Kabanata 22
#JustTheStrings
Kabanata 22
Hindi ako mapalagay. Siguro dahil sobrang naguguilty ako na hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Saint... Nakakabigla naman kasi. Out of the blue na lang siyang nagtatanong... Tapos medyo hindi pa ako maayos dahil sobrang na-overwhelmed ako sa regalo sa akin ni Parker. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko nun kaya hindi agad ako nakasagot... Tapos nung magsasalita na ako, para namang biglang nagbago iyong mood ni Saint.
Haaay, ano ba 'yan. Tuwi tuloy napapatingin ako sa wall ko, nakakaramdam ako ng guilt... Kung hindi naman kasi ako talaga masyadong nagulat dito, makakasagot naman ako kay Saint, e.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba ako. Sobrang good mood ni Mama kaya nakakapagtaka... pero maayos na rin iyon para hindi na naman niya ako tanungin tungkol kay Parker. Feeling ko naman kasi good mood si Mama dahil nagtagumpay siya sa plano niya. Siya ang nagpapasok sa kwarto ko kay Parker, sigurado ako. Si Mama talaga, hindi sumusuko.
"What about Cayden? Maganda ba?" Mama asked me.
Kumunot ang noo ko. "Ano po?"
"Iyong name. Maganda ba?" tanong niya ulit.
I nodded. Maganda naman talaga 'yung name kaya lang hindi ko alam kung bakit tinatanong sa akin ni Mama 'yun... Nagiging weird na din siya lately. Pero at least medyo toned down na talaga iyong ginagawa niyang match-making sa aming dalawa ni Parker.
"Para saan po?"
Mama just smiled at me at sinabihan ako na tawagin ko muna si Kuya at mamaya niya raw sasabihin sa akin. I obliged since ayoko naman na sirain ang magandang mood ni Mama. Umakyat muna ako at saka kumatok sa kwarto ni Kuya pero nakabukas naman pala 'yun.
"Kuya..." pagtawag ko sa kanya. Nakaupo siya sa kama niya at nakaharap sa laptop. Seryoso rin siya sa ginagawa niya.
"Bakit?" he asked. Hindi pa rin naaalis iyong tingin niya sa laptop. Na-curious ako kaya lumapit ako.
"Ano 'yan?" tanong ko naman nung makita ko na nagsesearch siya ng restaurant online na nagdedeliver ng porridge.
"Lugaw," sagot ni Kuya.
"Para saan?" I asked him. Kung gusto niya ng lugaw, pwede namang magpaluto kila Manang. Para saan 'tong bibilhin ni Kuya?
"Basta," he answered tapos pinanood ko siya na mag-order online ng lugaw. Naglagay siya ng contact information tapos nanlaki iyong mata ko nung pangalan ni Kath ang ilagay niya doon. "Ano nga'ng address nun?" he asked me.
Hindi agad ako nakasagot dahil nabigla ako. Hindi ko na talaga alam kung ano ang papaniwalaan ko! Mukha namang concerned talaga si Kuya kay Kath pero hindi ko alam kung seryoso talaga siya. Para kasing joke lang sa kanya 'tong panliligaw na ginagawa niya, e... Kahit sinasabi niya na seryoso siya, parang hindi naman.
Ang gulo ni Kuya talaga.
"Bakit mo bibigyan ng lugaw si Kath?" I asked him.
"Di ba binibigyan ng lugaw kapag may sakit?"
Tumango ako. "May sakit siya?" tanong ko. Hindi ko alam na may sakit si Kath. At kung may sakit man si Kath, bakit alam ni Kuya? Hindi ba dapat ako ang mas maunang makaalam dahil ako ang best friend ni Kath? At saka paanong mas naunang malaman ni Kuya e iniiwasan nga siya ni Kath?
