Kabanata 23

#JustTheStrings

Kabanata 23

"Just so you know, hindi ako pabor sa mga nangyayari sa bahay na ito," sabi ni Kuya matapos niyang malaman na pinayagan ako ni Papa na si Saint ang susundo sa akin papunta sa school. Sabi kasi ni Saint, save fuel daw... na hindi ko maintindihan dahil hindi naman on the way ang bahay namin mula sa bahay nila papuntang school. Pero hindi ko na sinabi pa iyon dahil masaya din naman ako na sabay kaming papasok.

Natatawa ako kay Kuya dahil grabe siyang magreact. Sabay lang naman kaming papasok ni Saint.

"Don't you like Kuya Saint, Kuya?" tanong ni Finley sa kanya.

"Bakit? Sino ba ang mas gusto mo sa amin ni Saint?" seryosong tanong ni Kuya kay Finley. Natatawa ako dahil nagseselos pa rin si Kuya kay Saint.

"He seems cooler."

Napa-awang ng labi si Kuya sa sagot ni Finley.

"Aba! Mas cool ako sa kanya!"

"You're baduy, Kuya."

Tawang-tawa ako dahil mukhang aatakihin na sa puso si Kuya sa sobrang inis. Si Finley naman kasi, walang preno ang bibig. Hindi niya yata alam na sensitive topic kay Kuya iyong si Saint. Ewan ko ba kung bakit parang nakikipagkumpitensya si Kuya sa lahat ng aspeto ng bagay kay Saint... E wala namang kumpitensya. Si Kuya lang talaga.

"Hindi ako—"

Pero hindi na natuloy ang sasabihin ni Kuya dahil iniwan na siya ni Finley at nagtatakbo palabas ng bahay nung makita niya si Saint na lumabas mula sa isang sasakyan.

"Kuya Saint!" sigaw ni Finley. Nagtatakbo siya hanggang sa mayakap niya iyong binti ni Saint. Tuwang-tuwa talaga siya kay Saint.

Lumuhod naman si Saint para magpantay sila ni Finley. "Hey, kid. Where's your sister?"

Tinuro ako ni Finley tapos kinindatan ako ni Saint. Narinig ko naman si Kuya sa likod ko na gumawa ng ingay na para bang nasusuka siya.

"San ka pupunta, Kuya?" tanong ko sa kanya dahil babalik na siya papasok ng bahay. Ni hindi man lang yata siya babati kay Saint.

"Itatago ko si Riley at baka gayumahin din ni Saint," sabi niya at saka iniwan ako. Napailing na lang ako. Si Kuya talaga sobrang seloso.

Lumapit ako kila Saint pero hindi niya ako matignan dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Finley.

"When are you going to teach me to play?" tanong sa kanya.

Hindi agad nakasagot si Saint dahil alam ko naman na busy siya. Ngayon ko lang nalaman na big deal pala iyong Gilas. Nagresearch pa kasi ako tungkol doon dahil iyon pala ang dahilan kung bakit busy siya nitong mga nakaraang araw... Tapos nung nalaman ko kung ano iyon, biglang sobrang feeling proud ako sa kanya. Kaya imbes na malungkot ako kapag hindi siya nakakatawag sa akin, mas nagiging supportive lang ako.

"This weekend. We'll play with my brothers. Is that fine with you?"

Masayang tumango si Finley tapos niyakap si Saint bago tumakbo papasok ng bahay. Ako naman, hindi maalis iyong ngiti sa mukha dahil masaya talaga ako kapag ganito na kasundo ni Saint iyong mga kapatid ko. Si Kuya lang naman talaga ang hindi.

"Good morning," bati ko sa kanya nung dalawa na lang kami.

Kinindatan na naman niya ako.

"Hey, beautiful."

Ang aga-aga nambobola na naman 'to. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Saint iyong mga sinasabi niya, e. Para kasing hindi siya nauubusan ng mga sasabihin para mapangiti ako. Palagi siyang may baon.

"Bakit iba na naman 'yung sasakyan mo?" I asked him nung nasa loob na ako nung bago niyang sasakyan. Pero mabuti na lang at mukhang bago 'to dahil baka sumakit na naman iyong ulo ko kapag maraming kalat. Nitong isang linggo na magkasama kami ni Saint, napansin ko na makalat talaga siyang tao. Minsan gusto kong mainis sa kanya pero imbes na mainis ako, ang ginagawa ko na lang, nagdadala ako ng plastic bag at pinupulot ko iyong mga kalat. Para at least wala ng gulo, natahimik pa ako.

