Ch8: Crush life
NAKITA KO NA NAMAN SIYA!!
Pero alam mo 'yung badtrip? Yung nakita ko nga siya, nagkatinginan nga kami pero may kasama akong lalaki. Badtrip di ba? Badtrip!
“Agh, nakakainis!” Nagpapapadyak padyak pa ako habang naglalakad papunta sa next class namin ni Enzo. Nakakabadtrip kasi talaga! Feeling ko iniisip ni John na may something sa amin ni Enzo kaya parang wala lang ako sa kanya eh.
Huhuhuhu, no John! I can explain!
“Ano ba kasi nangyari?” Pansin kong parang nababadtrip na sa inaakto ko si Enzo pero nababadtrip din ako sa kanya! Lagi kasing nakadikit! Hmp.
“Eh nakita ko 'yung crush ko!” Nanlaki naman 'yung mata niya sa sinabi ko.
“May crush ka? Sino?!” Parang tuwang tuwa pa siya na malaman na may crush nga ako pero aaghhh, kabadtrip.
“Secret! Pero nakakainis kasi nung nakita ko siya kasama kita, baka akala niya...” Nakasimangot akong tumingin sa kanya at feeling ko, ansama ng tingin niya sa akin.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at hilahin.
“Tara, nasaan ba crush mo at samahan kita iexplain sa kanya ang lahat!”
Tawa naman ako nang tawa sa nireact niya. Pwede pwede! Magandang idea Enzo! Pero sa ngayon, ako muna ang makakaalam kung sino ang crush ko. Nakakahiya kasing lumaganap—tapos baka malaman niya.
Wasak ang crush life ko nun.
Hindi ko sure kung nagdeday dream ba ako buong klase pero nagulat na lang ako, uwian na pala namin. Agad agad akong umuwi ng bahay at excited na nag online sa lahat ng social networking sites ko.
Syempre, nagbukas ako ng facebook at para akong sasabog nang may nakita akong may isang friend request.
OMAYGAHD, JOHN, IKAW NA BA TO!?
Pagtingin ko kung sino 'yung nag add...
...tumigil ang buong mundo ko...
...AT ANG SARAP IBALIBAG NG COMPUTER!!
Aaaaghhh, hindi pa din si John!!! Huhuhuhu John naman eh, kailan mo ba ako iaadd sa facebook?! Bakit ka ba ganyan? Huhuhuhu.
Binuksan ko naman 'yung bookmarks ko at clinick ang facebook profile na may pangalan na John Tan. Ah yes, nalaman ko ang facebook niya pero hindi ko siya magawang iaadd dahil nga hindi kami magkakilala at hindi ko gawain ang mag add sa facebook.
Hay nako John, bakit ba kasi nakaprivate ka? Pastalk naman oh, kahit isang beses lang! *insert puppy eyes here*
To sum it all up, halos ganito na ang nangyayari sa akin every single day. Kapag nag oonline ako, lagi kong ineexpect na ang magfefriend request sa akin ay si John which is posibleng imposible. Sa school naman, minsan ko na lang siya makita pero kapag nakikita ko naman siya, LAGI KONG KAMASA SI ENZO.
Wala na, baka isipin na talaga niya wala na siyang pag asa sa akin </3
Nakakalungkot.
At nakakalungkot talaga kasi matatapos na ang term namin ngayon pero, hindi ko pa din siya nakikita. Huhuhuhuhu. 3 weeks ko na siyang hindi nakikita, kamusta naman 'yon?
Nagpapamiss lang? Effective eh.
One time nga nagstatus ako sa facebook dahil depress depress-an ako sa pagpapamiss ni John sa akin, ang sabi ko:
“Ngayong crush na kita, tska ka hindi nagpapakita? Ano ba.. huhuhu“
Tapos may epal na nagcomment ng:
“bHakHa nAtaTakYotT sAyOuE K3iYa t!n4t4gUaN qCk4”
Hindi ko nga sure kung saan ba ako mababadtrip eh, dahil ba sa:
a.) message niya
b.) pakikiepal niya
c.) pahirapang pag intindi ko sa comment niya
d.) lahat
Pero, baka nga totoo? NATATAKOT SA AKIN SI JOHN?! HUHUHU.
Weh Zelle, nababaliw lang? Nababaliw?
Nakakainis lang kasi 1 week na lang, term break na namin at hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakikita. Para bang pinagkaitan na ako ng view. Ang nakakaewan pa dito, siya na lagi kong hinahanap.
I mean, marami akong crush sa school dahil gwapo ganito ganyan pero si John, hindi naman siya ganoon kagwapo at hindi rin siya masasabing heart throb pero ang lakas lang talaga ng dating niya sa akin.
I mean, hindi sa malakas ang dating niya pero iba ang impact niya sa akin.
I mean...
PURO NA LANG AKO I MEAN! Kainis. Nababaliw na ako. Huhuhuhuhu.
So ayun nga, nasa cafeteria lang kami ni Enzo habang naghihintay ng oras. Naglalaptop lang ako habang si Enzo naman, natutulog sa tabi ko. Sabog kasi ata siya, hindi ko sure pero basta antok na antok siya kaya ako, pafacebook facebook na lang.
Pagtingin ko sa may entrance, medyo nawala ang pagkabadtrip ko at feeling ko napangiti ako ng wala sa oras dahil pinagbigyan ako ni God ngayong araw.
Nakita ko siya.
Hindi siya nakatingin sa akin kaya iniwas ko agad 'yung tingin ko. Hindi ko ata makaayang makipag tinginan sa kanya ngayon dahil baka sumabog ako sa kilig, sa kaba at sa... gutom. Hahaha pero ewan, nakangiti lang ako kahit na pinipigilan ko naman kaya kunwari may nakakatuwa na lang sa facebook.
After ilang minutes, tulog pa din si Enzo at nagulat na lang ako dahil bigla kong nakita ang repleksyon ni John sa screen ng laptop. Nanlaki pa ang mga mata ko at feeling ko, sasabog na naman ako sa kaba.
Bakit? Bakit siya nandyan?
Umupo siya sa likod mismo ng upuang inuupuan ko. Kitang kita ko siya sa screen ng laptop at para naman akong ewan na tinitignan siya mula sa screen.
ANONG GINAGAWA NIYA D'YAN?!
OMAYGAHD NAGPAPAPANSIN BA SIYA SA AKIN!? Hahahaha kapal ko, kainis.
Tinitignan ko siya mula sa screen at nakakapagtaka dahil wala naman siyang ginagawa. Nakatingin lang siya sa may bintana pero wala namang makikita doon dahil may building din sa kabila. Wala, nakatingin lang siya sa kawalan.
Tinignan ko naman ang tenga niya sa repleksyon pero wala akong nakikitang ear phones. As in, walang kahit na anong bakas na pwede niyang gawin habang hinihintay. Ni hindi nga siya nagtetext eh, so anong ginagawa niya d'yan at nakaupo siya d'yan?
At bakit sa may likod ko pa?!
BAKIT?!
ANG PAPANSIN MO TALAGA KAHIT KELAN!
Pero after ilang minutes, nagulat na lang ako ng tumayo siya pero mas ikinagulat ko nung makita ko sa screen ng laptop ang repleksyon niya na...
...papalapit sa akin.
---x
Author's Note:
Thank you sa pagbabasa, sa pagkocomment. THANK YOU PO. Dedicated this chapter to binibining_batgirl sa pagsagot sa tanong sa prologue. Thanks :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top