Tinanong ko si Kuya kung bakit nagkasakit si Kath pero ayaw niyang sabihin sa akin. Nagtatampo na ako dahil biglang nagkakaroon ng secret si Kuya... Pero kung si Kath naman, ayos lang sa akin. Siyempre mahal ko silang dalawa kaya kung saan sila masaya, doon ako... Sana lang talaga hindi sila magkagulo.
"Bakit hindi na lang ikaw magdala?" I suggested. Masarap kayang magluto si Manang. At saka kung gusto niya talaga si Kath, dapat mag-effort talaga si Kuya... Hindi ito na puro siya online delivery.
Umiling si Kuya.
"Katamad umalis."
Napailing na lang din ako. Sinabi ko kay Kuya iyong address ni Kath tapos bumaba na kaming dalawa. Pagdating namin doon, nagsimula na kaming kumain. Si Finley, namamaga iyong mga mata... Grabe kasi iyong iyak niya talaga nung inakala niya na kalahating-bibe siya. Hindi ko nga alam kung paano siya pinatahan ni Papa, e. Paniwalang-paniwala kasi siya na may lahi siyang bibe. Si Riley naman, malungkot dahil hindi siya pwedeng kumain ng bacon. Nakatitig lang tuloy siya kay Kuya habang masaya 'tong kumakain.
"Kailan kayo aalis?" biglang tanong sa akin ni Papa.
"Saan po?"
"Sa US. Para maayos ko na," he replied. Natahimik ako sandali dahil hindi ko rin alam kung kailan... Medyo malayo pa ang sembreak namin pero gusto ko na kasing umalis ngayon. Ayoko ring umabsent sa klase... At kung aabsent man ako, unfair naman na pilitin ko iyong mga kaibigan ko na umabsent para sa akin.
"Iisipin ko po muna," I answered. Papa nodded... "Pero ilan po ba ang pwede kong isama?" I asked and then subtly looked at Mama. Gusto ko rin kasi na kasama sila Saint... Pero hindi ko alam kung pwede. Syempre kahit gusto ko si Saint, mas ginagalang ko naman iyong opinion ni Mama.
"Kahit ilan..." Papa said. Then he held Mama's hand. "Kahit sila Saint, 'di ba?"
Mama looked at him and sighed. "Oo naman."
Nagtataka talaga ako kung ano ang meron ngayon at sobrang bait bigla ni Mama. Kung normal na araw 'to, sigurado ako na hindi agad ang sasabihin niya at iiinsist niya pa na si Parker ang sumama... at sasabihin niya kay Parker na bantayan ako. Sobrang weird talaga.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Si Kuya, naunang matapos kumain at nakakapagtaka kasi siya 'yung sobrang lakas kumain sa amin. Palibasa soccer player kaya kahit malakas kumain, parang wala namang nangyayari sa kanya... Idol din kasi si Kuya ni Riley kaya kung gaano kalakas kumain si Kuya, ginagaya ni Riley. E hindi naman nagggym si Riley kaya ayun, sobrang naging mataba siya.
Nung natapos na akong kumain, aakyat na rin sana ako sa kwarto nung marinig ko si Kuya na kausap si Kath. Mukhang naka loudspeaker si Kuya kasi naririnig ko na naman na sinisigawan siya ni Kath.
"Galit ka na naman, babe. Mas lalo kang magkakasakit niyan," sabi ni Kuya.
"Isa pang babe mo sa akin, Preston, ha!"
"Ano? Ano'ng gagawin mo sa akin, babe?" sabi ni Kuya. Tawang-tawa iyong itsura niya. Baliw talaga.
"Ibe-blade na rin kita!" naiinis na sabi ni Kath.
"Hahaha! Grabe, Kath. Pinadalhan ka na nga ng lugaw. Thoughtful ko talaga."
"Lugaw tapos ako rin 'yung nagbayad?!"
Mas lalong lumakas iyong tawa ni Kuya.
"E hindi sila tumatanggap ng credit card, e. Ikaw muna magbayad, babayaran na lang kita pag nagkita tayo," sagot ni Kuya. Napailing ako. Akala ko genuinely concerned siya kay Kath pero mukhang iniinis niya pa rin. "Ang mahalaga naalala kita."