He crinkled his nose.

"My mom."

"Binigyan ka ng bagong sasakyan?"

"Well... not exactly like that."

"E ano?"

"Well, remember the triplets?"

Kumunot ang noo ko.

"Triplets?"

Tumango naman siya.

"Preston, Benj, and Parker the ducks? Our kids?" sabi niya at napa-awang ang bibig ko. Sa araw-araw na magkasama kami ni Saint, palagi niyang nababanggit iyong mga bibe. Sabi niya, lumaki na daw sila. Nung binili kasi namin sila, maliit pa lang talaga sila pero ngayon daw, malaki na sila. At sabi niya, dapat daw magpasalamat kami kay Austin dahil si Austin daw ang nagpapakain sa mga anak namin... Siraulo talaga si Saint.

"Ano'ng meron?" I prodded even more.

"One night, when you were too busy reviewing kaya ni hindi mo ako ma-replyan," sabi niya at kinokonsensya na naman ako. Mayroon kasing long exam noon at nagreview ako. Pinatay ko iyong phone ko dahil isang malaking distraction si Saint. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na offline ako buong gabi kaya nagtatampo siya dahil hindi ko siya nareplyan.

"Nagsorry na ako doon kaya..."

"Well, I was still hurt."

"Arte mo."

"Sa 'yo lang naman."

I bit my lower lip. Ito na naman siya!

"Well, as I was saying, since you were ignoring us, kami na lang ng triplets ang lumabas. We went to the park."

"Ano'ng ginawa niyo sa park?" I asked, amused. Imbes na ayain niya iyong mga kapatid niya na tao para lumabas, mas pinili niya pa na isama iyong mga bibe.

"I let them walk around. Mabuti na lang walang masyadong tao dahil baka maapakan sila doon," he said as if he was really worried na baka maapakan iyong mga anak niya. "After that, we were headed home. They were already buckled in front but I remembered that I left their toys so bumalik ako sa sandbox." Hindi ko alam na mayroon na rin pa lang mga laruan iyong mga bibe. "And when I went there to retrieve the things, I saw a friend. We talked for a while... and that's when it happened."

Nakakunot lang ang noo ko dahil hindi ko alam kung may hindi ba ako narinig kaya hindi ko naintindihan nang mabuti iyong kwento.

"Apparently, I left the kids for too long so they kinda peed in the car... And the smell stayed. So when I drove my mom to dad's office, she kept on complaining about the smell. Ang baho daw, e."

Pagkatapos nun, tawa ako nang tawa. Kaya pala may bago siyang sasakyan! Nasa casa pala iyong Forester niya at pinapaayos ng Mama niya dahil sobrang baho daw sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin pala alam ng Mama niya iyong tungkol sa mga bibe kaya hindi rin masabi ni Saint kung saan nanggaling iyong amoy. Pero baka blessing in disguise na rin dahil binilhan siya ng bagong sasakyan dahil doon.

Pagdating namin sa school, hinatid niya ako sa classroom.

"Marami ba talagang may crush sa 'yo?" I asked him dahil napapansin ko na maraming nakatingin na babae habang naglalakad kami. Ang alam ko, maraming gwapo sa school na 'to sabi ni Kath... Sa GDL brothers, si Austin daw ang pinaka-gwapo pero si Saint ang pinaka-malakas ang dating. Siguro dahil may sira sa ulo si Saint. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang daming nakatingin sa amin. Nakakailang kasi.

Saint shrugged.

"Pero madami nga?"

"I don't know... and I honestly don't care."

"Bakit naman?" I asked him. Si Kuya kasi natutuwa kapag nalalaman niya na may nagkaka-crush sa kanya, e. Wala lang masaya lang siya pero hindi naman din niya papansinin iyong babae.

"As the saying goes, ikaw lang sapat na."

Natawa ako sa kanya dahil doon. Hindi talaga bagay sa kanya.

"We're here," sabi niya nung nandun na kami sa tapat ng classroom ko. Nasa kabilang side pa iyong building niya pero mukha namang ayos lang kay Saint iyon. Sanay naman siyang tumakbo dahil basketball player siya.

"Lunch later."

I nodded and smiled and he grunted.

