa, I shouldn't lose myself just because I fell in love. Hindi raw ganoon ang pagmamahal. Because if you love should inspire you to become a better person.

Love betters everything. It should.

It's a beautiful thing.

* * *

Iyong personal na bag ko lang ang dala ko dahil si Saint ang may bitbit ng lahat. Gusto ko sana na tumulong pero kaya niya naman daw na dalhin, so pinabayaan ko na.

"I know you have plans for today, but my head's killing me," he said habang nasa cab kami.

I looked at him and then felt his forehead. "Hala, may sakit ka ba?"

Umiling siya. "I just feel tired."

"Oo nga, e. Ramdam ko pa rin iyong pagod mula sa kasal," sagot ko sa kanya. Hindi ko talaga akalain na sobrang nakaka-pagod pala mag-entertain ng mga guests. To think na pili pa iyong mga tao na invited sa kasal, napagod pa rin ako. What more kung nagsuggest ang side nila Saint na iinvite lahat ng kakilala nila? Political pa naman ang side nila Saint. Sobrang dami nilang kakilala.

"Speaking of wedding..." Saint said. "You think Preston's still pissed at us?"

Natawa ako bigla. Naalala ko na naman si Kuya. "Siguro. Ewan. Baka."

"Your brother... I can't understand him sometimes."

"Okay lang 'yan. Hindi ka rin naman maintindihan ni Kuya," I replied. Sobrang mutual kaya ng feelings ni Saint at ni Kuya. Pakiramdam ko possible na mangyari lahat ng bagay bukod sa pagbabati nilang dalawa.

Hanggang ngayon, hindi pa rin moved on si Kuya na si Saint ang dahilan kung bakit nakulong siya dati. Siguro sa isip ni Kuya, tuwing nakikita niya si Saint, isang malaking reminder na minsan sa buhay niya, nakulong siya. Maybe that's why he's always so pissed at Saint kahit wala namang ginagawa sa kanya si Saint.

"I asked for permission to marry you first!" sabi ni Saint.

"Alam ko, pero alam mo naman na magulo ang isip ni Kuya."

Ang sabi kasi ni Saint, pumunta raw siya sa bahay nila Kuya para humingi ng permiso para pakasalan ako. At weird mang pakinggan, pumayag si Kuya. But days after, sinabi niya kay Saint na siya muna ang magpapakasal kaya itigil daw namin ang kasal. E hindi naman pwede. Naka-plano na ang lahat at saka hindi naman ako papayagan nila Mama na sumama kay Saint sa US kapag hindi kami kasal.

At mas lalong ayaw ni Saint na hindi kami sa simbahan magpakasal. Nagsuggest kasi si Kuya na sa Las Vegas na lang kami magpakasal tapos next year, sa simbahan naman. Gusto niya kasi na sila muna ni Ate Nari ang magpakasal.

"Well, we're already married. There's nothing he can do about it," Saint said.

"At saka hindi ko rin maintindihan kung bakit magpapakasal na siya bigla, e sa mga kwento niya dati, parang ayaw na ayaw niya kay Ate Nari."

"Maybe he changed his mind again. Parang babae kaya si Preston."

Natawa ako kay Saint. In his rare moments na napapa-Tagalog siya, either magmumura siya o kaya naman ay pambu-bwisit kay Kuya. Ayoko ng nagmumura siya dahil masakit sa tenga, pero kapag tungkol kay Kuya, sa tingin ko ay fair lang naman dahil sinisiraan din naman siya ni Kuya.

"Baka naman na-in love na kay Ate Nari."

"Maybe... but it's weird to think that he's in love."

"Bakit naman?"

"Because it's Preston."

"Ano'ng meron kay Kuya?"

Tinignan ako ni Saint nang seryoso. "Mary, I love you with all of my heart, but your brother... I swear, sometimes I don't understand how someone so pure like you is related to someone... like him."

Hindi ko na napigilan. Sobrang tawang-tawa ako kay Saint na napa-tingin na iyong driver sa amin. Kasi naman! Parang sobrang sama ni Kuya kapag si Saint ang nagdedescribe sa kanya.

"Grabe ka naman!"

"It's true! I've known him for years, but he always makes sure that he's pissing me off whenever he'd see me," Saint replied.

"Sabi ni Kuya kaya raw ganon kasi nalaman niya na crush mo ako."

Nung elementary at high school, wala nga akong masyadong kaibigan dahil si Kuya lang ang madalas kong kausap. Sapat na raw siya kaya 'wag daw akong makikipag-usap sa ibang mga lalaki. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit na-in love ako kay Parker dati. Sobrang limited lang kasi ng mga tao na nakaka-usap ko.

