Kabanata 17
#JustTheStrings
Kabanata 17
Mayroong public holiday kaya walang pasok ngayong araw. Tinatamad akong tumayo mula sa kama... Chineck ko iyong facebook ko pero wala pa ring ni isang chat mula kay Saint... Wala rin sa facebook wall at twitter niya... Ano kaya ang ginagawa noon? Balak ko sana na itulog na lang iyong mga iniisip ko pero hindi. Imbes na makapagpahinga, mayroon pa kaming mga ginawa para sa debut ko. Sobrang hassle pala talaga nito. Kung ako nga na kakaunti lang ang ginagawa ay napapagod, paano pa kaya iyong mga mismong organizer na?
Nandito kami sa receiving area ng bahay at pinapakinggan lang namin ni Finley si Mama at Miss Carmie na mag-usap.
"Can't we do non-alcoholic beverages instead?" tanong ni Mama. Magkakaroon kasi ng mobile bar sa debut ko na parang Potions class ni Snape. Nagtatalo sila ngayon kung alcohol ba ang iseserve o hindi... Wala naman akong pakielam kasi hindi naman ako umiinom. Si Liza, hindi rin. Si Kath, occasional drinker... Sila Ate Jas at Kuya Jackson iyong mga umiinom. Si Kuya pa pala! Naalala ko na naman iyong kwento ni Saint na nakulong si Kuya dahil nalasing sa bar... Hindi ko pa rin nasasabi kila Mama.
Pero naeexcite talaga ako sa potions! Sana kagaya ng sa books iyong mga lalagyan!
Habang patuloy silang nagtatalo, tinanong ako ni Finley.
"Ate," he called me.
"Hmm?"
"When's Kuya Saint visiting again?"
Kumunot ang noo ko. Tanong ko rin 'yan. Kung kailan uuwi si Saint...
"Why, baby?" I asked him. Isang beses pa lang naman niyang nakakausap si Saint kaya nagtataka ako kung bakit niya hinahanap sa akin. Hindi kasi mabilis makuha ang loob ni Finley. Sa aming magkakapatid, siya 'yung pinaka-hindi friendly. Palagi ngang napapatawag si Mama sa school dahil inaaway ni Finley iyong mga classmates niya. Ano kaya ang ginawa ni Saint dito?
"He told me he'd teach me to play ball. Kaming dalawa ni Riley," he responded.
"Kailan niya sinabi?" I asked him. Wala naman akong narinig na usapan na ganyan kasi nung nandito si Saint.
"Last Tuesday when we were chatting in facebook."
Kumunot lalo ang noo ko. Wala namang facebook account si Finley dahil bawal pa raw sabi ni Mama. Kapag high school na lang daw siya e elementary pa lang naman silang dalawa ni Riley...
"I used Papa's account. They're fb friends," sabi ni Finley. Nanlaki ang mata ko. Friends sila ni Papa? E 'di nakita niya iyong mga pictures na pinopost ni Saint?! Hala!
Agad kong binaba mula sa lap ko si Finley tapos nag-excuse ako kina Mama. Mukhang hindi naman ako nila napansin dahil heated pa rin ang discussion nila kung ano'ng klaseng drinks ang iseserve sa mobile bar. Agad ko namang hinanap si Papa at sinabi ni Manang na nandun daw si Papa sa fish pond at nagpapakain ng koi.
"Papa," I called his attention. Napa-tingin siya sa akin and then he smiled. Inabutan niya ako ng lalagyan ng pagkain ng koi kaya sabay na kaming nagpapakain.
"Tapos na kayo?" he asked.
I shook my head.
"Hindi pa po. Hindi pa rin nagkaka-sundo sila Mama," I explained. Tumango naman si Papa. Kilala naman namin pareho si Mama and we always let her have her way as much as possible. "Pa, friends kayo ni Saint sa facebook?"
Tumango siya.
"Bakit?" I asked. Hindi ko kasi maintindihan kung paanong naging friends sila sa facebook... at kung paanong nakaka-chat ni Finley si Saint. Para tuloy ang dami kong hindi alam!
He shrugged.
"I like him. He seems like a nice kid," sagot niya.
"Bakit 'yung ibang friends ko sabi mo mabait din pero hindi mo naman sila inadd sa facebook?" balik tanong ko sa kanya. Natawa naman si Papa sandali at saka nagpakain ulit sa koi. Hindi kaya ma-overfeed iyong mga isda namin? Magagalit si Mama nito. Mahal pa naman niya 'tong mga koi. Minsan nga mas mahal niya pa 'to kaysa kay Kuya.