"Jesus, why are you so cute?" sabi niya tapos kinurot iyong ilong ko. "Talikod ka na para makaalis na ako," sabi niya tapos pinatalikod niya ako. "Now, walk."

Pero hindi ako naglakad.

"Bakit?"

"Just walk."

"Wala pa naman 'yung prof ko," I answered.

"Well, mine's already there and if you won't walk away from me, I can't leave."

"Bakit? Nasa akin ba iyong paa mo?" sabi ko habang nakatalikod pa rin. Nakikita ko na nakatingin na sa amin iyong iba kong mga classmates. Nandun na rin sila Liza at Kath at mukhang kukurutin ako ni Kath kapag lumapit na ako sa kanila.

"Wala. But my heart's with you so please..."

Nanlaki iyong mata ko sa mga narinig ko at hindi ako nakagalaw. Biglang lumakas iyong tibok ng puso ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Sa sobrang lakas ng tibok, parang gusto na nitong lumabas mula sa dibdib ko. Gusto kong humarap para itanong kung tama ba iyong narinig ko pero hindi ko magawa dahil para akong natulos sa kinatatayuan ko.

And the bell rang...

My heart was literally saved by the bell.

--

Pagdating ng lunch, nasa labas na agad ng room si Saint pagkalabas pa lang namin. At hindi siya mag-isa.

"Aray!" nasabi ko dahil kinurot ako ni Kath sa bewang ko dahil nasa harap namin iyong mga GDL brothers.

"What's wrong?" nag-aalala na tanong ni Saint sa akin. Umiling na lang ako. "They'll join us if that's okay with you," sabi ni Saint. "Wala kasi silang social life kaya sumasabit sila sa akin," sabi niya pa kaya binatukan siya ni Psalm.

Si Kath naman, tango nang tango. Nasaan kaya si Kuya? Magseselos lalo iyon sa GDL brothers kapag nakita niya si Kath na ganito ang reaksyon.

"Nasaan si number 4?" tanong ni Kath.

"He's taking exams," sagot ni Psalm. Nasanay na siguro siya na by number ang tawag sa kanila. Medyo nakaka-objectify pero iyon talaga, e. At kinurot na naman ako ni Kath at mukhang napansin ni Saint iyon kaya hinatak niya ako patabi sa kanya.

"Possessive much, Saint?" sabi ni Psalm.

"Find your own girl and stop meddling with mine, Psalm," Saint replied and then dropped his arm on my shoulder. Nasanay na ako na nakaakbay si Saint sa akin... kasi comfortable din sa feeling na ganito kami kalapit. Kaya palagi kaming napagkakamalan na kami na kahit hindi naman.

Nauna na kaming maglakad after niyang ipakilala si Liza at Kath kay Austin. Mukha namang walang pakielam din si Austin dahil sa totoo lang, mukhang wala naman siyang pakielam talaga sa kahit na ano bukod sa basketball. Ni-literal niya yata iyong motto nila na ball is life. 

"This weekend," sabi ni Saint.

"Maglalaro kayo ni Finley?" I said as I recalled what happened earlier.

He nodded. "But aside from that, I'm planning on asking your parents—especially your mom if I could court you." Napatigil ako sa sinabi niya. "What? Ayaw mo?"

Hindi agad ako nakasagot. Hindi naman sa ayaw ko pero... wow. Parang totoo na talaga. Kasi ilang beses na sinabi ni Saint na liligawan niya ako pero hindi pa talaga pumasok sa sistema ko na totoo pala iyon... Nitong mga nakaraang araw sobrang busy niya sa Gilas kaya akala ko nalimutan niya na... At saka hindi ko inaasahan na sa sobrang seryoso niya, balak niya pang kausapin si Mama—na halata naman na hindi siya masyadong gusto.

"Mama told me that I should ask your parents' permission first. Mali ba ako?" he asked, worried.

Agad akong umiling dahil ayoko na may iba na naman siyang isipin dahil sa lack of response ko.

"Hindi naman... Pero seryoso?"

A smile dawned on his face.

"Mary, I've never been more serious in my life."

"Mas serious sa basketball?" I kidded. I knew his love for basketball's so great.

"Aww don't compete with basketball. It's not fair."

"Bakit? Kasi mas importante 'yun?" sabi ko tapos tawa naman siya nang tawa sa akin.