And Parker was really nice to me... at times. Alam ko naman na nasasakal siya sa mga pagpilit na ginagawa sa amin dati. Naiintindihan ko iyong pinanggagalingan niya, but sometimes, I wished that he didn't push me away too hard. Kasi kapag naaalala ko iyong dati, puro sakit lang ang unang pumapasok sa isip ko.

Tuwing inaaya ko siya na sabay kaming magrecess, palagi niyang sinasabi na busog siya.

Tuwing inaaya ko siya na sabay kaming umuwi, palagi niyang sinasabi na may pupuntahan pa siya.

And when I'd ask him if there's a chance... even the faintest chance that he'd like me back, he'd always tell me no. Na wala talaga.

And then... I'd hear the sound of my heart breaking over again. Iyong tunog na hindi na bago sa pandinig ko. Palagi ko naman kasing naririnig na nababasag ang puso ko sa tuwing tinutulak ako ni Parker.

Akala ko talaga kapag ilang beses ka ng nasasaktan, dadating ka sa punto na masasanay ka na sa sakit. Na baka maging manhid ka na sa sakit. Pero mali pala ako. Because every time Parker would reject me, I'd still feel the pain. I'd still hear my heart breaking a little.

Hindi nagbago.

And in the early years in my life, puro sakit lang...

But now that I have Saint, I was sure that the future's bright. He makes me happy. He makes my heart swell with happiness.

Natawa si Saint. "Well, yeah. But it doesn't change the fact that he's an ass."

"Well, that ass is your family now. Sana naman dumating ang panahon na maging okay kayo ni Kuya," I told him. Ang hirap kaya na mamili sa kanilang dalawa. Kahit kasi matured si Saint, minsan ang immature masyado ni Kuya na tipong papipiliin ako sa kanila ni Saint. Kung sino ang mas gwapo, mas athletic—and of course I'd choose Saint. Tapos magtatampo si Kuya.

Nakaka-pagod silang dalawa. Para akong may alagang baby kapag nagtatalo sila sa harap ko. Tapos hindi pa nakaka-tulong sila Psalm dahil imbes na tumulong para magbati si Kuya at Saint, mas lalo pa nilang ginagatungan.

GDL boys... so crazy.

* * *

Base sa plano ko, dapat ay naglilibot na kami ni Saint sa mga recommended na tourist attractions sa Gold Coast. But Saint looked really tired kaya naman kahit excited ako na mamasyal, pinilit ko siya na sa hotel na lang kami. Ang kulit kasi ni Saint. Pinipilit na ituloy namin ang plano ko. I knew he didn't want to disappoint me, but he'd disappoint me more kapag nagkasakit siya.

"The koalas and kangaroos can wait," I told him.

"But—"

"No buts, Saint Iverson. Matulog ka at magpahinga."

He arched his brow. "Is this how it's gonna be, Mary? You bossing me around?"

"If you're being stupid, then yes, I'll boss you around, Saint," matigas na sabi ko sa kanya. Ayoko naman din na sinasabihan siya ng mga gagawin niya pero kapag ganito na health niya na ang usapan, mapipilitan ako na paghigpitan siya. Ayoko na magkasakit siya.

Saint pulled me with him kaya naman naka-higa na rin ako sa kamay. Niyakap niya ako at saka siniksik niya iyong ulo niya sa leeg ko.

"They said marriage is a prison, but why am I having so much fun?" he said while nuzzling my neck. I combed his curls using my fingers hanggang sa maka-tulog na siya. He loved it when I was running my fingers sa buhod niya. Relaxing daw sa pakiramdam. Tapos ang sabi sa akin ni Psalm noon na ayaw daw pinapa-galaw sa iba ni Saint ang buhok niya. Ang contradicting. Siguro tinatakot lang ako ni Psalm noon.

Hours passed at hindi nagising si Saint. Ayoko naman siya gisingin. I just watched him sleep... and listen to him as he murmured my name. 


"What time is it?" he asked, his voice throaty.

"It's past 9," I answered. He was still on my lap. Medyo namanhid na iyong binti ko, but it's okay. Masaya panoorin si Saint lalo na kapag nagsasalita siya. Ngayon ko lang nalaman na pati pala sa panaginip, nagpapasa siya ng bola at sumisigaw ng fast break.

"What? Why didn't you wake me up?"

"You looked tired."

"But you said you wanted to--"

"It's okay. Tomorrow na lang."

"But—"

"It's okay," I assured him. "We're married now, Saint. We have the rest of our lives to figure things out."

He smiled. "I didn't use to believe in forever.  You made me want to believe in it, Mary," he said, staring into my eyes. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top