Ep: The Answer

"Sometimes the questions are complicated and the answers are simple." 
— Dr. Seuss

~ ~ ~

“Basta ako pipiliin ko taong mahal ako! Duh, ayoko naman masaktan. Gusto ko 'yung may mag aalaga sa akin, tapos tapos may laging magtetext sa akin para itanong kung kumain na ba ako or kamusta na ako, kyaaaa! Kilig!”

“Gulo mo, hindi mo nga mahal tapos kikiligin ka? Hindi ba parang mas nakakakilig 'yung taong mahal mo tapos kahit simpleng ngiti lang niya, masaya ka na kumbaga effortless ang pampakilig!”

“Ewan ko sa'yo girl, hindi ka nga mahal eh, sa tingin mo ngingitian ka nun eh hindi ka naman niya gusto?”

“Kesa naman 'yung iisipin mo lang sarili mo tapos pipiliin mo 'yung taong nag eeffort para sa'yo tapos hindi mo naman mahal, ginagamit mo?”

“Matututunan ko naman mahali—OMAYGAHD SI DANIEL PADILLA AT RAYNE MARIANO BA 'YUN?!”

“Ha? Saan?! Aaaahhh!!! Nandito pala sila bakit hindi ko nakita sa official twitter account ng loveteam nila 'to?!”

Agad tumayo 'yung dalawang babae na sa tingin ko ay highschool dahil uniform ko 'yun dati at nagtungo sa isang parte ng mall na parang may pinagkakaguluhan silang mga tao doon. Medyo nagpalinga linga ako at napangiti ako sa nakita ko. . .

. . .sila na naman, 'yung mga kabatchmates ko na laging may kasweetang ginagawa ever, sikat pala sila? Ang cute talaga nung dalawang 'yun, parang mga artista eh!

Nakalipas na ang halos dalawang taon simula nung 3rd year highschool ako at nakaexperience ng isang kakaibang pangyayari na tinatawag nilang ‘love.’ Syet, korni!

Two years ago, highschool lang rin ako tulad nung dalawang babae na nagdedebate tungkol sa isang tanong na sa tingin ko ay naging teacher ko ang teacher nila ngayon dahil naexpose na naman ang tanong na 'yun.

Dalawang taon na ang nakalipas at ngayon, freshman college na ako sa isang kolehiyo. Hindi pa naman matagal, mga ilang weeks pa lang akong official college student at ngayon, kasama ko ang mga kapwa ko college students.

Omaygahd, college student na ako!

“Narinig niyo 'yung pinag uusapan ng mga highschoolers sa mall kanina?” Pagtatanong ni Kia sa amin. Naglalakad kami ngayon papunta sa library dahil may 1 hour pa kaming break bago ang next class.

“Depende sa pinag uusapan, ang dami eh!” Natatawang sabi ni Gia.

“Oo nga, ang daldal ng mga highschoolers no? Ang babata pa eh!” Komento ni Ria na akala mo gurang na.

“Maka bata ka naman Ria, kakacollege mo lang naman eh” sabat naman ni Pia.

“Hayaan mo 'yang si Ria, hindi ata nag highschool 'yan eh, pagkapanganak college agad! Manong po manang Ria. . .” Iniabot ko ang kamay ni Ria pero bigla niyang pinalo 'yung kamay ko saka kami nagtawanan.

“Adik ka Zelle!” Pasigaw na sabi ni Ria ng nakangiti.

Pagkapasok namin ng library, nagkanya kanya kami ng kuha ng librong pang props namin saka umupo sa upuan. Nagkunwari na kaming nagbabasa pero ang totoo, nagpapalamig lang kami at naghahanap.

Naghahanap ng pogi!

“Ano, may nakita na kayo?” Pabulong na tanong ni Gia.

Nakatakip ang mukha namin ng libro habang naglilibot naman ang mga mata namin sa paligid. Hindi ko rin alam kung bakit pero iba iba ang ugali naming lima pero magkakasama pa rin kami—siguro dahil lahat kami mahilig sa pogi? Oo tama, ganun nga.