"No. Because I'll choose you. And kawawa naman ang team natin kung sila Psalm lang ang matitira," sabi niya at nakakuha na naman siya ng batok mula kay Psalm at ng middle finger mula kay Austin.

--

Mabilis lang natapos iyong linggo at bago ko pa mamalayan, weekend na. Sobrang kinakabahan ako!

"Ito, okay ba?" I asked Kath habang nasa video conference kami. Sinabi ko naman kasi na pumunta na lang sila sa bahay para mas madali pero ayaw ni Kath dahil baka masaksak niya lang daw si Kuya kapag nakita niya.

"Girl, magsisimba ka ba?" sabi niya.

"Maganda naman, ah?" I asked as I looked at my Sunday dress. Binili pa kaya 'to ni Mama nung nasa LA sila.

"Try mong magshorts?"

Umiling ako.

"Papagalitan ako ni Kuya."

"Mas mahigpit pa talaga si Preston kay Tito, noh?" sabi ni Kath at tumango ako. Mas madami pang bawal si Kuya kaysa kay Papa, e. Ilang dress iyong pinakita ko kay Kath na lahat inayawan niya hanggang sa magsettle na lang kami sa desenteng tignan na romper. Hindi kasi talaga ako pwede sa shorts dahil papagalitan ako ni Kuya lalo na at dadating si Saint. Ayoko naman na magkagulo na naman kaya hindi ko na susubukan pa.

Iyong buhok ko naman, pinabayaan ko na lang na nakalugay. Ayoko ring magmakeup kahit pinipilit ako ni Kath.

Bumaba ako sa kusina dahil gusto kong tumulong sa pagluluto. Nasabi ko kasi kila Mama na pupunta si Saint at isa talaga malaking palaisipan sa akin na walang reklamo si Mama...

"He's not allergic to anything, right?"

Tumango ako.

"Good. Sige, magbebake na ako ng cake para sa dessert," sabi ni Mama.

Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko si Mama.

"Thank you, Mama... I love you..."

She smiled and then said, "Anything basta masaya ka."

Bibitiw na dapat ako sa yakap nung may maramadaman akong kakaiba. Nanlaki iyong mata ko nung marealize ko... Oh, my God. Kaya ba ang weird ni Mama lately? Kaya ba palagi siyang natutulog kapag nakauwi na ako? Kaya ba ilang araw ng mayroong ginataang kalabasa sa ulam namin? At kaya ba medyo may umbok sa tiyan ni Mama?!

"Buntis ka, Ma?" nanlalaki iyong mata na tanong ko habang ramdam ko pa rin iyong tiyan niya. Flat naman 'to dati pero ngayon, medyo parang busog siya...

Nanlaki iyong mata ni Mama lalo na nung narinig namin na parating na si Kuya.

"Sssh," sabi ni Mama. At saka bumitiw sa yakap. Nandun na si Kuya.

"Aba, aba. Talagang pinaghahandaan ang pagdating ng Santo," sabi ni Kuya. Naka-cross arms pa siya.

Kumunot ang noo ni Mama.

"Hindi ka ba magbibihis?" tanong ni Mama dahil naka-boxer shorts at white shirt lang si Kuya. "May bisita tayo mamaya."

"Baka bwisita," sagot ni Kuya. "At saka bakit ako magbibihis para sa kanya, Ma? Ano siya, swerte?"

Napailing na lang ako kay Kuya. Hindi talaga siya magbabago.

Mas nagfocus na lang ako na tulungan si Mama sa pagbebake ng cake kaysa makinig sa mga rants ni Kuya. Sabi ko nga na ako na lang dahil baka mapagod siya... Buntis pa naman siya. Bigla akong naexcite lalo! Kailan kaya lalabas si baby Cayden? Namiss ko na rin kasi na may baby sa bahay. Malaki na kasi si Finley at Riley kaya hindi ko na sila ma-baby masyado.

"Ate, is this okay?" tanong ni Finley. I nodded. "Riley, stop eating the cookies! Later pa 'yan!" saway niya sa kakambal niya dahil si Riley pa yata ang uubos nung cookies na bine-bake ni Finley.

"But I'm hungry..." sabi ni Riley.

"We just finished breakfast," answered Finley.

"But I'm still hungry!"

"You're always hungry!" sigaw naman pabalik ni Finley.

"I will eat you!" sagot ni Riley.