"Ayaw mo na ba facebook friends kami ni Saint?" tanong sa akin ni Papa.
"Hindi naman po sa ganon... Weird lang," sagot ko kasi totoo naman... Si Kuya at Saint nga hindi friends sa facebook tapos sila ni Papa, oo? Hindi ba weird naman talaga?
Naghagis ulit si Papa ng feed pellet bago niya ibinaba iyon. Humarap siya sa akin tapos naka-ngiti pa rin siya. He always looked peaceful. Para bang sobrang contented na ni Papa sa buhay niya kaya sobrang gaan ng pagkatao niya. Ang sarap tuloy kasama ni Papa kasi positive lang palagi. Sana kagaya niya rin ako.
"Mary Imogen," pagtawag niya sa pangalan ko. "Magkapangalan lang kayo ng Mama mo pero hindi ibig sabihin, kailangan mong ituloy kung anuman iyong hindi nangyari dati. Kung saan ka masaya, doon ka dapat palagi."
Hindi ako nakapagsalita agad dahil ito ang unang beses na kinausap ako ni Papa tungkol dito... Bata pa lang ako ay palagi na sa aking nababanggit ni Mama iyong tungkol sa namatay na si Tito Parker... Kaya kahit hindi ko siya naabutan na buhay, pakiramdam ko sobrang kilala ko siya dahil sa dami ng kwento sa akin ni Mama... Palagi niya ring sinasabi sa akin na kami ni Parker ang magkakatuluyan. Na dapat kami ni Parker sa dulo.
Buong buhay ko, halos iyan ang palagi kong naririnig.
"Don't feel obligated. If you like Saint, doon ka—"
"Wala po akong sinabi na ganon!" angal ko dahil nakakahiya na pag-usapan namin si Saint. Papa ko pa rin kaya siya!
Natawa si Papa.
"Okay, wala kang sinabi," he said with a smile. "Ang gusto ko lang sabihin, you're not obligated to love Parker. You have your own life, your own heart, and your own happiness. Kung may iba kang gusto, okay lang. Kung natatakot ka sa Mama mo, ako na ang bahala doon."
Natawa ako kay Papa kaya niyakap ko siya sa gilid niya at saka sinandal iyong ulo ko sa braso niya.
"Talaga, Pa? Takot ka kaya kay Mama..." paalala ko sa kanya dahil kapag nagtataas pa lang ang boses ni Mama, suko na agad si Papa. Si Mama kaya ang boss sa bahay. Tinawanan lang ako ni Papa at saka bumalik na kami sa loob ng bahay.
--
Kinabukasan, pumasok na ulit ako sa school. Pang-apat na araw na na wala si Saint sa Pilipinas. Nakakalungkot kasi hindi kami nag-usap buong araw kahapon... Pero baka kasi busy siya. Ayaw ko naman siyang i-chat dahil baka isipin niya makulit ako. Kaya kahit nakakalungkot, idinaan ko na lang sa pagbabasa ng novel. At least nag-enjoy ako sa story ni Celaena.
Normal lang naman iyong mga nangyayari sa school. Mayroon na namang exams na paparating... Paano kaya iyong kay Saint? Pati pala sa mga kapatid niya. Isang linggo silang absent. Makaka-apekto kaya 'yun sa grades nila?
Papasok na kami sa cafeteria at nakabili na kami ng pagkain nung mapansin namin iyong table nila Kuya. Weird lang kasi dahil usually, pinaka-maingay ang table nila. Sobrang gulo kasi ng soccer team lalo na kapag magkasama sila Kuya at Kuya Benj... Pero ngayon, parang dinaanan ng anghel iyong lamesa nila.
Nilapitan namin sila out of curiosity.
"Ano'ng meron, Ate?" I asked Ate Jas dahil siya lang ang mukhang hindi subsob sa libro sa kanilang apat. Sila Kuya, Kuya Benj, at Kuya Jackson kasi ay masyadong focused sa binabasa nila.
"Exams," she said. "Sa Math."
Sabay-sabay kaming napatangong tatlo nila Liza. Kaya naman pala!
"The three idiots of Math," sabi ni Kath. Agad naman napa-angat ng ulo si Kuya at saka tinignan ng masama si Kath. "Why? Offended ka?"