“Ay ayun, si kuya na nakapang hrm!” Biglang sigaw ni Pia na siyang naging dahilan para pagtinginan kami ng mga tao at tinignan pa kami ng isang librarian na ang sama ng tingin. “Aray!”

Natawa naman kami dahil biglang pinalo ni Kia si Pia sa kamay. “Ingay mo Pia, pero oo, gwapo nga si kuya, Arabic ang kapogian!”

“Ayun, ayun, sa kabila naka tourism” Napatingin naman kaming lahat sa tinuro ni Ria at napatango tango kami dahil gwapo nga si kuyang tourism, medyo ano lang, mamake-up.

Nagpalingon lingon lang kami hanggang nagreact naman si Gia na ikinagulat naming lahat. “Oh my ghad, oh my ghad, ayun ang sinasabi kong gwapo” Nginuso ni Gia somewhere at narinig ko nang nagkocomment sila Pia, Ria at Kia na ang gwapo gwapo daw pero paglingon ko—

“Ay, nakatalikod na—ay, paalis na siya! Ang daya!” Pagmamaktol ko tapos tinapik tapik naman ako ni Ria sa balikat na parang sinasabi niyang ang malas ko.

Sayang, gwapo ata talaga 'yung lalaki—likod pa lang, gwapo na! Sana lang hindi siya talikodgenic.

Ganito lang kaming magbabarkada, masaya—walang problema, ito 'yung sinasabi kong masaya talaga. Naaalala ko tuloy 'yung nangyari sa akin last 2 years nung nabroken hearted ako, masaya siya—pero masakit rin.

Hindi ko siya masyadong iniisip, hindi ko masyadong pinagdidiinan at binibigyang pansin pero everytime na naaalala ko, nakakaramdam pa rin ako ng sakit.

Naaalala ko 2 years ago nung nagtapat ako kay John na nakita ni Enzo.

 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko—mag iistay ba ako dito sa tabi ni John o hahabulin ko si Enzo? It was hard to choose, ngayon pa lang, parang pinipilit na ako ng mundo na mamili—sino sa kanila ang pipiliin ko?

 

Ang taong mahal ko na hindi ako mahal. . .

 

. . . o ang taong mahal ako na hindi ko naman mahal.

 

Pero parehas na importante sa akin.

 

 

Palayo nang palayo si Enzo habang si John ay nagtataka at ako, gulong gulo. Sa sobrang gulo ng mga pangyayari, parang gusto ko na lang na tawagin ulit ako ng kaklase ko dahil nag escaper ako dahil ayaw ko maglinis ng classroom pero kung kelan kailangan ko siya ngayon, wala naman siya.

 

Naghintay ako ng ilang segundo, wala. . . wala na akong magawa.

 

Naglakad na lang ako. . . palayo sa kanilang dalawa.

 

 

“Anong klaseng pagmumukha 'yan Zelle, hindi bagay sa'yo mag isip ng malalim!” Natatawang sabi ni Gia kaya nakaisang batok naman siya sa akin. “Aray naman! Totoo naman kasi 'yun eh.”

“Hindi kasi, may naisip lang ako. . .” Pinatong ko ang braso ko sa lamesa at pinatong ko naman ang ulo ko sa kamay ko na nakataas, nakatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko, nasa KFC kami ngayon dahil kakatapos lang ng klase at tumatambay na lang kami.

“Hindi talaga bagay sa'yo mag isip, promise.” Sabi ni Kia.

“True.” Hala, ang sama nila!

“Ano ba, iniisip ko kasi kung ano itsura nung gwapong lalaki na hindi ko nakita, andaya kasi eh!” Natatawa kong sabi sabay batok naman sa akin ni Pia.

“Akala ko seryoso!” Natatawa na lang sila at nagseryoso naman ulit ako ng mukha.

“Hindi nga, ano 'yun?”

Napabuntong hininga ako at gusto ko sana matawa dahil ang seryoso ng mga mukha nila! Pero eto, sige, I won't spoil the moment dahil lahat kami, seryoso.