Tumalon pababa nung kitchen stool si Finley tapos umiiyak na hinanap si Papa. Papa's boy talaga si Finley. Si Riley naman, tumakbo din at hinabol iyong kakambal niya. Ang cute lang ni Riley dahil ang taba-taba niya tapos every five seconds, humihinto siya dahil hinihingal na agad siya.

Pagkatapos naming magbake, nagpahinga lang ako sandali bago ako naligo. Mga 1pm pa naman dadating si Saint kaya may panahon pa ako. Bago ako maligo, nagcheck muna ako ng phone at may message doon si Saint.

Saint Iverson Gomez de Liaño: See you later, Mary GDL.

Tapos mayroong naka-attach na .gif niya na kumikindat siya. Napailing na lang ako habang nangingiti. Pero sinave ko iyong .gif niya. 

Pagkatapos kong magbihis, nagboblower ako ng buhok tapos bumaba na rin ako. Anytime, dadating na si Saint at kinakabahan ako na hindi maintindihan. Si Finley lang iyong mukhang genuinely excited lang dahil nakasuot na siya ng mini-basketball jersey niya pati iyong binili niyang basketball shoes. Ang cute niyang tignan. Mukha siyang mini-me ni Saint.

"Preston," pagtawag ni Papa kay Kuya.

"Bakit, Pa?"

"Wag mong awayin si Saint mamaya, ha?"

"Hindi kaya, Pa. Behave lang ako." Sinungaling si Kuya. Nakita ko na ngumisi pa siya.

Tumango lang si Papa. "Basta, kapag may nakita na hindi gusto, tahimik lang. Kapag may ayaw, 'wag magsalita," paalala ni Papa. Sabi niya kasi, you can never take back your words once they're said kaya be careful daw dapat lalo na at may masasaktan sa bawat maling salita na lalabas sa bibig natin.

Ilang minuto pa, narinig ko na may paparating na sasakyan. Si Finley iyong naunang tumakbo para salubungin iyong Kuya Saint niya.

"Good afternoon po," sabi ni Saint kila Mama at Papa. "My parents told me to give you these," sabi niya tapos mayroon siyang dala na basket of muffins.

"Tell your parents thank you," sabi ni Mama. Naka-hinga ako nang maluwag dahil mukhang okay na talaga siya kay Saint.

Pumasok na sa loob sila Mama at naiwan na lang kami ni Saint. I heard him heave out a heavy sigh.

"Okay ka lang?" I asked him.

"Do I look okay? I'm freaking out on the inside," sabi niya tapos natawa ako. Tinignan niya ako nang masama. "You think this is funny? Let's see what your reaction would be once you meet my parents," sabi niya tapos pumasok na siya sa loob.

Oh, my God.

Pagpasok namin sa loob, nakahanda na iyong pagkain. Iniinterview lang nila si Saint. Mga bagay na alam ko na naman kaya hindi na ako masyadong nakikinig...

"Ate, where's the muffin?" tanong sa akin ni Riley.

"It's in the kitchen. But later na 'yun, okay?"

Tumango siya kahit halata na malungkot siya. Half cup of rice lang kasi iyong nasa plate niya dahil iyon lang ang pwede niyang kainin.

"So, ilan kayong magkakapatid?" Mama asked.

"We're 5 po. Four boys and a girl," sagot ni Saint. May kapatid pala siyang babae?

Tumango naman si Mama.

"What about your mom? What's her work?"

"She's... I honestly don't know what she does. She's a socialite so I think socializing is her work?" hindi sigurado na sagot ni Saint. Hindi ko naman siya masisi... Kahit ako hindi ko alam kung ano ang trabaho ng parents ko, e. Basta daw may investments kami at doon nanggagaling ang pera namin.

Tumagal ng isang oras iyong late lunch namin. Halatang tensed na tensed si Saint. Gusto ko ngang hawakan iyong kamay niya sa ilalim ng lamesa pero doon kami pinaupo ni Kuya sa magkabilang dulo ng table.

Nasa labas na kami sa garden at nagpalabas ng cold tea sila Mama para mainom namin. Mukhang tensed na tensed na si Saint kaya alam ko na ngayon niya na itatanong iyong dapat niyang itanong.

"Tito, Tita," simula niya. Tinignan naman siya nila Mama. Mukha talagang hihimatayin na si Saint. Ibang-iba sa sobrang confident na Saint na nagdadab pa sa basketball court.

"Yes?" tanong ni Mama na mas lalo lang yatang ikinakaba ni Saint.