Dinuro siya ni Kuya ng ballpen.
"Wag ngayon, Kath. 'Wag ngayon," seryoso niyang pagkakasabi kaya natawa ako. Ang seryoso talaga ni Kuya! Kung sabagay... Last time kasi na bumagsak siya, sinabihan siya nila Mama na magquit sa soccer. Ayaw na siguro ni Kuya na maulit iyon since gusto niya talagang maglaro ng soccer.
Pero dahil sa sinabi na iyon ni Kuya, pinili ni Kath na doon na lang kami maki-share sa table nila. Gusto na naman niya yatang bwisitin si Kuya para makaganti siya. Hindi ko nga alam kung ano ang pinag-awayan nila, e. Tahimik lang akong kumakain habang si Kath, ginugulo sila Kuya. Ang ingay nila!
"Ang stupid mo naman, Preston! Kapatid ka ba talaga ni Mary?" sabi niya habang tinitignan iyong exercise sheet ni Kuya.
"Maka-stupid 'tong panget na 'to!"
"Duh. This face? Panget? You're more stupid than I give you credit for!" sigaw ni Kath sa mukha ni Kuya.
"Gandang-ganda ka talaga sa sarili mo noh?"
"Duh?!" sagot ni Kath.
Tawang-tawa kami sa kanilang dalawa pero napatingin ako kay Kuya Benj. Naka-tingin lang siya sa papel niya. Hala. Bigla akong naawa sa kanya... Alam ko kasi iyong pakiramdam niya... Na iyong gusto mo, mayroong gusto sa iba... Sobrang hirap. Sobrang sakit. Kasi wala kang masabihan. Kasi wala kang karapatan...
Kasi nga wala namang kayo.
"Baka kayo pa magkatuluyan niyan," sabi ni Ate Jas. Tumango naman si Kuya Jackson at Liza ng sabay.
"Ew!" sigaw ni Kath. "As if papatol ako sa Preston na 'to! Kahit ligawan pa ako nito, never! As in never!" sabi niya na para bang nakakadiri iyong ideya na ligawan siya ng Kuya ko. Medyo na-offend ako. Ano ang masama kay Kuya? Mabait naman si Kuya... Medyo protective lang pero wala naman akong nakikitang masama doon... Tsaka hindi naman panget si Kuya... Matangkad din siya... At saka may abs din naman siya kaya pasok siya sa requirements ni Kath.
Binagsak ni Kuya iyong ballpen niya. Mukhang na-offend din siya kagaya ko.
"Talaga lang ha?" sabi niya.
"Talagang talaga!" sagot ni Kath.
"Kapag ikaw naging girlfriend ko, kakainin mo lahat ng sinabi mo."
Nanlaki iyong mata naming lahat sa table.
"Liligawan mo, dude?" tanong ni Kuya Jackson. Napatigil siya sa pagkain.
Tumango si Kuya.
"Seryoso?"
"Oo nga."
Hala ka. Paano si Kuya Benj? Siya dapat ang manligaw kay Kath!
"Ngayon na?"
Umiling si Kuya.
"After ng exam," sabi niya. Lumingon siya kay Kath na nanlalaki pa rin iyong mga mata. Kahit ako, hindi makapaniwala sa mga narinig ko! Liligawan ni Kuya si Kath? For real? "Hoy, Kathryn. Bukas pa kita liligawan kaya lumayas-layas ka muna sa paningin ko ngayon," sabi niya at saka ibinalik iyong atensyon sa exercise sheet.
"Shoo," dugtong pa niya nung hindi pa rin naka-galaw si Kath sa kinauupuan niya. Parang ginawa namang aso ni Kuya si Kath.
Hindi pa rin makagalaw si Kath kaya hinila namin siya ni Liza palayo kila Kuya. Ako rin, hindi ko maintindihan ang mga nangyari! Bakit liligawan ni Kuya si Kath? May gusto ba siya rito? Pero palagi niyang sinasabi sa akin na wala siyang time magkaroon ng girlfriend, na mayroon siyang ibang priorities. Ano'ng nangyayari sa mundo ko? Hindi ko na maintindihan iyong mga nangyayari!
"Oh, my God."
Sa wakas, nakapagsalita din si Kath.