“Buntis ako guys.”

Nanlaki ang mga mata nila, hindi sila nakapagsalita ng mga 1 minute.

“Joke lang!” Natatawa kong sabi hanggang sa. . .

This sentence/paragraph has been removed by the higher-ups of the Philippines due to violent actions/re-actions/words made/said by the protagonist’s friends. Sorry for the inconvenience, thank you for coming please come again. It's more fun in the Philippines. Mabuhay!

“Ayoko na, huhuhuhu tama na, ang sakit sakit na!” Ang sama ng ginawa nila sa akin, hindi ko akalain na naging kaibigan ko sila! Huhuhuhuhuhu!

“Isa pa Zelle, isa pang ganyan nako” Pagbabanta sa akin ni Gia. Hindi na nga ako uulit sa ganung joke! Mga walang sense of humor tong mga to eh! Huhuhuhu ang babayolente pa huhuhuhu!

“But seriously, may tanong ako. . .” Tulad kanina, naging seryoso ulit ang mukha nila pero may hint ng pagiging bayolente kapag may sinabi akong kakaiba. “Sinong mas pipiliin niyo, taong mahal niyo na hindi kayo mahal o taong mahal kayo pero hindi niyo naman mahal?”

Napatitig ulit sila sa akin na parang iniinternalize na muna nila ang sinabi ko. Lahat sila seryoso, parang nag iisip—tama nga sila, kung hindi ako bagay mag isip, mas lalong hindi bagay na nag iisip sila! Hahahahahaha!

“Tara, uwi.” Sabi ni Gia.

“Onga, let's go” Aya naman ni Pia.

“Uwi na rin ako.” Pati ba naman si Kia?!

Napatingin ako kay Ria tapos nakatingin lang rin siya sa akin na parang nagtataka.

“Bye Zelle!”

HALA, ANG SAMA NG MGA UGALI NILA INIWAN AKO DITO!

Napasimangot ako tapos sila, tawa lang nang tawa habang iniiwan ako. Tumayo na ako tapos hinabol ko sila sabay pagbababatok sa kanilang apat. Buti nga sa kanila!

“Bakit ba ayaw niyo sagutan?” Tanong ko.

“Mahirap.” Simpleng sagot ni Pia.

“Nakakaloko eh.” Sabi naman ni Ria.

“Ayoko mag isip.” Oo Gia, hindi rin kasi bagay sa'yo ang mag isip hahaha joke!

“Both!” Sagot naman ni Kia—ang selfish talaga nitong babaeng 'to!

So naghiwa-hiwalay na kami ng landas pero mas pinili kong bumalik ng school, ewan ko, parang masarap magmuni-muni eh. Naglalakad lang ako, hindi ko alam kung saan ako papunta pero lakad lang ako nang lakad.

Sino ang pipiliin ko, taong mahal ko na hindi ako mahal o taong mahal ako na hindi ko naman mahal?

Noong una, pinili ko ang taong mahal ko na kalaunan ay nalaman kong hindi ako mahal—na may ibang mahal. Masaya ako nung una na pinili ko si John dahil napapasaya at napapakilig niya ako kahit mga simpleng bagay lang ang ginagawa niya.

One of the best experience, ever.

Masarap sa pakiramdam na nakakasama mo 'yung taong mahal mo at simpleng kikiligin ka kahit na magtitigan lang kayo buong araw. Masarap pa sa feeling dahil masaya kasama si John, kahit na medyo tahimik siya, hindi siya pumapalya sa pagpapatibok ng puso ko.

Pero kasi, may mali sa phrase eh. . .

Taong mahal ko pero, hindi ako mahal.

Nasaktan ako.

Then there’s this guy, Enzo—ang taong mahal ako na, hindi ko masuklian.

Noong pinili ko siya, naging masaya rin ako kahit na nasasaktan ako dahil kay John. Masaya ako na kasama siya dahil bumait siya sa akin ng one thousand times. It was fresh—nakakailang pero nakakatuwa.