"Wag ka na talagang magpapakita sa akin!" sabi ni Kath tapos pinatay niya iyong tawag. Mukha namang wala siyang sakit pero baka naman na-highblood lang talaga siya dahil kay Kuya...
Bumalik na ako sa kwarto ko at hindi ko na kinausap si Kuya. Useless din naman... Bahala na siya kung ano ang gusto niyang gawin. Basta sana aware siya sa mga consequences ng mga ginagawa niya.
Habang nakaupo ako sa beanbag, hindi ko maiwasan na ma-guilty na naman... Kahit kasi walang sinabi si Saint, ramdam ko na disappointed siya. Bakit naman kasi hindi ako sumagot agad? MU na naman kami. Formality na lang daw halos iyong ligaw sabi ni Kath. Haaay. Si Parker naman kasi. Kahit na wala na akong gusto sa kanya, ginugulo niya pa rin ang buhay ko.
Inabot ko iyong cellphone ko para i-message si Saint. Hindi siya online. Gusto ko siyang i-message pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. So I settled with a simple hello. And prayed that he'd respond because guilt was eating me alive.
--
Natapos iyong hapon pero wala akong na-receive na reply kay Saint. Alam ko naman na nagonline siya dahil nagpost siya ng picture sa IG. Nasa Ronac na naman siya at nagbabasketball kasama iyong mga kapatid niya. Naglike nga ako para alam niya na nakita ko na online siya, e... Hindi ko lang alam kung mapapansin niya 'yun e ang daming naglalike at comment sa bawat posts niya.
Kaya buong araw after ng birthday ko, medyo malungkot ako. Roller coaster lang talaga. Kung gaano ako sobrang saya kagabi, ganoon naman akong kalungkot ngayon. Sobrang bipolar.
Pagkagising ko kinabukasan, may pasok na. Na-excite ako kahit papaano kasi alam ko na makikita ko na si Saint. Hindi ko naman kasi sure kung iniiwasan niya ako...
Kakatapos lang ng third class namin at mag-isa akong papunta sa cafeteria. Mayroon pa kasing tinatapos si Liza para sa isang class at absent naman si Kath. Mukhang totoo nga iyong sinasabi ni Kuya na may sakit si Kath. Pagpasok ko sa cafeteria, naabutan ko si Parker na mag-isang kumakain. Inilibot ko iyong tingin ko pero wala naman sila Kuya sa paligid...
I was hesitant at first pero nagawa ko siyang lapitan.
"Hi," I said.
Tumingin siya sa akin. Medyo halata na puyat siya. Dahil ba 'to sa pagpepaint na ginawa niya sa kwarto ko? O dahil sa problema niya? Hindi ko na kasi talaga alam pagdating kay Parker. Para siyang libro na kailangan mo pang i-decode bago mo mabasa.
"May kasama ka?" I asked. He shook his head. "Pwedeng maupo?" I was bracing myself for the blow but I was surprised when he said okay. Sanay na naman kasi ako na tinataboy ni Parker kaya naninibago ako kapag ganito na accommodating siya...
Ilang segundo akong natahimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako naupo dito, e. Siguro dahil medyo nakaramdam ako ng awa nung makita ko siyang mag-isa. Nitong mga nakaraang araw kasi, parang sobrang problemado ni Parker. Syempre bilang kaibigan niya, nag-aalala ako para sa kanya.
"Ano, uhm, thank you nga pala sa regalo mo..." I said.
"You're welcome," he replied.
Hindi ko na naman alam ang sasabihin. Para kasing tuwing kausap ko siya, napupunta ako sa dead-end. Sa paraan kasi ng pagsagot niya, parang ayaw niyang mag-usap kami. Pero hindi dapat ako sumuko dahil ito iyong panahon na kailangan ni Parker ng kaibigan.
"Sobrang naappreciate ko," I said with a smile. "Sobrang thank you."