"Yuck!" sabi niya at saka naglakad ng mabilis at saka iniwanan kami ni Liza. Nagkatinginan na lang kami ni Liza at pinabayaan si Kath na umalis. Baka kailangan niya ng alone time... Hindi ko rin sigurado kung seryoso ba si Kuya na liligawan niya si Kath. Kakausapin ko na lang siya mamaya sa bahay.
Buong araw na hindi pumasok si Kath. Sinubukan kong tawagan pero cannot be reached. Pumunta tuloy kami sa bahay nila pero sabi naman ni Tita Min, nasa bahay daw ng mga lola niya sa Laguna si Kath. Biglang nakarating 'yun 'dun?
"Puntahan natin sa Laguna?" I asked Liza. Worried lang kasi ako kay Kath. It was so unlike her to... be that way. Sobrang opinionated niya kahit hindi hinihingi ang opinion niya. Sobrang daldal niya rin na kahit si Saint, minsan sinabihan siya kung pwede ba na tumahimik siya sandali. Pero kanina? Sobrang wala siyang nasabi kay Kuya... Nakakapag-alala tuloy.
Liza shook her head.
"She's a big girl na. She can handle this."
Nagbuntong-hininga ako. Kapag talaga may hindi magandang nangyari kay Kath, lagot sa akin si Kuya. Kahit ayokong nagagalit sa kanya, ibang usapan na kapag pinaglaruan niya ang kaibigan ko.
Umuwi na ako sa bahay pero wala pa doon si Kuya. Sinubukan ko na hintayin siya pero mukhang extended iyong training niya... Bored na rin ako dahil tapos na akong mag-aral. Wala naman ako sa mood para magbasa ng libro... At saka hindi online si Saint.
Naka-dapa lang ako sa kama nung may marinig akong kumatok.
"Po?" I asked nung pumasok si Manang sa kwarto ko.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba."
Napaupo ako. Sino kaya 'yun? Gabi na, ah... At saka wala naman kaming usapan nila Liza kasi sila lang naman ang usually bumibisita sa akin dito sa bahay.
"Sino po?"
"Ay, 'yung matangkad na lalaki po dati na—"
Nanlaki iyong mga mata ko at nung na-realize ko kung sino ang tinutukoy ni Manang, mabilis akong tumakbo pababa. Halos malaglag ako sa hagdan lalo na nung makita ko si Saint na nakaupo sa may sofa. Bakit siya nandito? Akala ko ba—
Ang daming tanong sa isip ko. Sa sobrang gulat ko, talagang nalaglag na ako sa hagdan at dahil doon, napatingin sa akin si Saint. Napatayo siya at agad pinuntahan ako na nahulog sa hagdan.
"God, Mary, are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Sinubukan niyang hawakan iyong paa ko pero napa-pikit ako dahil sa sakit. "You sprained your ankle." Chineck niya iyong ankle ko at nagsisimula ng mamaga. "Where are your parents?"
"Umalis sila," I replied. Nagdate kasi sila Mama ngayon tapos tulog na iyong kambal... Si Kuya naman wala pa rin dahil sa training.
Nagulat ako nung binuhat niya ako.
"S-saan mo ako dadalhin?" nag-aalala kong tanong dahil naka-pajamas na ako at mukhang ready na talaga akong matulog.
"Hospital," sabi niya na parang nagtataka siya sa tanong ko.
"Okay lang ako," I replied. Sinundot niya 'yung ankle ko kaya napaaray ako. Ang sakit! Paano ako papasok nito bukas?
"And you're saying that you're okay," sabi niya tapos nailing pa.
"Kailangan ba talagang tusukin ako?" naka-simangot na sabi ko. Ang sakit kasi nung ankle ko.
"In denial ka kasi," sabi niya tapos pinasok niya ako sa backseat. Iniupo niya ako ng maayos at saka siya pumasok. Ipinatong niya iyong legs ko sa legs niya. Buti na lang mahaba iyong pajamas ko dahil nakakahiya kung makikita niya iyong legs ko! Pero hindi niya naman ako hinahawakan. Nasa side niya lang iyong kamay niya.
May kasama pala siyang driver ngayon. He instructed the driver to bring us to the nearest hospital. Pagkatapos nun, kinuha niya iyong cellphone niya tapos nanlaki na lang iyong mata ko nung ma-realize ko na si Papa ang kausap niya. At hindi lang pala sila facebook friends, may cell number na rin sila ng isa't-isa. "Thanks, Tito. I'll bring her back safe, I promise," sabi niya bago ibaba iyong tawag.