Ang normal kasi ng datingan namin ni Enzo dahil nga nanggaling kami sa pagiging magkaibigan na nagsasabungan pero dahil nga gusto niyang mainlove ako sa kanya, nagpapaimpress din siya. Nakakakilig paminsan minsan ang banat niya pero iba pa rin si John dahil nga napapakilig na ako ni John kahit simpleng titig lang. Pinilit ko sarili ko na siya na lang ngunit pero datapwat. . . hindi talaga.

Pero kasi, may mali din sa phrase eh. . .

Taong mahal ako, pero hindi ko mahal.

Nakasakit ako.

Siguro nga, para sa akin, hindi tama ang mamili sa kanilang dalawa pero para sa kanilang dalawa, it’s the best choice na pumili sila. . . 

Pagkaalis ko para lumayo sa dalawa, nakasalubong ko naman si Elle. Gusto ko maiyak dahil nakasalubong ko na naman siya ng ganitong nasasaktan ako at nakikita kong masaya siya. Tinignan ko ang braso niya, nandoon pa rin ang bracelet na binigay sa kanya ni John—hindi na ata niya tinanggal 'yan ever.

 

Nagkangitian lang kami at naglagpasan na pero tumigil ako sa paglalakad at lumingon para tignan—na si Elle, pumunta kay John at. . .nagyakap sila.

 

Hindi ko rinig ang pinag uusapan nila pero kita ko ang iyak ni Elle at nakita ko rin na hinalikan ni John si Elle sa ulo nito. Napangiti ako kahit na parang pinapatay ako sa loob. Hindi ko man rinig ang pinag uusapan nila at kita ko lang ay magkayakap sila, ramdam ko.

 

Papunta na sila sa journey nila together.

 

Dahil si John, pinili niya 'yung taong mahal niya—na ngayon ay sinuklian na rin siya pabalik.

 

Kinabukasan, kalat na sa buong campus na si John at Elle na—I know, ang sakit lang di ba? Pero sino nga ba ako para humindi? Bagay sila, sobra—siguro nga hindi para kay John itong nararamdaman ko, siguro parang naging parte lang siya ng kunwaring nag eexist na lovelife ko.

 

“Uy, congrats ah. . .” Pagkabati ko kay John, bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang saya niya nung niyakap niya ako at kahit masakit, feeling ko masaya na rin ako para sa kanya.

 

“Thank you Zelle, thank you!”

 

Kahit masakit, masaya ako. Kahit hindi niya na nalaman pa ang nararamdaman ko, masaya ako—dahil para saan pa kung malaman niya? Baka magulo lang siya, ganun ko siya kamahal, na gusto ko, maging masaya siya—para sa akin.

 

 

Noong araw din na 'yun, kasama ko si Enzo—weird, di ba? Parang kahapon lang akala ko galit siya pero ngayon, parang wala lang sa kanya ang lahat. Hindi niya iniintindi—at parang nakukunsensya ako.

 

Palabas na kami ng school nang may mapansin akong magandang babae na parang pinagtitinginan ng mga grupo ng lalaki. Pamilyar 'yung babae at nung medyo nakalapit na kami at tumingin sa parte namin 'yung babae, tska siya nagclick sa utak ko.

 

Ex ni Enzo.

 

Tinignan ko si Enzo pero parang wala siyang nakikita hanggang sa nasa tapat na namin 'yung babae pero wala pa rin siyang reaksyon. Tinulak niya ako para makadaan pero napatitig ako doon sa babae at isa lang ang nakikita ko, gusto niya kausapin si Enzo.

 

“Teka lang.” Tinigil ko sa paglalakad si Enzo pero ayaw pa rin niyang mag paawat at hinila pa rin niya ako. “Enzo ano ba, teka lang!”

 

Napatigil siya pero hindi siya lumilingon. Pagtingin ko dun sa ex niya, hala, naiiyak na siya.

 

Naglakad ako papunta sa harap ni Enzo at parang iniiwasan niya 'yung tingin ko. Isa lang ang alam kong solusyon dito—isang napaka lakas na. . . BATOK!