"Alam ko," he replied.
"Huh?" I said.
"I know you'd like it."
Ah. Tumango ako kahit hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi iyon.
"I know you better than most people."
I smiled awkwardly. Iba kasi iyong tono ng pagkakasabi niya.
"Alam ko... Kaya thank you," I replied anyway. I stayed there until my stomach grumbled. Mukhang narinig ata ni Parker kaya napatingin siya sa akin. Balak ko naman kasi na bumili ng pagkain kaya lang hindi ko na nagawa dahil na-distract ako nung nakita ko siya. Tatayo na sana ako nung hawakan niya iyong kamay ko kaya napatigil ako. "Bakit?" I asked.
"You wouldn't like the food here today," sabi niya.
"Huh?"
He was staring at me. Again.
"I'll say this again," sabi niya. Nakatingin siya nang mabuti sa akin kaya hindi ako makabitaw sa tinginan namin. Para kasing sobrang dami ng sinasabi ng bawat tingin niya. "I know you better than most people."
Hindi na ako nakapalag. Sumama na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"Hala, may class ako mamaya," sabi ko. Baka kasi kung saan pa kami pupunta. Biglang nalungkot iyong mukha niya. Hindi naman sa naging malungkot dahil hindi ako makakasama... Bakit naman malulungkot si Parker kung hindi ako makakasama?
"Ah."
Iyon lang iyong sinabi niya pero na-guilty na agad ako. Bakit ba ang lakas ng konsensya ko? Nakakainis.
I winced as I said, "Pero mamaya pa naman 'yun..." Kahit may klase na ako in 20 minutes. Para kasing mas kailangan ako ni Parker kaysa sa subjects ko.
Sorry po sa pagcucutting class, Lord. Promise once lang 'to.
Hindi naman sobrang layo ng pinuntahan namin ni Parker. Doon lang kami sa burger joint na lagi naming pinupuntahan nung high school kami. Pagdating namin doon, nandun 'yung owner. Nakilala pa pala niya kami. Palagi kasi kami dito nila Kuya nung high school.
"The two of you!" sabi ni Mrs. Cheng. "Kayo na ba finally?" sabi niya ulit. Palagi niya kasi kaming tinutukso dati. Dati natutuwa ako dahil crush ko si Parker pero ngayon naiilang na lang ako kasi syempre may girlfriend si Parker.
Sasabihin ko na sana na may Cindy na sa buhay ni Parker pero naunahan niya ako.
"She's with someone," sagot niya na parang ako pa ang may kasalanan.
Napatango si Mrs. Cheng pero nagtataka siya. Alam niya kasi na crush na crush ko si Parker...
"Akala ko—"
"Yeah. I thought so, too," sagot ni Parker.
Ako naman, nakakunot lang ang noo dahil hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila. Tahimik na lang ako na umorder ng monster burger at milkshake... Para masulit man lang ang pagcucutting class ko. Kaya nung pagdating ng order ko, nagsimula na agad akong kumain. Nakakagutom kasama si Parker.
"Hindi ka kakain?" I asked dahil nakatingin lang siya sa akin. Ang awkward tuloy.
Umiling siya.
"Masarap pa rin naman siya. Walang nagbago," I said with a smile.
"Mabuti pa 'yan hindi nagbago."
"Hindi naman sila nagbago ng recipe siguro," I replied. Trademark na kaya 'tong burger nila. Malulungkot talaga ako kapag nagbago sila ng recipe... "Kain ka na, bilis," I said while smiling. Baka kasi mabawasan ng kaunti iyong kunot sa noo ni Parker kapag nakain niya na iyong favorite burger niya.
And when he took the first bite, I said, "Sarap?"
He nodded.
"Smile ka na. Nakakatakot ka kapag seryoso, e," I said. And a smile slowly appeared on his face. Ewan ko pero nakaka-proud na napangiti ko ang tao na 'to.