Napatingin ako sa kanya. First things first.
"Bakit ka nandito?" I asked him. "Di ba sa Monday ka pa dapat—"
"Ayaw mo ba na nandito ako?" he asked and then paused. "No, wait. Nahulog ka pa nga sa hagdan because you missed me too much, too," sabi niya tapos nginisian ako. Namula naman ako! Grabe talaga si Saint!
"Ewan ko sa 'yo," I replied.
"Admit it. You missed me," tukso niya sa akin.
"Hindi, ah."
"Really? Bakit nahulog ka sa hagdan?"
"Namali lang ako ng tapak," I reasoned. Hindi ako aamin sa kanya, noh. Ito nga na wala pa akong sinasabi e tinutukso niya na ako, paano pa kapag meron?
He shrugged.
"Bahala ka, Mary. The truth will set you free," sabi niya.
"Bakit? Ano ba ang truth?"
He looked at me and then said, "I missed you. So bad. And that's my truth."
Kaya tahimik lang ako hanggang makarating kami sa hospital. Hindi ko talaga kinakaya iyong mga lumalabas sa bibig ni Saint.
Pagdating namin sa hospital, sa emergency entrance kami pumasok. Pina-x-ray lang iyong ankle ko, nilagyan ng cold compress, tapos binigyan ako ng gamot. Si Saint iyong may hawak nung lalagyan ng ice. He was looking at my ankle tapos nakakunot ang noo niya. Noon ko lang napansin na humaba iyong buhok niya kaya nagsstart ng lumitaw iyong kulot niya. Ang cute ng buhok niya. Parang gusto kong hawakan pero nakakahiya.
"That'll hurt tomorrow," sabi niya. Tinignan niya ako tapos napailing siya. "Next time, don't run, okay? If you miss me, I'll run to you."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi nga 'yun 'yung dahilan."
He smiled.
"But seriously though, I really missed you," sabi niya. Hindi ako naka-sagot dahil nahihiya ako. Gusto kong sabihin sa kanya na namiss ko rin siya... Sobra nga, e. Pero nahihirapan ako na sabihin. Nakakainis nga, e. Gusto kong sabihin pero hindi ko alam kung paano. Bakit kaya si Kath hindi hirap na iexpress ang sarili niya? Sana ganoon din ako.
Kaya iba na lang ang sinabi ko.
"Namiss din ni Kath si Psalm," I replied and he laughed. Mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin.
Nasa kalahati pa lang iyong yelo at sinabihan kami nung doctor na magstay kami hanggang sa maubos iyong yelo. Ang dami pang oras. Nakita ko iyong pangalan ni Papa sa phone niya dahil nagtext ito kung kamusta na ako.
"Kailan pa kayo naging close ni Papa?" I asked. "At ni Finley?"
"Why? I'm a very likable person, you see," sagot niya. Kinunutan ko siya ng kilay. "Finley wanted me to teach him basketball so your dad added me in facebook. Okay na?"
Hindi pa rin ako sumasagot.
"Galit ka?" he asked.
Umiling ako.
"Then why are you silent?"
Huminga ako nang malalim at saka ngumiti.
"Wala lang... Thank you sa effort sa family ko kahit hindi kailangan," I sincerely told him. Sobrang naappreciate ko na mabait siya sa family ko lalo na sa baby brothers ko. Iba iyong gratitude na nararamdaman ko dahil doon... Parang kahit ang gwapo na ni Saint, mas lalo siyang gumagwapo kapag nakikipaglaro siya sa mga kapatid ko. Mas lalo na siguro kapag naging okay na sila ni Kuya...
He smiled back.
"It didn't even take an effort from my part. I really want to know everyone in your life, Mary. I know you like Parker and you've known him since you were young and there's nothing I can do about that—"
I cut him off.
"I don't like him anymore."
Naka-tingin siya sa akin.
"You don't have to say that to please me," he replied.
Umiling ako. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha iyong lakas ng loob para sabihin 'to. Dahil ba 'to sa Mefenamic acid na pinainom sa akin?
"Ano... uhm... crush kita."
Nakatitig sa akin si Saint at naka-awang iyong bibig niya. Ilang segundo bago nagkaroon ng ngiti sa mukha niya. Napapailing pa siya habang naka-ngiti. Binitawan niya iyong ice pack at saka hinila ako para yakapin. I felt him kissing the side of my head.
"Crush din kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top