 

“Aray, ano ba?!” Pasigaw niyang reklamo.

 

“Kalalaking mong tao hindi mo harapin 'yang problema mo? Peste ka Enzo, basted ka na!” Sinigaw ko sa kanya. Binalikan ko naman 'yung ex niya na parang naiiyak na nga pero pinipigilan pa rin.

 

“Hi, mag usap na kayo ni Enzo ah?” Nakangiti kong sabi at napangiti naman siya sa akin. Hinila ko siya palapit kay Enzo na kinagulat naman ni Enzo.

 

“Man up!” Huli kong sabi sa kanya. . . at last na sinabi ko sa kanya bago ko nabalitaan.

 

Nagkabalikan na sila ng ex niya.

 

 

“Sorry. . .” Sabi sa akin ni Enzo nung last day of school.

 

“Para saan?” Pagtataka kong tanong.

 

“Kasi mas pinili ko siya kesa sa'yo na sinasabi kong mahal ko.” Tinapik ko naman sa mukha si Enzo at ngumiti.

 

“Okay na ako na pinili mo siya, sakit ka sa ulo eh.” Tska naman niya ako binatukan. “Aray, paksyet ka!”

 

“Salamat ah.” Sabi niya ng nakangiti na kahit hindi applicable sa akin ang taong mahal ako, atleast sa kanya, applicable.

 

 

Sa totoo lang, masaya ako sa naging desisyon ko—na wala akong piliin sa kanilang dalawa. Bakit? Dahil una, napaka kumplikado—kaya nga ayaw sagutin ng mga kaibigan ko 'yun dahil mahirap magdecide. Pangalawa, sakit sa ulo at puso. Hindi ko kasi kayang magmahal tapos sobrang masasaktan ako at hindi ko kayang gumamit ng ibang tao para lang sa pansariling kapakanan ko at pangatlo, wala, trip ko lang.

Pero iba ang sa akin, iba rin ang sa ibang tao.

Iba-iba tayo ng buhay lalo na ng lovelife at sa lovelife ko, hindi magandang desisyon ang pumili sa kanilang dalawa pero kung sa example kay John, tama ang pagpili niya ng taong mahal niya dahil sinuklian siya nito at kay Enzo na taong mahal siya dahil mahal din naman niya 'yung nagmamahal sa kanya.

Iba-iba ang desisyon pero sa isa lang siya nag end up. . .

At kung ako ang tatanungin kung anong pipiliin ko?

“Ay, sorry Miss!”

Gusto ko ng taong pakikiligin ako tulad ng pagpapakilig ko sa kanya.

Medyo napatigil ako sa paglalakad. . . hindi ako nabunggo pero may isang lalaki na nakabunggo sa isang babae sa harap ko kaya napatigil ako dahil baka masama ako sa force na 'yun. Naglakad na 'yung lalaki at nung magkakasalubong na kami. . . nahulog na ang pwedeng mahulog sa akin.

Ang gwapo ni kuya.

Gusto ko, 'yung taong aalagaan ako at the same time ay aalagaan ko.

Napatingin siya sa akin at napansin kong parang nanlaki sandali ang mga mata niya tapos ngumiti siya sa akin at nilagpasan na ako—na parang, nagmamadali siya? Napatigil ako sa paglalakad at tinitignan siya. Naalarma naman ako dahil may nahulog na papel na galing sa kanya.

Gusto ko, para kaming magbarkada kung magkulitan pero mag asawa kung magmahalan.

Agad agad ko naman 'yun pinulot, nagtaka pa ako dahil para pala siyang bookmark na plain white lang na hand made pero nakalaminate kaya medyo matigas at bago ko pa siya tawagin, pag tingin ko kay kuya, nakatingin na siya sa akin—kinabahan naman agad ako.

Gusto ko, masaya siya na kasama niya ako at masaya rin ako ng kasama ko rin siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit?

Gusto ko ng lalaking hindi ko pagsisisihan na siya ang pinili ko at hindi rin niya pagsisisihan na ako ang pinili niya.