Nag-usap lang kami. Ang weird na masaya sa feeling. Para kasing ang tagal na naming hindi nag-uusap. Palagi kasing may problema o minsan naman, hindi lang talaga siya makausap. Tapos ngayon nagawa pa naming mag-usap tungkol sa mga nangyari dati. Parang ang gaan sa loob...
"She's mean," sabi ni Parker.
Sumimangot ako. "Hindi, ah. Ikaw ba naman kasi nilagyan mo ng polbo iyong urn ni Tito Parker," sabi ko sa kanya. Napagalitan kasi siya ng sobra nung mga bata pa kami dahil pinaglaruan niya iyong urn ni Tito Parker. One week siyang hindi nakalabas ng bahay nila tapos iyon pa 'yung nagbakasyon kami sa Cape Town tapos hindi nakasama si Parker kasi grounded siya.
"I was young. What did I know."
"Tss. Sabihin mo, pasaway ka lang talaga."
"At least I'm not goody-goody like you," he replied.
"Uy, grabe ka! Hindi kaya!"
"You didn't win Best in Christian Living for nothing, Imo."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang bully mo."
"Ang bait mo kasi."
"Tss."
Natitigan kami hanggang sa bigla siyang tumawa. Tumatawa talaga siya na parang 20 years old talaga siya... Minsan kasi parang 50 years old na si Parker dahil sa dami ng problema niya at dahil sobrang seryoso siya... At least ngayon he's acting like he's 20.
"Thank you," sabi niya.
"Ikaw magbabayad ng burgers natin. 'Wag kang magthank you."
He smiled while shaking his head.
"Thank you for not giving up on me."
"Muntik na nga, e," I kidded.
"But you stayed."
I nodded.
"I'll always be here for you, Parker. Kahit ayaw mo, nandito ako palagi. Kahit hindi mo ako kailangan, nandito pa rin ako. Kasi ganito talaga kapag magkaibigan... Kaya sana hindi ka na masungit sa akin. Okay?"
He stared at me for a moment before he nodded.
"Okay."
True to what I had thought, hindi na nga ako umabot sa klase ko. Late ako ng 20 minutes at hindi na ako nagtangka na pumasok dahil masungit sa latecomers iyong prof ko... Kaya naman naglakad muna kami ni Parker. Hindi ko nga alam kung may klase siya o ano, e. Pero sinamahan niya ako.
Nasa harap kami ng field ng makasalubong namin ang GDL brothers. Napatigil ako kasi nakatingin sila sa aming dalawa ni Parker. Hala. Magkagalit nga pala sila.
"I'll go ahead," bulong ni Parker sa akin. I unconsciously nodded. It was like I was caught red-handed kahit wala naman akong ginagawa. Ito na naman iyong konsensya ko, e. Ang lakas-lakas niya.
Nung makaalis si Parker, I smiled at them.
"Hi," I said.
"Hi," sabi ni Psalm. He was his usual self. Mukhang hindi naman siya nag-iisip ng iba kahit nakita niya kami ni Parker. Bakit ba kasi ganito ako mag-isip? "Looking for Saint?" he asked and I nodded. Hindi kasi nila kasama si Saint.
"He's in the gym."
"Oh." Pupuntahan ko ba siya? Paano kung galit siya sa akin? Pero grabe naman... Magagalit ba siya dahil lang hindi ako nakasagot agad?
"You should go see him," Psalm said.
I bit my lower lip.
"I don't think that's a good idea."
"Why? Galit kayo?" he asked.
I shrugged.
"Hindi niya ako nirereplyan, e..."
Hindi ko rin alam bakit ko sinasabi 'to sa mga kapatid niya.
Psalm laughed. "He's being a sissy," sabi niya. Siniko niya si Austin. "Hey, Slave. Samahan mo si Imo sa gym."
Hindi pa rin sila tapos? Naaawa na ako kay Austin.
"Hala, 'wag na," I said.