Huminga muna siya nang malalim.

"I know I'm not good enough for your daughter—"

"Buti alam mo," sabat ni Kuya pero pinagalitan siya ni Papa.

"But I really like her and I would like to ask for your permission to court her."

Sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Saint, parang may drum roll sa loob ng dibdib ko. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito... Para kasing dati, namali lang ako sa pagsakay sa sasakyan niya tapos biglang ganito? Na liligawan niya na ako?

Siguro meant to be lahat.

Meant to be na paiyakin ako ni Parker nung araw na 'yun.

Meant to be na masaktan ako ng sobra.

Meant to be dahil dito talaga ako nakatadhana...

"What do you think?" tanong sa akin ni Papa.

"P-po?"

"Bibigyan ba namin ng permiso?" tanong ni Papa.

"K-kayo po..." I timidly answered.

Papa smiled. "Hindi naman kami ang magiging girlfriend. Kung ayos lang sa anak ko, payag kami," sabi niya tapos tinignan niya si Mama. "Di ba?" and Mama nodded before resting her head on Papa's shoulder.

"Well, she already said yes..." Saint answered. Hinampas ko siya. Binuko pa ako! "What? Totoo naman."

Si Finley, pumalakpak.

"Yehey! Now, can you teach me to play ball na?" sabi niya. Kanina pa pala niya hinihintay na matapos si Saint sa sasabihin niya. Sasagot na sana si Saint pero sumabat na naman si Kuya.

"Hep. Hep. Manliligaw ka, 'di ba?" he asked Saint and Saint nodded. Ngumisi naman si Kuya na parang may masama siyang balak.

Iniwan namin sila Papa sa garden habang umiinom sila ng tsaa at dinala naman kami ni Kuya sa may backyard.

"Manliligaw ka? Pwes, ipagsibak mo kami ng kahoy," sabi niya habang nakatingin kami sa maraming kahoy na nakahilera sa may likuran namin. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Kuya iyong mga kahoy na 'to!

"Kuya, may gas naman tayo!" reklamo ko dahil bakit niya pagsisibakin ng kahoy si Saint?

"Aba, kung gusto niyang manligaw, Filipino style dahil hindi naman tayo Espanyol kagaya niya!" sabi ni Kuya.

Aangal pa sana ako pero pinigilan ako ni Saint.

"It's fine, Mary."

"Pero mainit!" sabi ko. Alas-tres ng hapon at baka ma-heat stroke pa si Saint sa mga kabaliwan ni Kuya.

"It's fine, trust me. I managed to plant thousand seedlings for you. This one's nothing," he reassured me pero hindi ako mapakali. Si Kuya talaga! Ngayon, nararamdaman ko na iyong naramdaman ni Kath tuwing inaasar siya ni Kuya!

May ngiting masama si Kuya tapos pinagdikit niya iyong mga palad niya.

"Babalik ako mamaya at dapat tapos ka na," sabi niya at saka iniwan kami. Kung pwede lang mag evil laugh, malamang ginawa na ni Kuya.

Umalis na si Kuya at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Sabi ko kay Saint, 'wag na niyang gawin dahil nababaliw lang naman si Kuya.

"If I don't do this, I won't be able to get your brother's approval," he replied.

"Hindi mo naman kailangan—"

"I need that," he said. "I need your family to like me. It's important for me," sabi niya na mukhang seryoso siya kaya pinabayaan ko na siya.

Naglakad kami palabas dahil may kukuhanin daw siya sa sasakyan niya. Nakasimangot lang ako dahil naiinis pa rin ako kay Kuya. Dapat pala hindi ko na sinabi sa kanya na pupunta si Saint at pinagtulakan ko na lang siya na tumambay sa bahay nila Kuya Benj ngayon. Nakakainis talaga!

"One thing I forgot to tell you that before I came here, I did my research," sabi ni Saint habang papalapit kami sa sasakyan. "I came prepared," sabi niya at saka binuksan iyong likuran ng sasakyan at nanlaki iyong mata ko nung makakita ako ng mga naka-sibak na na kahoy. Mayroon din doong gallons ng mineral water. "According to research, pinagsisibak daw ng kahoy and pinagkukuha ng tubig so knowing Preston, I came here prepared."

Nakaawang pa rin iyong labi ko dahil sa mga nakikita.

"Your brother's evil but I am smarter than him."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top