“Uhm, sa'yo ata—to?” Binigay ko sa kanya 'yung papel at nung ngumiti siya, syet—bakit, bakit ganito nararamdaman ko?!

“Sa'yo 'yan,” nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ginuide niya ako para tignan 'yung kabilang side nung parang book mark at pagkakita ko sa parang 'front' side, nanghina bigla ang tuhod ko.

Hindi ako nagmamadali dahil alam ko, makikita ko rin siya.

May nakasulat na ‘Thank you for the dance’ at drawing ng dalawang tao—isang lalaki na nakamaskara at isang babae na naka off shoulder at may nakapatong na coat na may background na fountain at may sapatos na nakadisplay doon.

May date din na nakasulat doon, dated 2 years ago—nung araw ng prom namin.

Dahil ngayon, alam ko na kung sinong pipiliin ko.

Nakatayo kami ngayon, magkatitigan. Siya, walang maskara at ako, walang make-up.

Hindi sa taong mahal ako na hindi ko mahal.

“Hi,” bati niya sa akin. Napatitig ako sa mukha niya at napangiti nang makita ko ang matagal ko ng hinahanap.

Hindi rin sa taong mahal ko na hindi ako mahal.

Isang lalaki na may dalawang magkalapit na nunal. . . sa may left eye niya.

Lalong lalo ng hindi silang dalawa dahil ang pipiliin ko ay,

  

Nagkakatitigan kami na para bang alam na niya kung anong nasa isip ko.

  

“P-Pwede na ba kita makilala? Ngumiti siya pagkatanong ko at napahigpit ang hawak ko sa parang book mark na galing sa kanya.

Ang taong mahal ko. . . 

“Hi, ako nga pala. . .Ang bilis ng tibok ng puso ko, at hindi ko na namalayan, nahawa na rin ako sa pagngiti niya. Totoo nga, ang gwapo niya kahit walang maskara.

. . . na mahal rin ako.

 

“. . .si Eos.”

~ ~ ~ END ~ ~ ~

"The fate of your heart is your choice and no one else gets a vote" 
— Sarah Dessen

---x
Author's Note:
Sabi ko sa twitter 7 to 9pm ko ito ipopost pero dahil sinungaling ako, 10am pa lang pinost ko na. . . hahahaha badass. Basahin ang nasa multimedia part, naisip nila ang naiisip ko simula pa lang ng story so yeah, sa kanila nakadedicate last two chapter ng JOA before epilogue.

Sa mga nagtatanong kung anong sagot ko o opinyon ko sa tanong sa prologue, ayan na po. . . AT YES, BITIN PO SIYA. Bakit? Kasi kahit hate na hate ko ang mga sequels, trilogy, hundredlogy, part 977, book 4,382 at kung anu-ano pang dugtong dugtong na stories, Just One Answer will have a part 2! Opo, may part 2 po siya PERO hindi ko pa siya gagawin ngayon dahil una, pahinga muna ako kay Zelle dahil may next story akong pagkakaabalahan! Hahahahaha oo, sabik ako gumawa ng story dahil ewan ko rin, parang inspired ako masyado eh!

For the part two of Just One Answer, may tentative title siya na One Last Question (HINDI KO PA SURE ANG KORNI KASI HAHAHAHA) at syempre, si Zelle pa rin ang ating bida! Alamin kung sino ang love team niya dun! (HAHAHAHAHAHA LAM MO NA, KAKAIBA AKO MAG ISIP HAHAHA CHORVA LANG) Pero depende pa rin ang part 2 kasi baka gawin ko na lang ito as is at iwan sa inyo ang magiging ending, ewan. . . depende sa mood ko. :D

Kung ano ang ikinatawa niyo sa story na ito dahil kay Zelle, ewan ko lang kung matawa pa kayo sa susunod na story ko na That Twisted Love Story na pinagbibidahan ni (secret). Alamin niyo na lang ang kwento at basahin ang TTLS, CLICK EXTERNAL LINK!

THANK YOU PO FOR READING AND GOD BLESS US ALL! ♥ ♥ ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top