"Nah. That's fine," sabi ni Psalm at saka inakbayan si Austin. "He's a good slave. Right, Arch?"
Austin flicked his middle finger at Psalm. Nanlaki iyong mata ko. Hindi ko ineexpect kay Austin 'yun, ah!
"He'll walk you there, Imo," sabi ni Psalm at saka iniwan kaming dalawa. Ang awkward tuloy lalo.
"Uhm... Kahit 'wag mo na akong samahan," I said.
"Let's go."
Hindi man lang ako pinansin tapos naglakad na siya. Grabe talaga ang sungit niya.
Nakasunod lang ako sa likod ni Austin habang naglalakad kami papunta sa gym. Hindi na ako nagsasalita dahil mukhang hindi rin naman kasi ako kakausapin niya... Sobrang tahimik niya yata talaga.
Pagdating namin doon, nagpasalamat ako sa kanya.
"Thank you," I said and he just nodded tapos iniwan na agad ako. Sungit.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Saint na mag-isang naglalaro. Sobrang bagay talaga sa kanya iyong buhok niya ngayon... Nagdidribble lang siya tapos nagshoshoot ng bola. Hindi ko magawang maglakad papalapit dahil sa hindi ko alam na dahilan... So I stood there and watched him play. Tahimik lang ako at nalaman niya lang na nandun ako nung magring iyong cellphone ko.
"Kanina ka pa?" he asked after he jogged towards me.
I nodded.
"Bakit 'di ka nagsalita?"
I bit my lower lip.
"Baka kasi galit ka sa akin..." I answered.
Kumunot ang noo niya.
"And why would I be mad?"
"Kasi hindi agad ako nakasagot..."
Saint laughed while shaking his head.
"I'm not that petty, Mary. I wouldn't be mad just because of that," sabi niya. "And it was partly my fault. Thank you for not answering. That's a question that's meant to be asked in person."
I bit my lower lip. Malapit na yatang dumugo ang labi ko.
"Bakit mo tinanong? Hindi ka ba seryoso?"
Kumunot ang noo ko.
"Are you kidding me? Ako pa ba ang hindi seryoso? May anak na tayo't lahat, hindi pa rin ako seryoso?" he seriously asked.
I guiltily looked at him... "E bakit hindi ka sumasagot sa message ko?"
"I was busy yesterday."
"Nakapagpost ka pa sa instagram tapos hindi mo ako mareplyan..."
Saint smiled again. Nakakainis. Ang cute niya kasi ngumiti.
"Are you stalking me?"
"Uy, hindi, ah!"
Tawa na siya nang tawa.
"Grabe. Matutuwa pa naman sana ako kung iniistalk mo ako."
Tss. Ayan na naman siya sa pa-cute niya.
"Hindi ako stalker."
He pinched my cheek.
"Yah. You're too cute to be a stalker. You're my admirer, 'di ba?" sabi niya tapos pinalo ko siya.
He was laughing at my desperate attempt to hurt him. Ako rin ang nasaktan kasi ang tigas ng braso niya. "But to erase your doubt, I was practicing yesterday for Gilas. I really couldn't check my phone yesterday. So, I'm not mad, okay?"
Huminga ako nang malalim.
"Hindi ka nga galit?"
Umiling siya.
"Thank God. Sobrang nakokonsensya kasi ako, e."
Ngumiti siya.
"Why?"
"Syempre, ayoko na isipin mo na ayokong magpaligaw sa 'yo kasi hindi ako nakasagot agad... Sorry..."
"Aww, Mary. Stop making my heart flutter." His smile went wider. "And stop making me want to hug you."
"Why can't you just hug me?"
"I'm sweaty."
"I don't care."
"You'll smell like sweat."
"I'll smell like Saint. And I seriously don't mind."
The smile disappeared from his face. Naging seryoso agad iyong mukha niya.
"Mary," he called my name. I stared back at him. "If you're not in for the long haul, just stop right now. Stop until I'm giving you the chance to... because I'm seriously going crazy over you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top